Share

Chapter 3

Author: Felicidad
last update Last Updated: 2025-01-22 18:16:38

Faye

Pinipisil ko ang mga daliri ko habang nakaharap sa salamin. Luminga ako sa paligid ng kwarto, iniisip kung may hindi pa ako naayos.

Naitago ko na ang mga bote ng alak, mga larawan, damit ko, pati na rin ang kumot.

Mayroon pa ba akong hindi naitago?

Sa kaisipang ito, lumukob ang sakit sa buong pagkatao ko.

Pakiramdam ko, nakagawa ako ng kasalanan. Para akong naibaon sa lupa at parang hindi na ako makakaahon pa.

"Miss Faye, ayos ka lang?" tanong ng wedding coordinator.

"Oo nga, Ma'am, balisang-balisa ka," puna naman ng make-up artist.

"I'm fine," tipid kong ngiti sa dalawa.

Faye, umayos ka!

Kailangan kong mag-isip nang tama ngayon. Inaayusan na ako para sa kasal namin ni Chad, pero pakiramdam ko, mali na ituloy ito nang hindi ko siya nakakausap nang masinsinan.

Gusto kong malaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap siya ng iba.

Hindi puwede na umasta ako na para bang walang nangyari.

Ang gulo na ng lahat, lalo na't naipagkaloob ko na sa iba ang sarili ko.

"Miss Faye, what's wrong?"

Tumingin ako sa wedding coordinator ko.

"You're crying-"

Kinapa ko ang pisngi ko at naramdaman ko ang pumatak na luha.

"Is there something bothering you? Don't you like your look now?"

Umiling ako at bumaba ang kamay ko sa dibdib ko. "Ang bigat dito," sabi ko sa mapait kong boses, at tuluyan na akong napaiyak.

"Oh my gosh! Don't cry, bebe, masisira ang make-up mo," bulalas ng make-up artist at mabilis akong binigyan ng tissue.

Bumukas ang pinto, at gulat na gulat ang pamilya ko nang makita nila ang hitsura ko.

"Faye, anak-"

Tumayo ako at sinalubong sila. Pero sa bawat hakbang ko, nanghihina ang tuhod ko.

Mabilis naman akong nilapitan ni Daddy at inalalayan.

"What's wrong?" tanong niya habang tinutulungan akong tumayo nang maayos.

"Anak?" nag-aalalang tawag ni Mommy.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, at napahagulgol ako sa harapan nila. Yinakap ako ni Dad.

"Faye, what's happening to you?"

"May problema ba, anak?"

"Ate, you're drama-ing again," sita sa akin ni Farrah.

"Ninenerbiyos ka lang yata," puna naman ni Flynn.

Wala akong naisagot at patuloy lang akong umiyak.

Pinaupo nila ako at pinakalma.

"Anak, ninenerbiyos ka lang," sabi ni Mommy.

"Hay naku, Mommy, excited kamo," puna ni Farrah habang inaabot sa akin ang isang basong tubig.

Hindi ako umimik. Tinanggap ko ang baso at uminom mula rito.

"Did you have a nightmare, Ate?" tanong ni Flynn.

Hindi pa rin ako nakasagot.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil alam kong ginagawa na nila ang lahat para pagaanin ang loob ko.

Gusto kong sabihin sa kanila ang totoo-ang nalaman ko at ang nagawa ko-pero natatakot ako. Baka hindi kayanin ni Mommy. Ayokong maramdaman ng pamilya ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ikaw talaga, anak. Ako ang pinapanerbiyos mo. Ito ang isa sa mga pinakamahalagang moment ng buhay mo; dapat relax ka lang," wika ni Mommy sa tabi ko habang inaayusan ulit ako ng make-up artist.

"Kita mo si Kuya Chad, kalmado lang siya."

Bumaling ako kay Flynn. "Dumating na siya? Nagkausap kayo?" magkasunod kong tanong.

"Hindi ko pa nakita si Kuya. But probably, he's also here now and preparing for your wedding."

"Iyang si Chad, kung kailan ikakasal na kayo, tsaka siya nagkakaganyan. Tinatawagan ko siya kagabi, pero hindi siya sumasagot," inis na puna ni Daddy.

"Edward, natawagan ko naman ang amiga kagabi. Na-traffic lang sila sa daan," pagpa-pakalma ni Mommy.

Bumuntong-hininga si Daddy.

Nanatili akong tahimik, pilit na kinokontrol ang emosyon ko.

"Check ko po sila sa suite nila, Sir. Ang sabi naman po sa akin, dumating na po sila kaninang madaling araw," wika ng wedding coordinator.

"Wala pa si Sir Chadrick, pero nasa daan na raw po siya-"

"See? Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang inaasta ngayon ni Chadrick," reklamo ni Daddy.

"Dad, please calm down. Na-traffic lang siya," sabi ko. Pero sa isip ko, tumatagpi-tagpi na ang sinabi ng lalaki kanina.

"Kumalma kayo, Sir. Pupuntahan ko na po sila, pati na rin po ang entourage. Maghintay na lang po muna kayo dito. Anyway, kukuhanan pa po naman ng litrato si Miss Faye," mahabang paliwanag ng wedding coordinator.

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin, at tipid akong ngumiti pabalik.

Tinulungan ako ng make-up artist na tumayo at humarap sa salamin.

"Napakaganda mo talaga, Ma'am. Bagay na bagay sa iyo ang wedding dress mo."

"Tama ka nga, pero masasayang din naman ang pinagpaguran mo," mahinang sabi ko.

"Po?"

Kinukutuban na ako sa maaaring mangyari ngayong araw.

Pero sumunod pa rin ako sa schedule namin. Para akong robot na sumusunod habang pilit na pinipigilan ang delubyo sa dibdib ko.

Kinuhanan ako ng litrato, kasama na rin ang mga bridesmaids ko.

Alam ko na palihim na namomroblema ang team ng photographer dahil sigurado akong hindi pa nila nakukuhanan ng litrato si Chadrick.

Paroo't parito si Daddy sa loob ng kwarto, ilang ulit na niyang tinatawagan si Chadrick.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Dad, kumalma kayo," sabi ko nang marahan.

"Faye-"

"Ma'am, Sir, pwede na po kayong pumunta sa wedding hall. Naroon na po ang pamilya ni Sir Chad," sabi ng wedding coordinator na pumasok sa loob.

Ngumiti ako sa mga magulang ko at tumango bilang sagot.

"Miss Faye, tayo na po sa waiting room niyo," dagdag ng wedding coordinator.

Sumunod naman ako.

Pagkapasok ko sa waiting room, dumiretso ako sa glass wall ng kwarto.

Tumingin ako sa wedding hall sa ibaba. Mapait akong ngumiti nang makita ko ang venue na puno ng palamuti.

Naglakad ako papunta sa pintuan na nasa gilid.

"Miss Faye, hindi pa po oras," pigil sa akin ng wedding coordinator. Pero binuksan ko ito at tinanaw ang hagdan pababa.

Dito ako maglalakad pababa patungo sa wedding hall habang tinitingnan ako ng lahat ng bisita namin. Sasalubungin ako ni Dad at ihahatid niya ako sa harapan.

Ibibigay ni Dad ang kamay ko kay Chadrick. Tatanggapin niya ito nang buong-puso-

Napapikit ako nang maramdaman ang mga butil ng luha ko na tuluyan nang pumatak.

Hindi ko na itutuloy ang kasal namin ni Chadrick.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 75

    FayeNaghiwalay ang mga labi namin pero ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.Mabilis pero magaan. Hindi ako natatakot sa nararamdaman ko kay Renz. Kung may ikinakatakot man ako, iyon ang mawala siya sa buhay ko.Hinawakan ni Renz ang pisngi ko at ngumiti siya sa akin. Sumilay rin naman ang ngiti sa aking labi pero nanubig ang mga mata ko. Nagiging emosyonal ako. Masaya ako na nasasaktan.Paano kung naghihirap ang loob niya sa lugar na ito? Paano kung nagpapakatatag lang siya sa harapan ko?His company went bankrupt, he was detained, and he came back here forcefully. But he’s still choosing me to be with him.“Renz, kung nahihirapan ka sa bahay na ito. Pwede tayong tumira sa bahay namin o kung gusto mo magrent na lang tayo. Kung gusto mong bumalik sa La Montañosa, sasama ako sa iyo kahit saan,” wika ko.Lumawak ang ngiti niya. “You want to do our honeymoon in La Montañosa?” Ngumuso ako, “Seryoso ako, kung ayaw mo rito, pwede naman tayong umalis. Renz, sa nalaman ko, hind

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 74

    FayeNagmamadali akong lumabas sa kwarto nang matapos ang almusal namin. Ngayong umiiwas ako kay Renz, ngayon naman siya lumalapit.At lasing ako kagabi pero alam ko ang namagitan sa amin. Naisuko ko ulit sa kanya. Paano ako aakto na business agreement lang ang kasal namin, paano ako iiwas sa kanya?!Nakakahibang!Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, ar narinig ko ang yabag niya sa likod ko kaya nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Halos matapilok na ako pababa sa hagdan–“Not too fast, my wife,” sambit niya at hawak na niya ang bewang ko.Tumahip naman ang dibdib ko at napabaling ako sa kanya. Kaagad ko ring nalanghap ang pabango niya. His scent reminds me of his body against mine last night. I blinked my eyes as what happened last night surged in my mind.“Bakit ka ba nagmamadali? May tinatakbuhan ka ba?” tanong niya.“Wa-wala akong tinatakbuha–”Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil nabulol ba naman ako.Nanutil ang ngiti sa kanyang labi at nag-init ang pisngi ko sa kahihi

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 73

    LorenzoI stared at my wife, who was sleeping soundly now. I’ve known her since high school, yet she’s still vivid to me as if a decade did not pass between us. I can still recall every detail of my last moment with her when we were in high school before the incident with my parents.When I learned that she had lost her memories of me, I thought it was for the better. I believed that heaven was still with me when He erased her memory because I didn’t want her to remember that tragedy.Yes, it hurt when I found out that she was engaged, but knowing she could have a better life with another man comforted me at least. Yet after so many years of not crossing paths with her, I found that my ex-girlfriend had an affair with her fiancé.It never crossed my mind that she would be cheated on. I always thought no man would hurt a kind woman like her. Sobra akong galit, hindi dahil niloko ako kundi dahil niloko siya. Kaya halos hindi ko na iniisip kung anong kalalabasan ng mga ginawa ko. I too

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 72

    LorenzoTuluyan na ngang hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala ko na siya sa kama. At nagiging aktibo naman ang asawa ko sa pinagsasaluhan namin.She’s burning me with her touches. And her liquored tongue is turning me on.It’s always been her who makes my heart palpitate into uncountable beats. It’s only her that drives me into the wilderness.She rubbed her palm on my shirt.I stopped, stared at her amusingly.“Love, are you checking if I have abs?” I asked.She’s still tipsy, looking at me. “You can stop me. You know I can’t hold myself.”I smiled playfully, then teased her lips. “Renz, stop me. I decided to let you go and free you. Please-”“You’re wrong timing, I decided not to let you go anymore. Come what may, I’ll hold on to you.”She pouted, squeezing her eyes. “I cannot even stop myself, how can I stop you? Besides, your hands are halfway down my body, withdrawing them is punishable by law,” I firmly said.Kinunutan niya ako ng noo, “What law?”“Law of Honeymoon.”S

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 71

    LorenzoLumukot ang mukha kong nakatingin kay Arthur.“Why did you not call me?” I asked irritably.“Your sister took my phone.”Bumuga ako ng hangin.“Renz, kita mo ang hitsura ko basang-basa dahil sa dalawang ‘to lalo na itong makulit mong kapatid,” inis na ring saad ni Arthur.Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinapayungan si Faye. Tinapat na rin ni Arthur ang payong sa kapatid ko.“Halika na,” akay ko ulit kay Faye pero muli niyang hinila ang kamay niya mula sa akin.“Huwag mo akong hawakan,” saad niya. “Lily, let’s go,” dagdag pa niya at may dinampot siya sa damuhan.Natigil ako saglit ng makita ko ang photo album namin.“Sige, Ate.”Tumayo na rin ang kapatid ko at humawak kay Faye. Pipigilan ko na sana sila nang senyasan ako ni Arthur na hayaan sila. Yakap ni Faye ang photo album namin nang humakbang na silla.Nang maglakad na sila pabalik sa mansyon, sumunod na lang kami ni Arthur habang pinapayungan sila.“Ate, sama na lang kita sa dorm ko, gusto mo?”“Pwede mo ba ako

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 70

    LorenzoIlang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye sa kwarto. Bumuga ako ng hangin.Ako na naman ang pupunta sa kanya. Sa tuwing makakagawa siya ng pagkakamali, ako pa rin naman ang lalapit sa kanya. Umiling ako. Wala rin namang mapupuntahan ito. Yeah, this is better. We’re not on good terms. It will make it easy for me to dissolve this marriage—I must end this, or we’ll end up hurting each other more.I brushed off my hair frustrated, looking at the window.Napatayo ako ng makita kong umuulan.Tumayo na ako mula sa sofa na kinauupuan ako, deretso akong lumabas sa kwarto. Tsaka ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.“Enzo,” natigil ako ng tawagin ako ni Nanay Miriam.“Nay, mamaya na tayo mag-usap,” wika ko at lalabas na sana ako ng magsalita ulit si Nanay Miriam.“Mabait ang asawa mo.”Natigil ako a muli ako napaharap kay Nanay Miriam.“Ang totoo’y ang apo ko talagang si Emma ang nagsimula ng gulo. Kinuha niya ang photo album ng kasal niyo ni Faye at gustong itapon m

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 69

    Faye“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan,” tuluyan ng nawalan na ako ng pasensya sa kanya.“Hindi ako pumapapel, isa akong Esquivel, nakarugtong na sa pangalan ko kaya may karapatan ako rito. Ikaw? Bukod sa pagiging apo ng mayordoma, ano ka pa rito?” mapa-insulto ko pang tanong.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa–“Faye.”Tumigil ako at humarap, seryosong nakatingin sa akin si Renz.“Kuya, tulungan mo ako,” lapit kaagad ni Emma kay Renz.Napabuga naman ako ng hangin tsaka ako lumapit sa kanila.“Pinapatapon mo raw ito. Bakit hindi niyo na lang itapon na magkasama para pareho kayong ma-satisfy,” wika ko at sinaksak ko sa dibdib niya ang photo album ng kasal namin.Tsaka ako nagmartsa papasok sa loob ng mansyon.Nang pumasok ako sa kwarto, nanginginig pa rin ang kamay ko sa galit. Tumaas-baba ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.“Hindi ka dapat nagbitiw ng ganung salita,” rinig kong sabi kaagad ni Renz.“A

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 68

    FayeNamumula pa rin ang mga mata ko at pisngi ko nang makarating ako sa Casa Blanca. Tumuloy ako sa mansion kaya tinatago ko na lang ang mukha ko nang hindi makita ng mga katulong. Kase kapag nakita nila ang hitsura ko, magiging ugong na naman ito ng usapan sa Casa.Alam ko na sila ang pinanggalingan ng usapan na linayasan ako ni Renz sa mismong gabi ng honeymoon namin.Hindi alam ni Renz na laman kami ng usapan dito sa Casa at umaabot na nga sa labas. Kung alam niya lang na umaakto ako na parang wala akong naririnig at nagtitiis na lang kapag naririnig ko ito. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin, pinipili ko pa rin na makita siya at maayos kami pero wala, hindi ko alam kung anong gusto niya.Kaya kahit gusto kong manatili dun sa shop kanina at kausapin pa siya, pinili kong umuwi na lang. Nakakasakit. Nakikita ko sa kanya na wala akong panghahawakan.Napatigil ako at napabuga na lang ng hangin. May patutungahan pa ba ito?Napahilamos ako sa mukha ko. “Akin na ito, sabe! Kapal ng mu

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 67

    FayeHindi siya bumitiw sa titig sa akin, bahagya naman akong lumayo. “Pinagsasabi mo ba?” naguguluhan kong tanong.“Alam mo Faye kapag ako talaga hindi nakapagpigil, mawawalan talaga ako ng pakialam sa kalalabasan ng lahat ng ito,” mariin niya pahayag.Nagtagpo naman ang mga kilay ko at masinsinan ko na siyang tinitigan.“Ano ba kasi tinutukoy mo? Ba’t ka na naman galit?” mahinahon kong tanong.Hindi siya nakasagot, nakatitig lang sa akin na parang may gustong sabihin, gustong gawin. At nakakatensyon ang kinikilos niyang ito.Teka nga lang, ako na nga lang mag-analyze sa sinabi niya. Para talaga akong nagku-quiz pagdating sa pag-alam sa kanyang kaisipan.Okay, nagpipigil siya. Anong pinipigilan niya?Naging makahulugan ang titig ko sa kanya–Kung hindi siya makakapagpigil, mawawalan siya ng pakialam?Kapagkuwan,nagbitiw siya ng mata at kaagad din siyang tumayo. Mabilis ko naman na hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.“Wait,” tigil ko sa kanya pagkatapos kong mabuo sa isipan ko

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status