Nineveh's POV
Nagdaan ang Sabado at Linggo na wala siyang pinuntahan sa aming lima. Wala rin namang kumibo sa aming mga kandidato dahil sa katamaran. "Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mong pipilitin ang anak ko?" rinig kong sermon ni Don Rioflorido kay Ilmas ngayong miyerkules. Nakaabot kasi sa kanya ang balita. Kinabahan tuloy ako dahil mukhang may espiya sa aming lima. "Ikaw, Solenad! Hindi makakaligtas sa akin ang kurot na nakita ko nitong isang araw. Anong karapatan mong saktan si Rimo gayong siya ang dahilan kung bakit ka wala sa kulungan mo?" nagulat naman ako sa sinabi ng amo namin. Masyadong bayolente na sa akin ang kurot. Hindi naman bata ang unico hijo niya kaya bakit kailangang tratuhin ng ganoon? Alam kong mahirap magpigil at maghintay. Walagng kasiguraduhan kung bibigay ang lalaki pero kahit na. "Patawad po," sabay nilang sabi at ang sama ng tingin sa amin nina Ranine at Hennessy. Para bang may ginawa kami, e wala naman. Pagkaalis ng mayamang may-ari ay nagtipon-tipon kaming lima sa may bakuran. "Siguro ikaw ang nagsumbong, ano?" dinuro-duro ni Ilmas si Ranine na may kung anong ginagawa sa kusina. Balak yatang magluto ng tinapay. Nagpagpag si Ranine ng harina sa kamay at ngumisi, "Wala akong makukuha sa pagiging sumbongera dahil wala naman akong mapapala at pakialam sa inyong apat," mataray niyang sagot. Hindi naniwala ang iba naming kasama. "Sa tingin ko ay si Hennessy. Desperada iyang babae na 'yan, e," matawa-tawang akusa ni Solenad. Mukhang ako na ang isusunod nilang pagbintangan. Gusto kong mapairap sa kanilang dalawa. Panay gulo ang hanap. Ayaw sipagang kumaldag. Naramdaman ko ang daloy sa aking katawan at umalis sa eksena, "At may balak tumakas?" pinansin ako ni Ilmas na hinila pa ang palu-palo na hawak ko. Naglalabas kasi ako ng mga damit. "Pupunta ako sa banyo," sabi ko at inilipat ang tingin sa kamay niyang nakahawak pa sa akin. Tanggalin mo 'yan kung ayaw mong lagyan kita ng zonrox. "Ikaw talaga 'yun, ano?" sinubukan akong kumprontahin ni Solenad. Ayaw niya talagang tumigil. Naiirita na ako. Hinarap ko siya, "E ano ngayon kung ako?" paghahamon ko at taas noo ko siyang tiningnan. "Aba't—" akma akong sasampalin sana ni Solenad pero hindi ko siya pinigilan gaya ng mga nasa teleserye. Bagkus ay pinutol ko ang nais niyang sabihin, "Sana pinapagana mo 'yang isip mo bago ka kumilos. Saan kaya pupunta ang tapang mo kung si Ilmas naman pala ang nagsumbong?" ibinalik ko ang problema hatid nila sa kanila. Wala akong pakialam kung ako ang maging sanhi ng pagkasira ng tiwala nila sa isa't isa. Nagkatinginan sila at umiling ako nang iwan ang apat. "N-naga-away ba kayong lima?" tanong ng kagigising lamang na si Rimo. Hinawakan niya muna ako sa aking mukha upang makilala. "Hindi, nagpapatalbugan lang kami tungkol sa kung sinong pinakamaganda," pagsisinungaling ko at ginulo ang kanyang buhok. "G-gusto mo ng cookies?" alok niya sa kin nang samahan ko siyang makabalik sa kanyang kwarto. Humiga siya nang bahagya at sumandal sa unan. "Sige, subuan mo ako," ngumiti ako nang nakakaloko. Malakas ang loob ko dahil hindi naman niya ako nakikita. Naestatwa muna siya ng ilang segundo bago nanginginig na kumuha ng biskwit. Kinapa niya ang mukha ko at hinanap ang aking bibig. "Rimo, ilong ko iyan. Hindi kasya riyan ang cookies," biro ko at nataranta naman siya. Gamit ang hinlalaki ay natagpuan niya ang labi ko. Inilapit niya ang pagkain at agad ko na itong kinagat para hindi malaglag at hindi guyamin ang kama niya. "Masarap," sabi ko at ninamnam ang bigay niya. "A-alam mo, si Ranine ang gumawa niyan," masaya niyang balita sa akin at nayamot naman ako. Umalis ako sa kanyang silid at naligo. "N-nueve?" huling rinig kong pagtawag niya. Naramdaman sigurong wala na roon ang presensiya ko. Masama ang loob ko. Hindi kaagad ako pumunta sa kanyang silid ngayong biyernes dahil sa inis. Hindi naman siguro niya mamamalayan ang oras dahil hindi niya kayang tumingin sa orasan. Maliban na lamang kung magtanong siya sa kanyang ama. "Hoy may bagong driver sina Don Rioflorido," bungad na balita sa akin ni Solenad. Parang hindi hindi nagkasagutan, ah. Iba talaga ang hatid ng tsismis, "Tipo mo?" agad kong tanong sapagkat hindi naman niya ipaglalandakan ito kung wala lang ang bagong saltak. "Medyo. Parang mas trip kong magpabuntis sa kanya," singit ni Ilmas. Halos pandilatan ko silang dalawa ng mata. Paano pa kaya kapag nalaman nina Hennessy ito? "Mahaharot," tangi kong sambit. Nag-ayos na ako ng sarili bago dakuhan si Rimo. Sana tulog na siya para mai-marites ko kina Ranine, "Neng, baka mapakagat ka kapag nakita mo. Mas pogi pa sa nagpapakain sa atin," heto na nga at sumalo si Hennessy sa usapan. Ako na lang pala ang walang alam. "Sige lang, magpantasya pa kayo para makabuo kami," parinig ni Ranine. Gusto ko siyang sabunutan nang mga oras na iyon pero pinigilan ko. Hindi pa ako nakalilimot pa sa cookies niya, ha. Sabay-sabay lang kaming umirap sa kanya. Hindi naman kasi ako tipikal na bidang babae na kailangan mabait. Kaya kong maging parang si Valentina kung hahamakin nila ako. Ror. Pagpasok ko sa loob ay muntik na akong matumba nang madatnan siyang nakatayo sa may pinto. Napahawak ako sa pintuan at hinawakan siya sa balikat, "B-bakit ngayon ka lang? Ayaw mo ba sa cookies?" magkasunod pa ang tanong niya pero pinapasok ko na siya bago sagutin, "Kalimutan na natin iyon. Masarap naman, e. Sumama lang bigla ang pakiramdam ko," palusot ko. "B-buntis ka na ba?" napa-awang ang bibig ko sa kanya. Paano naman iyon mangyayari, aber? "Hindi pa. Inaantay kita, e," banat iyon at sana makuha niya. Napakainosente kasi, "A-ano bang dapat kong gawin?" hinawakan niya ang mga kamay ko at ipinailalim sa kumot niya. Alam niyang malamig sa kwarto dahil sa air-condition at manipis pa ang suot ko. Napaisip ako at lumapit sa kanya. Bale nakaupo kami sa kama niya kaya mabilis ko itong nagawa, "Ayos lang ba na huhulaan mo ang parte ng katawan ko na ipahahawak ko sa iyo?" alam kong may halong kaberdehan ito kaya nagpaalam muna ako. Tumango siya, "P-pero okay lang din ba sa'yo?" tanong niya at naramdaman kong uminit ang kamay niya at namawis ng kaunti. Kinabahan bigla. "Ayos na ayos, Rimo. Para bigyan ka ng ideya, ang iba sa mga ito ay maseselan," susubukan ko lang na alisin ang hiya namin sa isa't-isa. "S-sige. Payag din a-ako na magpahula ng parte ko at maghalinhinan na lamang tayo," suhestiyon niya, "Ano? Haling-hingan?" pag-uulit ko at napatawa sa pang-aasar. Tingnan natin kung makukuha niya ang ibig kong sabihin. "H-halinhinan. Ikaw t-tapos ako," nataranta siya nang mapagtantong may kakaiba sa sinabi ko at minasahe ko ang kamay niya para siya ay kumalma. "Biro lang, pero maririnig ko rin naman ang halinghing mo sa susunod," hirit ko pa at napanganga siya. Sabik na tuloy ako sa naisip kong pampalipas oras. Sisiguruhin kong hindi siya makakatulog. Haha!Nineveh's POVHindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang pagdating nilang lima ay para bang naging matataas na pader na wala kang matutungtungan upang makaakyat."Nueve, labhan mo nga itong bedsheet na ginamit namin kagabi!" kagigising ko lamang at ito ang bungad sa akin ni Joval. Siya 'yung pang lunes dahil martes na ngayon."Hindi ako tumatanggap ng utos mula sa kalaban...pwera na lang kung ikaw ang amo ko," sagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magsabunutan kami rito dahil hindi naman kami makikita ni Rimo."Mag-uutos ba ako kung hindi? Ako ang mauunang mabuntis kaya susunod ka dapat sa akin!" ibinato niya sa akin ang bedsheet. Sobrang sama ng loob ko sa kanya. "Magtigil ang hindi pa nakakaiskor kay señorito Rimo!" pang-aalaska ko sa akala mo ay Doña kung makaasata."Napakahambog mong magnanakaw ka!" muntik na niya ako sabubutan pero itinaklob ko ang bed sheet sa aking sarili. Ayaw ko talaga sa isang tao kapag dinudungisan ang mukha ko. Ito na lamang ang natirirang san
Nineveh's POV Nitong nakaraan ay tanggap ko na posibleng si Ilmas ang matira rito sa mansion. Ginagawa ko ang lahat upang masiguro ko ang pagdadalantao. "Ipinatatawag ka ni Don Rioflorido," sambit sa akin ng sekretarya ng matandang mayaman. Ito na ang hinihintay kong hudyat. Malamang ay tama ang hinala ko. Tila naging mabigat ang mga hakbang ko nang makarinig ng napakaraming tunog ng takong. Apat na babae ang dumaan sa harapan ko at binangga pa ang balikat ko dahil sa pagmamadali. Tinungo nila ang silid ni Don Rioflorido. Pagpasok ko ay minamasahe ni Ilmas ang balikat ng aming amo at tiningnan ako nang maigi. "Laxamana, hindi ko gustong makita na kampante ka kaya naman dinagdagan ko ang iyong mga karibal," puro kolorete sa mukha at magagarang damit ang suot ng mga magagandang dilag sa harapan ko kaya ako nanlumo. Ako na mukhang basahan ang suot ay biglang nanliit. "Simula ngayon ay kikilalanin mong madrasta si Ilmas at wala kang karapatan na apihin siya pati na ang iba mo pang k
Nineveh's POVMaaga akong nagising sa hindi malaman na dahilan. Wala akong ideya sa napag-usapan nina Rimo at Don Rioflorido hingil sa magiging kalagayan ni Ilmas dahil mukhang ako ang pipiliin ng unico jiho.Kahit na masama ang ugali ko ay natitira pa naman akong awa sa sulok ng puso ko.Kumuha ako ng isang basong tubig at uminom.Sa aking pag-akyat ay napansin ko na bukas ang pinto sa kwarto ng mayaman na may-ari ng bahay. Dahan-dahan akong lumapit para isara sana ito dahil may pakialam naman ako sa lugar na ito kahit papaano.Nang mahawakan ko ang door knob ay naestatwa ako sa aking nasilayan."Pwede bang ako na lang ang manatili rito sa inyong teritoryo? Gabi-gabi kitang paliligayahin," mahalay ang tono nito at nanlaki ang mata ako.Hindi ako pwedeng magkamali. Sa tagal ng pagsasama naming lima ay sa boses niya ako pinakanaa-adwa o naaasar.Napakusot ako ng mata dahil baka nagpapasok lamang si Don Rioflorido ng bayarang babae para maibsan ang kanyang pangangailangan."Gustuhin ko
Nineveh's POVMatapos ang kaarawan ni Rimo ay bumalik na ang lahat sa dati. Kami na lamang ni Ilmas ang natitira. Nagpakita ako ng kabaitan sa kaniya nitong nakaraan ngunit wala pala ako na mapapala. Apoy na ang pagtingin niya sa akin at kalabang mortal talaga."Hoy nueve! Anong ginawa mo kay Rimo at ayaw na niyang magpagalaw sa akin ha?" ngawngaw niya sa akin kahit na ako ay naglalaba."Hindi ko rin alam...pero baka kasi may sariling isip si Rimo kaya ganoon," pamimilosopo ko dahil alam ko kung ano ang lamang ko sa kanya."Malandi ka! Tuwad na tuwad ka siguro!" hinuli niya ang buhok ko at ayaw magpaawat. Nadampot ko ang palu-palo na ginagamit sa paglalaba at saka lamang siya bumitaw."Eh ano ngayon? kung gumagawa ka na sana ng paraan...hindi 'yung ako pa ang sisisihin mo sa kapalpakan mo!" gigil na sabi ko dahil hindi ako matapos-tapos sa aking mga labahin.Buti na lamang at umalis siya sa kinauupuan ko. Ang tindi na ng labanan sa aming dalawa.Napamasahe ako sa aking noo at nagbanl
[SIXTEENTH MEETING]Nineveh's POVMga ginto at pilak na alahas, makintab na sahig, at malalaking ilaw sa itaas. Halos masilaw ako sa liwanag na sumalubong sa akin nang ako ay makatapak sa lugar na pangyayarihan ng pagsubok at kaarawan.Nagkukumpulan ang ibang bisita sa hapag-kainan, habang ang iba ay nagbubulungan at nakatingin sa tatlong obrs sa entablado. Isang damit, hinulma na paso, at nililok na pigura ng isang babae.Nag-anunsiyo si Don Rioflorido sa wikang ingles at nagsiboto ang mga imbitado.Napatingin ako sa aking kasuotan. Binili ko ito sa ukay-ukay pagkalaya ko sa kulungan. Isang kulay kahel na kupas ang kulay. Kanina pa akong pinagtitinginan habang nakapila sa mahabang lamesa na puno ng pagkain.Maglalaway ka letson, panamang-panama sa mga ulam, salad kuno, at panghimagas.Umupo ako saglit sa isang lamesang walang tao sa likod. Pinagmasdan ko sina Rimo at Ilmas na nagsasayaw nang mabagal sa unahan. Maganda ang yari ng kanyang damit pati na rin sa regalo niya kay Rimo. H
Nineveh's POV"At sino naman kaya ang nagbenta ng pangalan ko sa iyo?" humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay kahit hindi niya ako kita."I-itinanong ko kay Papa," siya pala ang salarin. Balak ko sanang abangan sa labas. Ang kaso, baka ako ang malintikan.Sinubukan kong maglakad, subalit napakapit akong muli sa kotse na paika-ika. Shuta, Rimo. Hindi mo naman ako sinabihan na plano mo akong lumpuhin. Parang paralisado ang aking mga binti!Sa halip na indahin ang sakit ay dumako ang mata ko sa pinangyarihan ng kababalaghan, "Lagot ka sa Papa mo, may tagas ng ano mo sa unahan," nginig malala sapagkat wala siyang kaalam-alam na hindi ito tunay. Nakita ko ang paglunok niya at kinapa ang sasakyan, "S-saang banda? Pupunasan ko," pinilit niyang ikalma ang sarili. Handang panagutan ang nangyari. Inilayo ko ang kanyang kamay, "Biro lang. Sa loob mo pinatalsik, hindi ba?" hindi talaga natatapos ang paglalandi ko sa kanya.Namula ang kanyang tainga at hinawakan ito dahil sa hiya. Kahit kayu