分享

Chapter 2

作者: Celeste Voss
last update publish date: 2026-05-08 09:38:25

Mukhang kakilala niya ang taong tumawag kaya kahit nanginginig pa ang boses ko ay agad kong sinabi kung nasaan kami.

Hindi na ako nagtanong kung sino siya o kung ano ang nangyari, dahil sa itsura pa lang ng lalaking nasa harapan ko, alam kong hindi na iyon ang mahalaga.

Ang kailangan lang ay may makarating agad sa kanya.

Ilang minuto lang ang lumipas pero pakiramdam ko ay napakatagal.

Nakaluhod pa rin ako sa tabi niya, hindi sigurado kung dapat ko pa ba siyang galawin o hayaan na lang siya.

Paminsan-minsan ay tinitingnan ko kung humihinga pa siya, at sa tuwing may bahagya akong nararamdaman, kahit mahina, saka lang ako nakakahinga nang maayos.

Hanggang sa may dalawang itim na sasakyang biglang huminto sa bungad ng eskinita.

Mabilis ang dating nila, parang sanay na sanay sa ganitong klaseng sitwasyon.

Bumukas ang mga pinto at sunod-sunod na bumaba ang mga lalaking nakaitim.

Doon pa lang ay kinabahan na ako, pero nang mapansin ko ang mahahabang baril na dala nila, tuluyan nang nanlamig ang buo kong katawan.

Walang nagsalita ni isa sa kanila.

Walang nagtanong kung ano ang nangyari o kung sino ako.

Diretso silang kumilos, parang may nakatakda na silang gagawin bago pa man sila dumating.

Dalawa sa kanila ang agad lumapit sa lalaking duguan at maingat itong binuhat, habang ang isa naman ay lumuhod sa semento at nagsimulang linisin ang dugo na para bang wala lang iyon.

Hindi ko maintindihan kung anong klaseng mga tao ang ganito kabilis magtrabaho sa ganitong sitwasyon.

Parang hindi ito ang unang beses na may tinulungan silang ganito. Parang normal lang sa kanila na may duguang katawan sa gitna ng daan.

Napaatras ako nang bahagya, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong manatili o umalis na lang.

Hindi rin ako makagalaw agad dahil pakiramdam ko ay parang may kung anong pumipigil sa akin—takot, o marahil ay ang pakiramdam na hindi pa tapos ang lahat.

“Thank you, miss.”

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa akin.

Matangkad siya, seryoso ang mukha, at walang kahit anong emosyon sa mga mata niya.

Hindi siya mukhang galit, pero hindi rin siya mukhang mabait.

Parang isa siya sa mga taong hindi mo basta-basta kakausapin kung wala kang lakas ng loob.

May iniabot siya sa akin na makapal na sobre. Saglit akong nag-alangan kung tatanggapin ko ba iyon, pero dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, parang wala rin akong choice.

“Thirty thousand,” diretso niyang sabi. “At mas makakabuti kung wala kang pagsasabihan tungkol dito.”

Hindi iyon pakiusap. Malinaw na babala iyon.

Dahan-dahan kong tinanggap ang sobre, hindi pa rin makapaniwala sa bigat nito.

Thirty thousand. Halos ilang buwan ko ring sahod iyon, at ngayong wala na akong trabaho, mas lalo kong naramdaman kung gaano kalaki ang halaga nito.

Pagkakurap ko, wala na sila.

Para bang bigla na lang silang naglaho.

Tahimik na ulit ang eskinita, at kung hindi dahil sa sobre sa kamay ko at sa kaba sa dibdib ko, iisipin kong hindi talaga nangyari ang lahat.

Agad kong itinago ang sobre sa loob ng notebook ko, ang parehong notebook kung saan ko inilalagay ang kaunting ipon ko.

Alam kong hindi ko pwedeng ilagay iyon sa wallet ko dahil kapag nakita iyon nina Nanay at Tatay, siguradong mawawala rin agad.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong agad ako ng boses ni Nanay.

“Oh, bakit ngayon ka lang? Kanina pa gutom ang Tatay mo.”

Hindi na ako sumagot agad. Iniiwasan ko ang tingin niya habang inaabot ang plastic bag ng pagkain na binili ko sa natitira kong pera.

“Atsaka?” dagdag niya, mas matalas ang tono. “May nahanap ka bang trabaho?”

Bumuntong hininga ako bago sumagot. “Wala pa, Nay. Bukas ulit ako maghahanap.”

Hindi siya nasiyahan sa sagot ko.

Umiling siya at inagaw ang dala kong pagkain na para bang iyon lang ang mahalaga sa kanya.

“Ano ba namang silbi mo,” bulong niya bago tuluyang maglakad papunta sa kusina.

Tahimik akong naupo sa isang sulok habang pinapanood silang kumain.

Walang nag-alok sa akin kahit isa. Sanay na rin naman ako, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.

Parang obligasyon ko lang talagang buhayin silang lahat, at kapag wala akong maibigay, wala rin akong karapatang umasa ng kahit kaunting pag-aalaga mula sa kanila.

“Isla.”

Napatingin ako kay Tatay nang tawagin niya ako. Mabigat ang boses niya, at alam ko agad kung saan pupunta ang usapan.

“May pera ka ba diyan?”

Kumirot agad ang sikmura ko. “Wala na po, Tay.”

Nag-iba ang ekspresyon niya. “Sinusubukan mo ba akong lokohin?”

Bago pa ako makapagsalita, hinablot na niya ang bag ko. Sinubukan kong pigilan siya pero mas mabilis siya. Ibinuhos niya ang laman niyon sa mesa, at nagkalat ang mga gamit ko.

“Eto lang?” galit niyang sabi habang hawak ang natitirang pera sa wallet ko. “Paano ako makakabayad ng utang sa ganito?”

“Tay, huling sahod ko na po kasi ‘yan,” mahinang sagot ko.

Pero tulad ng inaasahan ko, hindi iyon sapat para sa kanya. Umupo siya muli, pero hindi nawala ang galit sa mukha niya.

Sa gilid ng paningin ko, napansin ko si Kuya na tahimik lang na nakasandal sa dingding. Nakatingin siya sa akin, at hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtitig niya.

“Alam mo,” bigla niyang sabi, “kung mayaman naman ‘yung boss mo, bakit ka pa nagpahuli sa misis niya? Eh di sana may pera ka pa ngayon.”

Napakunot ang noo ko. “Kuya, please lang. Huwag ka nang dumagdag. Hindi naman totoo ‘yon.”

Ngumisi siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Ramdam ko agad ang kaba habang papalapit siya.

“Maganda ka naman,” sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

“Kuya,” babala ko.

“Relax ka lang,” sagot niya habang hinahawakan ang braso ko. “May naisip ako. Hindi ka naman siguro mamamatay kung lalandi ka nang kaunti para sa’tin. Para naman may panggastos tayo bukas.”

Nandidiri kong tinanggal ang kamay niya sa akin. “Kabahan ka naman sa pinagsasabi mo”

Tumigas ang panga niya at sandaling natahimik. Akala ko ay titigil na siya, pero ngumisi lang siya ulit—ibang klaseng ngiti, mas malamig.

“May lalaking gusto ka ulit makita,” mahina niyang sabi.

Hindi ako agad nakapagsalita.

Unti-unting nanlamig ang buo kong katawan habang pinoproseso ko ang sinabi niya.

At sa unang pagkakataon, pakiramdam ko ay may mas masahol pa palang mangyari kaysa sa buhay na kinagisnan ko sa bahay na ito.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • The Billionaire's Captive   Chapter 36

    Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. ------- Isla’s POV “You don’t know what you are doing, Isla. Come here. I’ll take you to shower.” Muli ay napatingin na naman ako sa kanyang mapupulang mga labi. Inabot ko ang kanyang mga kamay na nakalahad sa akin. Sa di inaasahan ay inabot ko ang kanyang mapupulang labi. Naramdaman kong natigilan siya kaya naman napangiti ako at nagsimulang gumalaw ang mga labi ko kahit na hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. “You’ll regret this.” Malamig niyang wika sa akin bago tinugon ang halik ko. Mapusok ang mga halik na kanyang iginagawad sa akin. Buong puso ko naman itong tinatanggap. “You still have time to say no, Isla.” Hinihingal akong napatingin sa kanya. Umiling lang ako saka muli siyang niyakap at tinulak sa kama. Alam kong mali pero para akong kinokontrol ng kung sino. Basta na lamang akong pumatong sa kanya. Umupo ako sa kanyang hita. “That’

  • The Billionaire's Captive   Chapter 35

    Isla’s POVBuong maghapon akong pabalik-balik sa pinto upang silipin sila Adrian pero nandoon lang sila.Kung kanina ay yung assistant niya lang ang kasama niya, ngayon ay nadagdagan na naman ng dalawa pa.Maghapon na sila doon sa gazebo at halatang importante ang kanilang pinag-uusapan.Nakarami na din ako ng kain sa mga niluto ko kanina dahil sa kabagutan hoping na pwede ko iyong kainin sa gazebo para may magandang view pero hindi naman na sila umalis pa.Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Adrian na mag-isa.Tumingin ako sa kanyang likuran kung may kasunod pa pero wala akong ibang nakita kundi ang dilim sa labas.“Expecting someone?” Tanong niya sa akin.Inirapan ko lang siya saka binaling muli ang aking pansin sa tv.Maganda ngayon ang palabas at hindi kagaya ni Adrian ang sisira sa aking mood.“Did you eat?” Tanong niya muli sa akin saka tumabi sa aking tabi.“Oo.” Tipid kong wika sa kanya at nakatuon pa din ang atensyon ko sa tv.“Alright.” Tipid niyang wik

  • The Billionaire's Captive   Chapter 34

    Isla’s POVNakatingin lang ako ngayon sa gazebo kung saan naroroon si Adrian.Mula sa kinatatayuan ko sa loob ng villa, kita ko ang bawat galaw nila—ang mga lalaking naka-itim na tila ba laging may tinatagong baril sa kanilang mga baywang, ang malamig na postura ni Adrian habang nakaupo, at ang lalaking kausap niya na pamilyar sa akin.Matagal ko siyang tinitigan bago ko tuluyang naalala.Si Nathan.Yung kanyang assistant. Tahimik pero mapanganib ang aura.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko mas maganda pa siyang pakisamahan kaysa kay Adrian.Noong una ko siyang nakita, palangiti siya.Parang siya yung tipo ng taong hindi makakagawa ng masama.Gusto kong lumabas.Gusto kong lumapit.Gusto kong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero saan naman ako pupwesto?Nasa kanila ang gazebo.Kung lalapit ako, siguradong mapapansin ako. At kapag napansin ako ni Adrian… hindi ko alam kung anong klaseng mood ang aabutan ko.Mabuti sana kung dito sila

  • The Billionaire's Captive   Chapter 33

    Isla’s POVMaaga akong nagmulat ng aking mga mata kaysa dati.Hindi dahil mahimbing ang tulog ko, kundi dahil hindi na talaga ako makatulog nang maayos simula kagabi. Kahit nakapikit ako, pakiramdam ko gising pa rin ang katawan ko, laging alerto sa bawat galaw ni Adrian sa tabi ko.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, maingat na hindi siya magising.Nakatalikod siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o gising na.Hindi ko na rin sinubukang alamin.Mas mabuti nang hindi.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos. Ilang segundo lang akong tumitig sa sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi na kagaya ng dati na halatang umiyak ako buong gabi.Kailangan ko nang kontrolin iyon.Hindi na pwedeng puro emosyon.Paglabas ko ng banyo, gising na siya.Nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.“Maaga ka,” sabi niya nang hindi lumilingon.“Hindi ako makatulog,” sagot ko habang dumidiretso sa aparador.Hindi

  • The Billionaire's Captive   Chapter 32

    Isla’s POV Muli ay nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto.Nagising dahil sa marahang paggalaw niya sa tabi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko, parang maingat na ayaw akong magising. Pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin. Hindi na ako muling nakatulog. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang bawat galaw niya—ang pag-angat niya mula sa kama, ang bigat na unti-unting nawawala sa likod ko, at ang mahinang tunog ng kanyang mga hakbang palayo. Pagkasara ng pinto, saka ko lang iminulat ang mga mata ko. Masyadong tahimik. Hinayaan ko lang muna ang katawan kong mahiga sa malambot na kama at nagpahinga. Kung sana maayos ang takbo ng buhay ko, nasa trabaho na sana ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan. Kung sana nasa matinong pag-iisip ang mga magulang ko ay maganda sana ang kinabukasan namin dahil sa maayos kong trabaho. Tumulo ang aking luha nang maalala ko kung paano nila ako binenta. Binenta na parang bagay lang k

  • The Billionaire's Captive   Chapter 31

    Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. Isla’s POV Nagising akong nasa bisig ni Adrian. Mahigpit ang pagkakayakap ng kanyang isang braso sa aking baywang, habang ang isa naman ay nasa ilalim ng aking ulo—parang sinadya niyang gawing unan ang sarili niya. Ang palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib, at bawat paghinga niya ay ramdam ko. Mabigat. Mainit. Hindi komportable. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas, at ang kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa bintana. Gabi na. Ibig sabihin… natulog ako sa tabi niya ng walang kahit na anong harang. Nanikip ang dibdib ko. Maingat akong gumalaw paalis, pero agad kong napansin ang paglapit ng mukha niya. Kahit nakapikit, parang ramdam niya ang bawat galaw ko. Bago pa ako makalayo, hinila niya ako pabalik. Ang palad niya ay dumampi sa aking pisngi. “Good morning,

  • The Billionaire's Captive   Chapter 13

    Nakangiti akong lumabas ng coffee shop dahil malaki ang kinita namin ngayong araw at maayos ang takbo ng trabaho kahit pagod na pagod ang katawan ko. Bukod sa malaki ang kita, double pay din kami ngayon. Makakapagpadala ako kay Nanay ng mas malaking halaga. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita k

  • The Billionaire's Captive   Chapter 8

    Kagaya ng napag-usapan namin nila Nanay at Tatay, lumuwas ako ng Maynila.Hindi para tuparin ang utang nila.Kundi para lumayo.Para mawala sa paningin ng lalaking iyon.Bitbit ko pa rin ang cellphone na ibinigay niya. Ilang beses ko iyong sinubukang itapon—sa terminal, sa basurahan, kahit sa kanal

  • The Billionaire's Captive   Chapter 7

    Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng gusaling iyon. Parang awtomatiko na lang ang mga galaw ko habang inaalalayan ako ng dalawang lalaki papunta sa sasakyan. Hawak pa rin nila ang magkabilang braso ko—hindi marahas, pero sapat para ipaalala na wala akong kontrol sa kahit anong mangyayari.

  • The Billionaire's Captive   Chapter 6

    Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko.“A… ano?” halos pabulong kong tanong, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko o kung nagkakamali lang ako.Hindi siya nagbago ng ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin, kalmado—parang wala lang siyang sinabi na kayang baligtarin ang buong buhay ko.“I

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status