LOGINNaramdaman ko ang pag angat ng paa ko sa sahid.Sa higpit ng hawak niya sa baywang ko ay umangat nga ako.Muli niya akong hinalikan, dinala sa kanyang kwarto."Ugh!" napasinghap ako ng muli kong maramdaman ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader malapit sa pinto.Muli ko na naman naramdaman ang paghaplos niya sa dibdib ko."K-kianu,"Muli niya akong hinila, dinala sa kama."Shh, it's okay." usal niya na habang nagtatanggal na siya ng kanyang damit.Kung hindi ko siya pipigilan ngayon ay alam ko na kung saan kami hahantong pero hindi ako gumawa ng hakbang para pigilan siya at pinanuog ko lang siya sa paghubag niya ng kanyang damit.Tinulungan ko pa nga siya na kalasin ang kanyang sinturon at ako na mismo ang humila nun para tuluyang matanggal sa kanyang pantalon.Matapos kung tanggalin iyon ay pinagtuunan niya ang damit ko, nagpaubaya ako ng tanggalin niya ang damit ko."Ang ganda mo, Maureen," usal niya ng napatingin sa dibdib ko na may suot pang bra. Ngunit sa tingin niya ay par
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni tita Avery ng maikwento ko sa kanila na nakipagkita nga sa akin si mama kahapon at sinabi rin na kinuha nito ang lahat ng pera na laman ng wallet ko. Tapos nakikipagkita na naman ito sa akin para humingi ng pera."Ayos lang ako, tita Avery. Ang inaalala ko lang talaga ay ang panggugulo niya sa school.""Huwag kang mag alala, magpapagala ako ng magbabantay sa inyo sa school para hindi siya makapuslit. At kung sasaktan ka niya ay ibabalik natin siya sa kulungan,"Tumango ako.Hindi sa ayaw ko ng makita ang aking ina pero kung sasaktan lang din niya ako ulit ay mas mabuting umiwas na lang ako dito at ipaalam kina tita Avery na silang tunay na nagpapahalaga sa akin."Pero maiba tayo? Ano itong sinabi sa amin ni Kiana tungkol sa inyong dalawa ni Maureen, Kianu?" kuway tanong ni tito Kendrick na binalingan si Kianu.Napayuko ako na hindi kayang salubungin ang tingin ni tita Avery sa akin."Pa! Sinabi ko sa inyo noong bata kami na pakakasalan ko si Mauree
"Aray ko! Bitawan mo ako." napangiwi ako sa sakit ng bigla na lang may humawak sa buhok ko mula sa likod at hinila ako sa bahaging iyon ng campus.Sisitahin ko na sana ito ng bitawan ako ngunit ng lumingon ako ay ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makilala kung sino ang sumabunot sa akin."Mama!" hindi ako pwedeng magkamali.Kahit na maraming tanon na ang nakalipas ng huli ko itong makita ay hindi ko makakalimutan ng inang nagsilang sa akin na minsan kong kinatakutan at kinamuhian dahil sa pananakit nito sa akin.Kailan pa ito nakalabas ng kulungan. At paano ito nakapasok dito sa campus?Mga katanungan lang iyon sa aking isipan."Huh! Mabuti at nakikilala pa ako ng magaling kong anak. Akala ko ay nakalimutan mo na ako? At nakikita ko ngayon na namuhay ka ng maganda sa mga panahong wala ako habang ako ay naghirap sa bilangguan." may panunumbat na sabi nito sa akin.Napahakbang akong paatras palayo kay mama ngunit muli lang niya akong hinawakan sa buhok. Sinabunutan."Aw! Ara
"Morning,""M-morning,"Nagising ako na nag iisa na lang sa kama.Kung kailan pa pasyente ko siya ay nahuli pa akong nagising sa kanya.Nagmamadali na nga akong lumabas ng kwarto niya kanina para hanapin kung nasaan siya at heto, naabutan ko siya sa kusina at naghahanda na nga ng agahan namin."Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya pero hindi niya sinagot ang tanong ko.Nakatitig lang siya sa akin."B-bakit?" tanong ko na nahawakan ko pa ang pisngi ko.Doon ko napagtanto na hindi pa pala ako nakakahilamos at hindi pa ako nakakapagmumog. At higit sa lahat ay magulo pa ang kulot na buhok ko.Hindi ko na hinintay na sabihin niya kung bakit siya napatitig sa akin. Alam ko na na ang pangit ng hitsura ko ngayon kaya nagmamadali akong tumakbo at bumalik na sa sarili kong kwarto.Deretso sa banyo at humarap agad sa salamin.Wala naman akong muta, wala ring marka ng laway ang gilid ng bibig ko. Iyon nga lang ay talagang napakagulo ng buhok ko dahil kulot nga iyon."Ahhhh!" impit kon
Natameme ako.Hindi ko napansin na nabanggit ko ang bagay na iyon sa kanya.Naging magaan ang takbo ng usapan namin dahil pareho pala kami ng naiisip ng mga panahon na iniiwasan niya ako at umiiwas naman daw ako sa kanya.Kaya siya umiiwas sa akin dahil akala niya ay iniiwasan niya ako at ganun din naman ako.Nalihis kami sa maling akala na nagbigay ng malaking pagitan sa aming dalawa.Pero ngayon ay parang nabigyan na ng daan ang tungkol sa aming dalawa kaya maari ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.Napangiwi pa siya ng bigla siyang bumangon kaya napabangon na rin ako at agad siyang tinulungang makaupo.Sa pagtulong ko sa kanya na paupo ako sa gilid ng kama niya. Muling nagtama ang mga mata namin.Ayaw kong kumurap, kahit siya ay halos hindi na rin kumurap habang magkasalubong pa rin ang mga mata namin."Umiiwas ka sa akin dahil ayaw mong mahulog ang loob mo sa akin? Bakit? Hindi ba ako kaibig ibig kaya ayaw mong mahulog sa akin?" tanong niya sa malalim na tinig.Napalunok na
"What? Akala ko ba ay maliligo ka?" tanong niya sa akin matapos malagyan ng tape at mabalutan ng maayos ang sugat ko.Napailing ako. Naipilig ang ulo ko na napatitig sa kanya."I want you to scrub my back.""What?""Akala ko ba ay...""Oo na." putol niya sa gusto ko pang sabihin.Lihim na akong napangiti.Wala naman akong balak siyang tuksuhin pero nakakatuwa lang dahil sa pamumula ng pisngi niya.Saka wala naman akong balak maghubad sa harap niya unless gusto niya.Sumunod siya sa pagpasok ko ng banyo. Halatang iniiwas niya na mapatingin sa akin dahil habang inaalis ko ang pantalon ko ay nakatalikod siya.Ititira ko naman ang panloob ko.Pero hindi ko naman talaga balak panatilihin siya sa loob."Lumabas ka na, kaya ko na ito. Saka na ako magpapascrub ng likod ko kung magaling na ang sugat ko. Para hindi mababad sa tubig." kuway sabi ko sa kanya."Talaga?" lumingon pa siya ngunit agad ding tumalikod. "Kung ganun lalabas na ako." hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na siyang lumab







