Angela’s POV
Limang minuto bago mag alas-otso ay tapos na rin akong magbihis. Kaya lang nailang ako nang makita ng suot ko sa harapan ng salamin. Sobrang haba kasi ng cut sa kanang binti ko kaya pag sinusubukan kong lumakad ay lumalabas ang legs ko. Hindi naman ako sobrang puti pero wala akong kahit isa mang peklat nakakapusyaw din ang kulay ng damit. Hindi ako makapaniwala sa naging itsura ko. Dahil sa suot ko hindi ko na makikilala ang sarili ko kahit pa siguro sila Sister Sandy at Mother Evette ay hindi nila ako makikila sa unang tingin lang. Medyo kita din ang ibabaw ng dibdib ko kaya tinataas ko din ng bahagya ang damit ko baka tuluyang bumaba ayoko namang makita ang cleavage ko. Hindi naman kasi kalakihan ang dibdib ko. Bukod doon pati sa likuran ay exposed din ang balat ko.
“Wow!” Sabay-sabay na napanganga ang mga kasambahay namin kaya lalong namula ang pisngi ko nakaramdam ako ng hiya. Dahil hindi ako sanay na nakakakuha ng attensyon sa ibang tao.
“Ang ganda niyo po!” Bulalas ni Manang Melba.
“Oo nga!” Sang-ayon naman ng iba.
“Syempre! Ako ang fairy god mother niya eh!” Pagmamalaki ni Cheche. Mabuti na lamang at tinulungan niya akong mag-ayos pati sa damit dahil hindi ko talaga alam kung paano ko susuotin yun at kung paano dadalhin ang sarili ko.
Pababa na ako ng hagdan nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Rafael. Gusto ko pa sanang umakyat ulit kaya lang pinigilan na ko ni Che-che.
Huli na dahil nakita na niya ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil naiilang parin ako sa nangyari sa pagitan namin. Bukod doon napaka-guwapo din kasi niya, bagay na bagay ang suot niyang itim na suit. Para tuloy siyang prince na aattend ng masquerade ball. Kulang na lamang itim na maskara.
Narinig ko ang mabigat na paghakbang niya na lalong nagpapabigat sa aking paghinga hangang sa masamyo ko na ang mabangong amoy niya.
“Beautiful.”
Nabaling ang tingin ko sa kanya nang marinig ko ang boses niya. Ayokong mag-expect kung ako ba ang maganda o ang damit ko. Nagtama ang mata naming dalawa. Kung hindi ko pa narinig ang singhapan sa paligid siguro hindi maalis ang titig ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi siya natitigan nang ganito sobrang lapit niya at malaki ang nagiging epekto niya sa akin.
“Thank you Che.” Baling niya dito.
Nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang kamay. Hindi ko akalain na may pagka-gentleman din pala siya o ngayong gabi lang. Kung alalayan niya ako ay para akong babasaging krystal. Pero paulit-ulit pa rin na bumabalik sa aking isipan kung gaano siya karahas sa akin kagabi.
“Let’s go.” Seryosong sambit niya. Ayoko mang tangapin ang kamay niya ayoko naman na magmukhang pakipot sa harapan nila. Wala akong karapatan na mag-inarte dahil kusa akong pumayag na magpunta dito. Walang pumilit sa akin, pero kung hindi dahil sa utang na loob ko kay Donya Cynthia wala sana ako dito ngayon. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito.
Inalapat ko ang kamay ko sa kanyang palad at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. Kitang-kita ko ang malaking ngiti sa labi ng mga kasambahay nila habang iginigiya niya ako palabas.
Paglabas namin ng bahay ay inalalayan din niya ako sa pagsakay sa kotse. Saka siya tumabi sa akin sa likuran. Pumasok naman yung driver at inumpisahan na niyang buksan ang makina.
“S-Saan tayo?” Kinakabahang tanong ko.
“Malalaman mo din mamaya, I just want to say thank you dahil pumayag kang sumama.” Sambit niya. Mas mahinahon ang boses niya ngayon at mas kalmado. Kaya kahit paano ay nakakahinga na ako ng maluwag.
“Baka kasi magalit ka ulit sa akin.” Tipid na sagot ko bago ako lumingon sa labas ng bintana. Nagbabadya ang ulan dahil sa lamig ng panahon at makulimlim din kanina.
“I’m sorry for what happen, kahit naman sinong lalaki magagalit kung ikukumpara mo sila sa karibal mo diba?” Wika niya na ikinagulat ko. Karibal? Kailan pa niya naging karibal si Mathew?
Naguguluhan na naman ako sa kanya. Para tuloy gusto kong pagsisihan ang pagsama ko. Ilang minuto din ang lumipas nang lumiko sa isang malaking venue ang kotse. Ipinarada ng driver sa parking lot kung saan naroon pa ang ibang mamahalin at magagandang sasakyan. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang ibang guest. Napaka galante din ng mga suot nila at ang gaganda.
Inalalayan niya akong makababa. Nahirapan akong dalhin ang stiletto shoes ko dahil hindi naman ako sanay sa ganitong klase ng sapatos. Pagkababa ko ay kinuha niya ulit ang kamay ko upang ilagay niya sa braso niya, at dahan-dahan kaming lumakad patungo sa entrance ng venue.
Ngunit pag-akyat namin sa baitang ng hagdan ay sumabit ang gown ko sa takong ko kaya na-out of balance ako. Mabilis niya akong naikabig na ikinagulat ko dahil yakap na niya ako. Kumabog lalo ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga at nararamdam ko ang matigas niyang katawan dahil sa higpit ng yakap niya sa beywang ko.
“Careful.” Mahinang bulong niya sa akin. Sobrang lapit na ng kanyang mukha. Parang iisang hangin na lamang ang hinihingahan naming dalawa.
“Hoy! Rafael ang ganda naman ng kasama mo ngayon. Ipakilala mo naman kami.”
Sabay kaming lumingon ni Rafael sa narinig namin na nagsalita. Siguro hindi lang nila kilala si Rafael dahil ganito nila ito kausapin. Nakita ko din na may maganda pa silang kasama na nakatingin lang kay Rafael.Napansin ko na matalim ang pagkakatitig niya dito pero agad din siyang bumaling ng tingin sa akin.
“I’d like all of you to meet my fiancé, Angela.” Pakilala niya sa akin na bahagyang ikinagulat ko.
“Fiancé? Are you serious Rafael?” Kunot noo na tanong ng lalaki.
“Angela, meet my friends. Inigo, Xandro, Fernan and Lalaine.” Pakilala niya sa mga kaibigan niya. Sabay silang lumingon sa babaeng ipinakilala niyang Lalaine. At kung hindi ako nagkakamali siya ang babaeng hanggang ngayon ay mahal pa rin ni Rafael. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ganitong paraan pa kami magkakaharap.
“I’m sorry guys, maiwan ko muna kayo.” Paalam ni Lalaine at mabilis itong humakbang palayo sa amin na sinundan din agad ni Fernan.
Bumaling ulit sa akin ang mga kaibigan niya. Ngunit ang mga mata ni Rafael ay nakasunod sa likuran ni Lalaine. Napakaganda nga talaga niya. Hindi ako naniniwala kay Che-che na mas maganda ako dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka perpektong babae. Hindi na ako magtataka kung bakit mahal pa rin niya ito dahil pakiramdam ko ganun din ang babae sa kanya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang tinitignan niya kami ni Rafael.
Akala ko hangang tanaw lang ang gagawin ni Rafael. Ngunit nagulat na lamang ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko at tumakbo patungo sa kung saan nagtungo si Lalaine. Gustong mag-unahan ng mga luha ko pero pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ito ang tamang time para mag self–pity. Ayokong magmukhang kawawa.
At bakit naman ako iiyak? Hindi naman totoo ang lahat. Wala naman kaming relasyon. Wala naman kaming nararamdaman para sa isa’t-isa.
“Are you okay? Babalik din yun baka mag-uusap lang sila matagal kasi silang hindi nagkita.” Nakangiting wika ni Iñigo.
“Oo nga Angela, pumasok na tayo sa loob mag-uumpisa na ang birthday party ni Bernard ang isa pa naming kaibigan.” Segunda naman ng nagngangalang Xandro.
Inalalayan nila akong maglakad pero lutang parin ako sa mga nangyayari kung pwede lang umuwi na lang gagawin ko kaya lang kailangan ko munang magsabi kay Rafael.
“Mauna na kayo, may kukunin lang ako sa kotse naiwan ko kasi yung purse ko.” Nakangiting wika ko sa kanila. Tumango lang sila sa akin at ngumiti.
Nagtungo ako sa parking lot dahil naiwan ko naman talaga ang purse ko. Nakalimutan ko kasing bitbitin kanina dahil sa tindi ng kaba ko.
Pagkarating ko sa parking lot kung nasaan ang kotse ay agad din akong pinagbuksan ng driver. Ipapasarado ko na sana ang pinto nang makita ko sa di kalayuan si Rafael. Habang nakasandal si Lalaine sa kotse at para akong mauupos na kandila nang makita ko kung paano niya hinalikan si Lalaine.
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMapait niya akong tinignan. Hindi ko alam kung paano niya nalamman ang lahat. Ang alam ko lang pumunta ako dito ng buo na ang loob ko upang magpaalam. At upang tapusin ang namagitan sa aming dalawa.“So, wala kang balak sabihin sa akin ang lahat Angela?”Humakbang siya palapit sa akin, kaya umatras ako.“Kung hindi pa sasabihin ni Mathew sa akin na buntis ka. Hindi mo sasabihin at gusto mong pirmahan ko yan?”Lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. At nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi ko inakalang si Mathew mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat. At sigurado akong alam na rin niya nawala talagang nangyari sa aming dalawa.“Rafael, kahit ano pang sabihin mo hindi ko na mababago pa ang desisyon ko. Kaya pirmahan mo na ito para maka-alis na ako.” Mahinahon na wika ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag upang hindi niya makita at maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig niya sa akin o kasabikan dahil sa paglapit
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”