Faye
Sinara ng wedding coordinator ang pinto. "Miss Faye, kumalma kayo—" Hinarap ko siya. "Paano ako kakalma? My groom is nowhere to be found," pigil kong sabi. "He's on his way—" "Call him then. I want to talk to him." Hindi siya nakasagot. Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang wedding coordinator. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Papunta na ba rito si Chadrick? May plano pa ba siyang ituloy ito?" mariin kong tanong. Gusto kong makausap siya bago pa magkagulo ang bawat pamilya namin. Napangiwi ang coordinator at umiwas ng tingin. "Ano na? Bakit hindi ka makasagot?" "Miss Faye, please calm down. I've got this. My team is working to find Sir Chad—" Pagak akong tumawa at umiling. "Hindi niyo siya mahahanap, unless pumunta kayo sa babae niya." Gulat na gulat niya akong tiningnan. "Miss Faye, anong sinasabi mo—" Pareho kaming napatingin sa baba nang makarinig kami ng sigawan. Kumalabog ang dibdib ko sa nerbiyos nang makita si Daddy na sinusugod si Tito Rick. Mabilis akong tumungo sa pinto. Binuksan ko ito, pero pinigilan ako ng wedding coordinator. "Stay here, Miss Faye. Mas lalo lang magkakagulo kung bababa ka. Matinding kahihiyan ang makukuha ng pamilya niyo," paalala niya bago dali-daling bumaba. Nasapo ko ang noo ko. Heto na ang kinakatakutan ko. Umupo ako sa sofa, magkadaop ang mga kamay, nagdadasal habang nababahala sa kalalabasan nito. "Please..." Pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Mariin kong pinikit ang mga mata, nagsusumamo. "Faye." Iminulat ko ang mga mata at tumingala sa taong pumasok sa kwarto. Marahas kong pinalis ang mga luha sa pisngi. "Ikaw na naman!" asik ko sa lalaking kanina lamang ang bumungad sa akin. Naglakad siya palapit. "Pwede ba, umalis ka na sa harapan ko? Wala akong oras para makipaglaro sa’yo," iniiwas ko ang tingin. "Hindi ako nakikipaglaro, Faye. In fact, sisimulan ko na ang paghihiganti ko. I'm hell-bent on destroying Chadrick Villanueva." Mataman ko siyang tiningnan. Puno ng kaseryosohan ang kanyang mga mata. "Get changed," sabi niya sabay abot ng isang paper bag. "Just leave," wika ko. Gusto kong mapag-isa, ayusin ang utak ko— Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang labi niya sa akin. Mabilis ko siyang tinulak at tigagal na tiningnan siya. "You're crazy!" bulalas ko. Tiim-bagang niya akong tinitigan. "I am. Seeing you in a wedding dress and crying here is making me crazy." Hindi pa ako nakapag-react, kinuha niya ang kamay ko at pinatayo. "Magpalit ka na, o ako mismo ang magtatanggal ng suot mo." "Hoy, lalaki!" Nahigit ko ang hininga ko nang ilapit niya ang labi niya sa akin. "Try me, Faye. I did it last night. I can do it again." Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Hinablot ko mula sa kanya ang paper bag at tumungo sa restroom. Gulong-gulo ang isip ko habang hinuhubad ang wedding gown at nagpapalit ng damit. Dumagdag pa ang lalaking nasa labas. Hindi ko maintindihan kung bakit sumusulpot siya at ginagawa kung anong gusto niya. "Check the pictures I sent you, and you'll know what I'm talking about," rinig kong sabi niya. Paglabas ko, nakita kong nakatuon siya sa cellphone. Lumapit siya at pinindot ang loudspeaker. "Babe, I can explain—" "I don’t need it. Just pay me a billion for the damage you inflicted on my company or see you in court." Nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya. "Love, do you know where I put my key? I'm late, and they're all calling me now." Nahigit ko ang hininga at napatakip sa bibig nang marinig ang boses ni Chadrick. "Narinig mo ba ako? My investors are there. So, I really need the wedding with Faye to happen. Sino bang kausap mo?" Napuno ng poot ang puso ko nang marinig ko pa ang sinabi ni Chadrick. At talagang may balak pa siyang ituloy ang kasal namin. Akmang kukunin ko ang cellphone, pero nailayo niya ito. "Ibigay—" Tinakpan niya ang bibig ko. Sinenyasan niya akong tumahimik. "Don't get yourself in this. Just listen," bulong niya. Tinulak ko siya, pero nanatili siyang kalmado. May pinindot ulit siya sa cellphone. "Chadrick Villanueva, your key is under the bed. You dropped it, and Elara accidentally kicked it there while you were kissing—" "Renz, please, makinig ka!" "Adhere to my words, Elara. Pay me a billion," madiin niyang utos. "And tell him, his bride is with me—" "Tarantado ka, Lorenzo! Huwag mong idamay ang fiancée ko!" "Why not? You took my woman and the deal meant for my company." Nagtagpo ang mga mata namin. Malamlam ang kanyang tingin. "You already paid what you owe to me." "Wala akong utang sa’yo!" Pinatay niya ang tawag. Nagpupuyos ko siyang tinitigan. "So kaya ka umaaligid sa akin dahil gusto mong ibalik ang ginawa sa iyo ni Chadrick? Ito ang klaseng paghihiganti ang gagawin mo? Idadamay mo ako, ganun?" tanong ko. "I have no time for your questions. Let’s go," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Mabilis ko namang hinila ang kamay ko mula sa kanya. "Hindi ako sasama sa'yo," mariin kong saad. Masama niya akong tinitigan. "At anong gagawin mo? Manatili rito at pagpiyestahan ng mga bisita niyo?" Tumingin ako sa baba. Patuloy pa rin ang kaguluhan ng mga pamilya namin ni Chadrick. Hindi lang relasyon namin ang nasira kundi pati ang deka-dekadang pagkakaibigan ng mga pamilya namin. "Come with me, or I’ll get you by crook." "At ano na naman ang binabalak mong gawin?" tanong ko. Napatras ako nang makita kong may hawak siyang panyo. "Anong gagawin mo?" "Stealing you from him," wika niya. Ipinatong niya ang panyo sa ilong ko. Isang kakaibang amoy ang pumasok sa sistema ko. Lumabo ang paningin ko hanggang tuluyang dumilim ang lahat.Faye Nagising ako sa pag-uga ng katawan ko. Ilang ulit akong kumurap sa liwanag na bahagyang nakikita ko sa harapan. Hanggang sa tuluyang naka-adjust ang mga mata ko, napagtanto ko na nakasakay ako sa sasakyan. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang kirot mula rito. “May gamot at tubig diyan sa gilid mo. Inumin mo ’yan para gumaan ang pakiramdam mo,” aniya. Bumuga ako ng hangin bago ginilid ang ulo ko. Prenteng nagmamaneho ang hudas na lalaki. “Ang bait naman pala ng kidnapper ko,” mapang-uyam kong saad. Umismid siya. “You’re welcome,” tipid niyang sagot. Umawang ang labi ko dahil sa namumuong inis ko sa kanya. “Pwede ba, pakawalan mo na ako.” “Sure ka? Pulos bundok ang tinatahak nating daan. Maraming nilalang ang naninirahan sa mga kagubatan na ’yan.” “Hindi ako takot sa multo.” “Tao ang tinutukoy ko, Faye.” “Wala akong pakialam, pakawalan mo ako ngayon din.” Saglit siyang bumaling sa akin bago muling ibinalik ang mata sa daan. Kapagkuwan, bumagal ang sasakyan.
FayeInirapan ko siya sa tinuran niya, saka ako umiwas ng tingin."Relax, Faye. Ayos lang naman sa akin kung titignan mo ako magdamag. Sanay na ako."Napabaling ako sa kanya. Grabe, ang yabang pala ng lalaking ito."Sa kaka-ignore mo sa tunay na nararamdaman mo ngayon, kung ano-ano na ang ginagawa mo," wika ko."Alam kong nasasaktan ka rin sa ginawa ng dalawa—""I'm not," mabilis niyang tanggi."In denial," sagot ko.Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago itinuon muli ang paningin niya sa daan."Hindi ako nasasaktan. Wala sa bokabularyo ko ang masaktan dahil sa isang babae."Napatitig ako sa kanya."Nagbabago ang nararamdaman ng isang tao. Gusto ka niya ngayon, bukas pwedeng hindi na. Iyon ang realidad ng buhay."This man… He has more scars than I do.Punong-puno ang kanyang salita, pero napakagaan ng kanyang tono—walang emosyon. Sa tingin ko, may malalim siyang pinagdaanan kaya ganito siya mag-react sa ganitong sitwasyon."If you keep getting hurt from the people you meet, how wi
Faye "Okay ako, pinipilit kong iwinawaglit sa isipan ko pero itong puso ko..." Hindi ko naituloy, itinikom ko ng mariin ang labi ko. Nalilito na. Hindi talaga ako makapaniwala na ganun na lang aabot ang ilang taon naming relasyon ni Chadrick. Tinuring namin ang isa't-isa na bahagi na ng panghabang buhay namin, wala na 'yun, tapos na ang sa amin. At ang lalakeng ito na ngayon ko lang nakatagpo ay nagkakaroon na ng epekto sa akin. It bothers me. It bothers me more than the cheating issue of Chadrick. Iniwas ko ang mga mata ko. Hindi rin naman siya kumibo pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kapagkuwan, umandar na rin ang sasakyan. Nakakabinging katahimikan na ang bumalot hanggang sa dalawin na rin ako ng antok. Pumupungas pungas ako nang makaramdam ako ng ingay sa labas. Kinukusot ko pa ang mga mata ko ng bumaling ako kay Lorenzo- Madilim ang kanyang mukha, kunot ang noo. Tumikhim ako pero hindi siya natinag. Tumingin na ako sa labas ng bintana, naamoy ko ang h
Faye"Talagang binalak mo akong kidnapin?" deretsahan kong tanong Kay Lorenzo."Yes," masungit niyang sagot.Dumilim ang paningin ko sa kanya, saka ako humarap sa dalawang lalaki."Nasaan ang sakayan dito? May malapit bang airport? O kahit bus terminal na lang?" sunod-sunod kong tanong.Si Doc Arthur ang sumagot. "We don’t have an airport here. The bus terminal is also far, but we have jeepneys you can take to get there—"Pinatigil siya ni Zachary De Guzman. "Miss, bago pa lang kayo, lalayasan mo na siya."Nagtimpi ako at tiningnan siya nang masama. "Mr. De Guzman, hindi mo ba narinig?" Itinuro ko si Lorenzo. "Kinidnap niya ako. Wala kaming relasyon. Ni hindi nga kami magkakilala—"Napatingin ako kay Lorenzo, at namutla ako.Hindi kaya… ikinuwento niya sa kanila ang nangyari sa amin?Mukha naman silang closes sa isa't-isa.Napapikit ako sa sobrang inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinanlalakihan siya ng mata."Are you okay?" tanong ni Doc Arthur. "Zach kasi—""What? Eh may kid
FayeNasa La Montañosa nga ako, at ang lalaking nasa tabi ko ay isang bilyonaryo. He’s not an ordinary man. Kaya pala puno siya ng kumpiyansa sa paghihiganti at malakas ang loob niyang kunin ako.Pero mas nagulat ako nang bumungad sa akin ang bako-bakong daan, malalawak na taniman, at mumunting kabahayan.Nagtaka ako. Sa lahat ng social gatherings na nadaluhan ko, palaging sinasabi ng mga tao na moderno at progresibo ang La Montañosa—punô ng matataas na gusali at malalawak na mansyon.But this is different from what I’m seeing right now.Isang ordinaryong nayon lamang.Tumingin ako sa rearview mirror. Totoo nga ang sinasabi nilang may mga bilyonaryo sa La Montañosa.Makalipas ang tatlumpung minuto, natanaw ko ang isang kulay puting gate.Ah, so hindi pa ito mismo ang village ng La Montañosa. Napatango ako sa sarili ko. Kunsabagay, napaka-imposible namang ganito lang ang misteryosong village ng mga bilyonaryo.Nang marating namin ang harapan ng gate, bumaba si Nardo at tinungo ang guar
Faye Nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? Para bang may kabayong nakikipagkarera na sa dibdib ko. Ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko pero ayaw naman kumilos itong mga paa ko. Para bang nakadikit na sa lupa. Muli ako napalunok nang humaplos ang palad niya sa balat ko. Wala naman talaga siyang ginagawa pero nag-iinit ako. "Sir! Iyang baboy at nang maihanda ko na po!" Mariin siyang nagmura pagkatapos naming narinig si Nardo. Nakahinga ako ng maluwag nang humiwalay rin siya sa likod ko. Inayos ko ang buhok ko. Something's wrong with me. Sobra na akong naaapektuhan sa kanya. Sumunod ako sa kanya nang maglakad na siya palapit sa cabin. Paminsan-minsan lumilingon siya sa akin pero umiiwas ako ng tingin. Hanggang sa makarating na rin kami sa cabin. Sinalubong kami ni Nardo, mabilis niyang kinuha ang basket kay Lorenzo. Madilim ang tingin ni Lorenzo kay Nardo. "Just prepare the ingredients, I'll be the one to cook," utos niya.
FayeLumukot ang labi ko sa narinig ko mula kay Lorenzo."Wala ka ba talagang matinong sasabihin, ha?" inis kong tanong.Kumunot ang noo niya. "Nagtatanong lang ako—"Buong lakas ko siyang tinulak, lalo na’t nabibigatan na rin ako. Umangat siya at bumaba mula sa kama."Nagtatanong ka, pero kabastusan naman 'yung tanong mo," puna ko habang naupo na rin."Kabastusan?"Naningkit ang mga mata ko sa kanya."Alam ko na ang sunod mong sasabihin," turo ko sa kanya. "Tatanungin mo kung puwede kang sumama sa akin sa banyo, 'di ba?""Ha? Bakit ko naman 'yun sasabihin? Tinanong lang naman kita kung maliligo ka na para sabihin sa’yo na nasa sofa ang mga damit na puwede mong gamitin, pati na rin toiletries mo."Tinitigan ko siya, kita sa mukha niya ang pagkakunot ng noo.Napahinto ako. Mali yata ang iniisip ko.Shocks, nakakahiya! Eh kasi naman, sa paraan ng kilos at tingin niya, talagang kung ano-ano ang maiisip ko!Tumikhim ako. "Sinasabi mo lang 'yan, pero alam ko ang susunod mong gagawin," pang
FayeTumingin sa akin si Manang Josie, alam kong ramdam niyang marami akong katanungan.Umiwas siya ng tingin.At alam ko rin na wala siyang balak sagutin kung anuman ang gusto kong tanungin sa kanya."Iha, nasa likod si Lorenzo. Kung gusto mo ay puntahan mo siya."Tumango ako. Kunsabagay siya ang dapat kong tanungin sa lahat ng katanungan ko.I urged to know more about him. Hindi ako matatahimik kung panay ang hula ko sa katauhan niya.If he planned to keep me here, then I must know him. All of him.Nang lumabas ako, kaagad na nagtagpo ang kilay ko nang makita ko siyang abalang nagluluto sa kalan de kahoy.Gayunpaman, lumapit na ako sa kubo na wala man lang dingding at bintana. Open lang talaga ito. At hindi ko maintindihan. Nakakita naman ako ng stove sa loob ng kusina pero bakit naghihirap pa siyang magluto diyan."Lorenzo," tawag ko sa kanya.Lumingon siya sa akin, napansin ko kaagad ang pagpasada ng mga mata niya sa kabuuan ko.Nagulat ako ng ngumiti siya sa akin."You look be
FayeNagmamadali akong lumabas sa kwarto nang matapos ang almusal namin. Ngayong umiiwas ako kay Renz, ngayon naman siya lumalapit.At lasing ako kagabi pero alam ko ang namagitan sa amin. Naisuko ko ulit sa kanya. Paano ako aakto na business agreement lang ang kasal namin, paano ako iiwas sa kanya?!Nakakahibang!Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, ar narinig ko ang yabag niya sa likod ko kaya nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Halos matapilok na ako pababa sa hagdan–“Not too fast, my wife,” sambit niya at hawak na niya ang bewang ko.Tumahip naman ang dibdib ko at napabaling ako sa kanya. Kaagad ko ring nalanghap ang pabango niya. His scent reminds me of his body against mine last night. I blinked my eyes as what happened last night surged in my mind.“Bakit ka ba nagmamadali? May tinatakbuhan ka ba?” tanong niya.“Wa-wala akong tinatakbuha–”Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil nabulol ba naman ako.Nanutil ang ngiti sa kanyang labi at nag-init ang pisngi ko sa kahihi
LorenzoI stared at my wife, who was sleeping soundly now. I’ve known her since high school, yet she’s still vivid to me as if a decade did not pass between us. I can still recall every detail of my last moment with her when we were in high school before the incident with my parents.When I learned that she had lost her memories of me, I thought it was for the better. I believed that heaven was still with me when He erased her memory because I didn’t want her to remember that tragedy.Yes, it hurt when I found out that she was engaged, but knowing she could have a better life with another man comforted me at least. Yet after so many years of not crossing paths with her, I found that my ex-girlfriend had an affair with her fiancé.It never crossed my mind that she would be cheated on. I always thought no man would hurt a kind woman like her. Sobra akong galit, hindi dahil niloko ako kundi dahil niloko siya. Kaya halos hindi ko na iniisip kung anong kalalabasan ng mga ginawa ko. I too
LorenzoTuluyan na ngang hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala ko na siya sa kama. At nagiging aktibo naman ang asawa ko sa pinagsasaluhan namin.She’s burning me with her touches. And her liquored tongue is turning me on.It’s always been her who makes my heart palpitate into uncountable beats. It’s only her that drives me into the wilderness.She rubbed her palm on my shirt.I stopped, stared at her amusingly.“Love, are you checking if I have abs?” I asked.She’s still tipsy, looking at me. “You can stop me. You know I can’t hold myself.”I smiled playfully, then teased her lips. “Renz, stop me. I decided to let you go and free you. Please-”“You’re wrong timing, I decided not to let you go anymore. Come what may, I’ll hold on to you.”She pouted, squeezing her eyes. “I cannot even stop myself, how can I stop you? Besides, your hands are halfway down my body, withdrawing them is punishable by law,” I firmly said.Kinunutan niya ako ng noo, “What law?”“Law of Honeymoon.”S
LorenzoLumukot ang mukha kong nakatingin kay Arthur.“Why did you not call me?” I asked irritably.“Your sister took my phone.”Bumuga ako ng hangin.“Renz, kita mo ang hitsura ko basang-basa dahil sa dalawang ‘to lalo na itong makulit mong kapatid,” inis na ring saad ni Arthur.Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinapayungan si Faye. Tinapat na rin ni Arthur ang payong sa kapatid ko.“Halika na,” akay ko ulit kay Faye pero muli niyang hinila ang kamay niya mula sa akin.“Huwag mo akong hawakan,” saad niya. “Lily, let’s go,” dagdag pa niya at may dinampot siya sa damuhan.Natigil ako saglit ng makita ko ang photo album namin.“Sige, Ate.”Tumayo na rin ang kapatid ko at humawak kay Faye. Pipigilan ko na sana sila nang senyasan ako ni Arthur na hayaan sila. Yakap ni Faye ang photo album namin nang humakbang na silla.Nang maglakad na sila pabalik sa mansyon, sumunod na lang kami ni Arthur habang pinapayungan sila.“Ate, sama na lang kita sa dorm ko, gusto mo?”“Pwede mo ba ako
LorenzoIlang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye sa kwarto. Bumuga ako ng hangin.Ako na naman ang pupunta sa kanya. Sa tuwing makakagawa siya ng pagkakamali, ako pa rin naman ang lalapit sa kanya. Umiling ako. Wala rin namang mapupuntahan ito. Yeah, this is better. We’re not on good terms. It will make it easy for me to dissolve this marriage—I must end this, or we’ll end up hurting each other more.I brushed off my hair frustrated, looking at the window.Napatayo ako ng makita kong umuulan.Tumayo na ako mula sa sofa na kinauupuan ako, deretso akong lumabas sa kwarto. Tsaka ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.“Enzo,” natigil ako ng tawagin ako ni Nanay Miriam.“Nay, mamaya na tayo mag-usap,” wika ko at lalabas na sana ako ng magsalita ulit si Nanay Miriam.“Mabait ang asawa mo.”Natigil ako a muli ako napaharap kay Nanay Miriam.“Ang totoo’y ang apo ko talagang si Emma ang nagsimula ng gulo. Kinuha niya ang photo album ng kasal niyo ni Faye at gustong itapon m
Faye“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan,” tuluyan ng nawalan na ako ng pasensya sa kanya.“Hindi ako pumapapel, isa akong Esquivel, nakarugtong na sa pangalan ko kaya may karapatan ako rito. Ikaw? Bukod sa pagiging apo ng mayordoma, ano ka pa rito?” mapa-insulto ko pang tanong.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa–“Faye.”Tumigil ako at humarap, seryosong nakatingin sa akin si Renz.“Kuya, tulungan mo ako,” lapit kaagad ni Emma kay Renz.Napabuga naman ako ng hangin tsaka ako lumapit sa kanila.“Pinapatapon mo raw ito. Bakit hindi niyo na lang itapon na magkasama para pareho kayong ma-satisfy,” wika ko at sinaksak ko sa dibdib niya ang photo album ng kasal namin.Tsaka ako nagmartsa papasok sa loob ng mansyon.Nang pumasok ako sa kwarto, nanginginig pa rin ang kamay ko sa galit. Tumaas-baba ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.“Hindi ka dapat nagbitiw ng ganung salita,” rinig kong sabi kaagad ni Renz.“A
FayeNamumula pa rin ang mga mata ko at pisngi ko nang makarating ako sa Casa Blanca. Tumuloy ako sa mansion kaya tinatago ko na lang ang mukha ko nang hindi makita ng mga katulong. Kase kapag nakita nila ang hitsura ko, magiging ugong na naman ito ng usapan sa Casa.Alam ko na sila ang pinanggalingan ng usapan na linayasan ako ni Renz sa mismong gabi ng honeymoon namin.Hindi alam ni Renz na laman kami ng usapan dito sa Casa at umaabot na nga sa labas. Kung alam niya lang na umaakto ako na parang wala akong naririnig at nagtitiis na lang kapag naririnig ko ito. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin, pinipili ko pa rin na makita siya at maayos kami pero wala, hindi ko alam kung anong gusto niya.Kaya kahit gusto kong manatili dun sa shop kanina at kausapin pa siya, pinili kong umuwi na lang. Nakakasakit. Nakikita ko sa kanya na wala akong panghahawakan.Napatigil ako at napabuga na lang ng hangin. May patutungahan pa ba ito?Napahilamos ako sa mukha ko. “Akin na ito, sabe! Kapal ng mu
FayeHindi siya bumitiw sa titig sa akin, bahagya naman akong lumayo. “Pinagsasabi mo ba?” naguguluhan kong tanong.“Alam mo Faye kapag ako talaga hindi nakapagpigil, mawawalan talaga ako ng pakialam sa kalalabasan ng lahat ng ito,” mariin niya pahayag.Nagtagpo naman ang mga kilay ko at masinsinan ko na siyang tinitigan.“Ano ba kasi tinutukoy mo? Ba’t ka na naman galit?” mahinahon kong tanong.Hindi siya nakasagot, nakatitig lang sa akin na parang may gustong sabihin, gustong gawin. At nakakatensyon ang kinikilos niyang ito.Teka nga lang, ako na nga lang mag-analyze sa sinabi niya. Para talaga akong nagku-quiz pagdating sa pag-alam sa kanyang kaisipan.Okay, nagpipigil siya. Anong pinipigilan niya?Naging makahulugan ang titig ko sa kanya–Kung hindi siya makakapagpigil, mawawalan siya ng pakialam?Kapagkuwan,nagbitiw siya ng mata at kaagad din siyang tumayo. Mabilis ko naman na hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.“Wait,” tigil ko sa kanya pagkatapos kong mabuo sa isipan ko
Faye Sumunod sa amin si Renz hanggang sa shop. “Pasok ka, mukhang kabisado mo naman rito,” wika ko na ikinatingin niya sa akin. Nakagat ko naman ulit ang gilid ng pisngi ko. Faye! Tumigil ka, ngayon na nga lang kayo magkita ng asawa mo. Bumuga ako ng hangin– Pero paano ako titigil. Nakakatampong isipin na pumupunta naman pala siya dito sa shop, eh araw-araw akong pumupunta rito pero hindi ko siya naaabutan. Ibig sabihin iniiwasan niya talaga ako. Naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko– Oo nga, aminado ako, tanggap ko na iniiwasan niya ako. Tumingin ako kay Renz. Kumalma ka, Faye, magpasensya ka. Kung maiinis at magagalit ka sa kanya lalong hindi kayo mag-aayos. Pinagaan ko ang ekspresyon ko, “Pasok ka,” maamo kong sabi. Gumalaw ang kilay niya, mukhang nagtataka pa nga pagbabago ng mood ko. Pero pumasok na rin naman siya. Lumukot ang labi ko sa inis, hard to get ng lalaking ito! “Hoooo, kalma, Faye,” naibulong ko sa sarili ko– Lumi