Home / Romance / The Billionaire's Captive / Chapter 26: The Resistance

Share

Chapter 26: The Resistance

Author: Celeste Voss
last update publish date: 2026-06-04 00:51:32

Nagising ako kinabukasan na mas mabigat ang pakiramdam kaysa dati.

Hindi dahil pagod ako—kundi dahil malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi.

Ang paraan ng pagsasalita niya, ang paraan ng pagtingin niya, at higit sa lahat, ang paraan kung paano ako napasunod kahit ayaw ko.

Naiinis akong bumangon mula sa kama at dumiretso sa banyo.

Tinotoo niya din yung pinatulog ako sa kwarto noong gabi.

I don’t have a choice dahil sa sobrang dilim ng kanyang aura kagabi na hindi nasunod at binuhat n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Captive   Chapter 26: The Resistance

    Nagising ako kinabukasan na mas mabigat ang pakiramdam kaysa dati. Hindi dahil pagod ako—kundi dahil malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari kagabi. Ang paraan ng pagsasalita niya, ang paraan ng pagtingin niya, at higit sa lahat, ang paraan kung paano ako napasunod kahit ayaw ko. Naiinis akong bumangon mula sa kama at dumiretso sa banyo. Tinotoo niya din yung pinatulog ako sa kwarto noong gabi. I don’t have a choice dahil sa sobrang dilim ng kanyang aura kagabi na hindi nasunod at binuhat niya ako kahit na sinigaw-sigawan ko pa siya at saka pinagsusuntok ang kanyang likuran ay parang wala lang sa kanya.Wala na siya sa tabi ko kanina. Tanging ang naiwan lang ay ang unan ko na nilagay ko sa gitna namin.Naiinis akong bumangon mula sa kama at dumiretso sa banyo. Binuksan ko ang gripo nang mas malakas kaysa kailangan, parang doon ko ibinubuhos ang inis ko. Hindi pwedeng ganito na lang. Hindi pwedeng sa isang salita lang niya, kikilos na ako. Habang nakatingin ako sa salamin, napah

  • The Billionaire's Captive   Chapter 25: The Rules

    Isla's POVHindi ako agad nakagalaw matapos siyang umalis.Nakasandal pa rin ako sa pader, parang doon na nakadikit ang likod ko at wala nang balak humiwalay.Ilang segundo ang lumipas bago ko tuluyang naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko. Mabagal, halos hindi halata, pero naroon.Hindi ko alam kung galit ba iyon o hiya, pero pareho silang gumugulo sa loob ko at ayaw humupa.Napatingin ako sa pinto na pinanggalingan niya.Tahimik na ulit ang kwarto, parang walang nangyari, parang walang nagbago.Pero alam kong hindi totoo iyon. May nagbago. May naiwan. At hindi ko iyon basta maitatapon sa isip ko.Napabuntong-hininga ako at pilit inayos ang sarili ko.Hindi pwedeng ganito ako buong gabi.Hindi pwedeng siya pa ang magdikta kung anong mararamdaman ko. Pero kahit anong pilit ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang paraan ng pagtingin niya, ang paraan ng pagsasalita niya—parang normal lang ang lahat, parang wala siyang ginawa, pero ramdam mo na may mali.Ngayon ko lang tuluyang naintind

  • The Billionaire's Captive   Chapter 24: The Humiliation

    Isla's POVBumalik ako sa loob ng bahay habang ramdam ko ang bigat ng hangin sa paligid.Tahimik ang buong lugar, pero hindi iyon nakakapanatag.Parang may kung anong nagbabadya anumang oras.Napahawak ako sa tiyan ko nang bigla itong kumalam.Kahit kumain na ako kanina, parang hindi pa rin sapat. O baka hindi lang talaga gutom ito.Napabuntong-hininga ako at dumiretso sa kusina.Binuksan ko ang ref at kumuha ng itlog at bacon—pinakasimple at hindi na kailangang pag-isipan.Habang nagluluto, hindi ko maiwasang mapatingin sa hagdan paminsan-minsan, umaasang hindi siya lalabas.Tahimik. Walang yabag. Hindi siya bumababa. At sa totoo lang, nagpapasalamat ako doon. Mas mabuti na iyon kaysa makita ko ang mukha niya.Pagkatapos kong kumain, iniwan ko ang plato sa lababo at sumandal sandali sa counter.Doon ko lang napansin na hindi pa pala ako nakakaligo at nakakapagpalit ng damit.Napangiwi ako. Hindi ako pwedeng matulog nang ganito.Siguro naman kabilang kwarto siya dumeretsu kanina ano?

  • The Billionaire's Captive   Chapter 23: Her Reward

    Isla’s POVHindi niya binibitawan ang aking baba habang ang kanyang malamlam at halos walang emosyon na mga mata ay nakatitig nang diretso sa aking mga mata, na para bang sinusuri ang bawat reaksyon ko.Napalunok ako at sandaling natigilan.Hindi ako agad nakasagot sa kanyang tanong, ngunit sa kabila ng aking katahimikan ay malinaw sa akin kung ano ang magiging sagot ko. Alam kong maninindigan ako, kahit pa nanginginig ang buong katawan ko sa takot.Ang kinakatakot ko lamang ay kung ano ang kanyang gagawin sa oras na tuluyan ko siyang tanggihan.Kung noon ay tila binabalewala niya lamang ito dahil marahil ay iniisip niyang may natitira pa akong oras para pag-isipan ang kanyang alok, ngayon ay hindi ko na matiyak kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para lamang makuha ang nais niya.“Ang pagpapakasal ay hindi isang laro,” mariin kong wika habang pilit kong pinatatag ang aking boses.Bahagyang lumawak ang kanyang ngisi at may mabilis na interes na dumaan sa kanyang mga mata, na para

  • The Billionaire's Captive   Chapter 22: The Devil is Here

    Isla’s POVNgayon ang araw na sinabi niya. Ang araw kung kailan siya darating.Nakahiga lang ako sa sofa habang paulit-ulit na iniisip kung paano ako makakatakas kapag dumating siya. Kung pupunta siya dito, ibig sabihin may sasakyan siyang ginamit. Iyon ang kailangan ko. Kailangan ko lang maagaw ang susi at makaalis bago pa niya ako mapigilan.Pero habang iniisa-isa ko ang mga plano sa isip ko, lalo ko lang napapansin na puro iyon sablay. Walang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan kung makakatakbo nga ba ako palayo sa kanya.Bumangon ako at nagtungo sa kusina upang magluto. Kailangan ko ng lakas. Kailangan kong maging handa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pagdating niya, pero alam kong hindi iyon magiging maganda.Lumipas ang tanghali pero wala pa rin siya.Dahil sa pagkabagot at sa kaba na unti-unting kumakain sa akin, naglakad ako papunta sa dalampasigan. Umupo ako sa bench at pinanood ang mga ulap na unti-unting nagdidilim. Tahimik ang paligid, pero hindi ako mapakali.“Mu

  • The Billionaire's Captive   Chapter 21: The Illusion of Escape

    Isla’s POVKagaya ng nakagawian ko sa ilang araw kong pananatili dito, muli akong umupo sa bench sa labas at nagpainit sa sinag ng araw. Hindi pa naman ganoon kainit at masakit sa balat ang tama nito kaya kahit papaano ay nakakagaan sa pakiramdam.Naalala ko ang napanood ko kagabi kung paano lumangoy ang isang tao. Bigla akong ginanahan sa ideyang iyon. Susubok sana akong maghanap ulit ng mapapanood, pero hindi na naman umaayon ang internet. Alam kong kontrolado na naman iyon ni Adrian kaya wala na rin akong nagawa kundi alalahanin na lang ang mga napanood ko.Pinikit ko ang mga mata ko at pilit inalala ang bawat galaw na nakita ko sa tutorial. Mabuti na lamang at natiyempuhan ko iyon kagabi habang naghahanap ng mapaglilibangan. Kung matututo akong lumangoy, makakarating ako sa kabilang bahagi ng isla kung saan naroon ang kagubatan na matagal ko nang tinititigan mula dito.Huminga ako nang malalim bago tumayo. Inalis ko ang makapal kong damit at nanatili sa manipis kong short at pang-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status