로그인Sa loob ng isang private room sa ikapitong palapag.
Ang daming nakahain na mga putahe.
“Kumain ka ng malaking lobster, pampalakas daw ’yan at nang magkalaman naman iyang katawan mo,” sabi ni Kenneth kay Ronald. “Sigurado akong hindi mo pa natitikman ito dati. Tunay na presko ito at kahit tingnan mo lang ay sobrang sarap na.”
Mabilis ang mga kamay ni Kenneth at sa ilang sandali lang ay puno na ang plato ni Ronald. Nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid nang may halong paghamak. Na para bang mga gutom na ligaw na hayop ang kaharap nila.
"Hay naku, Kenneth, kaya ko namang kumuha mag-isa. Kumain ka na rin,” nahihiyang sabi ni Ronald.
“Nakakain na ako ng mga niyan noon.” Walang pakialam si Kenneth sa mga titig ng iba. Kakain lang naman sila at aalis. Isa pa ay wala namang nakakakilala sa kanila.
Mabilis na lumipas ang kalahating oras.
“Busog ka na?” tanong ni Kenneth.
“Sobrang busog,” sagot pa ni Ronald.
“Tara na!” Tumayo si Kenneth at hinila ang kaibigan saka agad silang lumabas.
Paglabas pa lang nila ng pinto ay nakita nilang papalapit si Marile kasama ang dalawang security guard.
“Oy, Kenneth, ’yung magandang babae!” sigaw ni Ronald habang nakaturo kay Mariel.
“Tumakbo na tayo!” mabilis na sigaw ni Kenneth.
“Bakit tayo tatakbo? At saka hindi ba pupunta tayo sa kasal?” nagtatakang tanong ni Ronald.
“Kapag hindi ka tumakbo ngayon, huhulihin ka nila at babasagin ang mukha mo,” seryosong sabi ni Kenneth habang pabulong na idinagdag, “Hindi ko naman talaga kilala si Clarissa.”
“Lintik ka, mamaya ka sa akin!”
Pagkarinig ng totoo ay mabilis na tumalikod si Ronald at tumakbo.
“Ang bilis mo talagang tumakbo, bata ka!”
Humarap si Kenneth kay Mariel saka nag-flying kiss na may pang-aasar na ngiti. Pagkatapos ay tumakbo na siya sa hagdan paakyat.
“Hulihin ninyo siya! Kapag hindi, huwag na kayong pumasok bukas!” galit na galit na sigaw ni Mariel.
Mabilis na hinabol ng dalawang security guard si Kenneth paakyat. Nakataya ang trabaho nila kaya kailangan nilang hulihin siya.
Ang unang sampung palapag ng El Grande Hotel ay puro restaurant at entertainment rooms, habang ang ikalabing-isang palapag pataas ay mga hotel rooms na.
Pagdating sa ikalabing-isang palapag, inilabas ni Kenneth ang kanyang cellphone at idinikit ito sa card reader ng unang kwartong nakita niya. Mabilis na nag-scan ang screen ng cellphone at tumunog ang mahinang beep.
Binuksan ni Kenneth ang pinto at mabilis na pumasok.
Hindi naisip ng dalawang security guard na papasok siya roon dahil wala naman itong key card, kaya agad nilang hinanap ang paligid ngunit hindi siya nakita. Tumuloy sila hanggang ikalabindalawang palapag.
Nang hindi na marinig ni Kenneth ang yabag nila ay binuksan niya ang pinto para umalis. Pero eksakto namang pagdating ni Mariel.
Natigilan si Mariel nang makita siya at akmang sisigaw pero mabilis na tinakpan ni Kenneth ang bibig niya gamit ang kamay niya. Hinila niya ito papasok ng kwarto at malakas na isinara ang pinto.
Isinandal niya si Mariel sa dingding at ngumiti nang kaakit-akit.
“May dalawa kang pagpipilian ngayon,” sabi niya nang parang gentleman pa rin ang tono. “Una, pagsasamantalahan muna kita bago patayin. Pangalawa, papatayin muna kita bago pagsamantalahan. Alin ang gusto mo?”
Halos gumuho ang mundo ni Mariel. Dumaloy agad ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya akalaing makakatagpo siya ng ganitong klaseng manyak na lalake. Para siyang isang tupa na kusang pumasok sa lungga ng tigre. Impyerno iyon!
“Siyempre, may pangatlong opsyon ka pa.”
Napakadaling takutin ng babaeng ito, kaunting sindak lang at umiiyak na agad. “Manatili ka lang dito nang tahimik. Huwag kang sisigaw o gagawa ng ingay. Lumabas ka na lang kapag nakaalis na ako.”
Paulit-ulit na tumango si Mariel. Buhay niya ang nakataya kaya papayag siya sa kahit ano.
Aalis na sana si Kenneth nang biglang may tunog ng pagbukas ng pinto— may papasok na iba.
May nakita siyang aparador sa gilid kaya agad niyang hinila si Mariel papasok doon. Pagkapasok nila ay narinig nilang bumukas ang pinto, kasunod ang mga tunog ng matinding paghahalikan at ungol.
Bahagyang binuksan ni Kenneth ang pinto ng aparador at nakita ang isang lalaki at babae na parehong hubad at abalang ginagawa ang mga malisyosong bagay.
Paulit-ulit na umuungol ang babae sa sobrang sarap.
“Wow, live performance! Gusto mong manood?” bulong na tanong ni Kennth kay Mariel habang nakatutok pa rin sa dalawa sa labas.
Mabilis na umiling si Mariel. Parehong nahihiya at natataranta. Hindi niya akalaing magiging ganito kamalas ang gabing ito.
Akala niya noong may pumasok ay makakahingi na siya ng tulong. Hindi pala—mukhang taong matagal na pinagkaitan ng babae ang dumating at agad-agad sumabak.
“Maganda ang katawan ng babaeng ’to. Malaki rin ang hinaharap niya.”
“Grabe, ang hirap naman ng posisyong ’yan!”
“Hoy, anong tawag sa move na ’yan?”
Walang tigil si Kenneth sa pagko-comment na parang nanonood lang ng adult film.
Maliit lang ang aparador at halos magkadikit na silang dalawa dahil sa sikip.
Sapat na iyong ikahiya ni Mariel, pero mas lalo pa siyang nainis sa mga lumalabas sa bibig ni Kenneth. Gayunpaman, dahil ayaw niyang makita ang malaswang eksena sa labas, tiniis na lang niya ang lahat at tahimik na naghintay na matapos ang dalawang nasa kama.
Bigla niyang naramdaman ang isang kamay sa kanyang dibdib at agad siyang nataranta. “A-Anong ginagawa mo?”
Masyadong maliit ang espasyo kaya wala sa sariling inalis ni Kenneth ang kamay niya mula sa dibdib ni Mariel at ibinaba ito sa sarili niyang bulsa.
“Sayang naman ang eksenang ito kung hindi mare-record.”
Inilabas ni Kenneth ang cellphone niya at nagsimulang mag-video. Napabuntong-hininga si Mariel. Akala niya talaga ay may balak itong gawin sa kanya.
Pagkalipas pa ng ilang minuto, tumigil din ang mga ungol at narinig nilang nagbibihis na ang dalawa.
“Pagkatapos ngayong gabi ay mahirap na ba kitang makita?” may tampong tanong ng babae.
“Maghahanap ako ng oras para makita ka,” sagot ng lalaki habang nagbibihis. “Mauuna na ako sa baba. Maraming naghihintay sa akin.”
“Maliligo muna ako.”
Lumabas ang lalaki habang pumasok naman sa banyo ang babae
Ito na ang pagkakataon para makatakas.
Lumabas si Kenneth sa aparador at narinig niya ang mahinang daing ni Mariel. Matagal silang nakatayo sa masikip na espasyo kaya namanhid ang mga binti nito.
“Napakahirap talagang kasama ng mga babae.” Wala siyang choice kundi tulungan itong makalabas ng pinto pagkatapos ay nagpaala. “Miss ganda, paalam habambuhay.”
“Sandali!” sigaw ni Mariel.
Pero hindi na nag-abala pa si Kenneth at tumakbo na palayo.
Lihim na namangha si Mariel. Sobrang kumpiyansa siya sa kanyang itsura, ngunit sa ganoong sitwasyon ay nakapagpigil pa rin ang lalaking iyon. Napakabihira ng lalaking may ganoong katinding self-control. O baka naman hindi gumagana ang ano niya?
Pagdating ni Kenneth sa elevator, nakita niya ang lalakeng kasama ng babae sa kwarto. Mukha na itong disente ngayon dahil nakabihis na, pero kanina ay parang hayop na sabik na sabik sa laman.
Napagtanto naman ni Kenneth na ang lalaking ito pala ay si Marlon Cruz, ang groom para sa kasal mamaya.
Kawawang Clarissa.
Napakaraming lalaking humahabol sa kanya pero ganito pala ang pinili niya. Niloloko siya ng groom niya sa mismong araw ng kasal nila!
Saglit na inisip ni Kenneth kung sasabihin ba niya kay Clarissa ang nalaman niya, pero agad din niya iyong inalis sa isip. Wala naman siyang kinalaman dito, at ayaw niyang madamay sa gulo.
Sa mundong ito, araw-araw may namamatay, nagugutom, at napaparatangan. Ang lokohin sa pag-ibig ay maliit na bagay lang. Ayaw niyang magpakabayani.
“Sa wakas, nakita ka rin namin!”
“Huwag kang gagalaw!”
Itinaas ni Kenneth ang mga kamay niya. Nagtatakang tumingin si Marlon kay Kenneth at nagtanong sa dalawang security guard. “Ano’ng nangyari?”
“Nakapasok po ang lalaking ito para makikain lang, sir,” sagot ng isang security guard.
“Ano pong gagawin namin sa kanya?” tanong ng isa pa.
“Balian ninyo ng mga paa at itapon sa kalye,” malamig na sabi ni Marlon.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Kenneth. “Sigurado kang hindi mo pagsisisihan ang gagawin mong ’yan?”
Baliin ang paa ng isang tao dahil lang sa libreng pagkain Sobrang malupit naman niyon. Kahit mga gangster, hindi ganoon kasama.
“Balian na rin ninyo ng mga kamay.”
Inaayos ni Marlon ang kanyang kuwelyo habang ni hindi man lang muling tumingin kay Kenneth na para bang isang langgam lang ito.
Lumapit ang dalawang security guard habang hawak ang electric batons.
“Naglakas-loob kang makikain dito? Maghanda kang magpalipas ng buhay sa wheelchair!”
----
Paika-ikang dumating si Mariel at nakita ang dalawang security guard na nakahandusay sa sahig habang nakatayo si Kenneth sa tabi nila.
“Ano’ng nangyari sa kanila?” nagtatakang tanong niya.
“Baka natutulog lang,” sabi ni Kenneth habang pinapagpag ang mga kamay niya.
“Huwag mong sabihing ikaw ang nagpatumba sa kanila?” gulat na tanong ni Mariel.
Lahat ng security guard sa El Grande Hotel ay dating mga beteranong sundalo. May stun gun pa sila at kayang lumaban sa tatlo o apat na ordinaryong tao. Kung nagawa silang pabagsakin ni Kenneth, gaano ba talaga siya kalakas?
“Matino pa naman ang pag-uugali ko. Hindi ko ginagamit ang dahas sa pagresolba ng problema,” natatawang sabi ni Kenneth pero labas sa ilong. Pagkatapos ay inilabas ang cellphone niya. “May ipapakita ako sa’yo.”
Binuksan niya ang video na ni-record niya kanina at inilapit sa mukha ni Mariel. Narinig agad ang mga ungol mula sa cellphone.
“Manyak! Patayin mo ’yan!” mabilis na iwas ni Mariel.
“Sige, huwag mong panoorin. Gusto ko lang sanang ipakita kung gaano kagaling sa kama ang groom.”
“Ano’ng sinabi mo?”
Napatingin si Mariel sa video at agad siyang namula hanggang leeg dahil sa hiya at galit. Hindi pa siya nakakita ng ganitong bagay dati. Nakakadiri iyon. Pero kailangan niyang tingnan para makumpirmang si Marlon nga iyon.
Ganito pala ang itsura ng babae kapag nanonood ng ganoong klaseng pelikula? Napangiti si Kenneth nang makita ang pamumula ng mukha nito.
“Hayop kang lalake ka! Hindi kita patatawarin! Humanda ka!”
Inagaw ni Mariel ang cellphone ni Kenneth at mabilis na bumaba sa hagdan imbes na sumakay ng elevator.
“Cellphone ko yan!” mabilis na habol ni Kenneth.
“Binabastos na nang ganito ang best friend ko at iniisip mo pa rin ang cellphone mo? Wala ka bang konsensya?”
“Pwede naman kitang padalhan ng video.”
“Huli na.”
“Huwag kang tumakbo nang ganyan kabilis, baka mapilayan ka.”
Tinitigan ni Kenneth ang manipis nitong high heels na parang pako at totoong nag-alala siya. At gaya ng inaasahan niya, biglang may sumigaw at bumagsak si Mariel sa sahig.
“Bwisit kang usisero ka! Mamamatay ka ba kapag hindi ka nagsalita ng malas?”
Sa sobrang sakit, halos maiyak si Mariel. Nang makitang nakatayo lang si Kennth ay mas lalo siyang nainis. “Ano pang ginagawa mo riyan? Tulungan mo ako at kailangan kong puntahan si Clarissa bago mahuli ang lahat. Tinulungan niya ang lalakeng iyon pero niloloko lang pala siya!”
“Eh ano naman kung niloko siya? Magiging mag-asawa na sila ngayon. Akala mo ba inosente pa sila?” Tinulungan naman ni Kennth si Mariel na makatayo.
“Relihiyosa si Clarissa at tutol siya sa kahit anong physical contact bago makasal. Hindi pa nga siya nahahawakan ni Marlon," sabi ni Mariel.
“Iyan na yata ang pinakamagandang biro na narinig ko ngayong araw.”
“Tinawagan pa niya ako kahapon at sinabing nagsisisi siyang magpakasal. Maniwala ka man o hindi, tulungan mo muna akong makababa.”
“Nakikain lang naman ako, akala mo ba madali ’tong pinapagawa mo?” walang choice na sabi ni Kenneth habang inalalayan si Mariel pababa.
“Binabalaan kita, huwag kang magsamantala…” Bago pa man makasagot si Kennth ay pinalo na ni Mariel ang kamay niyang napunta sa dibdib niya.
“Saan mo inilalagay ang kamay mo?” galit na sigaw ni Marile at namumula na sa galit.
“Pasensya na at medyo malabo ang mga mata ko.”
Sa bulwagan sa ikawalong palapag, magsisimula na ang pinaka-emosyonal na bahagi ng gabi.Bilang isang debotong Kristiyana, ipinahanda ni Clarisaa ang isang Western-style wedding ceremony pagkatapos ng handaan, at espesyal pang nag-imbita ang pari upang maging saksi sa pag-iisang dibdib nila sa entablado.“Mr. Marlon Cruz, tinatanggap mo ba si Clarissa Ramirez bilang iyong asawa—na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?” tanong ng pari habang hawak ang isang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Marlon.“Ms. Clarissa Ramirez, tinatanggap mo ba si Marlon Cruz bilang iyong asawa na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?”Nakaupo si Clarissa sa entablado suot ang kanyang wedding gown, kasinglinis at kasingganda ng isang papel, sentro ng atensyon ng lahat.Ngunit sa sandaling iyon, natahimik siya.Matapos
Sa loob ng isang private room sa ikapitong palapag.Ang daming nakahain na mga putahe.“Kumain ka ng malaking lobster, pampalakas daw ’yan at nang magkalaman naman iyang katawan mo,” sabi ni Kenneth kay Ronald. “Sigurado akong hindi mo pa natitikman ito dati. Tunay na presko ito at kahit tingnan mo lang ay sobrang sarap na.”Mabilis ang mga kamay ni Kenneth at sa ilang sandali lang ay puno na ang plato ni Ronald. Nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid nang may halong paghamak. Na para bang mga gutom na ligaw na hayop ang kaharap nila."Hay naku, Kenneth, kaya ko namang kumuha mag-isa. Kumain ka na rin,” nahihiyang sabi ni Ronald.“Nakakain na ako ng mga niyan noon.” Walang pakialam si Kenneth sa mga titig ng iba. Kakain lang naman sila at aalis. Isa pa ay wala namang nakakakilala sa kanila.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.“Busog ka na?” tanong ni Kenneth.“Sobrang busog,” sagot pa ni Ronald.“Tara na!” Tumayo si Kenneth at hinila ang kaibigan saka agad silang lumabas.Pag
Pagkatapos ng trabaho, bumalik si Kenneth sa dormitoryo ng construction site. Pagkalipas ng limang minuto, lumabas siya ng banyo na tila ibang tao na.May taas siyang humigit-kumulang 1.8 metro, nakasuot ng mamahaling polo at pantalon, pati imported na leather shoes. Ang maikli niyang buhok, halos isang pulgada lang ang haba, ay maayos na nakatayo kaya mukha siyang isang celebrity.“Sandali lang ang lumipas at bihis ka na agad?” walang masabing tanong ng kasama niyang si Ronald.“Kung may nakatutok na baril sa’yo, siguradong mapapabilis ka rin. Kayang-kaya mong pantayan ang bilis ko.”Sanay na si Ronald sa mga kabaliwan ni Kenneth. Halos kalahating taon na itong nagtatrabaho sa construction site, pero kung anu-anong kuwento ang sinasabi— minsan hitman daw siya, minsan bodyguard, at minsan nakapunta raw siya sa mahigit sampung bansa sa Europa, at minsan naman ay nakaranas na raw siya ng kagandahan ng mga babae mula sa sampung iba’t ibang bansa.Ang pinakagrabe pa, sinabi niyang minsan







