LOGIN“Bakit ganiyan ang mukha mo?” salubong sa’kin ni Boboy nang lumabas na ako sa kwarto.“Para bang binabangungot na naman ako kagabi,” wika ko at napa buntong hininga. “Huwag kang masyadong mag papaka stress,” aniya.Napapansin ko, simula ng magbuntis ako, mas nagiging madalas na rin ang mga masama kung panaginip. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagbabago ng hormones ng katawan ko, o may kung ano pang dahilan. Basta’t ang tanging alam ko, may mali, at may dapat akong alamin.Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na ako sa kwarto ni lolo at nakita ko naman na may hinahalungkat siya sa kaniyang aparador. Nilapitan ko siya ngunit tumigil siya sa kaniyang ginagawa nang mapansin niya ang paglapit ko. “Apo,” tawag niya sa’kin. “Lolo, may hinahanap po ba kayo?” Umiling siya at naupo sa kama niya. Pinagmasdan ko lang siya at napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Tila ba ayaw niya akong tingnan sa mga mata.“Lolo may masakit po ba sa’yo?” muli kong tanong sa kaniya. Kagaya kanin
Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang
“Mahirap ang ganitong code, Kath. Hindi kasi ito basta-basta lang,” wika ni Boboy habang hawak ang tela na ipinakita ko. Napapakamot siya sa batok, pero titig na titig sa nakasulat dito.“Talaga ba? Pero kaya mo naman yan i-solve ‘di ba?”Nag aalanganin siyang ngumiti saka umiling. “Hindi ako sure kung kakayanin ko,” sagot niya kaya napa kunot noo naman ako.“Bakit naman? Pulis ka ‘di ba? At sabi ni Lawrence mahilig ka sa mga ganiyan simula noong mga bata pa tayo,” sagot ko naman na hindi makapaniwala sa naging sagot niya.“Susubukan ko, pero hindi ko pa ito magagawa ngayon. Isa pa may ibang bagay na ibinilin ang asawa mo. May pinapahanap din siya sa’kin, kaya sana maintindihan mo Katkat,” paliwanag niya kaya kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang sulat.“Sige, may ibang araw pa naman,” sagot ko at tumango naman siya.“By the way, are you related to Anthony?” Nabigla ako sa naging tanong niya. Bakit biglaang naisingit si Anthony sa usapan namin? “Kaibigan siya ng asawa ko, at ako
I decided to call Lawrence. Ilang dial pa ako, pero hindi niya naman sinasagot ito. Naibato ko na lang sa kama ang cellphone ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Maya-maya pa, biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lawrence na malapad ang ngisi. Ano’ng ginagawa niya dito? Akala ko ba on travel siya?“Love, we found your grandfather,” masaya niyang balita kaya naman umatras ang inis ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Where is he?” “Dinala ko na muna siya sa probinsiya niyo, pero ang problema, hindi siya nagsasalita. Ang plano ko na lang sana ay dalhin ka na rin muna doon. Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, while nasa travel ako. Mas mabuti doon, alam kong safe ka.”“Sa probinsiya?” Para bang nakaramdam ako ng excitement nang banggitin niyang dadalhin niya ako sa probinsiya kung saan ako lumaki, pero bigla naman itong nabawi nang mapagtanto ko ang sinabi niya tungkol kay lolo. “Bakit hindi siya nagsasalita? Saan niyo ba siya nakita? May nanakit ba sa kaniya? Oh my goodness. L
Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan na naman itong sumakit. Sakit na parang hindi pangkaraniwan. Naupo ako sa kama ng dahan-dahan pero pakiramdam ko, nagdidilim ang paningin ko. “H-help,” I uttered but I know, no one can hear me.Bigla akong nagising na para bang nasa dalampasigan ako. Naririnig ko ang bawat paghampas ng alon. Bumangon ako ng dahan-dahan at napagtanto kong sa buhangin pala ako nahiga. Teka, bakit ako nandito? Nasa kwarto ako kanina, paano’ng napunta ako sa dalampasigan?“Hanapin niyo siya, huwag niyong hayaan na makatakas pa ang babaeng iyon!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. Kaagad naman akong kumilos at naghanap ng mapagtataguan ngunit saka ko rin lang napansin na may sugat pala ako sa paa. Napatingin ako sa damit ko, I never dress like this. “Huwag niyong hayaan na makalayo siya. Halughugin niyo ang buong isla!” Sa malapitan, nakilala ko kung sino siya. It is Anthony. May hawak siyang baril at kasama niya ang kaniyang mga tauhan. “S
Nagmistulang tuod ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “Bakit ka nandito?” ramdam ko ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.“I just came here to meet Gwen,” pagsisinungaling ko.“And you didn’t ask my permission first?” “Bakit? Umalis ka rin naman na hindi manlang nagsabi kung saang lupalop ka ng mundo pupunta,” sagot ko at tumayo ng padabog.“Boss, we’re just having a snack. Wala naman yatang masama,” sabat pa ni Gwen.“At isa ka pa. You filed for a week leave, right?” Tinuro niya si Gwen kaya tumango naman ito.“Hindi lang 1-week ang ibibigay ko sa’yo. Hindi ka na babalik sa opisina ko, you’re fired!” Hinila ako ni Lawrence palayo kay Gwen. “Ano ba Lawrence! Hindi naman yata makatarungan ang ginagawa mo. Walang kasalanan si Gwen, bigla mong tatanggalin?”“It’s okay Kath, hindi ko na rin naman kaya pang magtagal sa kompaniya ng asawa mo. Masyadong toxic at hindi mo alam kung sino ang pweding sumaksak sa’yo patalikod,” ani n







