공유

Chapter 3

last update 게시일: 2026-05-28 08:20:02

Sa bulwagan sa ikawalong palapag, magsisimula na ang pinaka-emosyonal na bahagi ng gabi.

Bilang isang debotong Kristiyana, ipinahanda ni Clarisaa ang isang Western-style wedding ceremony pagkatapos ng handaan, at espesyal pang nag-imbita ang pari upang maging saksi sa pag-iisang dibdib nila sa entablado.

“Mr. Marlon Cruz, tinatanggap mo ba si Clarissa Ramirez bilang iyong asawa—na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?” tanong ng pari habang hawak ang isang bibliya.

“Opo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Marlon.

“Ms. Clarissa Ramirez, tinatanggap mo ba si Marlon Cruz bilang iyong asawa na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?”

Nakaupo si Clarissa sa entablado suot ang kanyang wedding gown, kasinglinis at kasingganda ng isang papel, sentro ng atensyon ng lahat.

Ngunit sa sandaling iyon, natahimik siya.

Matapos ang mahabang katahimikan, mahina niyang sumagot. “Opo”

“Sandali!”

Mula sa gitna ng mga tao, lumabas si Mariel habang hawak ang cellphone at paika-ikang umakyat sa entablado.

“Mariel, anong nangyari?” nagtatakang tanong ni Clarissa.

"May kailangan kang makita, Clarissa.” Masamang tingin ang ipinukol ni Mariel kay Marlon bago binuksan ang video. “Kalahating oras lang ang nakalipas nang mangyari iyan.”

Dahil ayaw niyang malagay sa kahihiyan ang kaibigan ay naka-mute ang video. Kinuha ni Clarissa ang cellphone, pinanood ang video at agad na nagbago ang kanyang mukha.

“Anong problema?” nagtatakang tanong ni Marlon.

Malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito. Nagulat ang lahat ng nasa audience at walang nakakaintindi sa nangyayari.

“Ano bang nagawa kong mali, Clarissa?” naguguluhan na tanong ni Marlon habang hawak ang kanyang pisngi.

Galit na inihagis ni Clarissa ang cellphone sa kanya pero nakailag siya. Bumagsak ang cellphone sa sahig at nabasag.

“Cellphone ko!” Biglang sumugod si Kenneth mula sa gitna ng mga tao, pinulot ang basag na cellphone at halos maiyak. “Nakikain lang naman ako!”

Pagkaraan ng isang oras, sa villa ng pamilya Ramirez.

Nagkulong si Clarissa sa kanyang kwarto at tumangging makipagkita sa kahit sino maliban kay Mariel. Kung hindi lang naroon si Marile ay baka sinira na ng tatay ni Clarissa na si Arnold ang pinto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Arnold ang totoong nangyari. Tinawagan niya si Marlon para tanungin pero ayaw itong magsalita.

“Huwag ka nang malungkot, Clarissa. At least, hindi ka pa tuluyang nalugi,” pag-alo ni Mariel sa kaibigan.

Unti-unting kumalma si Clarissa. Sa totoo lang ay may kakaiba pa siyang naramdamang ginhawa matapos ang nangyari. Tinanggap lang naman niya ang kasal dahil sa pressure. Iniisip na wala nang mas maayos na lalaki kaysa kay Marlon kaya pumayag siya.

“Paano mo pala nakuha ang video na iyon?”

Agad na namula si Mariel nang maalala ang eksena nilang dikit na dikit sa loob ng aparador.

“Hindi ko naman cellphone iyon. Sa bastos na lalaking iyon!”

“Kay Kenneth?”

“Impostor siya! Gwapo nga pero nakikikain lang pala! Nakakainis talaga!” galit na sabi ni Mariel.

Napatawa si Clarissa. Matagal na niyang hindi nakitang ganoon ka-interesado ang best friend niya sa isang lalaki. Pagkatapos ay ikinuwento ni Mariel ang tungkol kay Kenneth at hindi mapigilan ni Clarissa ang mapangiti at matawa.

Unti-unting nawala ang bigat ng nangyari sa kanina.

“Kakaiba talaga ang lalaking iyon. Iniisip ko pa rin kung paano siya nakapasok sa hotel room?”

Sa ugali ni Marlon, siguradong matagal na nitong nirentahan ang kwartong iyon. Paano nakapasok si Kenneth nang walang key card?

Iyon din ang ipinagtataka ni Mariel.

“By the way, ’yung dalawang security guard na pinadala mo, nawalan ng malay. Sabi ng lalaking iyon, natutulog lang daw sila.”

“Mga beteranong sundalo ang dalawang ’yon. Paanong natutulog lang?” lalo pang nagtaka si Clarissa. “Ngayong nabanggit mo siya, gusto ko tuloy talaga siyang makilala.”

“Miss ganda, mukhang pareho tayo ng iniisip.”

Isang anino ang biglang lumitaw mula sa balkonahe, si Kenneth iyon!

“Paano ka nakapasok?!”

Natulala ang dalawang babae at napatitig sa kanya na para bang bumagsak siya mula sa langit.

“Umakyat lang naman ako.”

“Ikalimang palapag ito,” gulat na sabi ni Clarissa.

Tiningnan ni Kenneth ang marurumi niyang kamay bago nagtanong, “Sandali lang, nasaan ang banyo?”

Tahimik na itinuro ni Mariel ang direksyon ng restroom.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Kenneth mula sa banyo, umupo sa sofa at seryosong nagsalita. “Ngayon, pag-usapan natin ang bayad sa cellphone.”

“Umakyat ka ng limang palapag para lang maningil ng cellphone?” hindi makapaniwalang tanong ni Mariel.

“Isasama ko na rin sa singil ang pag-akyat,” seryosong sagot ni Kenneth. “Ang presyo ng cellphone ay nasa six thousand lang naman. Dalawang buwan ko na iyong ginagamit kaya napamahal na sa akin iyon. Sabihin nating two thousan para sa emotional damage. Nadumihan pa ang damit ko sa pag-akyat kaya kailangan ko itong labhan, two thousand din. Kaya ang totay at ten thousand. Hindi ko na isasama ang pamasahe ko papunta at pabalik. Paano kayo magbabayad?”

Halos sumabog si Marile sa galit. Tao pa ba ang lalaking ito? Umakyat sa ikalimang palapag sa kalagitnaan ng gabi para maningil ng nasirang cellphone?

Ngunit interesado namang tiningnan siya ni Clarissa at ngumiti. “10,000 lang pala? Walang problema.”

Lumapit siya sa mesa, kumuha ng makapal na bungkos ng pera mula sa drawer, at inilapag iyon sa mesa. “Bilangin mo kung sapat.”

“Diretsahan talaga si Miss Ramirez, hindi tulad ng ibang tao dyan.”

“Ulitin mo ang sinabi mo kung matapang ka!” Agad na tumayo si Mariel.

May maliit na unan ang lumipad papunta kay Kenneth. Isang hampas lang niya at bumalik iyon kay Mariel dahilan para matumba ito sa sofa at tumaas ang mga paa.

“Hindi bagay sayo ang pink. Mas bagay sa’yo ang black.”

Napatingin si Kenneth sa bahagyang sumilip na underwear nito mula sa ilalim ng palda at natawa. Hawak ang makapal na pera, ipinagpag niya ito at kumuha lang ng ten thousand. “Ayaw kong maging sakim.”

Binalik niya ang sobrang pera saka pumunta sa balkonaheat tumalon.

“Papatayin kita!” Mabilis na bumangon si Mariel pero wala na si Kenneth. “Nasaan na ’yung hayop na ’yon?”

“Nakaalis na.”

“Bakit hindi mo pinigilan?”

“Mahigit isang dosenang security guard ng villa hindi siya napigilan. Hindi rin siya nakita ng mga camera. Paano ko siya pipigilan?”

Pinulot ni Clarissa ang perang naiwan at napaisip.

“Hayop talaga ang lalakeng iyon! Kahit magtago pa siya sa dulo ng mundo, hahanapin ko siya!” galit na sigaw ni Mariel.

....

Pagsapit ng Agosto, napakalamig at presko ng panahon sa Marilas City, pinakamagandang panahon para magtrabaho. Nakasuot si Kenneth ng kupas at punit-punit na jeans at sky-blue na work uniform na may nakasulat na Happy City sa likod.

Nakasakay siya sa kanyang lumang secondhand motorcycle habang makapal na usok ang lumalabas sa tambutso nito.

Habang umaandar siya sa ilalim ng sikat ng araw, palinga-linga lang siya sa paligid.

Walang nakakaalam kung saan siya nanggaling, walang nagtatanong kung kung ano ang kanyang apelyido. Wala siyang pakialam sa usaping pag-ibig at hindi rin niya pinapangarap maging ulirang bayani...

Biglang huminto ang BMW sa harap niya kaya bumangga ang motorsiklo ni Kenneth sa likuran nito.

Isang babaeng makapal ang foundation at naka-pulang high heels ang bumaba ng sasakyan. Tiningnan ang likuran ng sasakyan niya at agad na nagsisigaw. “Bulag ka ba? Alam mo ba kung magkano ang bili ko sa bagong kotse na 'to? Kahit ibenta mo pa sarili mo ay hindi mo mababayaran 'to!”

Mayabang nitong itinuro ang mukha ni Kenneth.

“Huwag mong subukang tumakas! Kabisa ko na ang plate number mo. Kahit magtago ka sa dulo ng mundo, mahuhuli kita!”

Ngumisi si Kenneth at iniatras nang bahagya ang motorsiklo, saka biglang bumuwelo. Sobrang bilis at bago tumama sa BMW, bigla itong tumalon at lumapag sa bubong ng kotse.

“Wow, ang galing!”

“Grabe, sobrang astig!”

“Picturan ninyo, bilis! At i-post sa Chatty!”

“Bumaba ka diyan! Sinira mo ang bagong kotse ko!” sigaw ng mayamang babae at lalo pang nagalit sa ginawa ni Kenneth.

Tinapakan ni Kenneth ang silinyador, dinurog ng gulong ang salamin ng kotse, at mabilis na umalis habang nag-iiwan ng makapal na usok.

“Kotse ko!” Halos maiyak sa sama ng loob ang babae habang tinitingnan ang sirang BMW.

Tumingin si Kenneth sa rearview mirror at nakita ang itsura ng babae. Hindi niya mapigilang makaramdam ng kakaibang saya.

Ang mga walanghiya, dapat tratuhing walanghiya rin.

Biglang may umugong na sirena ng pulis sa likuran niya at isang babaeng pulis na nakamotorsiklo ang humahabol sa kanya.

“Huminto ka! Tumabi ka o babarilin kita!” sigaw ng pulis habang nakatutok sa kanya.

“Hindi ako edukado, huwag mo akong takutin. Kailan pa nagdala ng baril ang traffic police?” hindi makapaniwalang sabi ni Kenneth.

Mabilis na naglabas ng baril ang pulis at malamig na itinutok iyon sa kanya. “Gusto mo bang subukan kung laruan ba ito?”

Agad na nataranta si Kenneth at mabilis na itinabi ang motorsiklo.

Napaka-cool ng babaeng pulis. Kanang kamay sa manibela at kaliwang kamay ay hawak ang baril. Huminto ang motorsiklo ng pulis at bumaba ang isang babaeng nasa kalagitnaan ng twenties.

Nakasuot siya ng itim na pantalon, asul na polo, at itim na helmet. May taas siyang mga 1.68 metro at mahahaba ang mga binti. Bahagyang mas maitim ang balat niya kaysa sa karaniwang office worker, pero lalo lamang iyong nagdagdag sa kanyang matapang at kaakit-akit na awra.

Talagang maraming magagandang babae sa Marilas Cito nitong mga araw! Dalawa nang pambihirang babae ang nakilala niya kagabi at ngayon ay may isa pang magandang babae!

Sa sandaling iyon, tinanggal ng babaeng pulis ang helmet niya at lumantad ang napakagandang mukha. Ang kanyang mga mata ay parang maliwanag na buwan, ang mga kilay ay pino at elegante, at napakaayos ng kanyang mga features. Kung hindi siya naka-uniporme, iisipin ni Kenneth na isa itong model.

Napatingin si Kenneth sa balikat nito at nagulat. Tatlong guhit at dalawang bituin. Ibig sabihin niyon ay mataas na ranggo nito sa pulisya.

Karaniwan, ang ranggong iyon ay para sa deputy director ng public security bureau o mas mataas pa. Siguradong hindi siya ordinaryong traffic police lang. Isa lang ang paliwanag na naisip ni Kenneth, may nagawa itong problema kaya ipinatapon dito.

At tama nga siya. Totoong naipatapon si Andrea Bustamante. Kamakailan lang ay sunod-sunod ang pagiging palpak nito at ng mga bata sa kanyang nasasakupan. Kahapon nga ay may nahuli siyang suspek pero sa interrogation ay puro 'mananahimik ako', 'kailangan ko ang abogado ko', at kung anu-anong walang kwenta ang mga sinasabi nila.

Sa sobrang galit ni Andrea ay muntik na siyang makapatay sa sobrang pambubugbog na ginawa niya.

Dahil doon ay inilipat siya bilang traffic officer. Ngunit sino ba mag-aakala na sa unang araw niya bilang traffic officer ay makaka-enkwentro agad siya ng isang construction worker na nagpapakitang-gilas na nagpatalon ng motorsiklo sa ibabaw ng isang mamahaling BMW?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire's Bride Secret Husband    Chapter 3

    Sa bulwagan sa ikawalong palapag, magsisimula na ang pinaka-emosyonal na bahagi ng gabi.Bilang isang debotong Kristiyana, ipinahanda ni Clarisaa ang isang Western-style wedding ceremony pagkatapos ng handaan, at espesyal pang nag-imbita ang pari upang maging saksi sa pag-iisang dibdib nila sa entablado.“Mr. Marlon Cruz, tinatanggap mo ba si Clarissa Ramirez bilang iyong asawa—na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?” tanong ng pari habang hawak ang isang bibliya.“Opo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Marlon.“Ms. Clarissa Ramirez, tinatanggap mo ba si Marlon Cruz bilang iyong asawa na makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, sa kahirapan at kayamanan, mamahalin at iingatan hanggang kamatayan?”Nakaupo si Clarissa sa entablado suot ang kanyang wedding gown, kasinglinis at kasingganda ng isang papel, sentro ng atensyon ng lahat.Ngunit sa sandaling iyon, natahimik siya.Matapos

  • The Billionaire's Bride Secret Husband    Chapter 2

    Sa loob ng isang private room sa ikapitong palapag.Ang daming nakahain na mga putahe.“Kumain ka ng malaking lobster, pampalakas daw ’yan at nang magkalaman naman iyang katawan mo,” sabi ni Kenneth kay Ronald. “Sigurado akong hindi mo pa natitikman ito dati. Tunay na presko ito at kahit tingnan mo lang ay sobrang sarap na.”Mabilis ang mga kamay ni Kenneth at sa ilang sandali lang ay puno na ang plato ni Ronald. Nakatingin sa kanila ang mga tao sa paligid nang may halong paghamak. Na para bang mga gutom na ligaw na hayop ang kaharap nila."Hay naku, Kenneth, kaya ko namang kumuha mag-isa. Kumain ka na rin,” nahihiyang sabi ni Ronald.“Nakakain na ako ng mga niyan noon.” Walang pakialam si Kenneth sa mga titig ng iba. Kakain lang naman sila at aalis. Isa pa ay wala namang nakakakilala sa kanila.Mabilis na lumipas ang kalahating oras.“Busog ka na?” tanong ni Kenneth.“Sobrang busog,” sagot pa ni Ronald.“Tara na!” Tumayo si Kenneth at hinila ang kaibigan saka agad silang lumabas.Pag

  • The Billionaire's Bride Secret Husband    Chapter 1

    Pagkatapos ng trabaho, bumalik si Kenneth sa dormitoryo ng construction site. Pagkalipas ng limang minuto, lumabas siya ng banyo na tila ibang tao na.May taas siyang humigit-kumulang 1.8 metro, nakasuot ng mamahaling polo at pantalon, pati imported na leather shoes. Ang maikli niyang buhok, halos isang pulgada lang ang haba, ay maayos na nakatayo kaya mukha siyang isang celebrity.“Sandali lang ang lumipas at bihis ka na agad?” walang masabing tanong ng kasama niyang si Ronald.“Kung may nakatutok na baril sa’yo, siguradong mapapabilis ka rin. Kayang-kaya mong pantayan ang bilis ko.”Sanay na si Ronald sa mga kabaliwan ni Kenneth. Halos kalahating taon na itong nagtatrabaho sa construction site, pero kung anu-anong kuwento ang sinasabi— minsan hitman daw siya, minsan bodyguard, at minsan nakapunta raw siya sa mahigit sampung bansa sa Europa, at minsan naman ay nakaranas na raw siya ng kagandahan ng mga babae mula sa sampung iba’t ibang bansa.Ang pinakagrabe pa, sinabi niyang minsan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status