Share

Fifth Meeting

Author: LuvtheMauve
last update Last Updated: 2025-06-03 15:35:52

Nineveh's POV

Hinintay namin na maghating-gabi. Nagkunwari kaming tulog nang sumilip saglit ang ama niya. Tawang-tawa ako sa kanya sa totoo lang.

"Si tito, sumilip ulit!" pabulong iyan kaya nagtalukbong agad siya ng kumot at sumiksik sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya grabe ang pagtitimpi ko. Kainis!

"W-wala na ba?" rinig na rinig ko ang kabog ng kanyang dibdib sa kaba. Ang sama ko talaga, haha!

"Joke lang 'yun. Tara na!" hinigit ko na siya at nagsuot ng tsinelas.

Lumabas kami at naglibot sa subdivision. Pinakadulo kasi ang mansion na ito dahil sa sobrang laki ng lupa.

Humalukipkip siya at ibinigay ko ang aking suot na balabal. Ang tamis ko, ano? S****p.

"Nakainom ka na ba ng alak?" tanong ko at hinintay siyang makasabay paglalakad. Mas matangkad naman siya sa akin, pero mabagal siyang kumilos dahil sa hampas ng hangin.

Umiling siya. Grabe, ang strikto ng kanyang ama, "B-baka malasing ako."

"Iyon naman talaga ang pakay kapag tumatagay, ah?" nakuha ko naman ang punto niya kahit papaano. Baka takot siyang ipakita ang sarili kapag lasing na lasing. Iyong wala ba sa huwisyo.

Lasingin ko kaya siya para mabuntis na niya ako? Kapag may alak talaga, may balak.

"Sa susunod na biyernes, bibili ako ng gin bilog, lalagyan ko ng juice para hindi ka bumagsak agad," gulong-gulo siya sa sinabi ko. Sumimple ako ng hawak sa kanyang baywang, "Huwag kang mag-alala, tayo lang naman sa kwarto mo. Wala namang mapeperwisyo kinabukasan dahil pagkatapos ko ay sa lunes na ulit ang sunod na dadalo sa iyo. Ano...payag ka ba?" tanong ko.

"P-paano kung may mangyari sa atin?" Hala. Iyon nga ang dapat mangyari, ayaw pa niya?

Tumigil ako paglalakad at hinarap siya, "Hayaan mo lang ako na makita ang lahat ng ikinakahiya mo. Kaya kong maghintay. Kung hindi mo gusto sa susunod na biyernes ay ayos lamang. Hindi naman mabubulok ang obaryo ko," tanaw ko ang pagyugyog ng kanyang balikat. Nagpipigil siguro ng tawa. Naintriga tuloy ako kung ganito rin siya kasaya sa natitirang apat.

"I-inom lang?" tumango ako at naglakad-lakad pa kami. Ang saya pala ng ganito. Nakatengga lang kasi kami sa loob.

"Oo, may kain din. Magdadala ako ng pulutan," dagdag ko. Siya na lang ang kulang.

"P-payag na ako," itinaas ko ang aking kamay para makipag-apir. Muntik ko na makalimutan na bulag pala siya.

"Huy apir tayo!" para akong bata, "N-nasaan ba ang kamay mo?" sinubukan niyang ihampas ang kamay sa ere pero iniwasan ko ito para pag-tripan siya.

Inilipat niya ang kamay ng kaunti para makipag-apir muli, ngunit bigo siya dahil sa kabila ko naman ipinuwesto ang kamay ko.

"Hehe, ito na talaga, Rimo," isinakto ko na ang kamay ko sa palad niya. Hindi naman siya nayamot. Naaliw pa nga siguro.

May nadaanan kaming palaruan at inaya ko siya.

"Upo ka rito, iuugoy kita," inalalayan ko siyang umupo sa swing ay dahan-dahang iginalaw.

Itinaas niya ang kanyang mga paa para hindi sumayad sa lupa.

"A-alam mo, takot na akong gawin ang lahat ng bagay magmula noong nawalan ako ng paningin," mukhang balak niyang maglabas ng saloobin, "Normal lang na matakot at kabahan. Basta lakasan mo ang iyong loob paunti-unti," sana ay mapanatag ang loob niya sa sinabi ko.

Tipid siyang ngumiti at suminghot.

"Umiiyak ka ba?" tumayo ako sa gitna ng hita niya para tingnan kung tama ang hinala ko.

May bakas pa ng tumulong luha kaya pinahid ko ito at inalis niya ang kamay ko para takluban ang kanyang mukha. Inatake na naman ng hiya.

"H-hindi kasi kita makita."

Nakaramdam ako ng kirot sa narinig ko. Nasasaktan ako para sa kanya. Ni hindi siya makapili sa aming lima nang maayos at patas.

"Pero kita kita, Rimo," gamit ang aking hinlalaki ay hinaplos ko ang dalawa niyang mata na pumikit upang damhin ang ginawa ko.

"Halika, roon tayo sa may slide," inaya ko siya at sumunod naman.

Pinaupo ko siya sa may tuktok at kinausap, "Bababa ako, tapos aabangan kita kapag dumaus-dos ka na," pumayag siya at binilisan ko ang kilos.

Ilang minuto rin ang hinintay ko. Klaseng ikinu-kundisyon pa niya ang kanyang sarili.

"H-hayan na ako," itinaas niya ang kanyang kamay at sumobra ang dulas niya. Nagpagpag siya ng kanyang puwitan dahil sa lupa, "Naks, kinaya mo! Akala ko hindi ka tutuloy, e. Aakyat na sana ako," tinawanan ko muna siya bago tulungang makatayo. Ang salaw ko talaga.

"N-nagawa ko na naman ito noong bata ako," pagdadahilan niya, "Kahit na. Iba ngayon. Paano kung itinulak kita mula sa itaas, hindi ba? Kahit naisip mo iyon, sige ka pa rin," umasta ako na parang Inang tuwang-tuwa sa nagawa ng anak.

"M-mas pinili ko lang na p-pagkatiwalaan ka," gusto ko sanang kiligin, ang kaso ay paano kung nagamit na niya ang linyang ito kay Ranine o sa kung sino pa sa apat?

Nagsee-saw din kami. Utas na ako katatawa dahil hindi na ako nakaalis sa taas.

"Magpagaan ka, oy! Nawiwili ka riyan sa ibaba, ha?" puna ko at ginawa niya ang sinabi ko. Biglang baba naman ako. Nagpantay kami at hindi siya umangat.

"T-tayo na. Sa tingin ko ay hahanapin na tayo ni papa," ako muna ang umalis at inalalayan ko siya.

"Siguro mas mauuna kang malasing sa ating dalawa sa susunod," pang-aalaska ko at humawak ako sa braso niya habang naglalakad pauwi, "H-huwag mo muna akong hahalayin," nakuha pa niyang sabihin iyon!

"Yabang mo! Wala ka nga yatang alam sa kama," sinumbatan ko siya. Yaman lang meron siya, e, "M-meron," depensa niya.

"Ano?" hamon ko, "M-maghubad?"

Nahampas ko ang braso niya nang kaunti. Hindi ko kinaya ang sagot niya. Parang nagbibinata pa lamang kahit na medyo maedad na kami.

"T-totoo naman," pinaglaban pa niya ang kanyang sagot kaya lalo akong natawa. Hay, Rimo.

Narating namin ang mansion na hindi nabisto. Tulog na tulog silang lahat.

Hindi lamang nakaligtas sa akin ang taong nagmasid sa amin nang makabalik kami. Si Gabo. Naninigarilyo ito at itinapon ang sigarilyo nang makita ako. Ngumisi pa siya at umirap ako. Nasisira ang gabi ko dahil sa kanya.

Pagkarating sa kanyang kwarto ay nagtabi na kaming matulog.

Sabay kaming nagdasal. Maaga kong tinapos ang akin nang masaksihan kung paano siya manalangin. Taimtim at mahaba pa.

Nang matapos siya ay pinihit ko nang kaunti ang mukha niya at hinalikan.

"Good morning, Rimo," sabay higa at hindi hinintay ang reaksiyon niya. Ako yata ang nahiya bigla.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Blind Son   Eighteenth Meeting

    Nineveh's POVHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang pagdating nilang lima ay para bang naging matataas na pader na wala kang matutungtungan upang makaakyat."Nueve, labhan mo nga itong bedsheet na ginamit namin kagabi!" kagigising ko lamang at ito ang bungad sa akin ni Joval. Siya 'yung pang lunes dahil martes na ngayon."Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa kalaban...pwera na lang kung ikaw ang amo ko," sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magsabunutan kami rito dahil hindi naman kami makikita ni Rimo."Mag-uutos ba ako kung hindi? Ako ang mauunang mabuntis kaya susunod ka dapat sa akin!" ibinato niya sa akin ang bedsheet. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. "Magtigil ang hindi pa nakakaiskor kay señorito Rimo!" pang-aalaska ko sa akala mo ay Doña kung makaasata."Napakahambog mong magnanakaw ka!" muntik na niya ako sabubutan pero itinaklob ko ang bed sheet sa aking sarili. Ayaw ko talaga sa isang tao kapag dinudungisan ang mukha ko. Ito na lamang ang natirirang san

  • The Billionaire's Blind Son   Seventeenth Meeting

    Nineveh's POV Nitong nakaraan ay tanggap ko na posibleng si Ilmas ang matira rito sa mansion. Ginagawa ko ang lahat upang masiguro ko ang pagdadalantao. "Ipinatatawag ka ni Don Rioflorido," sambit sa akin ng sekretarya ng matandang mayaman. Ito na ang hinihintay kong hudyat. Malamang ay tama ang hinala ko. Tila naging mabigat ang mga hakbang ko nang makarinig ng napakaraming tunog ng takong. Apat na babae ang dumaan sa harapan ko at binangga pa ang balikat ko dahil sa pagmamadali. Tinungo nila ang silid ni Don Rioflorido. Pagpasok ko ay minamasahe ni Ilmas ang balikat ng aming amo at tiningnan ako nang maigi. "Laxamana, hindi ko gustong makita na kampante ka kaya naman dinagdagan ko ang iyong mga karibal," puro kolorete sa mukha at magagarang damit ang suot ng mga magagandang dilag sa harapan ko kaya ako nanlumo. Ako na mukhang basahan ang suot ay biglang nanliit. "Simula ngayon ay kikilalanin mong madrasta si Ilmas at wala kang karapatan na apihin siya pati na ang iba mo pang k

  • The Billionaire's Blind Son   Sixteenth Meeting

    Nineveh's POVMaaga akong nagising sa hindi malaman na dahilan. Wala akong ideya sa napag-usapan nina Rimo at Don Rioflorido hingil sa magiging kalagayan ni Ilmas dahil mukhang ako ang pipiliin ng unico jiho.Kahit na masama ang ugali ko ay natitira pa naman akong awa sa sulok ng puso ko.Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.Sa aking pag-akyat ay napansin ko na bukas ang pinto sa kwarto ng mayaman na may-ari ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit para isara sana ito dahil may pakialam naman ako sa lugar na ito kahit papaano.Nang mahawakan ko ang door knob ay naestatwa ako sa aking nasilayan."Pwede bang ako na lang ang manatili rito sa inyong teritoryo? Gabi-gabi kitang paliligayahin," mahalay ang tono nito at nanlaki ang mata ako.Hindi ako pwedeng magkamali. Sa tagal ng pagsasama naming lima ay sa boses niya ako pinakanaa-adwa o naaasar.Napakusot ako ng mata dahil baka nagpapasok lamang si Don Rioflorido ng bayarang babae para maibsan ang kanyang pangangailangan."Gustuhin ko

  • The Billionaire's Blind Son   Fifteenth Meeting

    Nineveh's POVMatapos ang kaarawan ni Rimo ay bumalik na ang lahat sa dati. Kami na lamang ni Ilmas ang natitira. Nagpakita ako ng kabaitan sa kaniya nitong nakaraan ngunit wala pala ako na mapapala. Apoy na ang pagtingin niya sa akin at kalabang mortal talaga."Hoy nueve! Anong ginawa mo kay Rimo at ayaw na niyang magpagalaw sa akin ha?" ngawngaw niya sa akin kahit na ako ay naglalaba."Hindi ko rin alam...pero baka kasi may sariling isip si Rimo kaya ganoon," pamimilosopo ko dahil alam ko kung ano ang lamang ko sa kanya."Malandi ka! Tuwad na tuwad ka siguro!" hinuli niya ang buhok ko at ayaw magpaawat. Nadampot ko ang palu-palo na ginagamit sa paglalaba at saka lamang siya bumitaw."Eh ano ngayon? kung gumagawa ka na sana ng paraan...hindi 'yung ako pa ang sisisihin mo sa kapalpakan mo!" gigil na sabi ko dahil hindi ako matapos-tapos sa aking mga labahin.Buti na lamang at umalis siya sa kinauupuan ko. Ang tindi na ng labanan sa aming dalawa.Napamasahe ako sa aking noo at nagbanl

  • The Billionaire's Blind Son   Fourteenth Meeting

    [SIXTEENTH MEETING]Nineveh's POVMga ginto at pilak na alahas, makintab na sahig, at malalaking ilaw sa itaas. Halos masilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin nang ako ay makatapak sa lugar na pangyayarihan ng pagsubok at kaarawan.Nagkukumpulan ang ibang bisita sa hapag-kainan, habang ang iba ay nagbubulungan at nakatingin sa tatlong obrs sa entablado. Isang damit, hinulma na paso, at nililok na pigura ng isang babae.Nag-anunsiyo si Don Rioflorido sa wikang ingles at nagsiboto ang mga imbitado.Napatingin ako sa aking kasuotan. Binili ko ito sa ukay-ukay pagkalaya ko sa kulungan. Isang kulay kahel na kupas ang kulay. Kanina pa akong pinagtitinginan habang nakapila sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.Maglalaway ka letson, panamang-panama sa mga ulam, salad kuno, at panghimagas.Umupo ako saglit sa isang lamesang walang tao sa likod. Pinagmasdan ko sina Rimo at Ilmas na nagsasayaw nang mabagal sa unahan. Maganda ang yari ng kanyang damit pati na rin sa regalo niya kay Rimo. H

  • The Billionaire's Blind Son   Thirteenth Meeting

    Nineveh's POV"At sino naman kaya ang nagbenta ng pangalan ko sa iyo?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay kahit hindi niya ako kita."I-itinanong ko kay Papa," siya pala ang salarin. Balak ko sanang abangan sa labas. Ang kaso, baka ako ang malintikan.Sinubukan kong maglakad, subalit napakapit akong muli sa kotse na paika-ika. Shuta, Rimo. Hindi mo naman ako sinabihan na plano mo akong lumpuhin. Parang paralisado ang aking mga binti!Sa halip na indahin ang sakit ay dumako ang mata ko sa pinangyarihan ng kababalaghan, "Lagot ka sa Papa mo, may tagas ng ano mo sa unahan," nginig malala sapagkat wala siyang kaalam-alam na hindi ito tunay. Nakita ko ang paglunok niya at kinapa ang sasakyan, "S-saang banda? Pupunasan ko," pinilit niyang ikalma ang sarili. Handang panagutan ang nangyari. Inilayo ko ang kanyang kamay, "Biro lang. Sa loob mo pinatalsik, hindi ba?" hindi talaga natatapos ang paglalandi ko sa kanya.Namula ang kanyang tainga at hinawakan ito dahil sa hiya. Kahit kayu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status