Share

Fourth Meeting

Penulis: LuvtheMauve
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-03 15:35:48

Nineveh's POV

Sinimulan namin ang naisip na gawain. Hindi ako madadaya rito ni Rimo dahil bulag naman talaga siya. Hindi niya kayang magkunwaring pikit na pikit pero kita naman talaga ang hinahawakan.

"Ano 'to?" ipinahawak ko sa kanya ang aking pisngi. Baka kasi mabigla siya kapag kung saan ko kaagad dinala ang kamay niya.

"M-malambot...at nasa taas. P-pisngi mo ba ito?" ngumiti ako, "Tama! Ikaw naman ang magpahula at pipikit ako," diin na diin pa ang pagpikit ko para patas ang laro.

"Tuhod mo ito, ano?" tanong ko, "O-Oo. Tama na at nakikiliti ako," sabi niya.

Minasahe ko na lamang nang kaunti ang balikat niya at tiningnan ang kanyang reaksyon. Nasarapan naman si Rimo at napakapit pa nga binti kong nasa may unahan. Pumuwesto kasi ako sa likuran niya at umupo.

Mukhang madali lang mahulaan kung ano ang parte ng katawan kahit na bulag siya kaya nakaisip ako ng mas pilya.

"Ganito na lang, magtatago ako ng limang piso, tapos hahanapin mo sa buong katawan ko," pag-iiba ko at mukhang walang problema sa kanya.

"S-sige ako rin,"

Itinago ko na ang barya sa gitna ng aking bra at kinulbit siya. Tumalikod pa siya kanina kahit na wala naman siyang makikita.

"Hanap," hudyat ko ito sa kanya at hinawakan niya ako. Bawat haplos at dampi ng kanyang palad sa aking balat ay dama ko ang kaba niya. Halatang hindi pa eksperto.

Nakapa niya ang dibdib ko at nadaanan ang baryang nakaipit, "Maaari ba—"

"Hmmm," sagot ko at maingat niyang kinuha ang limang piso. Nadismaya ako pero alam kong hindi pa natatapos dito ang lahat.

"Ikaw naman ang magtago," paalala ko at tumalikod din ako.

Pagharap ko ay nakakuyom ang isa niyang kamao at kita ko ang ugat na lumabas dahil sa pwersa niya. Gusto kong matawa sapagkat alam kong doon ito nakatago. Hindi masyadong pinag-isipan kung saan ilalagay.

Lumapit ako at binulungan, "Sa susunod na magtatago ka, dalian mo naman. Hirap na hirap akong hanapin, e," pang-aasar ko at sinubukang ibuka ang kamay niya ngunit ayaw nitong magpadala.

Kinagat ko nang marahan ang tainga niya nang maghatid ito ng kiliti. Sa ganoong paraan ay bibigay siya.

"Dali na..." bulong kong muli at sinipsip ang parte kung saan pwedeng ilagay ang hikaw.

"Hngh..." awang-awa ako sa hitsura niya. Parang may may gustong kumawala sa kanyang sistema, ngunit ayaw niyang ilabas ito.

"Ayaw mong magpatalo, ah," sinukuan ko na ang kamay niya at tinatakan ang kanyang leeg gamit ang aking labi. Nag-iwan ito ng marka at pulang-pula si Rimo sa aking ginawa.

Natigil kami nang may kumatok sa kanyang kwarto. Napapikit ako sa yamot kung sino mang istorbo sa mga oras na ito.

Naestatwa ako nang makita ang isang hindi pamilyar na mukha nang buksan ko ang pinto.

"Anong kailangan mo?" masama ang tingin ko sa kanya. Wala akong pakialam kung bago siya rito. Sinira niya 'yung pagkakataon na mayroon sana ako, "Pinatatawag si Señorito Rimo ng kanyang ama," nakuha pa niyang ngumiti.

Ibinaba ko ang aking tingin at paalis na sana sa silid nang maramdaman ko ang kamay ni Rimo, "P-pasabi na lamang na hindi pa kami tapos," nahihiya niyang pagdadahilan at hinila na ako papasok.

Isang malawak na ngisi ang ipinakita ko sa abala at mabilis na nag-iba ang pakiramdam ko. Para akong nabuhayan ng dugo at nais kong solohin si Rimo.

"Kuha mo?" ganti ko pabalik. Wala na akong balak alamin kung ano ang ngalan niya. Masaya na akong makita ang mukha niyang napahiya.

Pagkasara muli ng pinto ay hinatak niya ako at pinaupo. Inatake niya ako ng halik at medyo humigpit ang kapit niya sa balikat ko.

Hingal na hingal siyang humiwalay at idinikit ang noon niya sa aking noo, "H-huwag kang maakit sa kanya, pakiusap," nagsusumamo ang boses na narinig ko.

Hindi mawala ang ngiti ko at may sumagi pa sa aking isipan, "Nagawa mo na ba ang bagay na ito sa apat na nauna?"

Umiling siya at niyakap ako, "Hindi ka lamang pang-biyernes, Nueve. Ikaw ang araw-araw mula linggo hanggang lunes."

***

"Lola Bekta, kumusta na po kayo?" dinalaw ko siya sa may bodega dahil doon siya pinatuloy at nilinis na lang namin itong dalawa.

"Mabuti naman ang kalagayan ko, apo. Ang tanong ko ay desidido ka na bang magpalahi kay Señorito Rimo?" hinawakan niya ang aking kamay, "Kailangan po nating mabuhay, La. Basta ang mahalaga ay nakalabas na ako sa kulungan!" alam kong kulang ang rason na ito. Hindi ko naman masabi na mahal ko na ang bubuo sa anak ko dahil napakabilis ng lahat kung ganoon. Isa pa, baka awa lang itong nararamdaman ko.

"Pinupwersa ka ba niya? Sumigaw ka at pupuntahan talaga kita," itinaas niya ang braso upang magpatawa, "Naku, hindi niyo po ako maririnig, e. At saka, napakainosente po ni Rimo. Sa tingin ko nga po ay ako pa ang papatong," biro ko kahit totoo naman.

"Sa tingin ko nga rin. Natatakot lamang ako dahil mayaman sila. Malay mo ay nagpapanggap pala at may masamang agenda. Paano kung ibenta ka nila?" pag-aalala niya at niyakap niya ako nang mahigpit.

"Nakikiramdam naman po ako. Babalitaan po kita kapag may apo ka na sa tuhod," humagikgik siya at may kumatok na naman sa pintuan.

Mula sa pagkakangiti ay gumusot ang aking mukha nang makita si Gabo. Ito ang chika sa akin nina Ilmas na pangalan ng driver na humadlang sa harutan namin ni Rimo.

"Hinahanap ka na ni Señorito Rimo," inilahad niya ang kanyang kamay. Hindi naman ako prinsesa para tanggapin ang alok niya kaya nilampasan ko siya at naunang maglakad.

"La, mauna na po ako!" kumaway ako at balik seryoso na.

Biyernes na ulit ngayon at ang bilis ng araw. Mukhang bumubuti na rin ang pakikitungo ni Rimo sa apat kaya naalarma ako. Hindi ako pwedeng mapag-iwanan!

"Rimooo," malambing kong bati sa kanya at isinarado ko na ang pinto, "N-nueve, pwede bang samahan mo akong t-tumakas?" sambit niya. Natuwa ako at hinawakan ang kamay niya, "Itatanan mo na ako?" alam kong kahangalan ang sinabi ko pero gusto ko lang naman siyang patawanin.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko pero sumagot naman, "H-hindi. Gusto ko lang maranasan. Palagi kasi akong nakakulong dito sa bahay," ayaw siguro ni Don Rioflorido na mapahamak ang nag-iisa niyang tagapagmana at baka mahirapan pa siya sa mundong mayroon sa labas.

"Sige, basta kapit ka lang sa akin, ha? Baka mawala ka," asar ko. Sumimangot siya at pinisil ang kamay ko, "H-hindi na ako bata," angal niya. Akala ko hindi siya marunong magalit o maasar.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Blind Son   Eighteenth Meeting

    Nineveh's POVHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang pagdating nilang lima ay para bang naging matataas na pader na wala kang matutungtungan upang makaakyat."Nueve, labhan mo nga itong bedsheet na ginamit namin kagabi!" kagigising ko lamang at ito ang bungad sa akin ni Joval. Siya 'yung pang lunes dahil martes na ngayon."Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa kalaban...pwera na lang kung ikaw ang amo ko," sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magsabunutan kami rito dahil hindi naman kami makikita ni Rimo."Mag-uutos ba ako kung hindi? Ako ang mauunang mabuntis kaya susunod ka dapat sa akin!" ibinato niya sa akin ang bedsheet. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. "Magtigil ang hindi pa nakakaiskor kay señorito Rimo!" pang-aalaska ko sa akala mo ay Doña kung makaasata."Napakahambog mong magnanakaw ka!" muntik na niya ako sabubutan pero itinaklob ko ang bed sheet sa aking sarili. Ayaw ko talaga sa isang tao kapag dinudungisan ang mukha ko. Ito na lamang ang natirirang san

  • The Billionaire's Blind Son   Seventeenth Meeting

    Nineveh's POV Nitong nakaraan ay tanggap ko na posibleng si Ilmas ang matira rito sa mansion. Ginagawa ko ang lahat upang masiguro ko ang pagdadalantao. "Ipinatatawag ka ni Don Rioflorido," sambit sa akin ng sekretarya ng matandang mayaman. Ito na ang hinihintay kong hudyat. Malamang ay tama ang hinala ko. Tila naging mabigat ang mga hakbang ko nang makarinig ng napakaraming tunog ng takong. Apat na babae ang dumaan sa harapan ko at binangga pa ang balikat ko dahil sa pagmamadali. Tinungo nila ang silid ni Don Rioflorido. Pagpasok ko ay minamasahe ni Ilmas ang balikat ng aming amo at tiningnan ako nang maigi. "Laxamana, hindi ko gustong makita na kampante ka kaya naman dinagdagan ko ang iyong mga karibal," puro kolorete sa mukha at magagarang damit ang suot ng mga magagandang dilag sa harapan ko kaya ako nanlumo. Ako na mukhang basahan ang suot ay biglang nanliit. "Simula ngayon ay kikilalanin mong madrasta si Ilmas at wala kang karapatan na apihin siya pati na ang iba mo pang k

  • The Billionaire's Blind Son   Sixteenth Meeting

    Nineveh's POVMaaga akong nagising sa hindi malaman na dahilan. Wala akong ideya sa napag-usapan nina Rimo at Don Rioflorido hingil sa magiging kalagayan ni Ilmas dahil mukhang ako ang pipiliin ng unico jiho.Kahit na masama ang ugali ko ay natitira pa naman akong awa sa sulok ng puso ko.Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.Sa aking pag-akyat ay napansin ko na bukas ang pinto sa kwarto ng mayaman na may-ari ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit para isara sana ito dahil may pakialam naman ako sa lugar na ito kahit papaano.Nang mahawakan ko ang door knob ay naestatwa ako sa aking nasilayan."Pwede bang ako na lang ang manatili rito sa inyong teritoryo? Gabi-gabi kitang paliligayahin," mahalay ang tono nito at nanlaki ang mata ako.Hindi ako pwedeng magkamali. Sa tagal ng pagsasama naming lima ay sa boses niya ako pinakanaa-adwa o naaasar.Napakusot ako ng mata dahil baka nagpapasok lamang si Don Rioflorido ng bayarang babae para maibsan ang kanyang pangangailangan."Gustuhin ko

  • The Billionaire's Blind Son   Fifteenth Meeting

    Nineveh's POVMatapos ang kaarawan ni Rimo ay bumalik na ang lahat sa dati. Kami na lamang ni Ilmas ang natitira. Nagpakita ako ng kabaitan sa kaniya nitong nakaraan ngunit wala pala ako na mapapala. Apoy na ang pagtingin niya sa akin at kalabang mortal talaga."Hoy nueve! Anong ginawa mo kay Rimo at ayaw na niyang magpagalaw sa akin ha?" ngawngaw niya sa akin kahit na ako ay naglalaba."Hindi ko rin alam...pero baka kasi may sariling isip si Rimo kaya ganoon," pamimilosopo ko dahil alam ko kung ano ang lamang ko sa kanya."Malandi ka! Tuwad na tuwad ka siguro!" hinuli niya ang buhok ko at ayaw magpaawat. Nadampot ko ang palu-palo na ginagamit sa paglalaba at saka lamang siya bumitaw."Eh ano ngayon? kung gumagawa ka na sana ng paraan...hindi 'yung ako pa ang sisisihin mo sa kapalpakan mo!" gigil na sabi ko dahil hindi ako matapos-tapos sa aking mga labahin.Buti na lamang at umalis siya sa kinauupuan ko. Ang tindi na ng labanan sa aming dalawa.Napamasahe ako sa aking noo at nagbanl

  • The Billionaire's Blind Son   Fourteenth Meeting

    [SIXTEENTH MEETING]Nineveh's POVMga ginto at pilak na alahas, makintab na sahig, at malalaking ilaw sa itaas. Halos masilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin nang ako ay makatapak sa lugar na pangyayarihan ng pagsubok at kaarawan.Nagkukumpulan ang ibang bisita sa hapag-kainan, habang ang iba ay nagbubulungan at nakatingin sa tatlong obrs sa entablado. Isang damit, hinulma na paso, at nililok na pigura ng isang babae.Nag-anunsiyo si Don Rioflorido sa wikang ingles at nagsiboto ang mga imbitado.Napatingin ako sa aking kasuotan. Binili ko ito sa ukay-ukay pagkalaya ko sa kulungan. Isang kulay kahel na kupas ang kulay. Kanina pa akong pinagtitinginan habang nakapila sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.Maglalaway ka letson, panamang-panama sa mga ulam, salad kuno, at panghimagas.Umupo ako saglit sa isang lamesang walang tao sa likod. Pinagmasdan ko sina Rimo at Ilmas na nagsasayaw nang mabagal sa unahan. Maganda ang yari ng kanyang damit pati na rin sa regalo niya kay Rimo. H

  • The Billionaire's Blind Son   Thirteenth Meeting

    Nineveh's POV"At sino naman kaya ang nagbenta ng pangalan ko sa iyo?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay kahit hindi niya ako kita."I-itinanong ko kay Papa," siya pala ang salarin. Balak ko sanang abangan sa labas. Ang kaso, baka ako ang malintikan.Sinubukan kong maglakad, subalit napakapit akong muli sa kotse na paika-ika. Shuta, Rimo. Hindi mo naman ako sinabihan na plano mo akong lumpuhin. Parang paralisado ang aking mga binti!Sa halip na indahin ang sakit ay dumako ang mata ko sa pinangyarihan ng kababalaghan, "Lagot ka sa Papa mo, may tagas ng ano mo sa unahan," nginig malala sapagkat wala siyang kaalam-alam na hindi ito tunay. Nakita ko ang paglunok niya at kinapa ang sasakyan, "S-saang banda? Pupunasan ko," pinilit niyang ikalma ang sarili. Handang panagutan ang nangyari. Inilayo ko ang kanyang kamay, "Biro lang. Sa loob mo pinatalsik, hindi ba?" hindi talaga natatapos ang paglalandi ko sa kanya.Namula ang kanyang tainga at hinawakan ito dahil sa hiya. Kahit kayu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status