Share

KABANATA 13

Stalker

Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ‘to sa akin ngayon. Kung hindi lang nila nalaman ang tungkol kay Aling Nora, hindi sana ako mapupunta sa puntong ito ngayon. Wala akong kawala at kahit gustuhin ko mang kumawala, hindi p’wede dahil may mapapahamak na pamilya dahil sa akin.

Maaga akong umalis ng apartment dahil kailangan kong mamili ng gown para sa mangyayaring auction sa isang linggo. Kailangan kong dumalo roon dahil doon ko raw makikilala ang bibili sa akin. Hindi ako parte ng auction kung saan ipe-present ang mga gamit... o mga tao na ibebenta. Kumbaga, magiging date ako ng lalaking bibili sa akin.

May naipon naman ako pero wala akong pambili ng mamahaling gown. Pero iyon daw ang kailangan. May ibinigay naman sa akin ang loan sharks, pero… masyadong revealing iyon at hindi ko kayang magsuot ng ganoong klase ng damit na halos kita na buong kaluluwa ko. May choice pa naman ako, at may time pa ako maghanap ng gown na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status