Share

Kabanata 3

last update Huling Na-update: 2025-07-23 15:07:33

Dumating ang araw ng Linggo, ang araw kung kailan magaganap ang civil wedding namin ni Mr. Navarro, or Sandro.

Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at hindi ako mapakali.

Tahimik lamang ang umagang iyon. Walang kampana. Walang bulaklak. Walang puting gown o madrama’t romantikong paglakad sa aisle. Wala rin akong pamilya sa paligid. Walang mga luha ng tuwa o yakap ng kasiyahan. Sa halip, tahimik lang ang paligid, gaya ng kasunduang pinasok ko.

Ako lang, si Sandro, isang hukom, at isang babae sa sulok na may hawak ng kamera.

Nakatayo ako sa loob ng isang maliit na conference room sa isang private law office. May mesa sa gitna, upuan sa magkabilang panig, at ilang papeles sa ibabaw. Nakaayos ako—hindi pang-bride, kundi pormal lang: isang puting dress at puting sandal na may maliit na takong, simple pero disente. Nagsuklay ako ng maayos at naglagay ng konting kolorete. Hindi para kay Sandro, kundi para sa sarili kong dignidad.

Nang pumasok siya, hindi ko maiwasang mapatingin.

Si Alessandro Navarro. Laging naka-itim. Laging elegante. Laging parang malayo kahit nasa harap mo na. Suot niya ang dark gray na suit, puting polo, at walang tie. Malinis at simple. Pero may bigat ang presensya niya—parang may laging bumabalot na aninong hindi maipaliwanag.

"Ready?" tanong niya, mahina ang boses, ngunit ramdam ko ang lamig.

Tumango ako.

Walang salita habang naupo kami sa harap ng hukom. Nagbasa ito ng ilang linyang legal, na halos hindi ko na narinig dahil sa tibok ng dibdib kong sunod-sunod.

"Do you, Lorraine Sarmiento, of legal age, freely and without reservation, take Alessandro Navarro to be your lawful husband—"

“Opo,” agad kong sagot. Mabilis at walang drama.

Parang may sumikip sa dibdib ko nang matapos ko 'yong salita. Hindi dahil kinikilig ako. Hindi rin dahil nagdadalawang-isip ako. Pero dahil sa isang iglap, tuluyan nang nabago ang mundo ko.

Sa totoo lang, hindi ito ang klaseng kasal na gusto ko para sa sarili ko. Isa rin akong babae na nangangarap makasal sa isang simbahan. Hindi man gano’n kabongga pero sa taong mahal ko at mahal ako sana.

Ngunit malupit ang buhay. Hindi dahil pinangarap mo ay kailangan nang matupad. Dahil kahit ano’ng gawin ko, kinailangan kong gawin ‘to para sa pamilya ko.

Isang taon lang din naman. Isang taon lang, at pagkatapos ay maiaangat ko na ang pamilya ko sa kahirapan.

"Do you, Alessandro Navarro, take Lorraine Sarmiento to be your lawfully wedded wife?"

Tumahimik siya saglit. Halos ilang segundo bago siya sumagot.

“I do.” Malamig ang tinig niya. Walang emosyon at walang alinlangan.

Pagkatapos ng seremonyas, pumirma kami sa mga papeles. Ibinigay ng hukom ang mga kopya namin. At pagkatapos ng ilang kuha ng larawan, natapos na ang lahat.

Wala man lang "you may now kiss the bride." At mas lalo kong naramdaman ang bigat ng salitang asawa.

Sa sasakyan, magkatabi kami sa likod ng itim na SUV. Tahimik lamang si Sandro habang tumitingin sa bintana. Ako naman, panay ang hawak sa envelope na may kopya ng aming kasal. Parang hindi ko pa rin matanggap. Parang isang panaginip na hindi ko alam kung masama o mabuti.

“Pagdating sa bahay,” aniya sa wakas, “bibigyan kita ng tour. Nandoon na rin ang mga gamit mo.”

Napalingon ako. “Gamit ko?”

“Pinakuha ko sa apartment mo. Nagpadala ako ng tao roon. Lahat ng nasa loob, inilagay na sa guest room. Simula ngayon, doon ka na titira.”

“Hindi mo man lang sinabi,” sabi ko, bahagyang naiinis.

"Kasama sa kontrata. We act as a married couple. Hindi mo kailangang maging totoo sa emosyon, pero kailangang magmukhang totoo sa panlabas."

“Hindi ba dapat may konting konsiderasyon man lang?” tanong ko.

Lumingon siya sa’kin. Ang mga mata niya ay palaging walang maibigay kundi katahimikan.

“I’m sorry, hindi ko sinasadya. Gusto ko lang matapos agad ang mga kailangang ayusin.”

Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang ganitong klaseng buhay. Parang bangungot na mukhang elegante sa labas.

Pagdating sa bahay—o mansyon, kung tutuusin—muli akong namangha. Wala pa rin akong nasasanayang karangyaan. Ang hagdan, marmol. Ang sahig, makintab. Ang mga frame sa dingding, puro art na mukhang milyon ang halaga.

Pinakilala niya ako sa mga maid na naroon at sa mayordoma na si Manang Selya. Mababait naman ang mga ito lalo na ang mayordoma na may katandaan na, mukhang magkaedad lang sila ni nanay. 

Parang nakahinga naman ako ng maluwag dahil do’n.

Pagkatapos ay dinala ako ni Sandro sa isang silid sa second floor. Malaki ito at maaliwalas. Malambot ang kama. May sarili akong banyo at walk-in closet. At nandoon nga ang mga gamit ko, nakalagay na sa mga istante’t drawer.

“Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka,” aniya. “Wala akong inaasahang kahit ano. Pero kung may tanong ka, huwag kang mag-atubiling magsabi.”

“Okay,” sagot ko.

Pero hindi ko masabi sa kan’ya ang totoong tanong na bumabagabag sa akin.

Hanggang kailan ko kakayanin ‘to?

Kinagabihan, hindi ako makatulog.

Nakahiga ako sa malambot na kama, pero hindi mapakali ang katawan ko. Parang may kulang. Parang may sobrang sikip sa dibdib. Kinuha ko ang cellphone ko, binuksan ang gallery, at tiningnan ang huling litrato naming mag-ina.

Ang nanay ko. Umiiyak siya sa tuwa no’ng nalaman niyang may ‘bagong trabaho’ ako na malaki ang sahod. Hindi ko siya sinabihan ng totoo. Hindi ko masabi. Dahil paano ko ipapaliwanag sa kan’ya na ikinasal ako, hindi dahil sa pag-ibig kundi sa kasunduan?

Paano ko sasabihin sa sarili kong hindi ko sinisira ang prinsipyo ko?

Maya-maya, may mahinang katok sa pinto. Tumayo ako at binuksan ito.

Si Sandro.

Nakasando lamang siya at isang gray sweatpants. Sa unang pagkakataon, mukhang tao siya—hindi CEO, hindi misteryosong lalaki, kundi isang simpleng lalaki lang sa dis-oras ng gabi.

“I’m sorry for disturbing you,” aniya. “Naisip ko lang…baka gusto mong magkape?”

Napatingin ako sa tasa sa kamay niya.

“Hindi ako makatulog,” dagdag niya.

Ngumiti ako. Payat at mailap pero totoo.

“Salamat,” sabi ko, at kinuha ang tasa.

“Goodnight, Lorraine.”

Saglit akong napatitig sa kan’ya.

“Goodnight, Sandro.”

Pagkasara ko ng pinto, naupo ako sa kama at nilapag ang tasa sa side table. Tumingin ako sa init na umuusok sa ibabaw ng kape.

Hindi ko alam kung anong klaseng gabi ang susunod sa kasal naming ito. Pero ngayong mag-asawa na kami—kahit sa papel lang—wala na akong ibang p’wedeng gawin kundi panindigan ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 64

    Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 63

    “Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 62

    “‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 61

    Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 60

    Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 59

    Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status