Nineveh's POV ⚠️ Medyo MaharoThings ahead. Gumalaw ang kamay niya at hindi pumayag na hindi ako mahuhuli, "N-nueve," tiyak ang kanyang pagtawag nang mahawakan ng hinlalaki niya ang labi ko. Ito siguro ang batayan niya upang makilala ako. Kumuha siya ng bula gamit ang dalawang kamay at ipinahid sa dalawa kong pisngi, "Bakit ang saya mo?" abot-tainga ang ngiti niya habang pinagtitripan ako, "A-alam ko naman na m-may tao rito sa banyo," pag-amin niya at tinotoo ko ang plano kong sabuyan siya ng tubig sa mukha. "Alam mo naman pala pero bakit may pagpasok na nalalaman?" pataray kong tanong. Magiging tatay na nga siya, ganito pa rin umasta. Hindi na ako natutuwa. Pinaglaruan niya ang mga piraso ng bulaklak, "S-sinigurado ko lang na walang magnanakaw," hindi katanggap-tanggap ang dahilan niya. Mukha bang may mayaman na magtatago ng ari-arian sa banyo? Kalokohan. Natauhan siya sa kanyang sinabi kaya naisipan sigurong bumawi, "H-hiniling ko rin sa kawalan na sana...ikaw ang nasa loob
Last Updated : 2025-07-02 Read more