Angela’s POV
Nang umalis si Rafael ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Nagbihis ako ng panibagong pares ng t-shirt at pantalon. Kailangan kong maka-alis dito sa lalong madaling panahon. Natatakot ako kay Rafael. Nalilito ako sa pinapakita niya sa akin. Pero siguro dala na rin ng galit niya kaya nagawa niya yun.
Pinuntahan ko si Lola sa kwarto. Nagbabaka-sakali na maka-usap ko siya at kumbinsihin na bumalik na lamang ako sa ampunan. Atleast duon tangap ako, may nag-mamahal sa akin. Gusto ko rin kausapin si Mathew ng personal. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Dahil mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa.
Buo na ang loob kong kumbinsihin si Lola, kaya lang pagpasok ko ng kwarto ay mahimbing itong natutulog. Sabi ng nurse kakainom lang daw niya ng gamot. Wala akong choice kundi bumalik sa kwarto.
Inaantok ako kaya lang natatakot ako na baka pumasok ulit si Rafael. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ilipat ng kwarto gayong alam kong namumuhi siya sa akin.
Tapos pinagtangkaan pa niya ako. Ang katotohanang nakita na niya ang lahat sa akin ay lalong nagpadagdag ng pagka-ilang ko sa kanya.
Naupo ako sa gilid ng kama ng magbukas ang pinto.
“Senyorita Angela, pinapabigay po ni senyorito Rafael.” Inabot sa akin ni Manang Ladia. Isa sa apat na kasambahay nila.
Kaagad kong kinuha ang malaking paper bag. Pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin. Ayaw ko mang tignan kung ano ang laman noon ay nakita ok ang note sa gilid ng paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama ang paper bag kaya kinuha ko iyon at ipinatong ko sa kama.
“Wear it tonight, I’ll pick you up at 8 pm….”
Kinuha ko ang laman ng paper bag. Isang kulay itim na mermaid off shoulder dress na may makinang na parang diamante sa buong harapan at may mahabang hiwa pa sa kanan na hita nagpaganda sa desenyo nito. May isang pares din na kulay itim na stiletto na sa tingin ko ay may tatlong inches ang haba. Bukod dun may nakita din akong isang kahon. Binuksan ko at napanganga ako sa mamahaling gold necklace at earrings. Pinakatitigan ko pa kung totoo nga ito pero imposibleng hindi dahil hindi naman siguro siya bibili ng pekeng alahas.
Binaba ko ang hawak ko ang hawak kong box ng alahas. Anong intention niya sa pagsama sa akin? Paano kung hindi ako sumunod sa gusto niya? Hindi kaya magalit na naman siya sa akin?”
Napabuntong hininga ako na lamang ako. Matapos ng mangyari kanina gusto niya pa akong isama sa party na hindi ko alam kung para saan.
Never pa akong nagsuot ng ganitong damit at hindi pa rin ako nakakapunta sa kung anong party. Sigurado akong hindi yun basta-basta dahil sa napakagandang damit ang gusto niyang isuot ko.
Parang gusto ko na lang tuloy tumakas at wag nang magpa-alam kay Lola. Anong gagawin ko? Masyadong maiksi ang pasensya niya. Paano kung magalit na naman siya? At lalo lamang kaming hindi magkasundo?
Isa’t kalahating oras bago mag alas-otso ay nagdadalawang isip pa din ako. Nakasuot ako ng roba at kagat-kagat ang dulo ng kuko ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung magagawa ko ba ‘to. Palakad-lakad ako sa kwarto, nang biglang bumukas ang pinto.
“Senyorita si Che-che po, siya ang mag-aayos sa inyo. Pinadala po siya ni Sir.” Nakangiting wika ni Manang. Sabay bungad sa akin ng magandang babae.
“Hi Ms. Angela, napakaganda mo pala. Kahit walang make-up ay kabog na kabog na ang beauty mo.” Wika niya sa akin na ikigulat ko. Saka ko palang nalaman na bakla pala siya pero ang ganda niya talaga saka mas malaki pa dibdib at balakang niya sa akin.
“H-hello.” Naiilang akong ngumiti sa kanya. Hindi ko maiwasan na pasadahan siya ng tingin.
“Ay naku Ms. Angela. Wag mo akong tignan ng ganyan, peke lahat ng nakikita niyo.” Nakatawang sabi niya sa akin. Tipid akong ngumiti.
“Umpisahan na po natin. Pagagandahin ko pa kayo lalo para maglaway na si Sir. Rafael.” Dagdag pa niya na ikinapula ng mukha ko. Pero kahit pagandahin pa niya ako at bihisan hindi parin mawawala ang katotohanan na galing ako sa ampunan at ayaw sa akin ni Rafael.
“Ammm, Che-che pwede Angela na lang itawag mo sa akin? Saka hindi ko pa sigurado kung a-attend ako sa party.” Nakayukong wika ko sa kanya. Nagdadalawang isip pa rin kasi ako.
“Ay Ms. Angela, hindi po pwede. Magagalit po si Sir. Rafael at tatangalin niya ako sa trabaho ko kapag hindi ko nagawa ang utos niya. Sayang naman ang trabaho ko pambili ko ng gamot ni mudra.” Katwiran niya sa akin, naawa ako sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa harap ng vanity mirror. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nag-umpisa na rin siyang ilatag ang lahat ng make-up niya. Unang beses kong malalagyan ng kolorete ang aking mukha kaya hindi ko rin alam ang magiging kalalabasan.
“Don’t worry Ms. Angela. I will make sure, na ikaw lang ang pinakamaganda sa party tonight.”
Gandang-ganda talaga siya sa akin. Hindi kasi mapawi ang ngiti niya habang inaayusan niya ako. Hindi ko alam kung ano-ano ang inilagay niya sa aking mukha pero lalo kong nakikita na mas gumaganda ako sa ginagawa niya.
Binigyan niya ng kulay ang matamlay kong mga mata. Pati na rin ang natural na mapula kong labi ay nilagyan niya ng simpleng nude color na lipstick. Bumagay din sa double eyelid ko ang mahabang pilik ko. Inayos din niya ang magulo kong kilay. Mabuti na lamang at inahit niya lang yun dahil hindi ako sanay magbunot.
Muntik na akong antukin nang kinulot niya ang buhok ko at itinaas na parang messy bun. May l***t pa na ilang hibla.
“Gorgeous!” Bulalas niya.
Pumalakpak pa siya na parang nakatapos ng isang magandang masterpiece.
Hindi ko maiwasan ang ngumiti halos isang oras din ang ginugol niya sa make-up. At nangalay ako ng sobra pero nang makita ko ang kabuohan ko ay sobrang natuwa ako. Hindi ko alam na may igaganda pa pala ang simpleng gaya ko.
“Salamat, Che-che.”
“Naku! Mas maganda ka pa kay Lalaine!”
Napatakip siya sa kanyang bibig nang tignan ko siya pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ni Lalaine.
“Ay este! Kung kasing ganda niyo lang din naman ang memake-upan ko ay gaganahan talaga ako.” Wika niya.
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pagbangit niya sa pangalan na yun. Narinig ko na rin yun kay Rafael. Kung sino man ang babaeng yun sigurado akong maganda talaga siya dahil hangang ngayon siya parin ang mahal ni Rafael. At ako isang babaeng pinulot lang sa ampunan upang pilitin na ipakasal sa kanya kahit labag sa loob niya.
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMapait niya akong tinignan. Hindi ko alam kung paano niya nalamman ang lahat. Ang alam ko lang pumunta ako dito ng buo na ang loob ko upang magpaalam. At upang tapusin ang namagitan sa aming dalawa.“So, wala kang balak sabihin sa akin ang lahat Angela?”Humakbang siya palapit sa akin, kaya umatras ako.“Kung hindi pa sasabihin ni Mathew sa akin na buntis ka. Hindi mo sasabihin at gusto mong pirmahan ko yan?”Lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. At nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi ko inakalang si Mathew mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat. At sigurado akong alam na rin niya nawala talagang nangyari sa aming dalawa.“Rafael, kahit ano pang sabihin mo hindi ko na mababago pa ang desisyon ko. Kaya pirmahan mo na ito para maka-alis na ako.” Mahinahon na wika ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag upang hindi niya makita at maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig niya sa akin o kasabikan dahil sa paglapit
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”