Share

The Billionaire's Contract Bride
The Billionaire's Contract Bride
Author: shining_girl

Chapter 1: Hiling

Author: shining_girl
last update Huling Na-update: 2024-10-30 13:36:14

“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.

“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan.  Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.

Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito ng kanyang Tiya Linda, nag-iisang kamag-anak ng kanyang yumaong ina na si Melissa.

Mula nang pumanaw si Melissa noong anim na taong gulang pa lamang ang dalaga ay sa poder na siya nina Berto at Linda tumira. Mabait si Linda kay Lara, maalaga ito gaya ng isang tunay na ina. Subalit si Berto ay sadyang mabigat ang dugo kay Lara, ang tingin nito sa dalaga’y pabigat at walang kwenta.

Nang ma-stroke si Linda dahil sa labis na pagtatrabaho, lalong naging hindi naging maganda ang turing ni Berto kay Lara. Nang hindi makatiis si Lara ay lumuwas ito ng Maynila pagka-graduate ng high school at nakipagsapalaran. Na nagbunga naman dahil nakakuha ito ng scholarship sa isang kolehiyo. Iba’t-ibang part-time jobs ang pinasukan ng dalaga para lamang maitawid niya ang kanyang pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin. Idagdag pa na regular din ang pagpapadala niya sa tiyahin para sa mga gamot nito.

Nang makapagtapos ang dalaga at nakapasok sa isang magandang trabaho sa siyudad, lalong naging palahingi si Berto. Kesyo raw kailangan ng pinsan niya ng project sa school, may tulo ang bubong ng bahay kahit na tag-araw, ubos na raw ang gamot ng kanyang tiyahin kahit na libre naman sa center ang gamot nito at kung ano-ano pang dahilan. Madalas, gustong-gusto ni Lara ang tumanggi sa demands ng tiyuhin. Subalit… sa tuwing sinusubukan niya’y nakakatikim ng masasakit na salita ang dalaga sa tiyuhin.  Gaya ngayon.

Naisip ng dalaga na kung alam lang niya na ‘yon ang sasabihi ng tiyuhin sa kanya, hindi na lang sana siya bumiyahe ng higit isang oras mula sa siyudad pauwi.

“Ano, hindi ka na umimik. Tatanggi ka ba talaga, Lara?” si Berto ulit, humithit ng sigarilyo bago ibinuga ang usok patungo sa kisame ng kanilang maliit na tahanan. “Kapag hindi mo ginawa ang gusto ko, ipaparemata ko na lang kay Boss Chino itong bahay nang sama-sama na lang tayong maghirap.”

Kumurap si Lara. “P-po?”

“Matagal nang nakasanla kay Bossing itong bahay, Lara. Wala e, laging kapos. Hindi ka naman kasi marunong magkusa,” ani Berto, muling humithit sa sigarilyo nito.

Muling natahimik si Lara, pinigilan ang sariling sumagot. Paanong hindi siya marunong magkusa gayong halos kalahati ng suweldo niya buwan-buwan ang napupunta sa mga ito?

“O ano, nakukunsensiya ka na ba? Dapat lang. Wala kang utang na loob e,” ani Berto, tumipa sa kanyang cellphone. “O ‘yan. Puntahan mo raw si Boss Chino bukas d’yan para makapag-usap kayo. Gustong-gusto ka na niya ulit makita, tinatago lang kita.”

Tumunog ang cellphone ng dalaga. Nang tignan niya, isa iyong text message na naglalaman ng pangalan ng restaurant at oras kung saan sila magkikita ng boss ng tiyuhin kinabukasan.

“Ano, pupunta ka ba?” untag ni Berto kay Lara nang nanatiling tahimik ang huli.

“O-opo,” mabigat ang loob na sagot ng dalaga bago naglakad papasok sa silid ng kanyang Tiya Linda.

Tulog na ito at mas nangayayat nang huli niyang makita. Kumuyom lalo ang kamay ni Lara, sinisisi ang sarili kung bakit ba siya ipinanganak na mahirap.

Magaang hinawakan ni Lara ang kamay ng tiyahin. Iyon ang mga kamay na nag-aruga sa kanya nang kailangang-kailangan niya ng kalinga. Ngayong malakas na siya at ito naman ang mahina, tatalikuran na lamang ba niya ito nang basta-basta?

Nakagat ni Lara ang pang-ibabang labi, tuluyang lumuha. “P-para sa ‘yo, Tiya. Gagawin ko, para sa ‘yo.”

--

Nagmamadaling pumasok sa CR si Lara, mabilis na inilabas ang cellphone mula sa kanyang bag at idinial ang numero ng kaibigang si Erin.

“Hindi ko talaga kaya, Erin. Hindi ko talaga kaya,” reklamo agad ng dalaga nang sagutin ng kaibigan ang kanyang tawag.  

Naroon na sa restaurant ang dalaga  kung saan sila magkikita ni Chino, ang instik na boss ng kanyang tiyuhin. Subalit malayo pa lang, nang makita ng dalaga ang may edad na at matabang instik,  hindi na siya tumuloy sa table na ini-reserve ng lalaki para sa kanilang dalawa. Ang banyo na agad  ang tinumbok niya.

“E bakit ka ba kasi pumunta-punta pa d’yan. Sabi ko naman sa ‘yo, dedmahin mo na lang ang pangungunsensiya ng tiyuhin mong lasenggero!” gigil naman sa sagot ni Erin sa kaibigan.

Katrabaho ni Lara si Erin sa isa sa pinakamalaking kumpaya sa siyudad, ang Lagdameo Development Corporation o LDC. Palibhasa’y magkakilala mula college, alam na alam na rin ni Erin ang kwento ng buhay ni Lara.

“P-Paano si Tiya at si Coco?”  Si Coco ang anak nina Linda at Berto na graduating pa lamang sa high school.

“Hay naku, Lara. E ‘di ba sinabi ko sa ‘yo noon pa, na dalhin mo na dito sa Maynila ang tiyahin mo at si Coco. Iwanan mo na ‘yang tiyuhin mong lasenggo! Paulit-ulit na ‘ko sa ‘yo, girl. Sa susunod ire-record ko na lang talaga ang sasabihin ko.”

Humikbi si Lara, lalong naguluhan. “Hindi ko talaga kayang magpakasal sa boss ni tiyo, Erin. Kahit sinong lalaki na d’yan, basta h’wag lang si Boss Chino,” anang dalaga.

“Uy, umiiyak ka na? Was I too harsh? Kasi naman e, bakit ba kasi masyado kang mabait, Lara Veronica! Aba, lumaban ka rin kasi.”

Sasagot pa sana ang dalaga nang biglang bumukas ang pinto sa isang cubicle sa banyo. Agad napasinghap si Lara nang makita na isang lalaki ang naroon. At hindi lang basta lalaki, kundi ang cold, ruthless at allergic sa ngiti na CEO at big boss nila sa LDC na si Jason Timothy Lagdameo o Sir Jace.

“W-wrong CR ka p-po, S-Sir,” wala sa sariling sambit ni Lara, tulala.

“You’re the one who’s in the wrong place, Miss,” anang lalaki, dumiretso sa sink at naghugas ng kamay

Lumipad ang tigin ni Lara sa pinto, naroon ang nga  MEN sign! Namutla agad ang dalaga, nagkumahog na naglakad patungo sa pinto. Subalit bago pa man tuluyang makalabas ang dalaga’y nagsalita si Jace.

“I heard you need husband?”

Agad natigilan si Lara, muling pumihit paharap sa lalaki.

“S-Sir?”

Kumuha ng tissue si Jace at nagpunas ng kamay. “I am in need of a bride,” seryosong sabi ng binata.

Kumurap si Lara. Wala pa ring maintidihan sa sinasabi ng lakaki.

“P-po?”

“Be my bride. Marry me.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Suico Paz
I like this story
goodnovel comment avatar
Maria Clara Pena
I like the content. pls continue the story.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 77- Forever

    Malakas ang kabog ng dibdib ni Lily habang nakaupo sa viewing booth ng napakagandang Circuit De Monaco. It was the F1 championship race of the year. At isa ang grupo ni Liam sa mga pinalad na makasama sa karerang iyon.For the last seven months, Lily was nothing but a supportive wife to Liam. Being true to her promise when they got married again eight months ago, she was present in every race, in every challenge, and even in every loses and victories. Sa loob ng kalahating taong mahigit, nasanay na si Lily na laging kasa-kasama ang asawa sa iba’t-ibang lugar na dapat nitong puntahan para makapag-qualify sa championship race.And after all of Liam and his team’s hardwork for the past half a year, it all comes down to that one race that will determine if they’d finally make it to the top ten team finishers. Liam wanted to do that race for Wilbur and Cora—the people who may have not given him life, but have loved him as their own.At gusto ni Lily na matupad ang kahilingang iyon ng asawa.

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 76- Home

    “Hindi ka na ba talaga magpapapigil, Lily? I mean, I know this day will come ever since I learned you married Liam. But still… I was hoping you’d stay At AdSpark a little longer,” ani Erin kay Lily matapos magpasa ang dalaga ng resignation letter.Dalawang linggo na ang matuling lumipas mula nang mahuli ang mga kaaway ni Liam. At mula noon, marami nang nagbago sa buhay ni Lily. Liam bought a new house for them. This time it was in a gated community na hindi basta-basta makakapasok ang sino man. Liam built a smaller house inside the compound for Noel and Esme. Dahil alam ng binata na hindi magagawang iwan ni Lily ang kapatid at abuela nito.Liam was also set to return to the racing scene in three weeks-time at balak isama ng binata si Lily pabalik sa Australia. Kaya naman nagkusa na si Lily na mag-resign sa AdSpark. Alam ng dalaga na ngayong unti-unti nang nagiging maayos ang lahat, mas marami pang magiging pagbabago sa buhay nilang dalawa ng mag-asawa.Lily realized that she has ent

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 75- Closure

    Hindi mapakali si Liam habang nakaupo sa bench na nasa waiting area ng psychiatric center sa labas ng siyudad. Ayon sa huling imbestigasyon ni Dustin, naroon si Divina Montano, ang kanyang ina.She was sentenced to stay there all her life for all her crimes. The report said she had long lost her mind. Hindi na rin daw ito makakilala at laging nakatulala sa kawalan. Noon, ang akala ni Liam, mabubuhay siya na hindi man lang nakikita nang harapan ang ina. But after everything he went through, he learned that regret only comes to those thing sone didn’t do in his or her lifetime.And so there he is, braving the ghost of his past and meeting that monster who chose to throw him away when he was still a helpless baby—his own mother.Ang masuyong paghaplos ni Lily sa kanyang pisngi ang bahagyang nagpalimot kay Liam sa kanyang mga isipin.“Liam, you will be alright,” alo ng dalaga sa asawa, pilit na ngumiti. “Gusto kong malaman mo, na proud na proud ako sa ‘yo dahil sa ginawa mong ito. I kn

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 74-Make Things Right 2

    “We are glad you are really safe, Liam. Lola had been restless since we’ve learned about your hospitalization,” ani Jace bumaling pa kay Lara na noon ay nasa paanan ng hospital bed kung saan nakaupo si Lily. Kahit na maayos na ang pakiramdam ng dalaga, pinayuhan ito ng mga doktor na patuloy na magpahinga habang inuubos ang laman ng swero na nakakabit dito. Bisita ng mag-asawang Liam at Lily sina Jace at Lara. Nang tuluyang mahuli sina Hans at Hazel, agad na nagtapat si Liam sa mga malalapit na kaibigan sa mga tunay nangyari at kung bakit kinailangang itago ng binata ang kanyang tunay na kalagayan. Kaya naman mula kaninang umaga, buhos ang mga taong bumibisita sa mag-asawang Liam at Lily. “Pasensiya na kayo. My friend Dustin was the one who planned things out for me. Sa totoo lang, nag-aalala rin ako kay Lola Cristina. I should’ve called and informed you about the plan but Dustin said the lesser people who knew about the plan, the better. Anyway, we will pay Lola a visit as soon as

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 73- Make Things Right

    Nang magkamalay si Lily, napa-ungol pa ang dalaga nang agad niyang maramdaman ang pananakit ng kanyang mga braso at hita. Pakiramdam niya nakipagsuntukan siya ng ilang oras at...Agad na napamulat ang dalaga nang maalala na may mga lalaking dumukot sa kanya bago siya mawalan ng malay!Subalit nang magmulat siya, ang unang tumambad sa kanya ay ang hitsura ng hospital suite na pamilyar sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang silid ni Liam sa St. Matthews Hospital!Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Anong nangyari? Bakit siya naroon?Maya-maya pa, umingit pabukas ang pinto mula sa bathroom at iniluwa niyon ang bulto ni Liam. Agad na nagtama ang kanilang mga mata. His eyes were filled with worry while hers were filled with tears.“L-Lily, you’re finally awake,” bulong ni Liam.Lily made a little gasp as she let her tears fal. Ang huling ginawa niya bago siya mawalan ng malay ay ang tawagin ang pangalan ni Liam. She didn’t know what kind of miracle happened while she was out but she

  • The Billionaire's Contract Bride   Book 3: Chapter 72- Rescue

    Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Liam habang sinusundan niya ang GPS ng sasakyan ni Dustin. Ten miniutes ago, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan na may kumuha raw kay Lily habang pauwi ito sa kanila. Iyon ang sumbong ng mga kapitbahay na nakakita sa mga pangayayari.That got him on his feet instantly. Wala na siyang pakialam sa plano ni Dustin na itago siya [ansamantala sa ospital at palabasing nasa malubha siyang kalagayan. Basta na lang siya umalis ng ospital upang hanapin si Lily. He has been waiting for hours now for any news about his wife. Mula nang umalis ito sa opsital matapos siya nitong kumprontahin, wala na siyang naging balita rito. She must’ve hid somewhere and cried.Tapos ngayon mababalitaan niyang may dumukot sa asawa niya gayong hindi pa sila maayos. Sinong hindi mag-aala? Sinong hindi matataranta?Liam sighed, his chest constricting at the thought. Kailangan niyang makita agad ang asawa. Kailangan niyang makapagpaliwanag kay Lily.Yes. He lied.What he sai

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status