GABBY POINT OF VIEW May mga muscle ache ako sa katawan na hindi ko alam kung kanino ko ipapamana. Ang buong braso ko nananakit. Ang mga binti ko parang binugbog ng isang squad ng basketball players. Pero ang pinaka-importante sa lahat, natutunan ko na paano kumapit ng tama sa baril.Hindi siya laruan. Hindi rin siya pang-Instagram lang. Shotgun ang gamit ko ngayon. Mabigat. Malamig. Pero sa kamay ko, pakiramdam ko parang extension ng katawan ko."Again," utos ni Kuya Joel, ang private bodyguard na lihim kong kinontrata. Dating special forces. Tahimik lang. May pilat sa pisngi na parang signature. Hindi masyadong madaldal. Pero kung magturo, klaro. Walang drama.Tumindig ako muli sa shooting range sa loob ng private training facility sa kabilang estate. Hindi ito bahagi ng Velasco mansion kundi isa sa mga lumang properties na hindi masyadong pinupuntahan. Sabi nga nila, kung gusto mong matutong lumaban, lumayo ka muna sa lugar na delikado.Pinasok ko ang bullet sa chamber. Hinigpitan
GABBY POINT OF VIEW Nakita ko agad ang tensyon sa mukha ni Damian mula pa lang sa main gate. Nakatayo siya roon sa veranda ng mansion habang papalapit ang isang itim na luxury car. Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bagyong paparating.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad ang isang lalaking naka-white linen shirt, walang necktie, naka-unbutton ang unang dalawang butones at mukhang bagong balik lang mula sa isang European beach trip. Matangkad, maamo ang ngiti, at may mala-artistang aura na kay tagal ko nang hindi nakita sa bahay na ito.“Kuya,” bati ni Angelo habang lumalapit, dala ang maleta at isang paper bag na mukhang pasalubong. “Still allergic to surprises?”Hindi sumagot si Damian. Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Ako naman, nakatayo sa gilid ng hagdanan, parang audience sa isang soap opera na hindi ko naman sinubaybayan.“Seraphina,” bati ni Angelo nang mapansin niya ako. “Or should I say, the most talked-about woman in Manila’s upper circle?”Umiling ako
GABBY POINT OF VIEW Ang lamig ng conference room kahit tirik ang araw sa labas. Ang mga board members ng Velasco Corporation ay nakaupo sa mahahabang leather chairs, bawat isa ay may hawak na kopya ng merger proposal. Sa harap nila, ako si Seraphina Velasco sa tingin nila. Pero sa loob, ako si Gabby Cruz, isang babaeng hindi sumusuko kahit ubos na ang lakas. At ngayon, ito ang battlefield ko.“Good morning, everyone,” sabi ko habang nilalapag ang makapal na folder sa lamesa. “Let’s begin.”Tahimik ang lahat. Naroon si Mr. Lorenzo, ang chief legal officer. Si Tita Felisa na laging nakasuot ng pearl earrings at amoy pabango ng mga matatapang na donya. At siyempre, si Damian Rafael Velasco, nakaupo sa dulo, tahimik, nakamasid, at mukhang hindi mapakali.“Today we’ll finalize the merger proposal with Dela Merced Holdings,” patuloy ko. “However, I’ve reviewed the current draft and found something… missing.”Nagtinginan ang mga board members. Nagsimulang magbulungan sina Mr. Lorenzo at ang
GABBY POINT OF VIEW Sinimulan ko sa isang simpleng layunin. Gusto ko siyang asarin. Gusto kong guluhin ang tahimik at kontroladong mundo ni Damian Rafael Velasco. Kung palamig siya, ako ang apoy. At kung palaging composed at formal siya, ako ang disruption na hindi niya nakita.Nagsimula ito isang Lunes ng gabi. Pagkatapos ng boardroom chaos at ang biglaang pagsigla ng reputasyon ko bilang “new and improved Seraphina,” nagdesisyon akong gamitin ang mansion bilang susunod kong battlefield.Naglakad ako pababa mula sa kwarto, suot ang isang silk na nightgown na kulay burgundy. Manipis, malambot, at bahagyang lumilitaw ang hita ko kada hakbang. Tinernuhan ko pa ng robe, pero hindi ko rin sinarado. Bahagyang bukas ang dibdib, sapat para makita ang lace detail sa loob.Nagkakape siya sa bar counter ng kitchen, nakasando at pajama pants. Mukhang pagod, pero alerto ang mga mata. Nang marinig niya ang yabag ko sa sahig, agad siyang lumingon.“Late ka na bumaba,” sabi niya, hindi man lang tin
GABBY POINT OF VIEW Tangina. Yun lang talaga ang unang pumasok sa isip ko habang humaharurot ako sa EDSA, gabing-gabi, habang hinahabol ng isang itim na SUV na wala nang ibang gustong gawin kundi patayin ako. Ang lakas ng ulan. Ang lamig ng hangin. Pero ang adrenaline ko? Mas mainit pa sa impyerno.Nasa likod ko pa rin sila. Apat na putok ang narinig ko mula sa direksyon nila. Hindi ko alam kung saan tumama ‘yung bala pero sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang ako na mismo ang baril. Wala akong oras matakot. Hindi puwedeng matakot. Si Aimee ang nasa isip ko. Kung mahuli nila ako, siya ang susunod.Hinigpitan ko ang hawak sa manibela ng motor ko—isang modified na Ducati na minana ko pa kay Manong Elmer noong namatay siya. ‘Di ako sigurado kung tama bang gamitin ko ‘tong motor sa ganitong klaseng habulan, pero tangina, ito lang meron ako. “Wag kang bibitiw sa akin, baby,” bulong ko sa motor ko habang sumisirit ako sa pagitan ng dalawang bus, halos sumayad ang tuhod ko sa semen
GABBY POINT OF VIEW Hindi pa rin ako sanay.Dalawang araw na akong gising sa katawan ni Seraphina Velasco—pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin nag-si-sink in ang lahat. Araw-araw, pagmulat ng mata ko, ang una kong iniisip ay, tangina, nasan ako? At araw-araw din, ang sagot ay nasa impyernong may aircon at chandelier ka, Gabby.Dito sa mansyon na mukhang pinaglihi sa Versailles, kahit saan ako tumingin, may marble. Parang bawat hakbang ko sa sahig, may kasamang warning na bawal madumihan, bawal sumablay, bawal ang katulad mo dito.Ako, na sanay sa kalye, sa motor, sa aspalto, ngayon ay pinapasuot ng lace robe at pinapatimpla ng green tea kada umaga. Leche.Pero mas malala pa ‘yung natutunan ko tungkol sa babaeng dati kong katawan ngayon—si Seraphina.Una kong nalamang pangalan niya ay sa maid. Pero ang mas malalim na istorya, natuklasan ko nang pasimple akong naghalungkat ng drawers habang wala silang bantay. Andaming gamot. Hindi vitamin C o collagen ha. Kundi anti-anxiety, slee
GABBY POINT OF VIEW Hindi ko alam kung sino ang sadistang nagsabi na ang pagiging mayaman ay puro kaartehan, kaseksihan, at walang problema sa buhay. Kung sino man 'yon, gusto ko siyang ikulong sa silk na dress na hindi makahinga, tadtarin ng high heels na parang torture device, at ibato sa gitna ng ballroom kung saan lahat ng tao ay sanay manghusga kahit walang alam.Ganyan ang naramdaman ko ngayong gabi.Gala. Charity event. Social climbing circus. Tawagin mo kung anong gusto mong itawag—para sa’kin, isa lang ‘tong patibong para sa mga tulad ni Seraphina.Sinusuot ko ngayon ang isang emerald green gown na pinilit kong isuot kahit gusto kong mag-leather jacket at boots. “Required daw ang elegance,” sabi ng stylist na halos maiyak nang ikabit ang hikaw sa'kin habang naka-straggle ako sa sofa, walang pakialam.Hindi ako marunong maglakad sa takong. Pero alam mo kung anong meron ako? Grit. At galit. Magandang combo 'yan para hindi matumba sa social event ng mga elitista.Pagdating sa e
GABBY POINT OF VIEW Pag-uwi ko mula sa charity gala, hindi pa rin ako makapaniwala na nairaos ko 'yon nang hindi sinuntok si Bianca sa mukha o hinubad ang takong ko at itinapon sa chandelier. Achievement unlocked. Pero habang nakasandal ako sa leather seats ng mamahaling sasakyan, ramdam kong hindi pa tapos ang drama.Tahimik ang driver. Hindi siya nagtanong. Hindi ako nagsalita. Pero sa likod ng utak ko, may nag-aabang. Parang bagyong paparating. At hindi ako nagkamali.Pagkapasok ko sa mansion—hindi bahay, mansion—'yung tipong may apat na chandelier sa isang hallway pa lang, agad akong sinalubong ng malamig na katahimikan. Wala ni isang maid sa paligid. Walang staff na karaniwang nagtatago sa gilid para batiin si “Mrs. Velasco.” Medyo creepy, parang horror movie na posh ang budget.Tuloy-tuloy lang ako paakyat sa kwarto. Bitbit ang heels ko sa isang kamay, at 'yung kontratang gusto kong gawing panggatong sa kabila. Pero pagdating ko sa landing ng grand staircase, andun siya.Damian
GABBY POINT OF VIEW Sinimulan ko sa isang simpleng layunin. Gusto ko siyang asarin. Gusto kong guluhin ang tahimik at kontroladong mundo ni Damian Rafael Velasco. Kung palamig siya, ako ang apoy. At kung palaging composed at formal siya, ako ang disruption na hindi niya nakita.Nagsimula ito isang Lunes ng gabi. Pagkatapos ng boardroom chaos at ang biglaang pagsigla ng reputasyon ko bilang “new and improved Seraphina,” nagdesisyon akong gamitin ang mansion bilang susunod kong battlefield.Naglakad ako pababa mula sa kwarto, suot ang isang silk na nightgown na kulay burgundy. Manipis, malambot, at bahagyang lumilitaw ang hita ko kada hakbang. Tinernuhan ko pa ng robe, pero hindi ko rin sinarado. Bahagyang bukas ang dibdib, sapat para makita ang lace detail sa loob.Nagkakape siya sa bar counter ng kitchen, nakasando at pajama pants. Mukhang pagod, pero alerto ang mga mata. Nang marinig niya ang yabag ko sa sahig, agad siyang lumingon.“Late ka na bumaba,” sabi niya, hindi man lang tin
GABBY POINT OF VIEW Ang lamig ng conference room kahit tirik ang araw sa labas. Ang mga board members ng Velasco Corporation ay nakaupo sa mahahabang leather chairs, bawat isa ay may hawak na kopya ng merger proposal. Sa harap nila, ako si Seraphina Velasco sa tingin nila. Pero sa loob, ako si Gabby Cruz, isang babaeng hindi sumusuko kahit ubos na ang lakas. At ngayon, ito ang battlefield ko.“Good morning, everyone,” sabi ko habang nilalapag ang makapal na folder sa lamesa. “Let’s begin.”Tahimik ang lahat. Naroon si Mr. Lorenzo, ang chief legal officer. Si Tita Felisa na laging nakasuot ng pearl earrings at amoy pabango ng mga matatapang na donya. At siyempre, si Damian Rafael Velasco, nakaupo sa dulo, tahimik, nakamasid, at mukhang hindi mapakali.“Today we’ll finalize the merger proposal with Dela Merced Holdings,” patuloy ko. “However, I’ve reviewed the current draft and found something… missing.”Nagtinginan ang mga board members. Nagsimulang magbulungan sina Mr. Lorenzo at ang
GABBY POINT OF VIEW Nakita ko agad ang tensyon sa mukha ni Damian mula pa lang sa main gate. Nakatayo siya roon sa veranda ng mansion habang papalapit ang isang itim na luxury car. Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bagyong paparating.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad ang isang lalaking naka-white linen shirt, walang necktie, naka-unbutton ang unang dalawang butones at mukhang bagong balik lang mula sa isang European beach trip. Matangkad, maamo ang ngiti, at may mala-artistang aura na kay tagal ko nang hindi nakita sa bahay na ito.“Kuya,” bati ni Angelo habang lumalapit, dala ang maleta at isang paper bag na mukhang pasalubong. “Still allergic to surprises?”Hindi sumagot si Damian. Tinignan lang niya ito mula ulo hanggang paa. Ako naman, nakatayo sa gilid ng hagdanan, parang audience sa isang soap opera na hindi ko naman sinubaybayan.“Seraphina,” bati ni Angelo nang mapansin niya ako. “Or should I say, the most talked-about woman in Manila’s upper circle?”Umiling ako
GABBY POINT OF VIEW May mga muscle ache ako sa katawan na hindi ko alam kung kanino ko ipapamana. Ang buong braso ko nananakit. Ang mga binti ko parang binugbog ng isang squad ng basketball players. Pero ang pinaka-importante sa lahat, natutunan ko na paano kumapit ng tama sa baril.Hindi siya laruan. Hindi rin siya pang-Instagram lang. Shotgun ang gamit ko ngayon. Mabigat. Malamig. Pero sa kamay ko, pakiramdam ko parang extension ng katawan ko."Again," utos ni Kuya Joel, ang private bodyguard na lihim kong kinontrata. Dating special forces. Tahimik lang. May pilat sa pisngi na parang signature. Hindi masyadong madaldal. Pero kung magturo, klaro. Walang drama.Tumindig ako muli sa shooting range sa loob ng private training facility sa kabilang estate. Hindi ito bahagi ng Velasco mansion kundi isa sa mga lumang properties na hindi masyadong pinupuntahan. Sabi nga nila, kung gusto mong matutong lumaban, lumayo ka muna sa lugar na delikado.Pinasok ko ang bullet sa chamber. Hinigpitan
GABBY POINT OF VIEW Wala na akong gana kumain. Kahit gaano pa karaming putahe ang nakahain sa mamahaling dining table ng Velasco Mansion, para sa akin, lahat ito may halong lason. L literal. Hindi metaphorical. Hindi chika lang. Lason talaga.Nagsimula ang kutob ko dalawang linggo na ang nakalipas. Bawat gabi, pagkakain, sumasakit ang tiyan ko. Hindi basta kabag lang. Yung tipo ng sakit na parang may kutsilyong hinihiwa ang bituka mo sa loob habang sinusunog ng apoy. Akala ko noong una dahil lang sa stress. Kasi nga, Gabby ako sa loob ng katawan ni Seraphina, at ang dami kong kailangang saluhin. Damian. Bianca. Mga kalokohan sa business. Lahat. Pero noong may araw na hindi ako kumain sa bahay at bigla akong gumaan ang pakiramdam, doon ko napatunayan. May lason sa pagkain.Hindi ako nagpakita ng kahit anong kahina-hinala. Tahimik lang akong nag-obserba. Isa-isa kong tinandaan kung sino ang mga naghahain, kung sino ang naglalapit ng plato, at kung sino ang laging malapit sa baso ko ng
GABBY POINT OF VIEW Nandiyan na siya. Si Bianca, ang kabit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya para magbalik sa buhay namin. Akala ko ba tapos na siya? Akala ko ba nag-move on na siya sa buhay ni Damian? Pero ngayon, nandiyan siya sa harap ko, nakatayo sa harap ng malaking salamin sa sala, at tinitingnan ang sarili niyang reflection na parang may karapatan siyang magyabang.Masyadong maganda si Bianca. Wala akong pakialam. But the problem with her is, she thinks her beauty gives her the power to step all over people. That includes me, Seraphina Velasco—o ngayon, Gabby na nakatago sa katawan niya.Hindi ko akalain na ang babae, na pinili ko dati maging tahimik at passive para lang mapanatili ang status quo, ay magpapanggap na walang nangyari. Akala ko pa nga si Damian, na parang napakatatag ng mga prinsipyo, ay hindi na bibigay kay Bianca. Pero siya, hindi. Hindi ko alam kung anong dahilan, pero isa lang ang malinaw: Gusto niya akong gawing tanga sa sarili kong buhay.Nasa
THIRD PERSON POINT OF VIEW Pagpasok ni Damian Rafael Velasco sa opisina, nakakunot na agad ang noo niya. Hindi pa man siya nakakalapit sa mesa ay tanaw na niya ang makapal na papel na nasa ibabaw nito—at mas kapansin-pansin, may mga *bloody red ink* comments sa bawat gilid ng kontrata.Tahimik siyang lumapit, kinuha ang dokumento, at pinasadahan ng mata ang mga komentong mukhang sinulat gamit ang galit at caffeine.Too vague. Pwede bang i-specify ang visitation hours dito? Ayoko ng biglaang ‘surprise visits’ para lang makita kung humihinga pa ko.”“Clarify: Ano bang ibig sabihin ng ‘fulfill wifely duties’? Sex slave ba ko? Ano ‘to, 1950s?”“Change this. ‘Til death do us part’?! Kalma lang. Di ako planong mamatay sa mansion na ‘to. Temporary contract lang ‘to, not a funeral plan.”Muntik nang mabilaukan si Damian. Pinilit niyang hindi mapatawa pero napailing na lang siya.Pagkaangat niya ng tingin, nandoon si Seraphina o sa paningin ng lahat, si Seraphina Velasco, ang tahimik, mahinhi
GABBY POINT OF VIEW Umaga pa lang ay madilim na ang langit. Mabigat ang mga ulap, parang nagpipigil ng iyak. Hindi naman ako sensitive sa ulan pero may kakaiba ngayong araw. Tahimik ang buong mansion, wala si Damian, wala ring staff. Ako lang at ang sarili ko, sa loob ng napakalawak na bahay na parang palasyo pero madalas ay parang kulungan.Kumakain ako ng cereal sa kitchen nang bumuhos ang ulan. Hindi lang ambon, kundi talagang buhos. Yung tipong nagkakandahulog ang mga patak mula sa langit, parang galit, pero may halong lungkot. Napalingon ako sa malalaking salamin na bintana sa likod. Kita ko ang garden, ang damo, ang puting bato sa paligid ng pool, at ang parang walang katapusang ulan.At doon ko naisip.“Bakit hindi?”Tumayo ako. Iniwan ang bowl ng cereal na kalahati pa lang ang bawas. Tumakbo ako paakyat sa kwarto at naghagilap ng simpleng dress. Hindi na ako nagbihis ng pambahay o kahit sports bra. Nagsuot lang ako ng light blue na summer dress na hanggang tuhod, manipis at m
GABBY POINT OF VIEW Araw ng linggo. Tahimik ang buong mansion. Wala si Damian, may business meeting daw kasama ang ilang foreign investors. At dahil ayaw kong mabulok sa kama habang ini-stalk si Bianca online, napagdesisyunan kong gamitin ang gym sa loob ng bahay. Oo, may gym. Complete setup. Air-conditioned, may weights, treadmill, boxing bag, pati juice bar. Pakiramdam mo nasa elite wellness center ka, pero wala kang kasama. Sarap. Pumasok ako suot ang black sports bra at fitted leggings na nakita ko sa cabinet ni Seraphina. Pati mga damit pang-workout niya, sosyal. Lahat branded. Pero ang katawan? Mahinhin. Parang hindi pa nasanay sa bigat ng mundo. “Well, ‘yan ang babaguhin natin ngayon,” bulong ko sa sarili habang pinapatakbo ang treadmill. Unang dalawang minuto? Okay pa. Tatlong minuto? Pawis na. Limang minuto? Tinamaan na ako ng kabuuang pagkahilo. Pero hindi ako tumigil. Pinilit ko ang sarili kong hindi magpaawat. Gabby ako. Walang “ayoko” sa bokabularyo ko. Pagkatap