Share

Kabanata 51

last update Last Updated: 2025-08-29 20:54:44

“Lorraine, sama tayo mamaya, ha? May company night out daw, kasama taga ibang department,” ani Yvonne sa akin at napalingon sa pinto ng office ni Sandro.

Nagsalubong naman ang aking mga kilay. “Talaga? ‘Di ko alam ‘yan, ah?”

Marahang humalakhak si Yvonne at nilagay ang dalang tablet sa lamesa ko. “Kanina lang nila pinagplanuhan! Sa isang beer house daw gaganapin, malapit lang naman ‘yon dito kaya sumama ka na! Ito kaya ang first time na may night out simula no’ng na-hire ka,” pangungumbinsi pa nito sa akin.

Napaisip naman ako. Tama nga siya, ni kahit kailan ay hindi pa ako nakasama sa mga gala nila o ‘yong mga night out simula no’ng naging empleyado ako rito. Masiyado rin kasi akong focus bilang executive assistant ni Sandro, at siyempre, bilang asawa rin niya. Hindi rin naman kasi ako sigurado kung papayagan niya ba ako, pero kasama naman si Yvonne, kaya okay lang siguro kung sasama ako ngayom. Magpapaalam na lang ako nang maayos.

Tumango ako kay Yvonne at binigyan siya ng ngiti. “Si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 58

    Pakiramdam ko’y unti-unting nadurog ang lahat ng tiwala at pagmamahal na ipinagkaloob ko sa kan’ya. Hindi ko mahanap ang tamang mga salita na isasagot, at hindi ko na rin mahagilap ang sarili kong boses sa takot na baka mas lalo ko lang palalain ang sitwasyon. Na baka… mas lalo lang akong mamatay sa mga salitang ibabato niya sa akin.Hindi ko inaasahang dadating ang panahon, na ikukumpara niya ako sa dati niyang nobya—ang namatay niyang fiancee. Siya ang pinakahuling tao na inaasahan kong gagawin iyon, dahil sa mga pinapakita niya nitong nagdaang mga araw, dahil sa mga pinaparamdam niya sa akin.Akala ko… akala ko wala na si Celeste sa palabas na ‘to. Akala ko… hindi na mangyayaring masasama pa siya sa kung ano’ng mayroon sa amin ni Sandro.Pero ano ‘to? Bakit… bakit biglang siya na naman ang bida sa storya naming d

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 57

    Nang matapos ang meeting, pinilit kong maging abala ang sarili—nag-aayos ng mga reports, nagre-review ng schedules, at nag-aasikaso ng emails. Pero kahit ano’ng gawin ko, hindi ko maiwasang mamroblema sa nangyari. Alam kong kasalanan ko iyon at ako ang dapat managot, pero si Sandro ang sumalo lahat ng resulta.Hindi ko na alam kung ano ang iisipin pa, dumagdag pa nga ang problemang ‘to sa ginawa ni Miguel sa akin! Bagay na kailangan ko munang isantabi dahil maliban sa hindi pa ako handang harapin siya sa korte, ay dapat ko munang unahin ‘tong problema na ‘to.Lumipas ang oras na tila walang katapusan. Aligaga ako sa lahat ng ginagawa at paulit-ulit na napapalingon sa pinto ni Sandro, pero matapos ang meeting, ni kahit kailan hindi pa siya lumabas sa opisina niya o ‘di kaya ay tawagin ako para i-update siya sa schedule niya ngayong araw.Umuwi ako no’n na puno ang isipan sa takot, kaba, at kagustuhang makausap si Sandro. Alam kong kailangan kong humarap sa kan’ya sa bahay, kailangan ko

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 56

    Pagpasok namin sa conference room, ‘agad kong naramdaman ang bigat ng hangin na pumapaligid sa bawat sulok ng silid. Tahimik lang ang lahat ng mga shareholder na naroon habang sinusundan kami ng tingin simula pa lang pagpasok namin, pero halatang may tensyon nang nag-uumpisang umaaligid sa pagpasok namin ni Sandro.Ang mahahabang mesa na kulay dark mahogany ay puno ng mga shareholders—pamilyar na mga mukha na kadalasan ay nakikita ko lang tuwing quarterly meetings. Pero ngayon, lahat sila ay present. Walang kahit isang bakanteng upuan.Nasa dulo umupo si Sandro, at kahit nasa gilid lang niya ako sa may sulok na bahagi, ramdam ko ang tensyon sa panga niyang nakaigting na kitang-kita ko mula sa kinaroroonan ko, at sa paraan ng pagkuyom ng kan’yang mga daliri sa ibabaw ng mesa.Umupo ako sa gilid, kasama ang ilan

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 55

    Pagkalabas ko pa lang ng elevator sa floor kung saan ang opisina ni Sandro, hawak-hawak ang isang folder, ‘agad akong sinalubong ni Yvonne. Nakakunot ang noo niya at mahigpit ang pagkakapit sa hawak na tablet. Parang kanina pa niya ako hinihintay dumating.“Lorraine,” mahina pero seryosong tawag niya sa akin. “We need to talk.”Kinabahan naman agad ako dahil sa pagiging seryoso niya. Hindi siya ‘yong tipong basta naliligalig nang walang dahilan. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso simula no’ng naging assistant ako ni Sandro.“Ano’ng meron?” tanong ko sa kan’ya, pilit na pinapakalma ang sarili dahil iba ang kutob ko rito.Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “The shareholders called for an urgent meeting. Today. As in ngayong araw mismo.”Natigilan ako sa narinig. Urgent meeting? Hindi iyon pangkaraniwan, ah? At kung shareholders ang nagpatawag ng meeting, ibig sabihin ay may malaking issue, lalo na’t wala iyon sa schedule ni Sandro na pl-in-ot ko kagabi bago matulog.An

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 54 (Trigger Warning: Discussion of Sexual Assault)

    Kinabukasan, maaga akong nagising kahit halos wala naman akong tulog kagabi. Buong gabi, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari, ang mga kamay ni Miguel na walang pahintulot na dumapo sa katawan ko, ang bigat ng hininga niyang amoy alak na hindi ko makalimutan. Gusto ko sanang isipin na bangungot lang lahat, pero paggising ko, ramdam ko pa rin ang hapdi at bigat sa aking dibdib, ang panginginig ng kalamnan ko sa t’wing dumadapo sa aking isipan ang mapangahas na ginawa ni Miguel na sakin.Pinilit kong bumangon at maghanda. Wala akong ganang kumain, ni hindi ko kayang tumingin nang matagal sa salamin, pero pinilit ako ni Sandro kumain. Ayaw ko namang magtaka siya sa kinikilos ko kaya nama’y sinamahan ko na siyang mag-agahan.“Hey, are you okay?” tanong ni Sandro sa akin na kinabasag sa katahimikan sa buong hapagkainan. Tila naalimpungatan ako sa lalim ng iniisip ko at napalingon sa kan’ya. Napakurap ako ng ilang beses bago umawang ang aking bibig ngunit walang ni isang salit

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 53 (Content Warning: Sexual Harassment & Adult Themes)

    “Miguel!” bulalas ko, nagsisimula nang mag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. Sinubukan kong magpumiglas ngunit humigpit lamang ang pagkakahawak niya sa isa kong braso at diniin ako sa pader gamit ang katawan niya, at dahil mas malaki siya sa akin ay walang kahirap-hirap niya iyong nagawa.“Shh, why are you crying? Gusto ko lang makipag-usap sa ‘yo,” bulong niya at nilapit ang mukha sa akin.Pinilit kong umiwas sa pamamagitan ng paglingon sa gilid, pero pilit din niyang sinisilip ang mukha ko kahit saan ako tumingin.“Miguel, please…” Tumingin ako sa kan’ya sabay iling, ramdam na ang rumaragasang mga masasaganang luha sa aking mga mata.“What? Lorraine, don’t act like you don’t like this?” Marahan siyang tumawa at nilapit pa ang kan’yang mukha sa aking leeg na nagpatigas sa akin. Malakas na pagsinghot ang ginawa niya pagkatapos na kinahagulhol ko na.Nag-aalburuto na ang buong sistema ko dahil sa kabang nararamdaman, nagsimula nang mamuo ang malalamig na pawis sa aking noo, at ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status