Share

#19:

Penulis: YuChenXi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-27 06:49:29

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanang kamay ni mama na tumawag sa akin at binalitang itinakbo nila si mama dito sa ospital.

"Inatake sa puso ang old lady, young master." Pagbabalita nito bago niya ako binigyan ng daan para makalapit sa hospital bed ni mama.

Nakaupo lang si mama. Hindi halata dito na may sakit siya kaya hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malalim na paghinga.

Heto na naman kami. Nagpapanggap na naman siya na may sakit para lang sundin ko ang gusto niya.

"Mama, ano na namang pakulo ito?" Hindi ko itinago ang iritasyon ko sa katotohanan na nagpapanggap nga lamang siya.

"Hmp!" Tanging naging tugon ni mama sa tanong ko sa kanya at pairap pa talagang tumingin sa akin.

Ilang sandali pa ay hawak na niya ang tapat ng kanyang puso na tila siya nahihirapang huminga.

"Old lady," taranta naman ang kanyang kanang kamay na agad siyang dinaluhan.

Napapailing na lang ako dahil kung hindi ko kilala ang aking mama ay baka maniwala ako
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Canary   #25:

    Patuloy ako sa pagsabunot at pagsampal kay Karen. "Ahhhh, tulong." Sigaw ni Karen na hindi na alam kung ano ang sasanggahin sa pagsampal at pagsabunot ko sa kanya. Hanggang sa mapansin ko na pasugod na sa akin ang mga kasama niya. Alam kong talo ako dahil marami sila at nag iisa lamang ako ngunit bago pa man nila ako masaktan at matulungan si Karen ay may kung sino ang pumaikot ang braso sa baywang ko at naramdaman ko na lang ang pag angat ng katawan ko mula sa pagkakasampa ko kay Karen. Para akong isang sako ng bulak dahil balewala sa kung sino man ang bumuhat sa akin habang nasa tagiliran ako nito. Natigilan ang mga kasama ni Karen habang ito ay kusang tumayo mula sa pagkakahiga sa semento. "Ano na namang kaguluhan ito?" Doon ko napagtanto kung sino ang bumuhat sa akin na awtomatiko pang umangat ang mukha ko para siguraduhin na tama ang dinig ko kung kanino ang boses na iyon. It was Kendrick na seryosong nakatingin sa mga umaway sa akin. "Hmm

  • The Billionaire's Canary   #24:

    Hindi na ako nakatanggi kanina sa paghatid niya sa akin pabalik ng campus dahil sa nagpumilit ang kanyang ina na ihatid nga ako. Kapag hindi naman ako papayag ay hindi naman daw niyo ako papayagang umalis kaya wala na akong nagaw kundi ang pumayag sa gusto nila. Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Kendrick at wala akong balak magpasalamat o magpaalam sa kanya ng maayos. Wala ang kanyang mama para magpanggap kung ano ba talaga ang relasyon namin. Pabukas na ako ng pinto ng magsalita siya. "Umaasa si mama sa naging pagpayag mo kanina. Kaya bukas ay dadaanan kita para sa pagkuha natin ng certificate ng kasal natin." "Hindi na kailangan. Sabihin mo na lang kung saan tayo magkikita at pupunta ako, mr. Hidalgo." Narinig ko ang pinakawalan niyang buntong hininga at ilang sigundo din na hindi nagsalita. "Kung ayaw mong makita ng iba na susunduin kita, ipapasundo na lang kita sa driver ko. Huwag mo ng tanggihan. Alas otso ng umaga, maghihintay dito sayo ang drive

  • The Billionaire's Canary   #23:

    "Avery!" Hindi maitago sa tono niya ang gulat ng makita niya ako. "Why are you here?" Tanong pa niya na iginala ang paningin na para bang nagkamali ng ward na pinasukan hanggang sa magawi ang tingin niya sa kanyang ina "Mama mo siya?" Ako naman ang nagtanong ng pareho na kaming mapatingin sa kanyang ina. Tumango siya. "Yes," sagot niya. "Mama, ano na namang pakulo ito? Halos kalalabas niyo lang kahapon ng ospital pero nandito ulit kayo." "Hmmp, kung hindi dahil sa kawalan mo ng kakayahang iuwi ang mamanugangin ko ay hindi ako babalik dito. At sabi niya ay wala siyang boyfriend, ngayon mo sabihin sa akin na kasintahan mo siya." May panunumbat na tanong ng kanyang mama. "Mama," tumingin pa silang pareho sa akin kaya natahimik ako. "Hija, sabihin mo sa akin, kasintahan mo ba ang anak ko?" Tanong pa ng kanyang mama sa akin. Para kong nalunok ang dila ko dahil hindi ako agad nakasagot. Ibubuka ang bibig ko pero wala namang boses na lumalabas. Parang

  • The Billionaire's Canary   #22:

         "Tsk! Ngayon mo sabihin na gwapo ka. Ni hindi mo makumbinsi na iuwi dito ang mamanugangin ko." Pambubuska sa akin ni mama ng sabihin kong hindi ko pa nga nakukumbinsi si Avery na pakasalan ako.    "Mama, hindi naman iyon ganun kadali."    "Anong hindi ganun kadali. Sadyang hindi uubra ang kagwapuhan mo sa kanya dahil mas gusto niya ang mas bata hindi sa tulad mong matanda na."    "Mama! Sumusobra na yata kayo sa pagmamaliit niyo sa akin. Anak niyo ako baka nakakalimutan niyo."    "Itatakwil kitang anak ko kapag hindi mo agad ako nabigyan ng apo."    Napailing ako dahil sa naging takbo ng pag uusap namin ni mama. Masyadong minamaliit niya ang kakayahan kong makuha ang loob ni Avery. Nagpakawala na naman ako ng buntong hininga na sapo ang sintido kong naupo sa kabilang panig ng sofa.    "Kung hindi mo maiuuwi dito ang mamanugangin ko, ako ang kukuna sa kanya dito."    Kunot ang noo kong napaangat ang mukha ko n

  • The Billionaire's Canary   #21:

    Wala naman akong balak siyang pwersahin pero hindi ko nagugustuhan ang pagtanggi niya sa akin. Ang laki na talaga ng ipinagbago niya simula ng umalis siya. Hindi na siya ang batang babae na masunurin at sinusunod lahat ng gusto ko. Ngayon, para na siyang napapaso sa mga hawak ko na laging gustong umiwas. She is like a hare in a wild na napakailap sa mga tao. "Mr. Hidalgo, ano ba?" Galit na pilit niya akong tinutulak mula sa pagkakayakap ko sa baywang niya. Halos nakaangat na ang mga paa niya sa sahig kaya hindi siya masyadong makakuha ng lakas para makaiwas na sa akin. At habang hawak ko siya ay humakbang ako palapit sa lamesa ng dean saka ko siya pinaupo sa ibabaw. Agad akong pumwesto sa gitna ng mga hita niya para hindi siya makababa at matakbuhan ako. "Bitawan mo ako, ano ba?" Muli siyang nagpumiglas. "Ugh!" Ngunit hindi ko siya hinayaang makaiwas. Mahigpit kong hinawakan ang hita niya niya at bahagya pa iyong itinaas saka ko siya hinila para mas

  • The Billionaire's Canary   #20:

    "Ms. Sanchez, pinapatawag ka ng Dean." "Bakit daw po, aling Nora?" Tanong ko dito na siyang napagbuksan ko ng pinto ng room namin ni Rosalie. "May naghahanap sayo at naghihintay na sa opisina ng Dean. Hindi ko lang alam kung sino dahil hindi naman sinabi sa akin. Basta sinabi na lang tawagin ka at sabihing may naghahanap sayo." Mahaba nitong paliwanag sa akin. "Sige, aling Nora. Susunod na ako. Magbibihis lamang ako." Maayos ko namang sagot. Umalis na si aling Nora. Naiwan akong nausisa kung sino ang naghahanap sa akin kaya nagbihis na ako para pumunta sa opisina ng Dean. "Saan ka pupunta, ate Avery?" Tanong sa akin ni Rosalie ng mapansin akong nakabihis na. "May naghahanap daw sa akin na naghihintay sa opisina ng Dean, Rosalie. Titignan ko lang kung sino iyon." Maayos kong sagot kasunod ng pagkuha ko ng maliit kong bag at isinilid doon ang cellphone ko. "Sige, ate." "Bibili na lang ako ng meryenda natin pagbalik ko." Tumango si Rosalie, muli n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status