Share

Chapter 106

"Ito ang puwesto mo, Art!" Energetic na tinuro ni Amelie ang higaan ni Art. Kahati sa kama ni Art ang isang batang lalaki na masaya siyang nginitian.

"Hello! Ako si Jasper!"

"Napakilala ko na ang sarili ko kanina pero ang pangalan ko ay Art." Nilahad ng bata ang kan'yang palad at maamong ngumiti. "Nice meeting you!"

"Art, ako naman si Bria!" Lumapit kay Art ang isang babaeng mukhang manika. Kulot ang maikli at itim nitong buhok na naka-pig tails. Nilahad niya ang kan'yang palad kay Art at masayang nakipagkamay rito.

"Ako naman si Kona!"

"Ako naman si Natalie!"

"Zandre naman ang pangalan ko!"

"Art, ako si Penelope!"

Nagpatuloy pa ang pagpapakilala ng mga bata kay Art. At nang maubos ang labing-walong bata ay sabay-sabay na napatingin ang mga ito kay Nash at kay Ashy na nagtago naman sa likuran ng kakambal. Napatingin din si Art sa dalawang batang natitira na hindi pa nagpapakilala.

"Uhm..." Kuryosong tiningnan ni Ashy si Art habang nanatiling nakatago sa likuran ni Nash. "Ako s
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status