Home / Romance / The Billionaire's Badass Wife / KABANATA 50: Identity Fractures

Share

KABANATA 50: Identity Fractures

last update Last Updated: 2025-05-17 19:18:55

GABBY POINT OF VIEW

Oo, alam kong ako si Gabby Cruz. Alam ko 'yon sa buto’t laman ko. Sa paraan ng pagtapak ko sa lupa, sa pagbuga ko ng hangin, sa reaksyon ko sa gulo lahat 'yon si Gabby. Barumbado, walang preno, palaban. Pero habang lumilipas ang mga araw sa katawang ‘to sa katawang hindi akin, sa pangalang hindi akin hindi ko maiwasang tanungin: sino na ba talaga ako?

Gabby pa rin ba ako kung ang mundo ay kilala lang ako bilang Seraphina Velasco? Gabby pa rin ba ako kung ibang mukha na ang nasa salamin, ibang boses na ang naririnig ko, ibang alaala na ang unti-unting sumusulpot sa utak ko tuwing nananaginip ako?

Noong isang gabi lang, nanaginip ako na nasa loob ako ng isang ballroom. Nakasuot ako ng pulang gown, hawak kamay si Damian habang umiikot kami sa gitna ng sayawan. Maaliwalas ang mukha niya. Ngumingiti siya, para bang ako lang ang babae sa mundo niya. Tapos bumulong siya sa tainga ko, “You’re safe now, Seraphina.” Pero sa panaginip na ‘yon, hindi ako nagreklamo. Hindi ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 52: The Tattoo

    GABBY POINT OF VIEW Mahirap makatulog sa gabi kapag parang may mga tanong na bumubulabog sa utak mo. Lalo na kung bawat sagot na natutuklasan mo, may kapalit na mas malalim na tanong. Para akong nabubulok sa mga lihim ni Seraphina—o mas tama, mga lihim na naiwan sa katawan niya.Nagising ako bandang alas-tres ng madaling araw. Pawis na pawis, kahit malamig ang aircon. Tumingin ako sa salamin at napansin kong may pula sa likod ng tainga ko—parang may maliit na galos. Noong una, inakala kong na-scratch ko lang sa pagtulog, pero nang sinipat ko sa salamin gamit ang phone cam ko… napalunok ako.May tattoo.Maliit. Itim. Bilog. May parang mata sa gitna at apat na linya sa gilid, parang kidlat. Hindi ko agad na-recognize, pero hindi rin ako nagpakampante. Kilala ko ang pakiramdam ng may naka-ukit sa balat na hindi mo pinili—dahil isa ‘tong marka ng pagkabihag, hindi ng pagpapasya.Tumayo ako, dumiretso sa computer at sinimulan ko ang paghahanap.Tattoo. Symbol. Cult. Eye. Lightning. Victim

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 51: Twin Lies

    GABBY POINT OF VIEW “Seraphina?”Napalingon ako sa boses ng babae sa gilid ng hallway ng Velasco building. Naka-white blazer siya, corporate ang dating, pero may kung anong off sa kilos niya. Parang masyadong rehearsed ang lakad, ang ngiti. May hawak siyang envelope na pilit niyang tinatago sa clutch bag niya.“Seraphina, it’s me… your sister.”Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sa lahat ng kalokohang inaasahan ko sa linggong ‘to—mga board meeting, kalaban sa kumpanya, at si Damian na biglang hot-and-cold—hindi kasama ang isang biglang lumitaw na ‘kapatid.’“Excuse me?” tanong ko, taas kilay, habang pinipilit panatilihin ang compose na inaasahan sa isang Velasco. Pero sa loob-loob ko, pumutok na ang alarm bells.Naglakad siya papalapit, confident, as if inaasahan niyang yayakapin ko siya at iiyak ako sa balikat niya gaya ng mga eksena sa teleserye.“Sister,” ulit niya. “I know this must be confusing. Alam kong hindi mo na ako maalala dahil sa—well, sa accident mo before. But it’s me. Ce

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 50: Identity Fractures

    GABBY POINT OF VIEW Oo, alam kong ako si Gabby Cruz. Alam ko 'yon sa buto’t laman ko. Sa paraan ng pagtapak ko sa lupa, sa pagbuga ko ng hangin, sa reaksyon ko sa gulo lahat 'yon si Gabby. Barumbado, walang preno, palaban. Pero habang lumilipas ang mga araw sa katawang ‘to sa katawang hindi akin, sa pangalang hindi akin hindi ko maiwasang tanungin: sino na ba talaga ako?Gabby pa rin ba ako kung ang mundo ay kilala lang ako bilang Seraphina Velasco? Gabby pa rin ba ako kung ibang mukha na ang nasa salamin, ibang boses na ang naririnig ko, ibang alaala na ang unti-unting sumusulpot sa utak ko tuwing nananaginip ako?Noong isang gabi lang, nanaginip ako na nasa loob ako ng isang ballroom. Nakasuot ako ng pulang gown, hawak kamay si Damian habang umiikot kami sa gitna ng sayawan. Maaliwalas ang mukha niya. Ngumingiti siya, para bang ako lang ang babae sa mundo niya. Tapos bumulong siya sa tainga ko, “You’re safe now, Seraphina.” Pero sa panaginip na ‘yon, hindi ako nagreklamo. Hindi ko

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 49: First Night

    GABBY POINT OF VIEW Galit ako. Galit na galit. Hindi ko na alam kung dahil ba ‘to sa lahat ng nadiskubre ko nitong mga nakaraang araw—yung USB ni Pia, yung lumang larawan ni Damian sa ospital, yung gutom na gutom kong pakiramdam na parang may bahagi akong pilit binubura ng mundong ‘to. O baka dahil sa kanya. Kay Damian. Sa paraan ng pagtitig niya sa akin mula sa kabilang side ng silid na parang gusto niya akong wasakin pero ayaw niyang umamin na gusto niya rin akong buuin. Hindi kami nag-uusap. Pero andun siya, naninigas ang panga, parang nilulunok ang bawat emosyon na ayaw niyang ipakitang nararamdaman niya pa rin.Ako ang unang gumalaw.Lumapit ako, hakbang-hakbang, habang sinusunog ng tingin niya ang bawat pulgada ng katawan ko. Hindi siya umatras. Hindi siya nagsalita. Hanggang sa nasa harapan na niya ako, ilang pulgada lang ang pagitan ng mga labi namin, at ramdam ko ang init ng hininga niyang galit na galit.“Anong problema mo?” tanong ko, halos pabulong pero may tagos sa dibdi

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 48: Pia's Truth

    GABBY POINT OF VIEW Pia.Matagal ko na siyang napapansin. Hindi dahil sa mala-Korean drama niyang ayos sa buhok o sa perpektong latte art na palagi niyang nilalagay sa kape ko — kundi dahil may kung anong lungkot sa mga mata niya na hindi nabubura kahit pa anong ngiti ang ikabit niya sa labi niya.Ngayon, habang nakaupo ako sa sulok ng coffee shop na lagi kong pinupuntahan tuwing gusto kong magpanggap na “normal,” alam kong hindi na sapat ang pagtitig lang sa kanya mula sa mesa. Kailangan ko nang malaman ang totoo."Miss Pia," tawag ko habang pinaglalaruan ang ceramic cup ng kape sa kamay ko. "Libre ka ba? May gusto lang sana akong itanong."Nagulat siya. Halatang hindi niya inaasahan. Minsan ko lang siyang kausapin nang diretso."Ah... opo, Ma’am Seraphina. Sandali lang po ha, ipapaubaya ko lang po muna ‘yung bar sa isa sa mga kasama ko."Maya-maya’y naupo siya sa harap ko, medyo kaba ang kilos, pero kita ko sa mga mata niya na matagal na niyang hinihintay ang sandaling ito."Okay k

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 47: Damian Secret

    GABBY POINT OF VIEW Tahimik ang buong silid habang nakatitig ako sa lumang picture frame na nakuha ko mula sa drawer ni Seraphina. Hindi ko inaasahang may mahuhukay pa akong ganito — isang larawan na mas marami pa yatang sinasabi kaysa sa lahat ng dokumentong na-decrypt ko kahapon.Nasa loob ito ng isang lumang kahon, medyo may alikabok pa. Akala ko mga expired na cheque lang ang laman o lumang mga sulat sa mga business partner. Pero andun siya — si Damian Velasco. Nakaupo sa gilid ng hospital bed, nakayuko, at kitang-kita sa mukha niya ang pagkapira-piraso.Hindi ko na kailangan ng magnifying glass para makita ang pamumugto ng mga mata niya. Pula. Namamaga. At kahit black and white ang litrato, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mukha niya. Tangan-tangan niya ang kamay ng babaeng nakahiga sa kama — si Seraphina. O, well, yung katawan na ginagalawan ko ngayon.Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.Si Damian? Umiiyak?Hindi ‘yon tumutugma sa lalaking kilala ko ngayon. Damian Velasco.

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 46: Hacker File's

    GABBY POINT OF VIEW Grabe. Hindi ko pa rin ma-process na nasa bahay ako ni Seraphina, nasa katawan niya, gamit ang utak ko — or, well, utak ko na nakapako sa katawan ng ibang tao. Parang pelikula lang, ‘di ba? Pero totoo. Ako ‘to. Ako talaga. Pero sa balat ng ibang tao. Sa katawan ng isang babaeng bilyonarya na may mga lihim na hindi ko akalain na dadalhin ako sa isang mundo ng korapsyon, banta, at pagtataksil.Naka-upo ako sa study room ng mansion, harap ang laptop ni Seraphina na may naka-open na encrypted file. Matagal ko nang tinatamad ang ganitong mga bagay — hacker? Ako? Pero pag nasa katawan si Seraphina, automatic na responsibilidad ko ‘to. Kung ano ang gagawin niya, kailangan kong tapusin. Kailangan kong malaman ang totoo.Ulit-ulitin ko ang password, sinubukan kong i-decode yung files. Hindi ito basta-basta. Malakas ang security ng mga files, tapos siyempre, encrypted pa sa mga level na pang-mafia. Alam kong kaya ko ‘to, pero matindi pa rin ang pressure.“Come on, come on…”

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 45: Kiss of Confusion

    GABBY POINT OF VIEW Tahimik sa buong mansion. Parang masyado nang kalmado ang paligid, ‘yung tipong hindi mo alam kung kapayapaan ba ‘yun o senyales ng paparating na gulo. Nasa veranda ako, hawak ang baso ng malamig na tubig habang pinagmamasdan ang mahinang ambon na bumabagsak sa hardin. Maaliwalas pero malamig. Parang siya.Narinig ko ang marahang tunog ng pinto sa likod ko. Hindi na ako lumingon. Alam kong siya ‘yon. Damian. Ilang araw na kaming parang multo sa isa’t isa. Lagi siyang nandiyan, pero hindi ko maramdaman. Lagi akong naroon, pero parang hindi niya ako nakikita.“Hindi ka ba natutulog?” tanong niya. Kalma ang boses pero ramdam ang siksik na pag-aalala sa pagitan ng mga salita niya.“Hindi rin naman ako gising,” sagot ko habang nakatingin pa rin sa ulan. “Nasa pagitan.”Lumapit siya sa tabi ko, dahan-dahang sumandal sa railings. Amoy ko ang pabango niya. Amoy kayamanan, pero may halong pagod. Napatingin ako sa gilid. Ang lakas pa rin ng dating niya. Pero mas malakas na

  • The Billionaire's Badass Wife    KABANATA 44: The Garden Funeral

    GABBY POINT OF VIEW Midnight na. Tahimik ang buong mansyon, ang tanging naririnig ko ay ang mahinang ugong ng hangin at ang huni ng mga kuliglig mula sa likod-bahay. Naka-off na ang lahat ng CCTV sa garden wing. Ako mismo ang nagpaayos ng system sa tech team sa ilalim ng dahilan na kailangan ko ng “privacy.” Hindi sila nagtanong. Dahil ako si Seraphina Velasco, at walang tumatanggi sa gusto ng babaeng ito.Naka-nightdress lang ako, may suot na boots sa ilalim dahil tiyak ko madumi ang lupa. Nasa kamay ko ang lumang diary ni Seraphina. Luma na ang pages, iba na ang amoy. Amoy nostalgia, amoy pagkabata, amoy ng panahong walang halong kalokohan at politika ang mundo niya.Pero hindi na siya ang babaeng ‘yon ngayon. At hindi na rin ako si Gabby Cruz.Kinuha ko ang maliit na pala sa ilalim ng greenhouse shelf at tahimik na lumakad sa pinaka-dulo ng garden. Ito ‘yung parte na hindi na dinadaanan ng staff. May maliit na luma at gumuho nang stone bench, puno ng gumamela at lavender. Dito ko

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status