Share

Chapter 8 (Part 5)

"I am so disappointed in you, Vincent. Mayroon pa akong napakaliit na pag-asa na natitira para sa'yo—pero ngayon ay naubos mo na." Tinitigan ni Shianna ang mga labi ni Vincent, sunod ay lumipat ang kan'yang paningin sa mga mata nito. She smirked at mas hinatak si Vincent papalapit. Bumulong siya sa tainga nito, "Kung mabait ka lang sana ay baka matagal na kitang pinakasalan."

Binitiwan niya si Vincent at tinulak ito palayo. Shianna's face went blank. Habang si Vincent ay umigting lamang ang panga at binuksan ang pinto. Nang lumabas siya sa hagdanan ay nabungaran niya pa si Hudson na nakaabang sa pinto. Matalim silang nagtitigan hanggang si Vincent na ang nag-iwas ng tingin dahil hindi na nito nais magtagal sa lugar na iyon. Mabigat ang kan'yang mga hakbang na naglakad palayo. Tinanaw siya ni Hudson na napatiim-bagang na lamang. Ramdam niya ang pag-iinit ng kan'yang dugo dahil kay Vincent. Kung hindi lang dahil kay Shianna ay matagal na niya itong sinugod.<

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status