Home / Romance / The Billionaire's Captive / Chapter 10: Within Reach

Share

Chapter 10: Within Reach

Author: Celeste Voss
last update publish date: 2026-06-01 06:26:19

Hindi ako agad nakagalaw matapos niyang magsalita.

“I said come with me, Isla. Don’t make me repeat myself.”

Parang bumigat ang hangin sa paligid ko, at kahit gusto kong umatras, parang hindi na sumasagot ang katawan ko sa utos ng utak ko. Nasa gitna pa rin ako ng kalsada, nakatayo, habang unti-unting bumabalik ang ingay ng Maynila—mga busina, mga tao, mga sasakyang dumadaan na parang walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa harapan ko.

Pero ako, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

Nasa k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Captive   Chapter 14: Bound Without Consent

    Bound Without ConsentHindi agad pumasok sa isip ko ang mga nabasa ko.Nakatitig lang ako sa folder na nasa harapan ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang bawat linya. Pero parang tumatanggi ang isip ko na tanggapin ang mga iyon. Pakiramdam ko biglang naging masyadong mabigat ang hangin sa loob ng VIP room—parang hindi ako makahinga.“Hindi ito totoo…” bulong ko, nanginginig ang kamay.“Hindi nila gagawin ito.”Tahimik lang siya sa tapat ko.Walang reaksyon. Walang kahit anong bakas ng pagdadalawang-isip—parang normal lang sa kanya ang lahat.Mas lalo akong nataranta sa katahimikan niya.“Sabihin mo na mali ito,” mas malakas ko nang sabi habang nakatingin sa kanya. “Sabihin mo na may pagkakamali.”Sumandal siya nang dahan-dahan sa upuan, tinitigan ako na parang sinusukat kung hanggang saan ako aabot bago tuluyang bumigay.“Answer me…” halos pabulong kong pakiusap, habang tuluyan nang bumabagsak ang luha ko. “Please.”“Walang mali,” sagot niya sa wakas—malamig, diretso. “E

  • The Billionaire's Captive   Chapter 13: The Price of Isla

    Nakangiti akong lumabas ng coffee shop dahil malaki ang kinita namin ngayong araw at maayos ang takbo ng trabaho kahit pagod na pagod ang katawan ko. Bukod sa malaki ang kita, double pay din kami ngayon. Makakapagpadala ako kay Nanay ng mas malaking halaga.Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ko siya sa gilid ng kalsada kung saan ako sumasakay ng jeep.Nakasandal si Adrian sa kotse niya habang naninigarilyo. Kahit wala siyang ginagawa, ramdam ko agad na hindi maganda ang mood niya. Nag-search ako tungkol sa kanya noon, at tama ang hinala ko—isa siya sa pinakamabagsik na Montenegro at kilala sa pagiging malamig at iwas sa babae.Huminto ako sa paglalakad at agad na umiwas ng tingin. Hindi pa niya ako napapansin kaya nagpasya akong dumiretso sa kabilang direksyon at humanap ng ibang sakayan. Mas mabuti nang sa mas mataong lugar ako pumunta—mas may tsansang hindi siya gumawa ng eksena.Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang bigla akong may humila pabalik.Napasinghap ako nang mara

  • The Billionaire's Captive   Chapter 12: Under Watch

    Papalapit nang papalapit ang binigay niyang isang buwan, at kahit anong pilit kong mag-isip, wala pa rin akong makitang paraan kung saan ako lulugar. Alam ko na sa huli, iisa lang ang gusto niyang marinig—ang sagot na pabor sa kanya.Hindi ko alam kung sinusubukan niya lang akong ubusin o hinahayaan niya akong mapagod kakaiwas. Pero pareho lang ang kahahantungan.Siya pa rin ang masusunod.“Girls, promotion ngayon. Double time. Walang papatay-patay,” paalala ni Miss Betty habang abala kami sa paghahanda ng orders.Tumango kaming lahat at agad na kumilos. Mabigat ang katawan ko dahil sa puyat, pero pinilit kong mag-focus. Ayokong magkamali—kilala ko si Miss Betty. Kahit maliit na bagay, pinapansin niya.Habang inaayos ko ang mga baso, narinig ko ang usapan nina Jocelyn sa likod ko.“Montenegro ‘yan, ‘di ba?”“Oo. Bunsong kapatid ni Rafael Adrian Montenegro.”Bahagya akong napahinto.Hindi ako agad lumingon. Ayokong makisali, pero kusa ring napunta ang atensyon ko sa mesa na tinuturo ni

  • The Billionaire's Captive   Chapter 11: No Way Out

    “Where do you live?” pambabasag niya sa katahimikan na namamayani sa loob ng kotse.“Diyan lang sa Armenia Street. Sa may kanto ng Jollibee.”Wala akong choice kundi sabihin sa kanya kung saan ako nakatira. Hahanap na lang ako ng bago para hindi na niya ako masundan muli.Muling namayani ang katahimikan sa amin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakasandal siya at nakapikit ang kanyang mga mata, parang walang pakialam sa paligid. Kung hindi ko alam kung sino siya, iisipin kong normal lang siyang lalaki na pagod sa maghapon. Pero hindi. Kahit gaano siya kagwapo, hindi mabubura no’n kung gaano siya kamanipulative.“Are you done checking my face?” Nagmulat siya ng kanyang mga mata at agad na nagtama ang mga paningin namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya.“Wag ka ngang feeling d’yan. Sa tabi na lang po,” wika ko saka tumingin sa kanyang driver.Huminto ang sasakyan at agad akong bumaba. Hindi na ako nagpaalam. Ayoko nang humaba pa ang usapan. Pakiramdam ko kahit isang sal

  • The Billionaire's Captive   Chapter 10: Within Reach

    Hindi ako agad nakagalaw matapos niyang magsalita.“I said come with me, Isla. Don’t make me repeat myself.”Parang bumigat ang hangin sa paligid ko, at kahit gusto kong umatras, parang hindi na sumasagot ang katawan ko sa utos ng utak ko. Nasa gitna pa rin ako ng kalsada, nakatayo, habang unti-unting bumabalik ang ingay ng Maynila—mga busina, mga tao, mga sasakyang dumadaan na parang walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa harapan ko.Pero ako, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.Nasa kabilang gilid siya kanina, at ngayon, naroon na siya sa tabi ng itim na sasakyan. Bukas ang back door. Tahimik. Everything looks normal. Parang walang nangyari.Pero walang normal sa kung paano siya tumingin sa akin na para bang matagal na niyang alam kung saan ako pupunta.“Isla,” ulit niya, mas mababa ang boses ngayon, mas controlled. Hindi na ito paanyaya. Utos na ito.Napakagat ako ng labi ko at napatingin sa paligid, umaasang may makakapansin, may makakatulong, may kahit sinong makakaintind

  • The Billionaire's Captive   Chapter 9: Escape Was an Illusion

    Pagod na pagod ang katawan ko habang naglalakad ako palabas ng grocery matapos ang shift ko. Dalawang linggo na ang nakalipas at masasabi kong unti-unti nang nakakapag-adjust ang aking katawan sa takbo ng buhay dito sa Manila.Gabing-gabi na at mas tahimik na ang paligid kumpara sa maghapon, pero hindi pa rin nawawala ang ingay ng Maynila—mga sasakyan, ilaw, at mga taong tila hindi nauubusan ng lakas kahit dis-oras na ng gabi.Mabigat ang bawat hakbang ko, at ramdam ko ang hapdi sa talampakan ko, pero pinipilit kong magpatuloy dahil wala naman akong ibang pagpipilian kundi ang masanay.Huminga ako nang malalim habang hinahawakan ang strap ng bag ko. Nandoon pa rin ang cellphone na ibinigay niya, tahimik at patay, pero hindi ko magawang alisin sa isip ko ang presensya nito. Kahit nakatago, parang may bigat itong dala na hindi ko maipaliwanag.Ilang araw ko nang sinusubukang kumbinsihin ang sarili ko na ligtas na ako, na nakalayo na ako, at na hindi niya ako basta-basta mahahanap sa lak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status