Masuk“K-kuya… saan mo ba ako dinadala?”
Halos mabasag ang boses ko sa panginginig habang pilit kong hinihila ang braso ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak.
Hindi siya sumagot.
Mas lalo lang siyang humigpit.
“Tumahimik ka.”
Mabilis ang mga hakbang niya, halos natitisod ako sa kakahabol. Ramdam ko ang sakit sa pulso ko sa bawat paghila niya, ngunit mas masakit ang kaba na unti-unting sumisiksik sa dibdib ko.
Sa likod namin, naririnig ko ang mga yapak nina Nanay at Tatay.
Pero wala ni isa sa kanila ang pumipigil.
Walang nagtatanong.
Walang nagtatanggol.
Parang… normal lang ang lahat.
Napalingon ako sa paligid.
Pinagtitinginan kami ng mga tao, may ilan pang nagbubulungan. Pero walang lumalapit. Walang gustong makialam.
Sanay na sila.
Katulad ko.
Bigla akong natigilan nang makita ko kung saan kami papunta.
Hindi.
Hindi pwede.
“Huwag… Kuya, huwag dito.”
Nanghina ang tuhod ko.
Ngunit hindi siya tumigil.
Huminto siya sa harap ng isang bahay na pilit kong binubura sa alaala ko.
Kumirot ang dibdib ko.
Dito.
Dito ‘yung lugar kung saan muntik nang mawala sa akin ang lahat.
“Roel!”
Malakas niyang kinatok ang pinto.
Gusto kong tumakbo.
Gusto kong sumigaw.
Pero parang nanigas ang buong katawan ko.
Ilang segundo pa ang lumipas bago bumukas ang pinto.
At doon siya lumabas.
Pareho pa rin ang itsura niya.
Pareho pa rin ang ngisi.
At higit sa lahat—pareho pa rin ang tingin.
Parang wala lang nangyari noon.
“Uy,” natatawa niyang sabi, tila natutuwa pa sa nakita.
“Ano yun pre?” Tanong niya kay Kuya pero hindi iniaalis ang tingin sa akin.
“Hindi ba’t sinabi mong magbabayad ka ng kahit anong halagang sabihin namin basta makasama mo lang ang kapatid ko ng isang gabi. Heto siya. Kailangan namin ngayon ng pera.” Halos mapaiyak ako sa sinabi ni Kuya sa kanyang kaibigan. Balak niya akong ibenta.
Lumingon ako kila Nanay at Tatay na tahimik lang at nakikinig sa usapan nila Kuya. Basta talaga pera hindi na nila ako maalala bilang anak nila.
“Ngayon ka pa talaga dumating. Wala akong pera ngayon.”
Natahimik si Kuya.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Saglit akong napapikit.
“Ganun?” malamig niyang sagot.
“Oo pare, kakatapos ko lang bayaran si Bryan. Ikaw naman kasi palagi kang huli kung kailan ko gusto yang kapatid mo, saka ka naman umaayaw.” Ani niya na parang sinisisi pa ang Kuya ko.
Tahimik.
Mabigat.
At sa isang iglap—itinulak niya ako.
Napabagsak ako sa semento.
Napangiwi ako sa sakit habang nararamdaman ko ang gaspang ng lupa sa aking palad.
“Wala ka talagang silbi.”
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pagkakatulak niya o ang mga salitang iyon.
Hindi ko na pinilit pang tumingala.
Ayokong makita ang mga mukha nila.
Ayokong makita kung gaano ako kababa sa paningin nila.
“Sayang,” marahan kong narinig ang boses ni Roel.
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
Mas lalo akong nanlamig.
“Pwede ka naman maiwan kung gusto mo.”
Napaatras ako, kahit nakaluhod pa rin ako sa lupa.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi.
Hindi na mauulit.
Hindi ko na hahayaang mangyari ulit.
Mabilis akong tumayo, kahit nanginginig ang tuhod ko.
Hindi ko na sila pinansin.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila.
Tumakbo ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Ang alam ko lang—kailangan kong makalayo.
--------
Pagbalik ko sa bahay, tahimik na ulit ang lahat.
Parang walang nangyari.
Parang hindi ako muntik ibenta.
Nasa sofa si Nanay, nanonood ng TV.
Hindi man lang siya napatingin sa akin.
“Oh, anong drama na naman ‘yan?”
Napatigil ako.
Unti-unting bumigat ang dibdib ko.
“Nay…” mahina kong sabi, “ipinagbibibili ako ni Kuya tapos wala man lang kayong ginawa.”
Walang sagot.
Kahit isang tingin—wala.
“Alam mo ‘yon…” nanginginig kong dagdag, “alam mong muntikan na akong pagsamantalahan noon—”
“Kasalanan mo rin.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.
“Hindi sapat ang binibigay mo.”
Nanahimik ako.
Doon ko tuluyang naramdaman—wala nga pala akong kakampi dito sa bahay na ito.
“Tumigil ka na sa kaartehan mo,” dagdag pa niya.
Sa likod ko, narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya.
“Grabe ka naman, Isla,” nakangisi niyang sabi. “Akala mo naman ang linis-linis mo.”
Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.
At sa pagkakataong iyon—napuno na ako.
Paak!
Umalingawngaw ang tunog ng sampal.
Nanlaki ang mata niya.
Hindi ko hinintay na saktan niya ako.
Tumalikod ako at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto nang malakas.
At doon—saka lang ako tuluyang bumigay.
Isla’s POVHindi niya binibitawan ang aking baba habang ang kanyang malamlam at halos walang emosyon na mga mata ay nakatitig nang diretso sa aking mga mata, na para bang sinusuri ang bawat reaksyon ko.Napalunok ako at sandaling natigilan.Hindi ako agad nakasagot sa kanyang tanong, ngunit sa kabila ng aking katahimikan ay malinaw sa akin kung ano ang magiging sagot ko. Alam kong maninindigan ako, kahit pa nanginginig ang buong katawan ko sa takot.Ang kinakatakot ko lamang ay kung ano ang kanyang gagawin sa oras na tuluyan ko siyang tanggihan.Kung noon ay tila binabalewala niya lamang ito dahil marahil ay iniisip niyang may natitira pa akong oras para pag-isipan ang kanyang alok, ngayon ay hindi ko na matiyak kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lamang makuha ang nais niya.“Ang pagpapakasal ay hindi isang laro,” mariin kong wika habang pilit kong pinatatag ang aking boses.Bahagyang lumawak ang kanyang ngisi at may mabilis na interes na dumaan sa kanyang mga mata, na para
Isla’s POVNgayon ang araw na sinabi niya. Ang araw kung kailan siya darating.Nakahiga lang ako sa sofa habang paulit-ulit na iniisip kung paano ako makakatakas kapag dumating siya. Kung pupunta siya dito, ibig sabihin may sasakyan siyang ginamit. Iyon ang kailangan ko. Kailangan ko lang maagaw ang susi at makaalis bago pa niya ako mapigilan.Pero habang iniisa-isa ko ang mga plano sa isip ko, lalo ko lang napapansin na puro iyon sablay. Walang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung makakatakbo nga ba ako palayo sa kanya.Bumangon ako at nagtungo sa kusina upang magluto. Kailangan ko ng lakas. Kailangan kong maging handa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pagdating niya, pero alam kong hindi iyon magiging maganda.Lumipas ang tanghali pero wala pa rin siya.Dahil sa pagkabagot at sa kaba na unti-unting kumakain sa akin, naglakad ako papunta sa dalampasigan. Umupo ako sa bench at pinanood ang mga ulap na unti-unting nagdidilim. Tahimik ang paligid, pero hindi ako mapakali.“Mu
Isla’s POVKagaya ng nakagawian ko sa ilang araw kong pananatili dito, muli akong umupo sa bench sa labas at nagpainit sa sinag ng araw. Hindi pa naman ganoon kainit at masakit sa balat ang tama nito kaya kahit papaano ay nakakagaan sa pakiramdam.Naalala ko ang napanood ko kagabi kung paano lumangoy ang isang tao. Bigla akong ginanahan sa ideyang iyon. Susubok sana akong maghanap ulit ng mapapanood, pero hindi na naman umaayon ang internet. Alam kong kontrolado na naman iyon ni Adrian kaya wala na rin akong nagawa kundi alalahanin na lang ang mga napanood ko.Pinikit ko ang mga mata ko at pilit inalala ang bawat galaw na nakita ko sa tutorial. Mabuti na lamang at natiyempuhan ko iyon kagabi habang naghahanap ng mapaglilibangan. Kung matututo akong lumangoy, makakarating ako sa kabilang bahagi ng isla kung saan naroon ang kagubatan na matagal ko nang tinititigan mula dito.Huminga ako nang malalim bago tumayo. Inalis ko ang makapal kong damit at nanatili sa manipis kong short at pang-
Isla’s POVMag-iisang araw na akong mag-isa, at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang Adrian.Mugto ang mga mata ko sa kaiiyak buong gabi. Kahit anong tawag ko sa kanya, hindi siya sumasagot. Sinubukan ko rin tawagan si nanay, pero parehong out of reach ang kanilang mga numero.Napahawak ako sa tiyan ko na kanina pa kumakalam.Siguro mas matatanggap ko pa na maging pulubi na lang ako—palaboy, walang direksyon—kaysa makulong dito sa islang ito na wala man lang akong makausap kahit sino.Nanghihina ang katawan ko habang tinutungo ang kusina.Kanina ko lang napansin na dalawang malalaking solar panel lang pala ang nagsisilbing source ng kuryente sa bahay na ito. Napangiti ako nang mapait.Planado talaga.Ang mga gamit ko, naroon pa rin sa cabinet—parang inayos habang wala akong malay.Mabigat man sa loob, kailangan kong kumilos. Kailangan kong kumain para magkaroon ng lakas. Kapag dumating ang pagkakataon, tatakas ako.Simpleng sinigang na bangus ang niluto ko. May mga applianc
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Kahit ipikit ko ang mga mata ko, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko—ang walang katapusang dagat, ang katahimikan ng lugar, at ang katotohanang nag-iisa ako sa isang isla na walang kahit anong paraan para makatakas. Pakiramdam ko ay unti-unti akong sinasakal ng sitwasyon ko, pero mas lalo akong natakot sa ideya na baka tuluyan na lang akong sumuko.Hindi pwede. Hindi ako pwedeng manatili dito habang hinihintay kung ano man ang plano ni Adrian para sa akin.Maaga akong nagising kinabukasan, mabigat ang katawan pero buo ang desisyon.Hindi ako maghihintay. Kung may kahit katiting na posibilidad na makatakas, hahanapin ko iyon kahit mapahamak pa ako. Hindi ako pwedeng maging bilanggo habang-buhay.Agad akong lumabas ng bahay at tinahak ang dalampasigan na kung saan may malapit na kagubatan. Kailangan kong magbaka-sakali na baka nasa syudad pa din ang likuran ng kagubatan. Dumiretsu ako sa tubig na parang iyon lang ang tang
Maaga pa lang ay umalis na ako at naglakad papunta sa abangan ng mga bus. Hindi ko na inisip kung saan ako pupunta—ang mahalaga ay makaalis ako at tuluyang makatakas kay Adrian. Kaunti lang ang dala kong gamit, puro damit lang. Iniwan ko na ang iba. Mas mahalaga ang kalayaan kaysa sa mga bagay na madaling mapalitan.Palapit na ako sa sakayan nang bigla akong napahinto.May isang itim na kotse ang huminto sa harapan ko.Bago pa ako makareact, may mga kamay nang humila sa akin papasok.“H—huwag! Tulong!” sigaw ko habang nagpupumiglas, pero tila nilamon ng ingay ng kalsada ang boses ko. Madilim ang bahaging iyon at walang sinumang nakapansin.Pinilit kong kumawala, pero mas malakas sila. Isang lalaki ang mahigpit na humawak sa akin habang may itinakip na panyo sa aking mukha.Nanlaban pa ako sa huling pagkakataon.Pero unti-unting nanghina ang katawan ko.Naging malabo ang paningin ko.“Boss, I got her,” dinig kong sabi niya bago tuluyang magdilim ang lahat.-------Nagising ako sa isang







