Nineveh's POV
"Hindi maaari. Sa biyernes na lamang," hinatak ko siya at dinala sa kanyang kwarto. Magarbo ang kwarto niya. May klasikong musika na tumutugtog sa gramophone. Maswerte na lamang siya na hindi naging bingi. "M-may ibang babae bukas?" nagkumot siya at kumurap-kurap, "Oo, kaya matulog ka na," iniwan kong bukas ang ilaw at isinarado ang pinto. Muntik na akong matumba nang makita si Don Rioflorido, "Anong ginagawa mo sa silid ng anak ko?" nakapang-tulog na ito at napasandal ako sa pader. "Nakasalubong ko lamang po siya at inihatid sa kanyang silid. Hindi ko pa siya ginagalaw," depensa kong sagot. Mukhang mahalay ang nasabi ko kaya napagat ako sa aking labi. "Mabuti. Ayusin mo ang iyong sarili sa gabi ng biyernes kung ayaw mong bumalik sa kulungan," banta niya at nilampasan ako. **** Lumipas ang ilang araw at puro reklamo ang naririnig ko sa opisina ng aking amo. "Mr. Rioflorido, paano magkakalaman ang tiyan ko kung tamad gumalaw ang anak niyo?" angal ni Ilmas. Naalala kong pumasok siya sa kwarto na may kolorete at lumabas na ganoon pa rin. Walang kalat sa mukha. Ni amoy ng anak ng bilyonaryo ay wala sa kanyang katawan. "Tama, mukhang hindi siya interesado sa akin!" aniya naman ni Hennessy. Kagabi lamang siya nagsimula dahil biyernes na ngayon. "Kawawa naman kayo. Utuin ninyo muna kasi," hindi natitinag si Ranine sa kanyang upuan at pumunta lamang sa opisina para maki-tsismis. "Ang yabang mo! Palibhasa, p*k-p*k!" panlalait ni Solenad. Ako lamang ang hindi pa umaapela dahil ngayon ang araw ko. "Magsitahimik kayo," hindi ito sigaw, ngunit agad na nawalan ng ingay ang kwarto, "Unang linggo pa lamang ay sumusuko na kayo? Bukas ang malaki naming pintuan sa sino mang gustong bumitaw sa kasunduan," may karapatan din naman kasi siyang magalit dahil binubuhay niya kami rito. "Mauna na po ako," binasag ko ang katahimikan at nagsuklay. Suot ang puting daster at tsinelas ay matapang kong tiningnan ang apat kong karibal. "Ikaw na ang bahala kay Rimo," aniya ng matanda bago ako umalis sa lugar na iyon. Pagbukas ko ng pinto sa kanyang kwarto ay nakahiga ang binata sa kanyang kama. "Biyernes na," sambit ko at bumaba siya upang salubungin ako. Ikinandado ko ang pinto at nagyapak. "I-inalis mo ba ang iyong sapin sa paa?" napagtanto ko kung gaano ka-sensitibo ang pandinig niya at nalaman niya ang ginawa ko na hindi man lang niya nakikita, "Oo, nakakahiyang dumihan ang sahig ninyo sa sobrang linis," sagot at paliwanag ko sa kanya. Tumawa siya at kinapa ako upang mahanap ang aking palad, "G-gusto mo ng kape?" dinala niya ako sa may lamesa at pinaupo. "Nako, baka mapaso ka," patapon-tapon ang mainit na tubig kaya pinunasan ko na lamang ito nang matapos agad siya. "I-ikaw na ang maglagay ng asukal, baka maging sobrang tamis," inilapit niya ang lagayan nito sa akin at sinunod ko naman siya. Habang umiinom ako ng tinimpla niya ay parang hindi siya mapakali, "Anong problema?" ibinaba ko ang aking tasa at hinawakan ang kanyang balikat. "I-inaakit kasi nila ako," tinakpan niya ang kanyang mukha sa hiya, "Alam ko," sabi ko. Pinag-aagawan na siya, hindi niya alam. "Aakitin mo rin ba ako?" inosente niyang tanong na nagpahalakhak sa akin. Umalingawngaw ito sa buong kwarto. Umupo ako sa kama at hinila ang kamay niya upang mapadpad siya sa aking kandungan at bumulong sa kanya, "Natural! Anong gagawin ko rito sa kwarto mo gabi-gabi...magdadasal lang na magka-anak ka sa akin?" Napasandal siya sa akin at pinaglaruan ang palad ko, "Nangangalay na ako, Rimo," pag-amin ko at agad naman siyang umayos ng upo at kinapa ang unan para humiga na lamang. "P-pasensiya na," payat siya at halatang hindi nage-ensayo. Hindi naman buto't balat. May laman kahit papaano. Paano siya makakabayo nito kung mahina ang pwersa? "Bulag ka na ba simula pa noong una?" ininterbyu ko muna siya para antukin. Ayaw ko muna siyang sunggaban dahil baka pandilatan ako ni Don Rioflorido, "H-hindi. Nabulag lang ako dahil sa katarakta sa aking mga mata," naawa naman ako sa kanya. Mayaman naman sila pero ayaw gawan ng paraan. "A-ayos lang ba sa'yo na hindi ako nakakakita?" itiniklop niya ang kanyang sarili at itinaas ang kumot, "Oo naman! Hindi ka naman sa mata lalabasan," pinisil niya ang palad ko. Nagpipigil pa yata ng tawa. "L-lantad mo naman, Nueve," oo pare. Hindi pwedeng parehas tayong magpapakipot kasi ako naman ang walang matutulugan, "Masanay ka na. Saglit lang naman ang pagsasama natin tuwing biyernes," umusog siya at inaya ang tumabi sa kanya. Tutulog lang naman e. "At kung maka-lantad ka naman! Hindi hamak na mas lantad iyong mga nauna sa akin, ha. Baka nga may humalik na sa iyo mula sa kanilang apat," lalo na 'yung si Ranine. Mukhang papetiks-petiks lang at nagoyo na itong kasama ko. "W-wala pa," sagot niya na lalo kong ikinairita. Iwanan ko na kaya siya ritong mag-isa at mangapa sa dilim? "Aba, may balak magpahalik," komento ko at kunwari ay tunog dismayado. Wala naman sa aking kaso dahil baka nakahalik nga, wala namang nabuo. Wala rin. Wala na siyang sinabi. Hindi pa rin naman siya sigurado sa akin kaya naiintindihan ko. Tinulugan ko na lang siya at sinalubong ako ng mainit na sinag ng araw mula sa bintana ng kanyang kwarto. Haplos ng isang magaspang na kamay ang naramdaman ko sa aking pisngi, "G-gising na," Mapungay kong iminulat ang aking mga mata para sa kanya ngunit naalalang hindi niya ako makikita. Pinaraanan ko ng kamay ang kanyang buhok at ibinaba ito sa kanyang tainga, "Magandang umaga, Rimo." Dinama niya ang kamay ko at h******n nang marahan. Mas ramdam ko ang init na hatid nito kaysa sa sinag ng tirik na tirik na araw.Nineveh's POVHinintay namin na maghating-gabi. Nagkunwari kaming tulog nang sumilip saglit ang ama niya. Tawang-tawa ako sa kanya sa totoo lang."Si tito, sumilip ulit!" pabulong iyan kaya nagtalukbong agad siya ng kumot at sumiksik sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya grabe ang pagtitimpi ko. Kainis!"W-wala na ba?" rinig na rinig ko ang kabog ng kanyang dibdib sa kaba. Ang sama ko talaga, haha!"Joke lang 'yun. Tara na!" hinigit ko na siya at nagsuot ng tsinelas.Lumabas kami at naglibot sa subdivision. Pinakadulo kasi ang mansion na ito dahil sa sobrang laki ng lupa. Humalukipkip siya at ibinigay ko ang aking suot na balabal. Ang tamis ko, ano? Sipsip. "Nakainom ka na ba ng alak?" tanong ko at hinintay siyang makasabay paglalakad. Mas matangkad naman siya sa akin, pero mabagal siyang kumilos dahil sa hampas ng hangin. Umiling siya. Grabe, ang strikto ng kanyang ama, "B-baka malasing ako." "Iyon naman talaga ang pakay kapag tumatagay, ah?" nakuha ko nam
Nineveh's POV Sinimulan namin ang naisip na gawain. Hindi ako madadaya rito ni Rimo dahil bulag naman talaga siya. Hindi niya kayang magkunwaring pikit na pikit pero kita naman talaga ang hinahawakan. "Ano 'to?" ipinahawak ko sa kanya ang aking pisngi. Baka kasi mabigla siya kapag kung saan ko kaagad dinala ang kamay niya. "M-malambot...at nasa taas. P-pisngi mo ba ito?" ngumiti ako, "Tama! Ikaw naman ang magpahula at pipikit ako," diin na diin pa ang pagpikit ko para patas ang laro. "Tuhod mo ito, ano?" tanong ko, "O-Oo. Tama na at nakikiliti ako," sabi niya. Minasahe ko na lamang nang kaunti ang balikat niya at tiningnan ang kanyang reaksyon. Nasarapan naman si Rimo at napakapit pa nga binti kong nasa may unahan. Pumuwesto kasi ako sa likuran niya at umupo. Mukhang madali lang mahulaan kung ano ang parte ng katawan kahit na bulag siya kaya nakaisip ako ng mas pilya. "Ganito na lang, magtatago ako ng limang piso, tapos hahanapin mo sa buong katawan ko," pag-iiba ko at m
Nineveh's POVNagdaan ang Sabado at Linggo na wala siyang pinuntahan sa aming lima. Wala rin namang kumibo sa aming mga kandidato dahil sa katamaran. "Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mong pipilitin ang anak ko?" rinig kong sermon ni Don Rioflorido kay Ilmas ngayong miyerkules. Nakaabot kasi sa kanya ang balita. Kinabahan tuloy ako dahil mukhang may espiya sa aming lima. "Ikaw, Solenad! Hindi makakaligtas sa akin ang kurot na nakita ko nitong isang araw. Anong karapatan mong saktan si Rimo gayong siya ang dahilan kung bakit ka wala sa kulungan mo?" nagulat naman ako sa sinabi ng amo namin. Masyadong bayolente na sa akin ang kurot. Hindi naman bata ang unico hijo niya kaya bakit kailangang tratuhin ng ganoon? Alam kong mahirap magpigil at maghintay. Walagng kasiguraduhan kung bibigay ang lalaki pero kahit na. "Patawad po," sabay nilang sabi at ang sama ng tingin sa amin nina Ranine at Hennessy. Para bang may ginawa kami, e wala naman. Pagkaalis ng mayamang may-a
Nineveh's POV "Hindi maaari. Sa biyernes na lamang," hinatak ko siya at dinala sa kanyang kwarto. Magarbo ang kwarto niya. May klasikong musika na tumutugtog sa gramophone. Maswerte na lamang siya na hindi naging bingi. "M-may ibang babae bukas?" nagkumot siya at kumurap-kurap, "Oo, kaya matulog ka na," iniwan kong bukas ang ilaw at isinarado ang pinto. Muntik na akong matumba nang makita si Don Rioflorido, "Anong ginagawa mo sa silid ng anak ko?" nakapang-tulog na ito at napasandal ako sa pader. "Nakasalubong ko lamang po siya at inihatid sa kanyang silid. Hindi ko pa siya ginagalaw," depensa kong sagot. Mukhang mahalay ang nasabi ko kaya napagat ako sa aking labi. "Mabuti. Ayusin mo ang iyong sarili sa gabi ng biyernes kung ayaw mong bumalik sa kulungan," banta niya at nilampasan ako. **** Lumipas ang ilang araw at puro reklamo ang naririnig ko sa opisina ng aking amo. "Mr. Rioflorido, paano magkakalaman ang tiyan ko kung tamad gumalaw ang anak niyo?" angal ni Ilmas. Naalal
Posas. Rehas. Rosas. Ilang araw na ang nakalipas mula nang makulong ako rito sa El Sitio. Mula nang makatungtong ako rito ay araw-araw akong nakatatanggap ng pulang rosas gabi-gabi na aking nakikita sa tapat ng aking selda. "May bisita ka," aniya ng pulis na nakaduty ngayon sa amin at pinosasan ako pagkalabas. "Sinong magnanais na makipag-kita sa akin?" matamlay kong tanong at nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ng aking kasama, "Sumunod ka na lamang." Narating namin ang tanggapan at nakalabas ang isang rosas. "Ikaw si Nineveh Laxamana, nagnakaw ng limang mangga sa bakuran ni Don Rioflorido. Dalawampu't tatlong taong gulang at hindi nakatapos ng pag-aaral, ngunit may matalas na isipan kumapara sa kanyang mga kasing-edad," dire-dretsong sabi ng isang lalaking amoy mayaman. Pormal ang kanyang suot at handang pumirma ng cheque anumang oras. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang singsing nitong pilak pa nga yata. Kumikinang dahil sa repleksiyon ng liwanag. "Ano ang iyo