Share

The Billionaire's Dauntless Spouse
The Billionaire's Dauntless Spouse
Author: CussMeNot

Prologue

Prologue

Ang trabaho ay nakakapagod. Araw-araw kang pumapasok sa trabaho para kumita ng konting halaga ng pera. Paghihirapan mo ng isang buwan at pag nahawakan mo na ang sweldo mo ay manlulumo ka lang dahil kailangan mo na ring i-budget ang pera. Pambayad sa utang, pagbayad sa matrikula ng mga kapatid, panggastos sa pangangailangan sa bahay at higit sa lahat ay pambili sa mga bagay na gustong bilhin.

Nasaan ang ipon? Wala. Gastos lahat.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang handle ng pinto. Pumasok ako sa fastfood chain at nilapitan agad ako ng pulang bubuyog na laging nakangiti.

Buti pa siya laging happy. Hindi ba talaga na lulungkot ang bubuyog na ito?

I don't want to say this but I'm insecure about him or her. I'm not sure about his gender tho.

"Hindi ko naman sinasadya na masagot ko si Ma'am Gina," pagkakausap ko sa kabilang linya.

Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Eunice Faye. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napansin ko na kakaunti pa lang ang tao. Umaga pa lang kasi. Kung ang iba ay nagluluto ng almusal, ako naman ay pumipila sa senior citizen lane.

Nang mapagtanto na mali ang pinipilahan ko ay agad akong lumipat sa kabilang counter. Dalawang cashier lang ang available kaya medyo matatagalan akong maka-order. May apat pa kasing nakapila sa unahan ko.

"Edraly, mukhang malalagay ka sa problema dahil sa pananagot mo sa kaniya," rinig kong sabi ni Paye sa akin. Halata sa kaniyang boses ang pag-aalala.

Binuksan ko ang bag ko gamit ang isang kamay. Hinanap ko roon ang wallet ko habang kinakausap ko si Paye.

Masyadong nag-aalala si Eunice Faye sa akin. Akala mo naman ay matatanggal ako sa trabaho.

"Alam mo naman na mabait ako pero sumosobra na siya. Mataray ako sa mataray. Saktong mainit ang ulo ko kaya hindi ko na napigilan pang sumagot sa kaniya. Minura niya ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko naman ugaling manahimik lang. Sinagot ko siya ng may paggalang pero napataas ang tono ng boses ko," paliwanag ko sa kaniya.

Naalala ko ang nangyari kanina. Kaka-log out ko lang sa biometrics at nakasalubong ko na ang Mama ng manliligaw ko.  Niyaya niya ako na makipag-usap sa lobby bago ako umuwi. Wala si Paye dahil mas nauna siyang nakauwi sa akin. Hindi niya tuloy nakita ang nangyari, pero nakarating agad sa kaniya ang balita.

Kilala ko si Ma'am Gina dahil lagi siyang pumupunta sa company. Ka-close niya kasi ang pinaka-manager namin.

"Bakit ba kasi galit na galit sa'yo ang client nating iyon?" tanong ni Eunice Faye.

Sobrang gulo ng shoulder bag ko. Ang daming laman na mga make up at iba pang bagay na pang-kaartehan. Nang makita ko ang wallet ko ay inilabas ko agad iyon. Binuksan ko ang pitaka ko upang tingnan kung may cash pa. Inayos ko ang bag ko para maisarado iyon. Hindi naging madali ang pagsasara ko ng bag dahil may mga hawak ako. Napaluwag ang pagkakahawak ko sa wallet kaya nalaglag ang dalawang Debit card ko.

Yuyuko na sana ako at dadamputin ito ngunit napatigil ako nang may lalaking naunang yumuko at pagkatapos ay inabot niya na sa akin ang ATM cards ko. Hindi ko siya tiningnan at nagpasalamat lang ako sa kaniya habang kinukuha ang cards.

Ipinagpatuloy ko ang pagkakausap ko kay Paye.

"Paano ba naman hindi magagalit sa akin si Ma'am Gina e, sinampal ko nang malakas ang anak niya sa harap ng maraming tao," mariin na wika ko habang nagngingitngit ang mga ngipin ko.

Paniguradong nagsumbong sa Mama niya ang lalaking iyon. Mama's boy pa naman kaya sobrang sure ako.

"What? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyan? Bakit mo naman sinampal 'yung anak niya?" malakas niyang tanong kaya napangiwi ako bago ko inilayo ang cellphone sa tainga ko.

"Nagalit ako," may inis sa boses na sabi ko.

Tuwing naaalala ko iyon ay kumukulo ang dugo at kasing init na yata ito ng araw. Twenty seven million degrees Fahrenheit. Okay, it's a joke.

"Nanliligaw pa lang sa akin pero nanghahawak na ng puwet! Sa sobrang gigil at inis ko ay sinampal ko sa harap ng maraming tao," nanggigigil na sabi ko.

Kahapon ay nagyaya siya na makipag-date pero tinanggihan ko. Sinabi ko na uuwi ako dahil antok na antok na ako pero pinigilan ako. Paglabas namin sa building ng kompanya ay hinawakan niya ako sa pwet at nakita iyon ng maraming tao. Sa sobrang galit at gulat ko ay sinampal ko siya nang sobrang lakas.

"Oh gosh! Yari ka sa senior manager pag biglang umatras si Ma'am Gina sa kontrata!" biglang sabi ni Paye ngunit napangisi na lang ako.

"I'm pretty sure that she won't backout in their contract. Isa ang department natin sa magagaling humawak ng produkto para sa outbound call center. Tayo ang pinaka-mahusay na magbenta ng products. Mas mataas ang sales natin kesa sa group ni Aliyah," nagmamalaking sabi ko.

Hindi magta-take ng risk si Mrs. Gina na ibigay sa ibang team ang mga produkto na gusto niyang ipagbenta. Mas mabilis kaming makaubos ng product.

"Magaling ka kasi na supervisor, Ma'am Edraly," pamumuri niya sa akin.

Mabilis na humaba ang nguso ko at pagkatapos ay inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa may taas ng tainga ko. May narinig akong tumikhim pero hindi ko pinansin 'yung lalaki.

"Huwag mo nga akong tawagin na Ma'am. Wala na tayo sa loob ng workplace," sambit ko. Sumilay sa akin ang malawak na ngiti.

Masaya ako tuwing nako-compliment. Sino bang hindi?

"Bukas na tayo mag-usap o kaya mamayang gabi pagkagising ko," pagpapatuloy kong sabi sa kaniya.

Alam kong tutulog na rin siya.

"Oo na. So, nakauwi ka na ba?" tanong niya sa akin. Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako.

"Hindi pa. Dumaan pa ako sa fastfood chain. Kakain lang ako ng breakfast," sagot ko sa kaniya.

Tiningnan ko ang pila sa unahan ko at napansin ko na ako na ang sunod na mag-o-order.

"Sosyal naman at sa fastfood chain pa kumakain ng breakfast," natatawa niyang sabi kaya napanguso ako.

"Alam mo naman na tamad akong magluto, at bagsak agad ako sa kama pag-uwi kaya hindi na ako nakakakain minsan," wika ko habang tinitingnan ang nasa menu board.

"Hirap ng night shift no?" aniya kaya napangisi ako.

Ilang taon na ako sa BPO company at lagi rin akong night shift. Sanay na sanay na ako.

"Supervisor na ako. Mas mahirap pa rin ang ginagawa niyo," sabi ko.

Medyo madali na kasi ang ginagawa namin kaysa sa mga call center agent. Naka-graduate na ako sa pagiging call center agent. I mean, na-promote na ako. Pero mas masaya kung mapopromote ako sa puso ni Crush.

"Madali na ang trabaho mo kasi hindi ka na nai-stress sa mga nagmumurang customer," sambit niya kaya napatawa ako.

Tama siya. Madali lang naman ang trabaho ngunit mapaghihinaan, mapapagod at mawawalan ka ng gana kung lagi kang napapagalitan ng taong tinatawagan mo. Mahirap ang buhay call center agent. Stress sa trabaho at puyat goals din.

"Definitely. Isang taon na akong supervisor at pamula noon ay nakakatulong na ako ng sobrang himbing sa umaga," kwento ko sa kaniya.

Malayo ako kina Mama at sa mga kapatid ko. Nasa Maynila ako at nakatira ako sa isang apartment. Nasa Tiaong Quezon sila. Gusto ko mang umuwi kada Linggo ay hindi ko naman magawa dahil sayang din ang pamasahe. Nagtitipid kasi ako para sa bakasyon ko.

"Gagalingan ko na rin para naman ma-promote na rin ako," sambit niya kaya natuwa ako.

"Malapit ka na ma-promote. Sige na. Goodbye na. I'll call you later na lang," sabi ko at pagkatapos ay ngumiti ako sa cashier.

"Goodbye," sambit ko bago ko patayin ang linya ng tawag.

"Can I get your number?" rinig kong tanong ng isang baritono na boses ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.

Malay ko pa ba kung ako ang kinakausap niya. Hindi naman kasi ako mahilig pumansin sa ibang tao. Lalong-lalo na kung hindi ko kilala. I'm not a snobber. Sadyang mahiyain lang akong makipag-usap sa iba. Tsaka maraming tao sa paligid ko at baka hindi ako ang sinasabihan nito. Matawag pa akong assuming o tsismosa pag lumingon ako.

Naglakad ako palapit sa counter. Inilagay ko ang cellphone ko sa bag ko ngunit hindi ako tumitingin dito. Sumulyap ako sa menu board na nasa taas.

"Good morning, Ma'am. What's your order?" maligaya ang boses na bati ng babaeng cashier.

"Good morning. Give me one mashed potato. What's your available breakfast on your menu?" tanong ko.

Minsan ay hindi available ang gusto ko kaya itinatanong ko na lang sa kahera ang mga available para sa breakfast.

"Available po lahat ng nasa menu board," masayang sabi niya kaya sumilay agad sa aking mukha ang saya.

Nakaramdam ako ng saya dahil sa nalaman. Atlast, mabibili ko na naman ang paborito kong pagkain. Napahigpit ang hawak ko sa wallet ko habang kinukuha ko roon ang cash na ibabayad ko.

"Sige. Beef tapa at beef steak with one rice," may ngiti sa labi na sabi ko.

Nag-punch siya sa screen at pagkatapos ay inabot ko na sa kaniya ang bayad ko. Mabilis siyang kumilos kaya naman naging mabilis ang transaction namin.

May narinig ulit akong tumikhim sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin. Baka matanda na may plema sa lalamunan? Kanina pa kasi siya tumitikhim. Naghintay lang ako ng ilang segundo sa tabi habang hinihintay ang order ko. Kinuha na ng babae ang order ng kasunod ko sa pila.

"It's a wonderful day, isn't it?" matigas ang ingles na pagkakasabi niya.

Imbis na pansinin siya ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang order ko. Inaayos na ng babae ang pinggan na may lamang pagkain.

Natapos ang pagpe-prepare niya at ibinigay na niya ang order ko. Nagpasalamat ako sa kaniya habang ngumingiti.

"Do you want some help, Miss Beautiful?" tanong ng lalaki ngunit umiling lang ako sa kaniya bago ko kunin ang tray na may lamang pagkain.

"No thanks," maikling tanggi ko at hindi ko man lang tiningnan ang mukha ng lalaki.

"But—" he said but I cut him off.

"No more buts. Excuse me," sambit ko at pagkatapos ay pumihit na ako patalikod.

I don't need help. I'm an independent woman.

"I'm a savage, classy, bougie, ratchet. Sassy, moody, nasty.

Acting stupid, what's happening?" mahinang kanta ko sa isang song na sikat ngayon habang inaamoy ang mga pagkain.

Gutom na ako. Inaantok na ako pero kakain muna ako, because kain is life.

Humanap ako nang magandang pwesto at nang makakita ng comfortable na pwesto ay pumunta agad ako doon at umupo. Inaayos ko pa lang ang mga pagkain ko sa lamesa ngunit napatigil ako dahil biglang lumapit sa akin ang matabang kulay pula na bubuyog na laging nakangiti.

May ipinatong siyang milktea sa lamesa ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ang pagkakaalam ko ay wala akong in-order na dalawang milktea.

"Bakit mo ako binibigyan ng milktea, bubuyog na pula? Nililigawan mo ba ako?" diretso na sabi ko habang tinitingnan siya nang mariin.

Baka naman type ako ng nasa loob ng mascot?

Iniwawagay-way niya ang kaniyang mga kamay sanhi ng pagtanggi. May itinuro siya kaya sinundan ko ng tingin ang kamay niya. Sa may counter...sa nakatalikod na matangkad na lalaki siya nakaturo. Ngunit ang nakakuha ng pansin ko ay ang nasa tabi nitong karatula.

Free milk tea when...

Hindi ko na binasa pa ng tuluyan ang nasa poster at tiningnan ko na lang ang mga milktea sa harapan ko.

Hindi ako mahilig uminom ng milktea sa umaga pero dahil libre lang ay tatanggapin ko na.

Napatango ako sa kaniya at pagkatapos ay ngumiti ako. Tipid na pasasalamat ang ibinigay ko sa kaniya. Masayang umalis ang pulang bubuyog at nagtatatalon pa siya habang pumapalakpak. Bago ako umiwas ng tingin sa kaniya ay nakita ko pa na nag-thumbs up siya habang nakaharap sa counter.

Tahimik akong kumain. Wala pang kalahating oras nang matapos akong kumain. Napatingin ako sa kabilang upuan. May napansin akong nakatingin sa akin pero biglang tumalikod ang lalaki.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil antok na antok na ako.

Sinumulan ko nang ayusin ang mga pinagkainan ko. Pinagpatong-patong ko ang mga wala ng laman na pinggan at inilagay ko ang kutsara at baso sa taas nito.

I always do this. Inililigpit ko na ang pinagkainan ko para hindi na iyon ligpitin pa ng crew. Dapat pag kumain sa mga fast food chain ay inililigpit din ang pinagkainan. Hindi man natin ito trabaho pero mas maganda na maging responsable tayong tao.

Help the crew in a simple way.

Para kahit konti ay makatulong sa mga crew at hindi sila mapagod ng sobra.

Trabaho nilang maglinis pero mas maganda kung sa simpleng bagay ay makatulong ka sa kanila. Be responsible everytime you eat in a fastfood chains. Halata kasi sa mukha nila na nahihirapan na sila lalong lalo na pag-peak season. Pansin ko minsan sa iba na may ibang tao na boss kung makautos. Kukuha lang ng kutsara pero iniuutos pa sa iba. Lalakad lang ng konti ay hindi pa magawa.

Binuksan ko muna ang bag ko at kinuha ko roon ang maliit kong salamin. Tiningnan ko ang mukha ko upang makita kung may dumi o kanin pa ba.

Nang matapos ako ay inilagay ko na agad sa bag ang salamin ko. Saktong may naglagay ng peach mango pie sa lamesa ko at naglakad din siya paalis.

Napanganga ako ng konti dahil sa kalituhan. Lumingon ako at tiningnan ang lalaki na nakatalikod. Nakapamulsa ang matangkad na lalaki.

"Wait, Kuya! Bakit mo ipinatong dito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Saglit siyang tumigil sa paglalakad at pagkatapos ay nagsalita siya ngunit hindi naman siya lumingon.

"There are one twenty calories in a one serving of Peach Mango Pie. The calorie breakdown level was 15% in fats, 82% carbs, and 3% protein. Eat it, Miss Beautiful. Hindi 'yan nakakataba. You will stay sexy and hot," sabi ng nakatalikod na lalaki at pagkatapos noon ay naglakad na siya palabas sa pinto.

Kunot noo na tumayo ako habang kinukuha ang peach mango pie. Hindi ko na hinabol pa ang lalaki dahil hindi naman kasi ako mahilig maghabol sa taong umalis na.

I won't chase him just to give this peach mango pie.

Napataas ang kilay ko nang makita ko na may nakasingit na tissue paper sa packaging nito. Kinuha ko ang tissue at napangisi ako nang mabasa ang nakasulat doon. It's his name and his number.

"Call me, Miss Beautiful. I'm James," pagbabasa ko sa nakasulat sa pinaka-ibabang bahagi ng tissue.

Napatawa ako nang mahina habang umiiling. Ang lakas ah!

"Ano naman? My mother said that strangers are bad, so, as an obedient daughter, I won't talk to strangers," mahina kong sabi sa sarili at pagkatapos ay ginasumot ko ang tissue. Itinapon ko ito sa basurahan na nasa tabi ng kuhanan ng kutsara at tinidor.

Kinuha ko agad ang bag ko at ang dalawang milktea na hindi ko ininom. Lumabas ako sa fastfood chain at pagkatapos ay may sinenyasan akong mga batang namamalimos.

May saya sa mukha na ibinigay ko ito sa kanilang dalawa. I can't drink it because I still need to sleep later. This drink was overloaded with caffeine, which milk tea can result in sleep disorders such as insomnia. Matamis din ito. Ayokong maging hyper at active ngayong umaga. I badly need sleep. Matapos magpasalamat ng mga bata ay nakangiting umalis na rin ako sa harap ng fastfood chain.

*

Kinuha ko ang bagong cellphone na binili ko kahapon. I lost my phone and I don't know where did it fell.

Noong isang araw ko pa nalaman na nahulog ang cellphone ko pero ngayon lang ako nakabili dahil naging busy ako. Mabuti na lang at wala masyadong importanteng files sa cellphone ko. Mga pictures lang ang nandoon dahil kakabili ko lang din noon last week. Mabuti na lang at lagi kong nilo-log out ang mga social media accounts ko sa cellphone ko.

"Are you ready for our vacation trip tomorrow?" tanong sa akin ni Paye kaya napatingin ako sa kaniya.

Tumango ako at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya. "Yes. Atlast, may pahinga na tayo."

Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa building.

"Edraly, Excited na ako sa bakasyon. Mabuti na lang at in-approve sa human resources department ang vacation leave natin," malawak ang ngiti niya habang sinasabi iyon.

Lumawak ang ngiti ko at pagkatapos ay hinawi ko ang buhok ko para mapapunta ito sa likod.

"Malakas ako kay Ma'am Macy kaya pinayagan niya tayong magbakasyon," sambit ko sa kaniya at pagkatapos ay kumindat ako.

"The best talaga si Ma'am Macy Salvador," masayang sabi niya habang naglalakad kami sa may gilid ng kalsada.

"So, ready ka ng mag-impake?" may excitement na tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at pagkatapos ay bumitin siya sa braso ko. "I'm so ready na. One hundred percent ready!"

"Good! Mauuna na ako, ha? Malayo pa ang apartment ko," pagpapaalam ko sa kaniya at pagkatapos ay naramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya.

Nang bitawan niya ako ay kumaway agad ako sa kaniya at nagpaalam.

"Ba-bye!" rinig kong sabi niya kaya panandalian akong lumingon at ngumiti.

May dumaan agad na isang kulay blue na jeep. Itinaas ko ang kamay ko upang parahin ito. Tumigil ito kaya sumakay na agad ako sa jeep.

"Bayad po," sabi ko matapos kong makaupo. Inabot ko agad ang nakahanda kong pambayad.

Tinanggap ito ng katabi ko at ibinigay sa driver.

"Saan ito ineng?" tanong ng driver sa akin.

Tumingin ako sa driver at pagkatapos ay magalang na sinagot ko ang tanong niya, "Sa may Bonny Serano Avenue lang po."

Umandar na ang jeep habang nagbibilang pa ng sukli ang driver. Nakatingin lang ako sa pwesto niya. Mabilis niyang naibigay sa akin ang sukli ko kaya agad akong nagpasalamat. Sumandal ako sa upuan at pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng bintana.

Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko. It's not fresh. Kahit umaga ay ramdam ko na ang init sa hangin.

Sa buong durasyon ng byahe ay nakatingin lang ako sa labas. Noong mapatigil ito sa tapat ng traffic light ay huminga ako nang malalim.

Ipinatong ko ang siko ko sa may bakal sa bintana ng jeep. Nanatili akong nakamasid sa labas. Biglang may tumigil na isang kotse na mukhang mamahalin sa tabi ng jeep kaya napapunta dito ang buong atensyon ko.

Nakita ko na marahang bumaba ang bintana ng kotse. Singhap ang lumabas sa bibig ko nang makita ang lalaki na nakasuot ng aviator sunglasses. Kahit naka-shades ay halata na ang kagwapuhan niya.

Ibinaba niya ang aviator sunglasses niya at halos mahulog ang panga ko dahil sa sobrang gulat. Saglit akong napatigil sa paghinga nang makita ang gwapong mukha ng lalaki. Ngumiti ang lalaki at pagkatapos ay kinindatan niya ako.

"Miss, you're familiar to me! Are you the woman in my dreams? Are you my future wife?" tanong niya sa akin habang nakangiti nang sobrang lawak.

Nawala ang pagkamangha ko. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam ko na ang uri niya. Taong manloloko.

"Are you crazy?" bulong ko sa hangin at alam kong hindi niya ito narinig.

Nakita ko ang paglaki ng ngisi niya na tila ba tuwang-tuwa siya sa nakikita. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagkindat niya.

"I love you!" sigaw niya kaya napairap ako.

"Gago ka ba?" malakas kong sabi. Binigyan ko siya ng mataray na tingin.

"Minumura mo ba ako, ineng?" rinig kong tanong ng matandang babae sa tabi ko kaya biglang namilog ang mga mata ko habang tumatanggi.

"Hindi po, Lola. May nakita lang po akong kaaway. Paniguradong baliw na po siya," sambit ko. Tumango lang ang matanda at hindi na nagsalita pa.

Umandar na ang jeep. Bago maghiwalay ang landas namin ng lalaki ay inirapan ko muna siya ng pamatay.

Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. I love you raw? Anong akala niya sa akin magsasabi rin ng I love you too?

In his dreams.

***

written by CussMeNot

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status