Share

KABANATA 15 (Part II)

Date

“Miss Chantria Venice Alquiza?” bungad na tanong sa akin ng isang lalaking naka-black na tuxedo at naka-mask.

Siya siguro ang butler na tinutukoy. Pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang parehong pareho ng suot niyang tuxedo at mask. Maging ang kanilang mga sapatos ay pareho rin. Sa likod nila ay ang sobrang habang sasakyan na kulay puti. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa ganoong sasakyan pero basta mamahalin iyon at magarbo! 

Tumango ako bilang sagot. Iyong isang butler ang nagbukas ng pinto sa pinakadulong parte ng sasakyan sa may bandang palikod ng magarbong sasakyan. Sumakay ako roon at marahan niyang sinara ang pinto. At nang makita ang loob ng sasakyan ay talagang mahaba ang espasyo noon hanggang sa unahan kung saan pumasok ang dalawang butler. Hindi ko maitikom ang aking bibig dahil sa pagkamangha kahit nagsimula na kaming tumulak paalis.

Malamig sa loob ng sasakyan pero hindi ko alam kung bakit

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status