Share

Chapter 15

Pinagtakhan ni Ali nang lumipas na ang araw at sumapit ang linggo ay walang dumating kay Eros. Pati si Argos na palaging nakasunod sa kanya at pinagpipilitan na ihatid siya ay hindi rin niya nakita nitong nakalipas na araw. Wala siyang ideya kung bakit biglang hindi na nagparamdam ang mag-amo na iyon. Subalit nagtaka man siya ay hindi na niya ito binigyan ng big deal.

Isang business owner si Eros at baka sadya lang na busy ito at walang panahon para puntahan siya rito.

Nang araw na ito ay naisipan niyang labhan lahat ng mga nasuot niyang damit. At habang pinapaikot niya ang washing machine ay inaayos niya ang mga paso sa likuran ng bahay. Nagulat pa nga siya nang makita na may sariling garden ang binili ni Eros. At naisip niya na magtanim ng mga bulaklak at ayusin ito para bumalik sa dating ganda.

Abala na siya sa paghila sa malaking paso kaya hindi niya narinig ang paghinto ng sasakyan sa garahe ng bahay. Kaya naman nang humihingal na tumayo siya pagkatapos niyang ilagay sa gilid ang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (7)
goodnovel comment avatar
Jene Gumapac
update pls
goodnovel comment avatar
Maricel Salvacion
update napo pls
goodnovel comment avatar
Rizza Abapo
update pa more
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status