Mara's POV.Hindi ko na napansin ang oras sa kakatingin sa maliit na card na hawak ko."You don’t belong here"Paulit-ulit kong binasa ang linyang iyon hanggang halos magsanhi na ng sakit sa mata.Pinilit kong ibalik ang card sa maliit kong bag. Agad akong tumayo, para lumabas ng ballroom.“Mara.”Napapitlag ako dahil sa pag tawag sakin ni Carla. Nagtatakang nakatingin ito sakin. "San ka pupunta?" Kunot-noong tanong nito."Ahh...sa labas..magpapahangin" sagot ko sabay turo sa pinto palabas. Agad naman syang tumanggo, kahit naguguluhan at ibinalik ang attention sa mga tao. Nagdesisyon akong pumunta sa rooftop ng building na ‘to. Hindi ko alam pero parang hinihila ako ng hangin sa itaas. Siguro dahil sobra akong kinakbahan dahil sa mga litratong pinapadala sakin. Hindi rin naman ako nandito para makipagkaibigan at maki party. Nandito ako para sa isang bagay na mas mahalaga. Ang makakuha ng ibang impormasyon.Agad akong dumeretso sa hallway na may carpet na parang sumisipsip n
MARA's POVAng gabi ng party ay ginanap sa isang five-star hotel sa Makati. Sa unang tingin pa lang, para kang nasa ibang bansa, glass walls na kumikislap sa ilaw ng syudad, mga mamahaling kotse na sunod-sunod ang dating, at mga lalaking naka-tuxedo’t babaeng nakasuot ng mga gown na mukhang mamahalin.Ako? Suot ko ang pinakasosyal na damit na nabili lang sa online. Isang simpleng midnight blue cocktail dress na hanggang tuhod, paired with black heels na medyo masikip sa paa. Kahit simpleng ayos lang ang buhok ko, straight at nakalugay, at manipis na makeup, ramdam kong naiiba ako sa karamihan ng mga naroon.Sa loob ng ballroom, parang ibang mundo. May chandelier na halos kasing laki ng maliit na kotse, gintong tableware, wine glasses na kuminang sa ilalim ng ilaw. Sa paligid, puro mayayaman, businessmen, politiko, at celebrities na puro ngiti at halakhak habang nagkakapalitan ng cards at kwento.Ako lang ang nasa isang sulok, mahigpit ang hawak sa phone, pinagmamasdan silang lahat. Hi
MARA's POV Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na ako. Hindi ako makatulog ng maayos kagabi, dahil paulit-ulit kong naiisip ang mga nangyari. Parang isang babala yon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. Malakas ang kutob kong si Sebastian ang may gawa non. Pagpasok ko sa department namin. Abala ang lahat sa paggawa ng kani-kanilang article tungkol sa “kabaitan” ni Sebastian. Lahat sila tuwang-tuwa, may mga nakalagay pang headline sa boardroom na “The Golden Billionaire” “ Mr. Velez: The Man Who Gave It All” “A Legacy of Selflessness” Napailing ako. “Wala man lang nagdududa…” Agad kong nakita ang editor ko na si Sir Dan, nakakunot-noo habang inaayos ang mga headline na ipapadala sa printing. “Oh, Mara,” bati niya ng makalapit ako, hindi man lang tumingin. “Balita ko, ikaw yung nagtanong ng 'iskandalo’ kay Velez kagabi. Astig ka ha.” Ngumiti ako kahit medyo naiilang. “Pasensya na po, Sir. Naisip ko lang—” Itinaas niya ang kamay nya para patigili
MARA's POVPagkatapos ng Q&A, halos sabay-sabay na bumagsak ang mga kamay ng mga kamera at recorder. Ang iba, masayang-masaya dahil may headline na sila. Ang iba, naiirita pa rin sa tanong ko. Ako? Hindi ko alam kung masaya ba akong nakapagtanong… o nagsisisi na ako.Pakiramdam ko, tinusok ako ng tingin ni Sebastian kahit ilang minuto lang iyon. Ang lamig. Parang pinapasok ng mga mata niya ang kaluluwa ko.Mali bang mag tanong? Trabaho ko lang naman yun ah!“Hoy, Miss Baguhan,” bulong ng katabi kong reporter habang nag-aayos siya ng gamit. “Tibay din ng sikmura mo ha? Kung ako, hindi ko tatanungin ng ganyan si Velez. Baka mawalan ka agad ng trabaho.”Napangiti lang ako ng pilit. “Trabaho ko lang naman yon.”sagot ko, feeling unaffected sa nangyari.Ngunit sa loob-loob ko, nanginginig pa rin ako. Nagawa ko syang tanungin ng ganun, kahit alam kong delikado syang tao. Para na rin akong naghukay ng sariling libingan.Habang umaalis ang mga tao sa ballroom, pinili kong manatili saglit. Gust
MARA's POVHindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang araw na niyayanig ng isang pangalan ang buong bansa. Isang pinakabatang bilyonaryo na walang-awang nagpalugi ng libu-libong kumpanya at naging malupit sa iba.Ako si Maria Liliana Perez. Mara for short. 23 years old, isang baguhang mamamahayag na halos hindi pa kilala sa industriya. Kung ikukumpara sa ibang reporters na may sariling mga kotse at mamahaling equipment, ako, may luma lang na laptop, isang cellphone na ilang beses ko nang pina repair at tapang na hindi ko alam kung magdadala ba sa akin sa tagumpay o kapahamakan.Hindi ko in-expect na ang unang malaking assignment ko ay ang press conference ng pinakamapanganib at pinakamahiwagang tao sa bansa. Ang bilyonaryong si Sebastian Blake Velez.Pagpasok ko sa hotel ballroom, halos mabulag ako sa mga ilaw ng kamera. Ang daming tao. Ang daming mikropono. Ang daming sikat na pangalan sa industriya ng media na nandoon. Pakiramdam ko, isa lang akong maliit na butil ng alikabok sa g
MARA's POVWalang ibang maririnig sa loob ng lumang warehouse kundi ang ugong ng hangin na pumapasok sa mga sirang bintana at ang kabog ng dibdib ko. Sa kaliwang kamay ko, mahigpit kong hawak ang isang folder. Laman nito ang ebidensiyang puwedeng magpabagsak sa bilyonaryong nasa harap ko. Si Sebastian Blake Velez Sa headlines tungkol sa kanya ay isa siyang halimaw sa negosyo, ruthless, cold, untouchable. Ang pangalan pa lang niya ay sapat na para pasunurin ang kahit sinong negosyante, politiko, o kriminal. Siya ang uri ng taong hindi dapat kinakalaban. Pero eto ako ngayon, isang babae lang, hawak ang katotohanang kayang itumba ang imperyo niya. “Mara,” malamig ang boses niya at mababa pero nakakapanginig. “Give that to me. Now.” Humigpit ang pagkakakapit ko sa folder na naglalaman ng mga ebidensya tungkol sa kanya. “No. Hindi ako kagaya ng lahat ng binabayaran mo. Hindi ako tatahimik.” pagmamatigas ko. Kahit anong mangyari hinding hindi ko ibibigay ang mga papelis nato. Magkamat