تسجيل الدخولHindi ko mapigilang isipin na kaya siya naging doble ang pag aalaga sa akin ay dahil sa may nabuo na nga sa sinapupunan ko. At ang problema ay ang sinabi ng doctor na maselan ang lagay nito."Nainum mo n ba ang bitamina mo? Ang ibang gamot na nereseta ng doctor?" paulit ulit na lang niyang tanong sa akin.Isang linggo na ulit ang matuling lumipas kaya isang buwan na ang dinadala ko. At sabi ng doctor na magdoble ingat nga ako dahil maselan talaga ang lagay ng dinadala ko.Kaunting kamali ko lang daw ay maaring mawala sa akin ito."Oo, tapos na." sagot ko naman sa kanya.Tamang tama, sembreak na nga namin at makakapagpahinga ako ng halos dalawang lingo bago ang pasukan ulit. Pero ang sabi niya na kung hindi naging maganda ang kapit ng baby namin ay titigil na muna ako sa pag aaral at saka ko na lang ulit itutuloy kapag nakapanganak na ako.Kaya hinihiling ko na sana nga maging maayos at maging matatag ang kapit ng baby ko para hindi ko na kailangang tumigil at makapagtapos ako ng senio
"Magandang balita para sa inyong dalawa." panimula sa main ng doctor matapos i fully check up si Lesie.Sa sinabi ng doctor ay kahit hindi na nito tapusin ang gusto pang sabihin sa amin dahil alam ko na kung anong magandang balitang iyon. Ngunit gusto ko pa ring marinig, na buntis na nga siya. na magkakaroon na kami ng anak na siyang magpapatibay ng aming pagsasama.Napahawak siya sa kamay kong nakapatong sa kanyang balikat at tumingala siya sa akin. Ngumiti ako kasabay ng pagtapik ko pa sa balikat niya at pumuwesto sa kanyang likod habang nakaupo siya kaharap ang doctor."Kinagagalak kong sabihin sa inyo na buntis ka na Mrs. Hidalgo. The Zygote now is 24 days old. kaya hindi pa masyadong makikita sa ultrasound. Pero confirm na buntis ang asawa mo, Mr. Hidalgo." pagbaling naman nito sa akin. "Hindi ko inirerecomenda na sa stage na ito ay muli nating i-ultrasound ang misis mo sa isang buwan ng dinadala niya. Pero rerekomendahan ko siya ng mga bitamina at pampakapit dahil masyadong frag
Matapos ang aming pag uusap ay napatitig kami sa isa't isa.Napalunok ako, lalo na ng makita ko na palapit ang mukha niya sa mukha ko.Kusang pumikit ang mga mata ko at hinintay na tuluyang makalapit ang mukha niya sa mukha ko.Magaan na dumampi ang labi niya sa mga labi ko.Hindi ko alam kung dampi lang ba ang halik na igagawad niya sa akin dahil ilang segundo din ang lumipas ay nanatiling nakalapat lang ang labi niya sa labi ko at hindi iyon gumagalaw.Kaya nagmulat ako ng mga mata. At ako sinubukan kong igalaw ang labi ko para palalimin ang paghalik niya sa akin.At hindi ako nabigo, naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya at sinimulan na ring palalimin ang halikan namin."Uhm," napasinghap ako para huminga ng malalim dahil sigurado akong magtatagal ang paghalik niya sa akin.Paggalaw ng labi niya, pagpasok ng dila niya sa loob ng bibig ko.Napakasarap niyang humalik. Kaya nadadala ako at sinusubukan kong tugunan ang paghalik niya sa akin.At habang magkaugpong ang mga labi namin,
"Kailan ang sembreak niyo?" tanong niya sa akin habang kumakain na kami ng hapunan.Napaangat ang mata ko mula sa kinakain ko at tumingin sa kanya."Sa susunod na linggo na. Bakit?" sagot at tanong ko sa kanya."Kung ganun ay malapit na, ilang araw na lang. Tamang tama. Sa sembreak niyo ay pwede na tayong bumalik ng ospital.""Mmm, okay." Tanging tugon ko na lang sa kanya.Tamang isang buwan na rin mula ng unang may nangyari sa amin at maari nga na buntis na ako. At delay na ako ng anim na araw sa buwang dalaw ko. Bakit hindi ko nga pala naisip iyon. Poseble nga na may laman na ang sinapupunan ko.Naexcite ako na magkakaroon na nga ako ng baby. Kahit na sabihin pang bata pa ako para magkaroon ng anak ay nasa tamang edad na rin naman ako. At kapag buntis na ako ngayon ay tamang magtwenty ako pag nakapanganak na ako."Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa sarili mo? Tungkol sa buwang dalaw mo? Dinatnan ka na ba?" muli niyang tanong. "Ang pagkakatanda ko sa mga araw dapat na ito ay mayro
"Kanina ka pa hindi umiimik."Siniko ko si Warren. Katabi ko ito ng upuan. Bahagya lang akong sumulyap sa kanya dahil nasa harap ang guro namin at nagtuturo.Sumulyap naman siya sa akin. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko sa hindi niya pag imik. O sadyang hindi parin siya makapaniwala na kasal na ako matapos ang mahaba kong kwento kanina sa kanila kasama sina Fiona at iba pa."Nakikinig ako sa guro." sagot niya pagkalipas ng ilang sigundong pananahimik niya."Oh!" napatango na lang ako.Ngunit halata na nagbago ang mood niya. Kahit na nakikinig naman siya sa guro at nangungulit pa rin siya pero ngayon ay talagang hindi na siya umimik pa.Hindi ko na lang pinansin iyon kahit na nakakapanibago. Kakausapin ko na lang siya ng maayos mamaya kung dinadamdam ba niya na hindi ko agad sinabi sa kanya na kasal na ako.Mabilis na lumipas ang oras.Tanghalian na."Halika ka. Balita ko ay magluluto sila ngayon ng sweet and sour na paborito mo." aya ko na kay Warren ng tumunog na ang bell par
"Maaga rin akong uuwi mamaya kaya ako ang susundo sayo." sabi niya sa akin ng baba na sana ako.Napasulyap ako sa kanya. Tumango."Okay,"Ngunit bago pa ako makababa ay mabilis siyang umibis pababa ng sasakyan at pinagbuksan niya ako ng pinto.Nanlaki ang mga mata ko."Anong ginagawa mo?" tanong ko pa nga sa kanya, sabay gala ng paningin ko sa paligid, sa pag-aalalang may makakita sa akin na bumaba ng sasakyan niya."Pinagbubuksan ko ang asawa ko." sagot naman niya sa akin sabay lahad ng kamay niya.Napailing ako. Gusto ko pang magtago pero huli na ang lahat dahil narinig na namin ang ilan sa mga kaklase ko na papasok na rin ng makita si Kianu."Teacher, magandang umaga. Anong ginagawa mo dito?" "Sino ang...""Lesie!"Halos sabay sabay na tawag nila sa pangalan ko ng makita nila ako."Ano ang ginagawa mo sa sasakyan ni Teacher Kianu? Diba ito ang nakita naming sasakyan noong nakaraan na naghatid sayo?"Magkakasunod pa na tanong nila sa akin at hindi makapaniwala na nakasakay nga ako
Nasa labas na ako ng gusali sa kompanya ni Kendrick at tumawag na rin ako ng taxi para umuwi. Nang pasakay na ako ay narinig ko na may tumawag sa akin kaya ako napalingon. "Ms. sandali." Hinihingal pa ang babaeng nasa reception desk kanina ng tumigil ito sa harap ko. Pagod sa paghabol sa akin. "
"What?" nagtaka naman ako. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Hindi ba dapat ay nakikisimpatya siya sa pamangkin niya dahil palagi ito noong may pasa kung umuwi. "Hindi lang ako makapaniwala na ikaw pala ang lagi niyang sinusumbong sa akin kapag nakikita ko siya noon na may pasa sa tuwing uuwi
“Hello, this is Kendrick Hidalgo.” panimula ko ng sagutin ng direktor ang tawag ko. Napansin ko ang bahagya niyang pagsulyap sa akin kaya napapangiti na lang ako habang kausap ang direktor. Hindi man siya lumingon ay alam ko na nakahanda na siyang makinig sa ano man ang sasabihin ko sa kausap ko.
"Wow!" Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa isang malaking cooler na naglalaman ng iba't ibang flavor ng ice cream. "Eat as many as you can. I can buy you a lot of ice cream just don't accept others." "Tsk." Tanging naging tugon ko pero sinabayan ko naman ng pagtango para hindi na niya iyon







