GABBY POINT OF VIEW
Ang ayoko talaga sa mga fancy dinner na 'to, bukod sa pangit na pagkain at overdose sa wine na lasang mamahaling suka, ay ‘yung sobrang pilit ng mga ngiti ng tao sa paligid. Halata mong lahat may tinatagong galit o chismis pero naka-coat ng sosyal na laugh at isang million-peso na gown. At ngayon, nandito ako sa gitna ng private family dinner ng Velasco clan, suot ang red silk na damit na pinili ni Clara, ang personal stylist na para bang mas kilala pa ang katawan ni Seraphina kaysa sa sarili ko. Masyado akong overdressed para sa ganitong setting, pero sabi ko nga—kung magpapakita ka sa mga kaaway mo, gawin mong mukhang award night ang datingan. Pinipilit kong huwag umikot ang mata ko habang kinikilala ko ang mga mukhang hindi ko maalala. May mga pinsan. May mga tito. May mga tita na hindi tumitigil sa tingin na para bang ine-evaluate kung original pa ba ang ilong ko o retokado na. Sa dulo ng table, naroon si Damian—nakaupo nang tuwid na parang bagong linis na sculpture, expressionless gaya ng dati. Pero kahit kunwari ay wala siyang pakialam, hindi ko pinalampas ang panaka-nakang tingin niya sa akin. Lalo na nang nagsimula akong tumawa ng malakas sa joke ng guest sa tabi ko. Ang guest na 'yon, si Julian Delgado, ay isa sa mga business partners ni Damian. Bata pa, guwapo, at marunong mag-joke. Tipong rich boy na hindi mukhang gusto kang i-own kundi gusto kang i-impress. Kaya syempre, sinakyan ko. Kung gusto ni Damian ng tahimik, paawaing Seraphina, well, mas lalo akong mag-iingay. Hinawakan ni Julian ang wine glass at tinapik ito sa akin. “You’re not like what I expected, Mrs. Velasco. You’re much more… entertaining.” Napangiti ako habang nagmamagandang hawi ng buhok. “Oh? And what exactly were you expecting? A porcelain doll?” “Something like that,” natatawa niyang sagot. “But I guess even roses have thorns, no?” “Darling, this rose has a gun too,” sabi ko sabay kindat. Umalingawngaw ang tawa niya sa mesa, at habang nagtatawanan kami, hindi ko na kinailangan pang lumingon para maramdaman ang titig ni Damian na parang laser beam sa gilid ng mukha ko. Kaya lalo akong tumawa. Mas malakas, mas malandi. Kung ayaw niya sa bagong Seraphina, mas lalong ito ang ipapakita ko sa kanya. “Seraphina,” malamig niyang tawag, at bigla na lang natahimik ang buong mesa. Para bang may biglang nahulog na bomba. Tumingin ako sa kanya, kunwari walang alam. “Yes, love?” lambing kong sagot. “Can I talk to you. Privately.” Napataas ako ng kilay. “Right now? But we’re having fun. Julian here just offered to tell me how he makes his wine taste like heaven.” “Now.” Matigas. Walang espasyo sa tono niya para sa diskusyon. So fine. Tumayo ako nang elegante, tinapik ang balikat ni Julian, at sinundan si Damian palabas ng dining hall at papunta sa isang maliit na hallway. Pagkasarado ng pinto, hindi pa man siya nagsasalita ay sumandal na ako sa pader, nakataas ang isang kilay, parang nag-aabang ng eksena. “Seriously?” singhal niya. “Flirting? With one of my investors? In front of my family?” Nagkibit-balikat ako. “And what? Are you jealous?” Hindi siya sumagot agad. Tinitigan lang niya ako ng matalim, parang gustong butasin ang bungo ko gamit ang mata niya. Pero kita ko ‘yung tension sa panga niya, ‘yung pagkakatikom ng kamao sa gilid. He is trying *so hard* not to lose it. And that only made me smirk. “You told me to behave,” dagdag ko. “I behaved. I sat, I smiled, I even drank your overpriced wine. But I didn’t promise I’d be boring.” “Don’t test me, Seraphina.” “Why not? You’ve tested me for years.” “Stop acting like a child.” “No. Stop acting like you didn’t ignore me for months. Stop pretending like this marriage was ever real before I started giving you a reason to look twice.” Tumigil siya. Tumingin sa akin nang diretso, pero hindi na siya sigurado kung ano'ng nakikita niya. Ako ba talaga ‘to? O isang mas matapang, mas bastos, mas buhay na Seraphina? Naglakad siya palapit. Hindi galit ang hakbang. Mabigat. Kontrolado. Pero ang mga mata niya, parang naghahanap. Tumingin siya sa akin na para bang sa wakas ay nakita niya na may ibang nilalang sa harap niya. “You’re not her,” sabi niya, halos pabulong. “Maybe not,” sagot ko. “But you weren’t much of a husband either.” Nagpakawala siya ng hangin, isang mabigat na buntong-hininga na may halong pagod, galit, at—shit, baka attraction? Bumalik kami sa dining room na tahimik, pero halata mong kanina pa sila nakikinig. Pag-upo ko, binaling ko ulit ang atensyon kay Julian, na halatang curious pero gentleman pa rin. “Sorry about that,” sabi ko. “Apparently, my husband’s allergic to good conversation.” Natawa si Julian, pero bago pa kami makapagpatuloy, biglang tumayo si Damian at binagsak ang wine glass niya sa mesa. Basag. Lahat napalingon. Tumayo rin ako, pero sa loob-loob ko, natawa ako. Aba’t may feelings pala ang lalaki. Naglakad siya palayo sa mesa, hindi na nagpaalam. Napatingin ang buong pamilya sa akin, shocked. At ako? Tumungga ng wine, ngumiti, at tinapik si Julian sa kamay. "Next time, let’s have wine without the chains," sabi ko sa kanya. Pero sa loob-loob ko, hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng utak ko sa eksenang ‘yon. Kung si Seraphina kaya ang nasa control ng katawan niya ngayon, matutuwa ba siya? Ngayon pa lang siya napansin ng lalaking asawa niya. Ilang taon siyang binalewala, ilang gabi siyang umiiyak sa kwarto mag-isa, ilang beses siyang hinarap sa salamin at tinanong kung kulang ba siya. Pero ngayon—ngayon na may Gabby sa likod ng katawan niya—ngayon lang siya pinapansin. Ang ironic, ‘di ba? Kailangan mo pang maging ibang tao para mapansin ka ng taong dapat sa simula pa lang, pinapahalagahan ka na. Napangiti ako habang iniikot ang wine sa baso ko. “Tsk,” bulong ko. “Too little, too late, Mr. Velasco. Ngayon ka lang natutong magselos?” Habang umiikot ang wine sa baso ko, narinig ko ang mababang bulungan mula sa kabilang dulo ng mesa. Hindi na ako nagulat—alam kong may mga sasabihin sila, lalo na’t nag-walkout si Damian na parang batang hindi nakuha ang laruan. Pero ngayong mas lumapit ang dalawang tiyahin ni Damian para sa “chitchat,” doon ko narinig ang totoong kulay ng mga Velasco. “…tingnan mo ‘yang si Seraphina. Kahit anong ayos, mukha pa rin siyang patapon. Puro arte, wala namang substance.” “Eh totoo naman. Pinasok lang ‘yan sa pamilya para sa PR. Kung hindi dahil sa utang na loob ng ama niya kay Don Guillermo, hindi ‘yan mapapansin ni Damian.” “Tsaka parang may sira sa ulo, ‘no? Laging malungkot, laging nagkukulong. Ewan ko ba kung bakit hindi pa dinidispatsa ni Damian ‘yan.” “Sayang ang apelyido. Walang breeding, walang grace. At ngayon, nagfi-flirt sa harap ng investors? Tsk. Kababaeng tao.” Hindi ko na kinailangan pang lumingon. Ramdam kong ako ang pinapatamaan. Ramdam kong si Seraphina ang tinitira. At sa dami ng pinanggalingan kong gulo sa buhay, bihira akong magpakita ng awa. Pero ngayon, habang nilulunok ko ang mapait na alak, may ibang klaseng pait din akong nilulunok—ang pait ng katotohanang ilang taon na palang binubugbog ng ganitong klaseng bulong si Seraphina. Kaya pala laging tahimik. Kaya pala laging takot. Kaya pala palaging nagkukulong. Hindi lang pala si Damian ang may kasalanan. Lahat sila. Lahat ng Velasco. Lahat ng kamag-anak na akala mo may karapatang manghusga. Puro sila plastic. Puro pa-class. Pero sa loob, mas bulok pa sila sa kalsadang dinaanan ko nung hinahabol ako ng mga armadong lalaki. Napalunok ako. Biglang bumigat ang damit na suot ko. Hindi dahil sa tela, kundi sa bigat ng alaala ni Seraphina na ngayon ay ako na ang may dala. At kahit hindi ako siya, kahit wala akong utang na loob sa mga taong ‘to, isa lang ang naging malinaw sa akin sa moment na ‘yon. Hindi siya karapat-dapat sa ganitong trato. Kahit gaano siya kahina noon, kahit gaano siya katahimik, kahit gaano siya katakot sa sarili niyang anino—walang babaeng dapat ginaganyan. At kung walang ibang lalaban para sa kanya—ako ang gagawa nun. Hindi ko alam kung naririnig ba ako ni Seraphina mula sa kung anumang limbo o langit na kinabagsakan ng kaluluwa niya. Pero kung naririnig niya ako, sana alam niya ‘to: Hindi ako papayag na pagtawanan siya ulit. Hindi ako papayag na yurakan siya ng mga Velasco na ‘to. Lalo na’t ako na ang nasa katawan niya. Bumuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa upuan, nilagok ang natitirang wine, at ngumiti ng malamig sa mga tita sa dulo. “Ladies, I hope the dessert’s sweet enough to distract you from your bitterness,” sabi ko sabay lakad palayo—tuwid ang likod, taas noo, at may bagyong bumubuo sa loob ng dibdib ko. Maghanda sila. Ang Seraphina nila dati? Patay na. Ako na ‘to ngayon. At hindi ako marunong magpatawad.GABBY POINT OF VIEW “Handa na po kayo, Ma’am?” tanong ng producer habang inaayos ang microphone sa kwelyo ng blazer ko.Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin—mataas ang cheekbones, matalim ang titig, at nakaayos ang buhok sa isang fierce low bun. Ang dating Seraphina na nanginginig sa harap ng camera? Patay na. Ang babae sa salamin ngayon ay ako—Gabby, sa katawang ‘to, at handang muling kunin ang kapangyarihang matagal nang tinanggal sa kanya.Tumango ako. “Let’s do this.”Lumabas ako sa glass doors ng Velasco main estate, kung saan naghihintay ang ilang press, cameramen, at mga emosyong gustong-gusto kong basagin. Nakasuot ako ng itim na pantsuit na may manipis na pulang lining sa gilid. Suot ko rin ang pulang lipstick na suot ko sa unang baril ko sa dati kong buhay. Symbolic? Maybe. Pero ngayon, ito ang sandata ko.Tahimik ang paligid habang tumayo ako sa podium sa gitna ng malawak na garden ng Velasco estate. May iilang kalmot ng sunog ang isang parte sa likod, galing sa guest
Gabby's Point of ViewTahimik ang buong mansion habang nasa veranda kami ni Damian. Umiihip ang malamig na hangin, pero hindi iyon sapat para pahupain ang init sa dibdib ko. Ilang araw na rin mula nang sunugin ko ang guest house. Ilang gabi na rin akong hindi maayos ang tulog. Lahat ng kilos ko, pakiramdam ko'y binabantayan. Pero ngayon, habang hawak ko ang tasa ng mainit na tsaa, ang kabog ng dibdib ko ay hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa taong nasa harapan ko.“Gabby,” tawag niya. Tahimik ngunit buo ang boses.Tiningnan ko siya. Suot niya ang dark navy suit, ngunit wala siyang tie. Nakabukas ang unang dalawang butones ng polo niya, parang gusto niyang ipakitang hindi siya ngayon ang businessman na kilala ng mundo, kundi ang lalaking nasa harap ng babae na mahal niya.“I want to marry you.”Napasinghap ako. Hindi dahil sa sorpresa, kundi sa paraan ng pagkakabitaw niya ng mga salitang iyon diretso, walang pag-aalinlangan. Parang matagal na niya itong iniisip at ngayon lang nagkaroo
GABBY POINT OF VIEW Kinagat ko ang loob ng pisngi ko habang tinitingnan ang guest house sa gilid ng malaking Velasco estate. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin. Dito, sa guest house na pag-aari ni Doña Velasco ang ina ni Damian, nakatago ang mga dokumento at videos na pilit nilang ginagamit para palabasin akong baliw. Isang buong silid ang punô ng tapes, reports, at falsified therapy sessions na galing kay Cassius. Pati ang mga lumang journal entries ni Seraphina na mali-maling inedit para sirain ako ay nandito rin.At ngayon, kailangan na nitong mawala.Tumayo ako sa gitna ng kwarto. Nasa harap ko ang luma ngunit matibay na kahong metal na puno ng lumang hard drives. Nakalagay ito sa isang estante, may takip na lumang kurtina. Walang alarm system, walang CCTV, at hindi rin pinapansin ng ibang staff ang guest house na ito dahil may paniniwala silang minumulto raw ito.Mag-isa lang ako.Mabuti na lang.Lumapit ako sa bag ko at inilabas ang maliit na boteng may l
GABBY POINT OF VIEW Paglabas ko ng clinic ni Cassius, ramdam ko pa rin ang init ng dugo ko. Mabigat ang bawat hakbang ko. Hindi ko alam kung may CCTV sa labas ng building pero sa ngayon, wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay ang bawat salitang binitawan niya sa loob ang bawat pangmamaliit, pangungutya, at paniniwalang kontrolado pa rin niya ang buhay ko. At doon sa gilid ng kalsada, natanaw ko ang isang mamahaling itim na kotse. Audi. Personalized plate. Kilala ko ‘to ilang beses ko nang nakita sa mga lumang photo folder ni Seraphina. Kotse ni Cassius ‘to. Walang duda. Pati kulay at gasgas sa gilid, tugma. Luminga ako sa paligid. Wala masyadong tao. Tanghali. Mainit. Tahimik. Parang sinadya ng langit na bigyan ako ng pagkakataon. Lumapit ako, kalmado pero may nag-aapoy sa dibdib. Hinawakan ko ang maliit na swiss knife na lagi kong dala. Kay Gabby ‘to. Kay dating ako. Hindi ko ‘to binitawan kahit nasa katawang ito ako. At ngayon, gamit na gamit na ulit. "Let’s see how
GABBY POINT OF VIEW Maaga pa lang ay gising na ako. Mahimbing pa ang tulog ni Damian pero ako’y para bang may apoy na sa dibdib. Hawak ko pa rin ang maliit na external drive na naglalaman ng therapy sessions ni Seraphina. Lahat ng ebidensya. Lahat ng patunay. Lahat ng kasinungalingan na itinanim sa isip ng babaeng minanipula nila. At ngayon, oras na para harapin ang punong demonyo—si Cassius Delgado.Hindi ko sinabi kay Damian. Hindi pa. Alam kong magagalit siya, baka pati mawalan ng kontrol. Pero kailangan ito. Ako ang nasa katawan ni Seraphina. Ako ang kailangang matapos ang labang ‘to. Ako ang dapat kumalaban sa multo ng nakaraan niya.Sinadya kong suotin ang paboritong kulay ni Seraphina—cream na dress na mahaba, may lace sa leeg. Elegant. Mahinhin. Mukhang mahina. Para lalong hindi siya maghinala.Pagdating ko sa clinic ni Cassius, tahimik ang buong lugar. Mamahalin ang loob. Parang hindi ka pumasok sa opisina kundi sa isang luxury suite. May classical music sa background. Amoy
GABBY POINT OF VIEW Habang nag-aayos ako ng mga lumang kahon sa attic, napansin ko ang isang maliit na wooden chest na may balot na telang kulay abo. Halos matabunan na ng alikabok, pero may kakaibang pwersang tila humahatak sa akin papunta rito. Inangat ko ang takip at bumungad sa akin ang mga lumang journal, larawan, at isang maliit na silver chip na may label na sulat-kamay. Nakalagay lang: “S.E. Confidential.” Agad akong napatigil. Kilala ko na ang handwriting na ‘yon kay Seraphina. Pumasok ang kaba sa dibdib ko. Parang sinisipa ng malakas ang puso ko habang dahan-dahan kong kinabit ang chip sa tablet ni Damian nang hindi niya alam. Isang secured folder ang bumungad. Walang pangalan ng file kundi mga date stamp lang, pero malinaw na audio recordings ang laman. Nang i-play ko ang una, halos hindi ako makahinga."Session One. Seraphina Elizalde. Patient exhibits symptoms of dissociation and learned helplessness," sabi ng lalaking boses. Malamig ang tono. Clinical. Walang emosyon. N