Share

Chapter 40

Penulis: Felicidad
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-02 22:42:44

Faye

Mabilis naman akong tumakbo sa harapan ni Dad.

“Dad, please, nagmamakaawa ako.”

Hinawakan ko ang kamay niya, “Help me, please. Tulungan mo si Renz–”

“Wala akong maitutulong sa kanya–”

Lumuhod ako. “Faye!” histerikal na tawag sa akin ni mommy.

Ramdam ko ang unti-unti pagbasag ng puso ko kasabay ng rumaragasa kong luha.

“Dad, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo. Kung aalis ako rito at pupunta sa ibang bansa, gagawin ko. Tulungan niya lang si Renz na hindi makulong,”

“Tumayo ka, Faye, mahiya ka sa mga kapatid mo,” nagbabanta ang tawag sa akin ni Dad.

Bumaling naman ako kina Farrah at Flynn nakatayo sa hagdan at gulat na gulat silang nakatingin sa akin.

Lumunok ako at binalik ko ulit ang paningin ko kay Dad. Alam kong kino kompromiso ko ang pamilya ko pero kapag iniisip ko pa lamang na nasa kulungan si Renz, nadudurog ang puso ko.

“Dad, I’m begging you-”

“Faye, itigil mo ang kahibangan mo. Ni hindi mo nga kilala ang lalakeng iyon, konting araw mo lang siyang kasama–”

Puno ng sakit ko
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 41

    FayePatakbo kaming sumunod sa loob ng emergency nang ipasok na nila ang stretcher kung saan nakahiga si Dad. Tahimik akong napahikbi habang tinatanaw ko ang maputlang mukha ni Dad. Habang tumatakbo kami papasok sa emergency room, naririnig ko ang ingay ng mga kagamitan at ang mabilis na tunog ng mga sapatos ng doktor na nagsisigaw ng mga utos. “Code blue! Code blue!”Mabuti na lamang at kasama namin si Doc. Arthur, tinawag na niya sa hospital na cardiac-arrest si Dad. “Thank you, Doctor Sevilla, if you’re not there the patient would have experienced severe damage.”“No problem, but you still need to stabilize him, dahil may mataas na posibilidad na magka-komplikasyon.”“Dad,” usal ko, tinakpan ko ang bibig ko at tahimik akong humikbi. Hindi ko kayang makita siyang nakahiga doon na parang wala nang buhay.Para itong isang malakas na sampal sa akin gumising sa pagkatao ko. Kusang humakbang ang paa ko palapit kay Dad pero hinawakan ni Flynn ang braso ko at pinigilan ako.Tinignan k

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 42

    FayeDahan-dahang lumabas si Renz, at para akong natulala nang makita siya. Napansin ko kaagad ang pagod sa kanyang mukha, at halatang hindi sanay sa ganitong lugar. Magulo ang kanyang itim na buhok, na tila hindi inaalagaan nitong mga nakaraang araw. Ang dating matatalim niyang mga mata, ngayon ay mapungay at may bahid ng pangungulila. May maninipis na guhit ng pasa sa kanyang panga at leeg, at kahit hindi niya sabihin, alam kong hindi naging madali ang pananatili niya rito.Ang matipuno niyang katawan ay bahagyang nangayayat, ngunit nanatiling matikas ang kanyang tindigHabang lumalapit siya sa akin, napansin ko ang mga pulis na nagmamatyag sa amin. Hindi ko alam kung sinusubukan lang nilang tiyakin na hindi ako masasaktan o naghihintay sila ng maling kilos. Pero isang bagay ang sigurado ako—lahat ng kilos namin ay binabantayan.Mariin na nagdikit ang labi ko nang makalapit na siya at umupo na rin sa harap ng mesa. Ngayong nasa malapitan ko na siya, lalo kong nakikita ang mga sugat

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 43

    FayeNang makarating ako sa hospital, tinungo ko kaagad ang ICU.“Anak, saan ka nagpunta?” tanong sa akin ni mommy.Pakiramdam ko naman sasabog ang dibdib ko nang tumingin ako kay mommy tsaka ko inilipat ang mga mata ko kay Daddy sa loob ng ICU.Ngayon lang pumapasok sa utak ko ang kailangan nilang pagdaanan dahil sa akin. Nanghihina kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa pinto ng ICU.“Flynn, suotan mo ng protective gear ang ate mo,”Lumapit sa akin si Flynn, “What’s going on with you? Pinapanerbyos mo si mommy.”Tumingin naman ako sa kapatid ko, “I need to talk to Dad,” wika ko sa mahina kong tinig.“Ate,” nababahalang tawag sa akin ni Flynn.“Please…”bigkas ko at kahit labanan ko pa ang naghihirap kong loob. umagos lang muli ang luha ko.“What’s wrong with you?” tanong niya pero sinuotan niya rin ako ng gown at surgical mask.“Ate, ano bang nangyayari sa iyo?” tanong ulit sa akin ni Flynn, tumingin ako sa kanyang mga mata.Ako ang panganay pero napakahina ko. Pero si Flynn ang na

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 44

    Faye“Huliin niya ang dalawang ito! Nanggugulo sila sa factory ko!” sigaw na ni Chadrick.“Kahit magmakaawa pa, Faye, hindi na ako babalik sa iyo!”Pagak akong tumawa at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.“Baliw ka ng tarantado ka!” sigaw naman sa kanya ni Flynn.Mabilis na kumilos ang security pero humarang ang ibang trabahador para protektahan kami.“Sige, tulungan niyo sila, at sisante na kayo sa trabaho!”May mga umatras ng iba at bumalik sa gilid pero may mga nanatili pa rin. Kumurap ang mga mata ko, tama nga si mommy, may mga nagmamalasakit sa pamilya namin.“Villanueva!”Natigil lahat at napatingin kami sa matandang lalaki na pumunta sa pagitan namin. Binagsak niya ang bitbit niyang kahon sa lupa.“Kung ipagpapatuloy mo ang panggigipit mo sa anak ni Edward, ako na ang makakalaban ng pamilya mo.”Iginilid ko ang ulo at tinitigan ko ang matandang lalake. “Flynn, siya si Master Dencio, hindi ba?” tanong ko dahil hindi ako sigurado, hindi pa siya ganito katanda nang huli ko

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 45

    FayeDali-dali naman akong lumapit sa kanya pati na rin sina Kuya Andy. Sinusubukan ni Flynn na nililok ang initial na katulad ng nasa ibaba ng mga kahon.Tahimik naman na pinanood namin siya hanggang matapos ito. Binuhat ni Kuya Andy ang isang kahon at itinabi sa hawak ni Flynn na kahon.“Pareho,” saad ni Kuya Andy.Nagliwanag ang mukha ni Mang Nestor.“Ipagpatuloy ang paggawa!” sambit ni Mang Nestor. Tuwang-tuwa naman ang ibang trabahador.Tumingin naman ako kay Flynn at ngumiti sa kanya.Sa sumunod na mga araw, tumulong kami ni Flynn sa paggawa ng mga kahon.Nailipat naman na namin si Dad sa private ward pero hanggang ngayon hindi pa rin mabuti ang kanyang kondisyon.Kinakailangan na simulan na namin ulit ang negosyo namin dahil kung hindi tuluyan na mauubos ang pera ng mga magulang ko. Ginamit na nga rin namin ni Flynn ang kanya-kanya naming ipon para matugunan ang mga materyales na kailangan.Naging busy kami sa shop ni Flynn. Heto nga't gabi na naman kaming naka-uwi sa bahay.Pa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 46

    FayeNamumugto ang mga mata kong gumising. Masakit din ang ulo ko dahil magdamag akong umiyak. Pilitin ko man ang sarili ko na huwag umiyak pero walang tigil ang mga luha kong umagos.Naabutan ko ang dalawa kong kapatid sa dining area namin kaya naman iniiwas ko ang mga mata ko sa kanila.“Ate, dalhin muna natin itong mga pinapakuhang gamit ni mommy sa ospital bago tayo tumungo sa shop,”Tumango ako, “Ate–”Hindi tinuloy ni Flynn ang sasabihin pa niya at nanahimik na siya. Alam kong napansin niya ang mukha ko.“Bakit ka na naman ba umiyak? Gosh, tignan mo nga mukha mo, Ate–”“Farrah, kumain ka na nga lang. Malelate ka na sa klase mo.”Hindi na rin naman na nagsalita si Farrah at tahimik naming tinapos ang almusal namin.Pagkatapos naming ihatid si Farrah sa kolehiyo na pinapasukan niya, dumeretso na kami sa ospital.“Nahanap mo na ba ang kumpanya na gumagamit sa mga kahon na nasa shop natin?” tanong ko kay Flynn habang tinatahak namin ang daan papunta sa ospital.“Wala akong mahanap

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 47

    Nakaharap ako kasama si Flynn at mga tauhan ni Dad sa harap ng mahabang mesa na gawa sa kahoy. Pare-pareho kaming nakatulala habang pinagmamasdan ang disenyo ko para sa ring box.“Dapat may dahilan iyang design mo, Ate,” wika ni Flynn.“Kaya nga, makukumbinsi ko lang si Don Esquivel kung may makapag bagbag damdaming dahilan kung bakit ganito ang design ko,” sabi ko at muli kong tinitigan ang dinisenyo ko.“Pakiramdam ko nga rin hindi ito yong best na maipapakita ko,” sabi ko pa.Binuhat ko ang sketchbook ko, “Aanhin niya kaya kase itong ring box na ito? Ibibigay niya ba ito sa isang babae o ireregalo?”“Ibibigay sa isang babae,” sagot ni Kuya Andy.Napatigil kaming lahat at napatingin sa kanya.“Narinig ko na matagal ng naghahanap si Don Esquivel ng babaeng mapapangasawa ng isa sa mga apo niya pero walang may gusto,” paliwanag niya.“Bakit naman?” tanong ko.“Sino ba naman kasing gugustuhin na ikasal sa pamilyang iyon kung wala naman iyong papakasalan?”Naituon naming lahat ang buong

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08
  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 48

    FayePagkarating ko sa harap ng pugon, bumungad sa paningin ko ang mga tauhan ng Casa Blanca na abala sa pagluluto ng mga nahulma ng clay.Hinanap ko naman kaagad si Don Esquivel hanggang sa makita ko rin siyang nakatayo sa isa sa mga pugon.Maingat naman akong lumapit sa kanya.“Magandang araw po, Don Esquivel,” pormal kong bati. Saglit niya lang akong tinignan bago niya ibinalik ang atensyon niya sa pugon. Tahimik ko rin namang lininga ulit ang paligid.It’s a bit surprising that they’re still doing the traditional way of pottery. Humarap lang ulit ako kay Don Esquivel nang marinig ko siyang nag pagpag ng kamay.Umupo siya sa harap ng mesa kaya nagsalita na ako, mukhang binibigyan naman na niya ako ng pagkakataon na kausapin siya.“Nasa loob po nito ang ring box,” sabi ko at ipinatong ko na ang kahon sa mesa.Tinapunan niya lang ito ng tingin bago siya tumingin ulit sa akin.“Paano mo nahanap ito? Hinatid ka ba ng mga tauhan ko,”“Ako lang po mismo naghanap kase walang gustong kum

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08

Bab terbaru

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 75

    FayeNaghiwalay ang mga labi namin pero ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.Mabilis pero magaan. Hindi ako natatakot sa nararamdaman ko kay Renz. Kung may ikinakatakot man ako, iyon ang mawala siya sa buhay ko.Hinawakan ni Renz ang pisngi ko at ngumiti siya sa akin. Sumilay rin naman ang ngiti sa aking labi pero nanubig ang mga mata ko. Nagiging emosyonal ako. Masaya ako na nasasaktan.Paano kung naghihirap ang loob niya sa lugar na ito? Paano kung nagpapakatatag lang siya sa harapan ko?His company went bankrupt, he was detained, and he came back here forcefully. But he’s still choosing me to be with him.“Renz, kung nahihirapan ka sa bahay na ito. Pwede tayong tumira sa bahay namin o kung gusto mo magrent na lang tayo. Kung gusto mong bumalik sa La Montañosa, sasama ako sa iyo kahit saan,” wika ko.Lumawak ang ngiti niya. “You want to do our honeymoon in La Montañosa?” Ngumuso ako, “Seryoso ako, kung ayaw mo rito, pwede naman tayong umalis. Renz, sa nalaman ko, hind

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 74

    FayeNagmamadali akong lumabas sa kwarto nang matapos ang almusal namin. Ngayong umiiwas ako kay Renz, ngayon naman siya lumalapit.At lasing ako kagabi pero alam ko ang namagitan sa amin. Naisuko ko ulit sa kanya. Paano ako aakto na business agreement lang ang kasal namin, paano ako iiwas sa kanya?!Nakakahibang!Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, ar narinig ko ang yabag niya sa likod ko kaya nagmamadali kong tinungo ang hagdan. Halos matapilok na ako pababa sa hagdan–“Not too fast, my wife,” sambit niya at hawak na niya ang bewang ko.Tumahip naman ang dibdib ko at napabaling ako sa kanya. Kaagad ko ring nalanghap ang pabango niya. His scent reminds me of his body against mine last night. I blinked my eyes as what happened last night surged in my mind.“Bakit ka ba nagmamadali? May tinatakbuhan ka ba?” tanong niya.“Wa-wala akong tinatakbuha–”Nakagat ko ang labi ko sa inis dahil nabulol ba naman ako.Nanutil ang ngiti sa kanyang labi at nag-init ang pisngi ko sa kahihi

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 73

    LorenzoI stared at my wife, who was sleeping soundly now. I’ve known her since high school, yet she’s still vivid to me as if a decade did not pass between us. I can still recall every detail of my last moment with her when we were in high school before the incident with my parents.When I learned that she had lost her memories of me, I thought it was for the better. I believed that heaven was still with me when He erased her memory because I didn’t want her to remember that tragedy.Yes, it hurt when I found out that she was engaged, but knowing she could have a better life with another man comforted me at least. Yet after so many years of not crossing paths with her, I found that my ex-girlfriend had an affair with her fiancé.It never crossed my mind that she would be cheated on. I always thought no man would hurt a kind woman like her. Sobra akong galit, hindi dahil niloko ako kundi dahil niloko siya. Kaya halos hindi ko na iniisip kung anong kalalabasan ng mga ginawa ko. I too

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 72

    LorenzoTuluyan na ngang hindi ko napigilan ang sarili ko dahil nadala ko na siya sa kama. At nagiging aktibo naman ang asawa ko sa pinagsasaluhan namin.She’s burning me with her touches. And her liquored tongue is turning me on.It’s always been her who makes my heart palpitate into uncountable beats. It’s only her that drives me into the wilderness.She rubbed her palm on my shirt.I stopped, stared at her amusingly.“Love, are you checking if I have abs?” I asked.She’s still tipsy, looking at me. “You can stop me. You know I can’t hold myself.”I smiled playfully, then teased her lips. “Renz, stop me. I decided to let you go and free you. Please-”“You’re wrong timing, I decided not to let you go anymore. Come what may, I’ll hold on to you.”She pouted, squeezing her eyes. “I cannot even stop myself, how can I stop you? Besides, your hands are halfway down my body, withdrawing them is punishable by law,” I firmly said.Kinunutan niya ako ng noo, “What law?”“Law of Honeymoon.”S

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 71

    LorenzoLumukot ang mukha kong nakatingin kay Arthur.“Why did you not call me?” I asked irritably.“Your sister took my phone.”Bumuga ako ng hangin.“Renz, kita mo ang hitsura ko basang-basa dahil sa dalawang ‘to lalo na itong makulit mong kapatid,” inis na ring saad ni Arthur.Napahilamos na lang ako sa mukha ko habang pinapayungan si Faye. Tinapat na rin ni Arthur ang payong sa kapatid ko.“Halika na,” akay ko ulit kay Faye pero muli niyang hinila ang kamay niya mula sa akin.“Huwag mo akong hawakan,” saad niya. “Lily, let’s go,” dagdag pa niya at may dinampot siya sa damuhan.Natigil ako saglit ng makita ko ang photo album namin.“Sige, Ate.”Tumayo na rin ang kapatid ko at humawak kay Faye. Pipigilan ko na sana sila nang senyasan ako ni Arthur na hayaan sila. Yakap ni Faye ang photo album namin nang humakbang na silla.Nang maglakad na sila pabalik sa mansyon, sumunod na lang kami ni Arthur habang pinapayungan sila.“Ate, sama na lang kita sa dorm ko, gusto mo?”“Pwede mo ba ako

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 70

    LorenzoIlang oras na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Faye sa kwarto. Bumuga ako ng hangin.Ako na naman ang pupunta sa kanya. Sa tuwing makakagawa siya ng pagkakamali, ako pa rin naman ang lalapit sa kanya. Umiling ako. Wala rin namang mapupuntahan ito. Yeah, this is better. We’re not on good terms. It will make it easy for me to dissolve this marriage—I must end this, or we’ll end up hurting each other more.I brushed off my hair frustrated, looking at the window.Napatayo ako ng makita kong umuulan.Tumayo na ako mula sa sofa na kinauupuan ako, deretso akong lumabas sa kwarto. Tsaka ako nagmamadaling bumaba sa hagdan.“Enzo,” natigil ako ng tawagin ako ni Nanay Miriam.“Nay, mamaya na tayo mag-usap,” wika ko at lalabas na sana ako ng magsalita ulit si Nanay Miriam.“Mabait ang asawa mo.”Natigil ako a muli ako napaharap kay Nanay Miriam.“Ang totoo’y ang apo ko talagang si Emma ang nagsimula ng gulo. Kinuha niya ang photo album ng kasal niyo ni Faye at gustong itapon m

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 69

    Faye“Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan,” tuluyan ng nawalan na ako ng pasensya sa kanya.“Hindi ako pumapapel, isa akong Esquivel, nakarugtong na sa pangalan ko kaya may karapatan ako rito. Ikaw? Bukod sa pagiging apo ng mayordoma, ano ka pa rito?” mapa-insulto ko pang tanong.Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa–“Faye.”Tumigil ako at humarap, seryosong nakatingin sa akin si Renz.“Kuya, tulungan mo ako,” lapit kaagad ni Emma kay Renz.Napabuga naman ako ng hangin tsaka ako lumapit sa kanila.“Pinapatapon mo raw ito. Bakit hindi niyo na lang itapon na magkasama para pareho kayong ma-satisfy,” wika ko at sinaksak ko sa dibdib niya ang photo album ng kasal namin.Tsaka ako nagmartsa papasok sa loob ng mansyon.Nang pumasok ako sa kwarto, nanginginig pa rin ang kamay ko sa galit. Tumaas-baba ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.“Hindi ka dapat nagbitiw ng ganung salita,” rinig kong sabi kaagad ni Renz.“A

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 68

    FayeNamumula pa rin ang mga mata ko at pisngi ko nang makarating ako sa Casa Blanca. Tumuloy ako sa mansion kaya tinatago ko na lang ang mukha ko nang hindi makita ng mga katulong. Kase kapag nakita nila ang hitsura ko, magiging ugong na naman ito ng usapan sa Casa.Alam ko na sila ang pinanggalingan ng usapan na linayasan ako ni Renz sa mismong gabi ng honeymoon namin.Hindi alam ni Renz na laman kami ng usapan dito sa Casa at umaabot na nga sa labas. Kung alam niya lang na umaakto ako na parang wala akong naririnig at nagtitiis na lang kapag naririnig ko ito. Sa kabila ng pag-iwas niya sa akin, pinipili ko pa rin na makita siya at maayos kami pero wala, hindi ko alam kung anong gusto niya.Kaya kahit gusto kong manatili dun sa shop kanina at kausapin pa siya, pinili kong umuwi na lang. Nakakasakit. Nakikita ko sa kanya na wala akong panghahawakan.Napatigil ako at napabuga na lang ng hangin. May patutungahan pa ba ito?Napahilamos ako sa mukha ko. “Akin na ito, sabe! Kapal ng mu

  • The Billionaire's Captivated Bride   Chapter 67

    FayeHindi siya bumitiw sa titig sa akin, bahagya naman akong lumayo. “Pinagsasabi mo ba?” naguguluhan kong tanong.“Alam mo Faye kapag ako talaga hindi nakapagpigil, mawawalan talaga ako ng pakialam sa kalalabasan ng lahat ng ito,” mariin niya pahayag.Nagtagpo naman ang mga kilay ko at masinsinan ko na siyang tinitigan.“Ano ba kasi tinutukoy mo? Ba’t ka na naman galit?” mahinahon kong tanong.Hindi siya nakasagot, nakatitig lang sa akin na parang may gustong sabihin, gustong gawin. At nakakatensyon ang kinikilos niyang ito.Teka nga lang, ako na nga lang mag-analyze sa sinabi niya. Para talaga akong nagku-quiz pagdating sa pag-alam sa kanyang kaisipan.Okay, nagpipigil siya. Anong pinipigilan niya?Naging makahulugan ang titig ko sa kanya–Kung hindi siya makakapagpigil, mawawalan siya ng pakialam?Kapagkuwan,nagbitiw siya ng mata at kaagad din siyang tumayo. Mabilis ko naman na hinawakan ang kamay niya at pinigilan siya.“Wait,” tigil ko sa kanya pagkatapos kong mabuo sa isipan ko

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status