Posas. Rehas. Rosas.
Ilang araw na ang nakalipas mula nang makulong ako rito sa El Sitio. Mula nang makatungtong ako rito ay araw-araw akong nakatatanggap ng pulang rosas gabi-gabi na aking nakikita sa tapat ng aking selda. "May bisita ka," aniya ng pulis na nakaduty ngayon sa amin at pinosasan ako pagkalabas. "Sinong magnanais na makipag-kita sa akin?" matamlay kong tanong at nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ng aking kasama, "Sumunod ka na lamang." Narating namin ang tanggapan at nakalabas ang isang rosas. "Ikaw si Nineveh Laxamana, nagnakaw ng limang mangga sa bakuran ni Don Rioflorido. Dalawampu't tatlong taong gulang at hindi nakatapos ng pag-aaral, ngunit may matalas na isipan kumapara sa kanyang mga kasing-edad," dire-dretsong sabi ng isang lalaking amoy mayaman. Pormal ang kanyang suot at handang pumirma ng cheque anumang oras. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang singsing nitong pilak pa nga yata. Kumikinang dahil sa repleksiyon ng liwanag. "Ano ang iyong sadya?" pranka kong tanong na siya namang naghatid sa kanya ng aliw. Tiningnan niya ako at lumapit para bumulong "Isa akong bilyonaryo, babae. Maaari kitang ilabas dito," sinamaan ko siya ng tingin at may gana pa siyang iabot sa akin ang rosas, "Hindi ako pumapatol sa matanda," ngumisi ako at hindi pa rin tinanggap ang hawak nito. Tumaas ang dalawang kilay nito at umayos ng upo, "Hindi ako ang makikinabang sa iyo. Ang anak ko," paliwanag niya. "Pakakasalan ko siya?" singhal ko. Nagdilim ang kanyang mukha at ako ay kinabahan, "Gusto niya raw ng anak, hindi asawa. Magpasalamat ka na lamang dahil isa ka sa mga napili ko," dagdag pa niya. "Nagkamali ka ng nilapitan—" "Pwede mong isama ang lola mo sa mansion," napakapit ako sa aking kinauupuan. Si Nanay Bekta. Matagal akong nakipagtitigan sa kaharap ko bago ako nakagawa ng desisyon, "Paano ako nakasisigurong laya na talaga ako?" kailangan kong maging maingat. Iniabot muli niya sa akin ang rosas at tinanggap ko na ito, "Ako si Don Rioflorido. Ang may ari ng punong ninakawan mo," walang akong napala na ibang paliwanag. Ilang araw ang nakalipas, tumupad siya sa usapan. Naligo. Nagbihis. Nag-ayos. Katapat ang tarangkahan ay hawak-hawak ko ang aking mga gamit, kasama ang apat na babaeng kanina pa ako tinitingnan at pinag-uusapan. "N-nandito na pala kayo, pasok," isang bulag at pautal-utal na lalaki ang sumalubong sa amin. Dali-dali ang apat sa pagpasok. Ako naman ay nahuli dahil sa kasama kong matanda. Napakapit sa akin ang bulag at nakita siya ni Lola, "Alalayan mo muna siya, kaya ko na ang aking sarili patungo roon," itinuro niya ang pintong pinasukan ng mga nauna. Kahit labag sa kalooban ko ay sinamahan ko ang lalaking bulag at pinauna ang aking lola para tanaw ko pa rin siya mula sa likod. "K-kaya ko naman—" muntik na siyang madulas sa putik, ngunit naagapan ito dahil sa matinding kapit niya sa akin. Kulang na lang ay mabali ang balikat ko. Nakaputing damit ito, itim na pantalon at sapatos. Mukhang trabahador. Kulot ang buhok at medyo gulo-gulo pa. "Mahusay, Laxamana. Hindi ko alam na kilala mo na pala ang anak ko." Nakasandal sa pinto si Don Rioflorido at humalukipkip. Hindi ako makapaniwalang hawak ko ang anak na sinasabi niya. Isang bulag. Bakit hindi niya naisipang gawan ito ng paraan kung bilyonaryo siya? "A-anong pangalan mo?" tinapik-tapik nito ang kamay ko. Nagkatinginan kami ng kanyang ama at agad ko naman siyang sinagot, "Nueve." Kabilin-bilinan sa akin na hindi ko pwedeng ibulgar ang tunay kong pangalan. Lahat kaming lima na pinapasok niya rito sa kanyang mansion. Sinundan namin ang paglalakad ng aming amo na patungo sa kanyang opisina. Kulong na kulong ito at ikinandado matapos naming makumpleto. Huminga ng malalim si Don Rioflorido at umupo sa kanyang trono, "Sa bawat araw ay ibang benefactor ang dadalo sa anak ko," panimula niya at nagsindi ng tobacco sa aming harapan. "Sa lunes ay si Ilmas Noriega," nilingon niya ang tinukoy na may maikling buhok at malawak ang ngiti. Siguro dahil una siyang tinawag at sa unang araw agad ang kanyang sabak. "Sumunod ay si Solenad Esguerra," ngumisi ang dalagang may kulot na buhok at kolorete sa mukha, "Si Ranine Oliveros ang nakaatas sa miyerkules," dagdag pa niya. "Pakiusap, huwag niyo po akong gawing biyer—" binantaan ni Don Rioflorido ang nagsalitang babae. Siya na lamang at ako ang natitira kaya nakaramdam ng takot. "Si Nineveh Laxamana ang sa biyernes, Hennessy Guinta," pagdidiin ng ginoo kaya natahimik kaming lahat. Hindi naman ako nagulat na dahil hinihiling ko lang na magkasama kami ni Nanay Bekta. "Ang sinumang unang makapagdalang-tao sa inyong lima at makumpirma kong anak ko ang ama ang siyang mananatili rito. Ang mga araw na hindi kayo ang naka-toka ay araw na maninilbihan kayo rito sa mansion bilang katulong," iniabot niya ang isang piraso ng papel. Ilan sa mga ito ay papeles na kailangan namin ng pirma, kasama rin ang mapa ng kanilang mansion. "Wala po bang naka-assign sa sabado at linggo?" tanong ni Ranine. Nagbabakasakaling makahirit pa siya. Napaisip ang matandang mayaman at inilapag saglit ang iniit-it, "Ang anak ko ang bahala kaya humanda na lamang kayo kahit anong oras," walang gana nitong sagot. Nagulat kami sa tunog ng pagbagsak ng kanyang tasa at napatingin sa kanya, "Huwag na huwag ninyong pipilitin ang anak ko sa pakikipagtalik. Diskartehan ninyo kung paano," huling paalala niya at sinenyasan na kaming lumayas sa kanyang silid. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong may bukod ma silid si Nanay Bekta. Kahit na puro basura at marumi ito nang aking pasukin ay nilinis ko kaagad at kinuha ang ekstra kutson sa aking kwarto. Madilim. Tahimik. Malamig. Papasok na ako ng aking silid nang may kumapit sa aking damit sa likod. "Saan ka tutungo?" may dala siyang unan at tungkod na ginagamit upang makapaglakad sa kabila ng kanyang kundisyon. Nasuot ito ng pajamang yayamanin, malambot ang tsinelas na parang pang-hotel, at magulo pa rin ang buhok. Ang kulay tsokolate nitong mata ang nakapagpanlumo sa akin. Maganda ito ngunit hindi naman nakakakita ng iba pang kagandahan. Kayumanggi rin ang kulay ng kanyang balat. Itim ang kanyang buhok. May makapal na kilay at halos kamukha ang kanyang Ama. Nalaglag ang dala nitong mga unan kaya pinulot ko ito. Kinabahan ako dahil baka sumilip ang iba kong kasama. "N-nueve? Maaari bang makitulog sa iyong tabi?" Ngayong gabi, papayag ba akong sumiping sa taong ni pangalan ay hindi ko pa alam?Nineveh's POVHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang pagdating nilang lima ay para bang naging matataas na pader na wala kang matutungtungan upang makaakyat."Nueve, labhan mo nga itong bedsheet na ginamit namin kagabi!" kagigising ko lamang at ito ang bungad sa akin ni Joval. Siya 'yung pang lunes dahil martes na ngayon."Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa kalaban...pwera na lang kung ikaw ang amo ko," sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magsabunutan kami rito dahil hindi naman kami makikita ni Rimo."Mag-uutos ba ako kung hindi? Ako ang mauunang mabuntis kaya susunod ka dapat sa akin!" ibinato niya sa akin ang bedsheet. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. "Magtigil ang hindi pa nakakaiskor kay señorito Rimo!" pang-aalaska ko sa akala mo ay Doña kung makaasata."Napakahambog mong magnanakaw ka!" muntik na niya ako sabubutan pero itinaklob ko ang bed sheet sa aking sarili. Ayaw ko talaga sa isang tao kapag dinudungisan ang mukha ko. Ito na lamang ang natirirang san
Nineveh's POV Nitong nakaraan ay tanggap ko na posibleng si Ilmas ang matira rito sa mansion. Ginagawa ko ang lahat upang masiguro ko ang pagdadalantao. "Ipinatatawag ka ni Don Rioflorido," sambit sa akin ng sekretarya ng matandang mayaman. Ito na ang hinihintay kong hudyat. Malamang ay tama ang hinala ko. Tila naging mabigat ang mga hakbang ko nang makarinig ng napakaraming tunog ng takong. Apat na babae ang dumaan sa harapan ko at binangga pa ang balikat ko dahil sa pagmamadali. Tinungo nila ang silid ni Don Rioflorido. Pagpasok ko ay minamasahe ni Ilmas ang balikat ng aming amo at tiningnan ako nang maigi. "Laxamana, hindi ko gustong makita na kampante ka kaya naman dinagdagan ko ang iyong mga karibal," puro kolorete sa mukha at magagarang damit ang suot ng mga magagandang dilag sa harapan ko kaya ako nanlumo. Ako na mukhang basahan ang suot ay biglang nanliit. "Simula ngayon ay kikilalanin mong madrasta si Ilmas at wala kang karapatan na apihin siya pati na ang iba mo pang k
Nineveh's POVMaaga akong nagising sa hindi malaman na dahilan. Wala akong ideya sa napag-usapan nina Rimo at Don Rioflorido hingil sa magiging kalagayan ni Ilmas dahil mukhang ako ang pipiliin ng unico jiho.Kahit na masama ang ugali ko ay natitira pa naman akong awa sa sulok ng puso ko.Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.Sa aking pag-akyat ay napansin ko na bukas ang pinto sa kwarto ng mayaman na may-ari ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit para isara sana ito dahil may pakialam naman ako sa lugar na ito kahit papaano.Nang mahawakan ko ang door knob ay naestatwa ako sa aking nasilayan."Pwede bang ako na lang ang manatili rito sa inyong teritoryo? Gabi-gabi kitang paliligayahin," mahalay ang tono nito at nanlaki ang mata ako.Hindi ako pwedeng magkamali. Sa tagal ng pagsasama naming lima ay sa boses niya ako pinakanaa-adwa o naaasar.Napakusot ako ng mata dahil baka nagpapasok lamang si Don Rioflorido ng bayarang babae para maibsan ang kanyang pangangailangan."Gustuhin ko
Nineveh's POVMatapos ang kaarawan ni Rimo ay bumalik na ang lahat sa dati. Kami na lamang ni Ilmas ang natitira. Nagpakita ako ng kabaitan sa kaniya nitong nakaraan ngunit wala pala ako na mapapala. Apoy na ang pagtingin niya sa akin at kalabang mortal talaga."Hoy nueve! Anong ginawa mo kay Rimo at ayaw na niyang magpagalaw sa akin ha?" ngawngaw niya sa akin kahit na ako ay naglalaba."Hindi ko rin alam...pero baka kasi may sariling isip si Rimo kaya ganoon," pamimilosopo ko dahil alam ko kung ano ang lamang ko sa kanya."Malandi ka! Tuwad na tuwad ka siguro!" hinuli niya ang buhok ko at ayaw magpaawat. Nadampot ko ang palu-palo na ginagamit sa paglalaba at saka lamang siya bumitaw."Eh ano ngayon? kung gumagawa ka na sana ng paraan...hindi 'yung ako pa ang sisisihin mo sa kapalpakan mo!" gigil na sabi ko dahil hindi ako matapos-tapos sa aking mga labahin.Buti na lamang at umalis siya sa kinauupuan ko. Ang tindi na ng labanan sa aming dalawa.Napamasahe ako sa aking noo at nagbanl
[SIXTEENTH MEETING]Nineveh's POVMga ginto at pilak na alahas, makintab na sahig, at malalaking ilaw sa itaas. Halos masilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin nang ako ay makatapak sa lugar na pangyayarihan ng pagsubok at kaarawan.Nagkukumpulan ang ibang bisita sa hapag-kainan, habang ang iba ay nagbubulungan at nakatingin sa tatlong obrs sa entablado. Isang damit, hinulma na paso, at nililok na pigura ng isang babae.Nag-anunsiyo si Don Rioflorido sa wikang ingles at nagsiboto ang mga imbitado.Napatingin ako sa aking kasuotan. Binili ko ito sa ukay-ukay pagkalaya ko sa kulungan. Isang kulay kahel na kupas ang kulay. Kanina pa akong pinagtitinginan habang nakapila sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.Maglalaway ka letson, panamang-panama sa mga ulam, salad kuno, at panghimagas.Umupo ako saglit sa isang lamesang walang tao sa likod. Pinagmasdan ko sina Rimo at Ilmas na nagsasayaw nang mabagal sa unahan. Maganda ang yari ng kanyang damit pati na rin sa regalo niya kay Rimo. H
Nineveh's POV"At sino naman kaya ang nagbenta ng pangalan ko sa iyo?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay kahit hindi niya ako kita."I-itinanong ko kay Papa," siya pala ang salarin. Balak ko sanang abangan sa labas. Ang kaso, baka ako ang malintikan.Sinubukan kong maglakad, subalit napakapit akong muli sa kotse na paika-ika. Shuta, Rimo. Hindi mo naman ako sinabihan na plano mo akong lumpuhin. Parang paralisado ang aking mga binti!Sa halip na indahin ang sakit ay dumako ang mata ko sa pinangyarihan ng kababalaghan, "Lagot ka sa Papa mo, may tagas ng ano mo sa unahan," nginig malala sapagkat wala siyang kaalam-alam na hindi ito tunay. Nakita ko ang paglunok niya at kinapa ang sasakyan, "S-saang banda? Pupunasan ko," pinilit niyang ikalma ang sarili. Handang panagutan ang nangyari. Inilayo ko ang kanyang kamay, "Biro lang. Sa loob mo pinatalsik, hindi ba?" hindi talaga natatapos ang paglalandi ko sa kanya.Namula ang kanyang tainga at hinawakan ito dahil sa hiya. Kahit kayu