LOGIN“Wait, Aelice! Where are you going?!”
Napalingon ako sa limang lalaking humahabol sa’kin, kasama na si Alexus, na baliw na baliw kay Aelice na hindi ko naman alam kung saang lupalop ng mundo hahanapin. Nang dahil sa babaeng ‘yon hinahabol ako ng mga taong hindi ko naman kilala, at ayaw na ako tigilan.
Pagkatapos kong magsalita kanina sa engagement party ay nakahanap ako ng pagkakataong makatakas. Pero natunugan nila ang ginawa ko kaya ngayon hinahabol nila ako. Nagmumukha tuloy akong wanted sa ginagawa nila. Ano ba kasing mayroon kay Aelice at ulol na ulol siya sa babaeng ‘yon? At bakit ako ang pinagkamalan nila?
“Aelice, don’t leave me again!”
“Neknek mo! Hanapin mo ang orig mong Aelice! ‘Wag ako!” ganti kong sigaw.
Dumaan ako sa eskinita para hindi nila ako masundan. Liko dito, liko roon, hanggang sa hindi ko na marinig ang mga humahabol sa’kin. Siguro naiwala ko sila nang panandalian.
Tumigil ako saglit at sumandal sa pader. Hingal na hingal ako at masakit na ang paa. Pero ayos lang. Ang importante nakatakas ako sa kanila.
“Makauwi na nga bago pa nila ako maabutan.”
Tinahak ko na ang daan pauwi ng apartment na malapit lang din sa kinaroroonan ko. Mabilis akong naglakad dahil sa takot na maabutan nila ako. Ang hirap pa man din makatakas sa kanila. Tapos ipapamukha nila sa’kin na baliw ako dahil sa personality ko. Eh, sila ‘tong baliw na baliw kay Aelice na pinagkamalan na ako. Mukha ba kaming magkamukha? Parang sinasabi nila na may kakambal ako, eh nag-iisang anak lang ako ng nanay ko.
“Ano kasing nangyari sa’yo, Aelice, at bakit gustong-gusto ka nila makuha? Buhay ka pa naman siguro diba?” kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ito ng tootpaste, pagkatapos ay nagsipilyo na.
Hindi na ako nakakain dahil nabusog din ako sa party kanina. Kahit papaano ay nakalibre ako ng hapunan. Matapos kong magsipilyo ay dumiretso na kaagad ako sa kama at nahiga. Masakit pa rin ang mga paa ko kaya kailangan ko talaga magpahinga. Maghahanap pa ako ng bagong trabaho bukas para buhayin ang sarili ko, kaya siguradong mahaba-habang lakad ang gagawin ko bukas. Hindi ako puwede maging tamad dahil ako lang naman ang bumubuhay sa sarili ko. Wala na akong kasama sa buhay kaya wala akong matatakbuhan. Namayapa na rin ang nanay ko at ang tatay ko naman ay hindi ko na nakilala pa at never din kinuwento sa’kin ni nanay. Nagkaroon siguro ng world war III sa pagitan nila kaya hindi ko na siya nakasama sa buhay ko.
“Hay Elize, sana suwertihin ka bukas nang mabawasan naman ang kamalasan mo sa buhay. Kotang-kota ka na ngayong araw. Una, natanggal ka sa trabaho. Pangalawa, pinagtaksilan ng magaling mong boyfriend. Pangatlo, na-kidnap dahil napagkamalang ibang tao."
I wrapped myself in a blanket and buried my face on my pillow. Inaantok na ako kakaisip ng problema ko at ng mga solusyon. For once, gusto ko itong takasan. Pero, hinahabol ako ng katotohanan. Kaya kailangan ko itong tapusin o ito ang tatapos sa’kin.
“Maybe tomorrow will bring a good news,” sabi ko at unti-unting pinikit ang mga mata, sinusubukang magpadala sa himig ng antok para kahit papaano ay makatakas manlang saglit sa realidad ng buhay.
—
“Guevarra! Guevarra! Lumabas ka nga muna!”
Naalimpungatan ako sa malakas na sigaw sa labas na sinundan ng malalakas na kalabog. Kumunot ang noo ko at napahikab. Umagang-umaga binubulabog ako. Wala pa ako sa wisyo ko kaya tumayo lang ako at dumiretso sa pintuan para pagbuksan ang nanggugulo sa labas.
“Guevarra! Kanina pa ako tumatawag sa’yo? Ba’t ang tagal mo akong pagbuksan? Pinagtataguan mo ako ‘no? Para makaiwas sa utang mong due date na ngayon! Kailan ka pa magbabayad? O, may balak ka ba talagang bayaran ang upa mo sa apartment ko?”
Napapikit ako dahil sa boses niyang katulad ng inahin na ang ingay kapag nangitlog, masakit sa tenga. Kahit kailan hindi siya nawala sa mga pet peeve ko. Kaunti na lang talaga ay makakatikim siya sa’kin. Maganda ba na mambulabog siya ng taong natutulog pa?
“Anong petsa na? Bente y syete na, iha. May balak ka pa bang bayaran ako?”
Kaaagad kong minulat ang mga mata ko at bored siyang tiningnan. Napahilot na lang ako ng sentido ko. Wala akong pera ngayon dahil ang huli kong sahod ay ibinayad ko ang kalahati sa loan ko. ‘Yong natira sa pera ko ay ginastos ko sa supplies ko sa apartment. Hindi ko naman nakuha ang sahod ko kay Reigna at ‘yong f*e sa pagtanggal sa’kin. Hindi rin ako sigurado kung makakabalik pa ako roon.
“Mrs. Santos, puwede bang sa next month na lang ulit? Natanggal kasi ako sa trabaho ko kaya naghahanap ulit ako ngayon,” kalmado kong sabi kahit na nagtitimpi na akong patulan siya. Konti na lang talaga, konti na lang.
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Elize. Baka hindi mo na nga mabayaran ang utang mo. Iha, 12, 000 na ang utang mo sa’kin. Paano mo ‘yon mababayaran kung naghahanap ka pa ngayon ng trabaho?”
“Kaya nga po naghahanap ng trabaho para mabayaran ka, Mrs. Santos,” sagot ko dahilan para lalong uminit ang ulo niya.
May mali ba sa sinabi ko?
“Aba't… mag-impake ka na nga dahil may titira na rito.”
Napakunot noo ako sa narinig ko. Kilala ko si Mrs. Santos, gagawin niya ang lahat kahit may naaapakan siyang ibang tao. Saan kaya nagtago ang hiya niya? O, mayroon nga ba siyang gano'n. Bakit kailangan pa niyang gumawa ng ibang dahilan para mapaalis ako?
“Wow, ang galing niyo naman, Mrs. Santos. Ginawa mo pang alibi ‘yong utang ko para paalisin ako rito,” komento ko.
Umiwas siya ng tingin kaya natawa ako. Guilty din siya.
“Huwag kang mag-aalala, Mrs. Santos. Aalis ako pero puwede ba bigyan mo ako ng panahon para makahanap ng malilipatan ko?”
Tumingin siya sa’kin na parang sinusuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nanatiling nakataas ang kilay niya at nakanguso ang bibig. Nagmukha siyang batang inaway ng kalaro.
“Sige, bibigyan kita ng tatlong araw. Tatlong araw, Guevarra. Kapag hindi ka tumupad sa usapan, ipapatawag kita sa baranggay,” banta niya sa’kin at umalis.
Napasandal na lang ako sa pinto habang sinusundan siya ng tingin papalayo. She's rude to her tenants. ‘Buti at natitiis pa nila ang ugali niya. Kung sa ibang lugar siya, baka nawalan na siya ng tenants.
“I really need to get a job or Mrs. Santos will humiliate me.”
Umalis ako sa pagkakasandal sa pintuan at sinara ito. Dumiretso ako ng banyo para maligo na. Kailangan kong agahan ang paghahanap ng trabaho at ng bagong apartment. Siguro ito na ang sign na umalis ako sa toxic na lugar na ito. There will be no Mrs. Santos na nambubulabog sa umaga ‘pag nangyari iyon. Magiging peaceful ang buhay ko.
After 30 minutes, lumabas ako ng banyo at pumasok ng kuwarto. Naghanap ako ng formal na damit dahil balak kong mag-apply sa isang company bilang secretary. At least, may experience na ako pagdating sa opisina. Madali na lang ako makakapasok sa kahit anong kumpanya. Sana lang ay kasing amo ng kuneho ang magiging boss ko, pass na sa mala-dragon. Natuto na ako sa mga nangyari.
Matapos kong mag-ayos ay humarap ako sa salamin. Chineck ko ang suot ko kung bagay ba sa’kin at kung professional ba ang dating. Dapat disente ako sa paningin ng mag-i-interview sa’kin.
“Puwede na ‘to.”
Kinuha ko na ang bag ko sa dulo ng kama at sinabit sa braso ko, pagkatapos ay lumabas ng apartment. Hindi pa masyadong mainit sa labas kaya hindi na ako nagdala ng payong. Bawat hakbang ko ay napapatingin sa’kin ang mga taong nakikitira rin sa apartment ni Mrs. Santos. May ilan sa kanilang ngumingiti sa’kin kaya sinusuklian ko rin sila ng ngiti. Mayroon naman seryoso lang na nakatingin sa’kin kaya hindi ko na pinansin. Sa tinagal-tagal ko rito sa apartment, never ko sila nakausap, maliban sa isang ale na minsan kong nakakausap. Nasa unahan ito nakatira at may sariling negosyo. Minsan kapag kinapos ako, sa kaniya ako nangungutang dahil hindi siya katulad ng iba na masama ang ugali.
“O, Eli, pupunta ka ng trabaho?” tanong ng ale habang nagwawalis sa tapat ng tindahan niya.
Nginitian ko na lang siya at lumapit para magmano, may edad na rin kasi siya eh, “Mag-a-apply po.”
“Ah, tinanggal ka ng dragon mong boss?” tanong niya kaya natawa ako.
Minsan ko na kasing nakuwento sa kaniya ang tungkol kay Reigna kaya alam niya kung ano ang pinagdadaanan ko sa kumpanyang iyon.
Tumigil siya sa pagwawalis at itinabi na muna sa gilid ang walis. Tapos ay lumapit sa’kin para hawakan ang kamay ko.
“Alam kong kailangan mo ng trabaho. May kilala ang anak ko. Naghahanap daw ng temporary secretary ang boss nila. Baka gusto mong mag-apply roon.”
Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi nya. Umaga pa lang pero may opportunity nang dumating sa’kin. Why not na i-grab ‘yon diba? Baka swertihin ako ro’n.
“Ano pong pangalan ng kumpanya?” tanong ko na bakas sa tono ang pagiging interesado.
“ALera Circuit.”
—
“ALera Circuit,” basa ko sa pangalan ng kumpanya.
This is insane! Ang pinakasikat at pinaka-successful na company sa buong bansa ay nasa harapan ko na! Aminado akong gusto kong magtrabaho rito dati. Pero hindi ako nag-apply dahil kinakailangan daw ng 5 years experience at napaka-high ng standard. Narinig ko sa news kamakailan lang na bago raw ang President ng Alera. Hindi ko pa na-meet iyon kung sino man. Hindi naman kasi nasundan ang article na ‘yon kaya wala na akong alam kung sino ang bagong President. Pero labas na ako ro’n, ang mahalaga nasa harapan na ako ng Alera. This will be the best day of my life!
“Wait for me, Alera.”
Pumasok ako sa loob at napanganga sa nakita. Ang lawak ng lobby nila. Minimal lang ‘yong design pero ang ganda. Siguro ang owner ng Alera ay mahilig sa minimalist. The walls are painted with a shade of grey, while the pillars are coated with white. Benches in the corner are all black except for the small table that is made of glass. There are also some green plants placed in every corner, making the whole room fresh and natural.
This is great. Ibang-iba sa dati kong pinagtatrabahuhan. Doon mararamdaman mo ang pressure at tension sa bawat sulok ng building. Parang ang hirap huminga roon, lalo na pagpatak ng alas dyes ng umaga. Kahit saan ka magpunta ang bigat sa pakiramdam. Kaya siguro mainitin ang ulo ni Reigna dahil ang workplace mismo ay punong-puno ng negative energy. While Alera, is way different. Parang ang vibrant dito, hindi mo ramdam ang pressure nilang lahat. What more pa kaya kung nasa loob na ikaw mismo ng office nila. Lobby pa lang ‘to pero ibang level na ang dating.
“Miss AG, nakabalik ka na pala?” tanong sa'kin ng guard na ikinanuot noo ko.
Anong pinagsasasabi ng guard na ‘to? Bakit alam niya ang initials ko na EG? At bakit niya ‘yon nasabi eh kakapunta ko pa lang dito? Tiningnan ko lang siya at talagang clueless ako sa nangyayari.
Matangkad siya, malaki ang katawan pero mukha namang mabait, maamo ang mukha eh. Hindi siya nakakatakot at mukha siyang approachable. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang sinabi niya. He’s weird.
“Ah, I'm here to apply.”
“Miss AG?”
“Yes, yes. Where should I go?”
“Wait a second, Miss AG.”
Umalis saglit ang guard at lumapit sa lalaking nasa reception desk. Nag-usap sila ng madaling oras pagkatapos ay lumapit sa'kin ang lalaki. Pansin kong nalilito ‘yong guard.
“What is this all about, Miss AG?”
“Ha? Hindi ba niya sinabi sa’yo na mag-a-apply ako?” tanong ko at tumingin ako sa kanilang dalawa, pabalik-balik, maging ako ay nalilito na rin.
“This is not the right time to play with us.”
“Pero sir, paano ko kayo paglalaruan eh mag-a-apply nga ako.”
Natigilan siya saglit na parang may naalala siya. Maya-maya ay ngumiti siya na parang may na-realize nga siya. Kaya ako naman ang naguluhan. May saltik ba ‘tong lalaking ‘to? A minute ago pinapamukha niya sa’kin na pinagtitripan ko sila. Then ngayon parang binalewala niya rin?
“Please, follow me, Miss AG.”
Magtatanong pa sana ako pero tumalikod na siya. Tiningnan ko ‘yong guard pero tumalikod na rin siya sa’kin at bumalik sa puwesto.
Hayst. I guess susundan ko siya.
Sumunod ako sa kaniya habang ang mga mata ko ay aliw na aliw sa mga nakikita ko. Sobrang nagagandahan ako sa interior design ng building. Kahit ang pinakamaliit na detalye ay hindi pinalampas. Ang swabe! Ano pa bang mae-expect ko, this is Alera after all.
“So, you're —?”
“Elize… Elize Guevarra.”
Napansin kong nag-smirk siya pero pinili ko na lang na balewalain. This woman is also weird. Bakit pakiramdam ko nakikipagplastikan lang siya sa’kin? Like parang may alam siya na hindi ko alam?
“What a coincidence!”
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano kayang ibig niyang sabihin? May nag-apply rin ba na Elize ang pangalan? Kaya ba ganito siya makitungo sa’kin?
“Bakit po?”
“Let's say that the executive secretary has almost the same initials as you,” sabi niya at nilingon ako saglit, “She is AG and her first name sounded like yours.”
Tama ba ako ng pagkakarinig? AG? Pero iyon ang tinawag sa’kin kanina ng guard at ng lalaki ah. Bakit pakiramdam ko may something? Pati itong babaeng nasa harapan ko may something din. But I need to act normally. Mag-a-apply pa naman ako baka bigla akong ma-pressure mamaya sa mga tanong nila.
“Whoa. Is it Amethyst?”
“No.”
“Analise?”
“No. It's shorter.”
“Alice?”
“Oops, you almost hit the line,” sabi niya at umatras para makita ko ang puting pinto, “by the way, good luck to your first day, Elize.”
“First day?”
“Yes, you are hired.”
“Wait, what?”
“No more questions, Elize. You can now enter your office. Monique is waiting inside.”
Iniwan niya ako sa labas ng room na pinipilit sini-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. Bakit ang bilis naman yata? Ni hindi pa ako na-interview. Ganito ba talaga sa Alera? Pero bakit sabi ng iba sobrang hirap daw makapasok sa kumpanyang ito? Something’s not right here.
Nilibot ko na lang ng tingin ang lugar. Sobrang tahimik, ramdam na ramdam ko ang pagiging peaceful dito. Mahahalatang sobrang disiplinado ang mga tao. That's why Alera is the best. Hindi nakaka-pressure ang environment ng mga employee dito.
Maya-maya ay bumukas ang puting pinto at niluwa ang babae na may bitbit na mga documents. Sa palagay ko ay mag-a-apply rin. Pero base sa mukha niya, mukhang hindi siya tinanggap. Hindi kaya strikto sila sa interview?
Sumilip ako sa loob pero kaagad na lumapit ang isa pang babae sa pintuan. She blocked the doorway so that I can't see what's happening inside. Mukha siyang strikto dahil sa attire niya at sa suot niyang salamin. Nagmukha tuloy siyang terror teacher sa high school. Scary…
“AG?”
Kinabahan ako sa tono ng boses niya na pati ang mga daliri ko ay nanginig. Mas malala pa yata ‘to kay Reigna.
“Mag-a-apply po ako, ma’am.”
“What the hell, AG? Pinanggagawa mo? Saan ka ba nagpunta?” tanong niya na parang sinisermunan ako.
Nanatili lang akong nakatayo sa harapan niya na nakakunot ang noo. Masyado na akong naguguluhan. Bakit lahat sila alam na ako si AG?
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. Kaagad niya itong sinagot pero habang may kinakausap siya sa phone ay panay ang sulyap niya sa’kin na parang ako ang pinag-uusapan nila. Lalo akong nag-overthink dahil hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tinginan niya.
“Okay, got it,” sabi niya at pinatay ang tawag, tumingin naman siya sa’kin at bigla na lang ngumiti, “uhm, sorry about that, AG. Halika, pumasok ka sa office mo.”
Ba’t mas lalo siyang naging weird?! Kanina lang ay para siyang boss na sinisermunan ako dahil may nagawa akong mali. Pero ang weird talaga. Ngayon ko lang din na-realize na baka may kamukha na naman ako o kapangalan, gaya no’ng kay Aelice at sa’kin. ‘Wag nilang sabihin na triplets kaming tatlo ni Aelice at ni AG?
Grr… Napailing ako sa naisip ko, para na akong baliw.
Matapos kong pumasok sa office ay may shinare lang sa’kin si Monique na importante. Then after that, umalis din ako ng building dahil naalala kong kailangan ko pala maghanap ng bagong apartment.
“This sucks,” reklamo ko sa sarili at naglakad na lang sa tabi ng kalsada.
Nag-e-enjoy akong naglalakad sa labas ng Alera nang dumaan ang isang mamahaling kotse na nakaagaw ng pansin ko, sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tumigil ito sa tapat ng kumpanya mismo. May bodyguard na bumaba galing sa loob ng kotse at nagbukas ng payong. Pagkatapos ay bumaba ang isang lalaki na matangkad, matipuno ang katawan at napakagwapo kahit naka-shades. Parang nasilaw ako sa liwanag na biglang bumalot sa kaniya. He’s like a character from a mafia movie and he’s the boss. Pero parang familiar siya sa’kin.
“Teka…”
Tinitigan ko nang maigi ang mukha ng lalaki hanggang sa tinanggal nito ang shades kaya nakita ko nang buo ang mukha niya. Halos mapasigaw ako pero tinakpan ko kaagad ang bibig ko.
No way! Anong ginagawa ni Alexus dito? Nasundan niya ba ako? Nalaman ba niyang dito na ako magtatrabaho?
“Alexus is a big stalker…”
Bigla na lang siyang tumingin sa direksyon ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Nakita niya ako! No, no, no. The crazy stalker is about to kidnap me again!
Nakita ko siyang ngumiti at tinuro ako kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumakbo. Damn! Hindi niya talaga ako tatantanan!
“So it’s a date then?”Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pati yata butas ng ilong ko lumaki rin. Paano ba naman nakakagulat ang sinabi niya. Wala naman akong sinabing magde-date talaga kami. Sinabi ko lang iyon para hindi sila matuloy ni Sofia. Kasi naman iba ang pakiramdam ko sa babaeng ‘yon. Feeling ko may gagawin siyang hindi magugustuhan ni Aelice. At bilang clone ni Aelice dapat ko iyong pigilan dahil hindi ko alam kung anong gagawin ng totoong Aelice. Ang creepy pa naman niya sa footage na napanood ko. Hindi siya ‘yong tipo na mahinhin.“Date ka mag-isa? Oo,” sagot ko at ngumiti sa kaniya nang matamis.Anong akala niya sa’kin trial card? Kung gusto niya makipag-date, palabasin na niya si Aelice nang may kasama siya.“Then, I’ll ask Sofia—”“Oo na. Oo na. Pumapayag na ako.”Anak ng pating naman ‘tong lalaki ‘to. Kaya ko nga itinaboy si Sofia ng indirect kasi ayokong magkasama sila tapos aayain niya naman lumabas. Ayos din siya ah. Alam niya kung paano painitin ang ulo ko.
“Tatahimik ka o bubusalan ko ‘yang bibig mo?”Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at sinamaan siya ng tingin. Ang harsh naman niya sa’kin. Parang nagtatanong lang eh. Ba’t siya nagagalit? Eh ‘di totoo nga. Dini-deny pa niya sa’kin.“Alam mo Alexus, bakit hindi mo puntahan si Sofia at itanong kung sino ang nag-hire sa kaniya,” suhestiyon ko na lang dahil mukhang hindi niya naman aaminin ang binibintang ko sa kaniya. “Kung hindi nga ikaw ang nag-hire sa kaniya at ang nag-demote sa’kin.”Nagsalubong ang mga kilay niya na muntik ko nang ikinatawa. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Pero natuwa talaga ako nang makita na nag-iba saglit ang reaksyon ng mukha niya. Lately, napapansin ko rin iyon. Hindi na siya ang dating Alexus na malamig pa sa nyebe ang pakikitungo.“Pinagdududahan mo ba ako, Aelice?” tanong niya na halata sa tono ang pambabanta. Pero sanay na ako sa paganyan niya.“Hmm, hindi ko alam,” painosente kong sagot pagkatapos ay nagkibit-balik
Tatlong araw na ang lumipas nang mangyari ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin ni Alexus. Hindi niya pa rin ako kinakausap. Or, should I say, hindi pa rin kami nagkakausap. Hindi naman ako nagtaka sa nangyayari sa’min ngayon dahil malinaw sa’kin kung ano ang dahilan. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagkaroon ng bagong senior executive assistant. Ni hindi manlang niya ako kinausap na papalitan niya ako.So, anong magiging papel ko ngayon?Tanggal na ba ako sa trabaho ko?Hindi naman sure na ako pa rin ang personal assistant niya. ‘Yong posisyon ko nga sa ALera binawi niya, ‘yong role ko pa kaya sa buhay niya?Baka gusto niya na rin ako palitan at naghanap siya ng bagong papanggap na Aelice.“Aelice, tulala ka na naman diyan. Don’t worry hindi ka pa napapalitan sa puso ni Mr. Alexus. Ikaw pa rin ang papakasalan niya,” puna ni Monique dahil kanina ko pa tinititigan ang bagong SEA.Nakakainis!Hindi pa nga ako inaabot ng isang buwan sa puwesto na iyon. Tapos sa isang igla
“Elize, nakita mo na ‘to?” tanong ni Monique at inabot sa’kin ang tablet niya.Kumunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang timpla ng mukha niya, pero tinanggap ko pa rin ang tablet. And there, naka-open ang isang headline kung saan kitang-kita ang mukha namin nina Alexus at Harkin. Napakuyom ako ng mga kamay dahil nakita ko na naman ang pagmumukha ng manyak na ‘yon. Sinasabi na nga ba at kami magiging laman ng headline. Pero hindi ko inasahan na mali-link sa’min ang walang hiyang ex ni Aelice. Sinadya niya siguro ito para pagpiyestahan kami ng media.“Unexpected ang pagsulpot ni Harkin sa corporate gala ngayon. Hindi na kasi siya basta-basta uma-attend magmula nang maghiwalay sila ni AG.”Eh? Malaki pala ang naging epekto sa kaniya ng paghihiwalay nila ni AG. Sorry to say but he deserved it anyway. Sinong tatagal sa kaniya kung may pagkabastos siya?“Ano pang alam mo tungol sa kaniya, Monique?”Siguro kailangan kong mag-ingat sa lalaking ‘yon. Puwede niya akong sirain
That kiss was nothing.Kahit paulit-ulit na mangyari iyon ay walang ibang meaning ang halik na iyon. He did it on purpose to get everyone’s attention. Malakas ang kutob ko na nandito rin ang mga taong gusto siyang pabagsakin. Kaya iyon ginawa ni Alexus. To piss them off and to show them that he f*cking don’t care about their plan. Believe din ako sa lalaking ‘to. Alam niya kung paano painitin ang mga dugo nila.“Aelice Geronimo, the senior executive assistant of Alexus and his soon-to-be bride,” narinig kong sabi ng boses ng isang lalaki. Hinarap ko ito at sinuri ng tingin. “Anong feeling na maging center ng attention?”Kinunutan ko siya ng noo dahil hindi ko nakikita ang tinutukoy niya o kung ano man ang paki niya sa eksenang ginawa ni Alexus kanina. Base sa physical appearance niya ay may maibubuga naman siya, mukha lang mayabang. Siya ‘yong tipo na kinaiinisan ng mga viewers sa isang short clip. Ngisi pa lang niya at titig ay nakakairita na kaagad.“At sino ka naman?” tanong ko nan
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakahiga kay Alexus habang yakap niya ako. Walang nagsalita ni isa sa amin. Marahil ay gaya ko rin siyang nahihiya o hindi alam kung anong sasabihin. But this hug feels comfortable. Pakiramdam ko parang bumalik ako sa tahanan ko matapos mawala ng mahabang panahon. And it’s weird though.Pero alam kong si Aelice ang nasa isip niya ngayon. Naiintindihan ko siya. Ikaw ba naman makasama ang kamukha ng taong mahal mo, hindi ka ba magiging comfortable? Kaya maiintindihan ko kung iyon ang naiisip niya.“It must be hard for you… pretending not to know what happened to her,” sabi ko habang nilalaro ang mga daliri sa dibdib niya.Sobrang bored na ako sa posisyon ko pero wala manlang siyang balak na pakawalan ako. Alam kong gising pa siya pero nakapikit lang ang mga mata. Sigurado akong pinapakinggan niya ang mga sinasabi ko ngayon.“Hindi ka ba nababahala na baka makita tayo ni Aelice? Malay mo may hidden camera siyang nilagay rito at napapanood niya tayo nga







