ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
Angela's POV Nakatayo ako sa gilid ako ng man made river na sakop ng Eden home orphanage. Upang isipin ang pinag-usapan namin ni Lola Cynthia. Actually hindi ko talaga siya totoong lola. Lumaki ako sa bahay ampunan dahil iniwan ako ng tunay kong mga magulang sa harapan ng Eden Home Orphanage.Si Lola Cynthia ang naging sponsor ko simula pagkabata hangang ngayon na nasa huling taon na ako sa kolehiyo. Sa edad kong bente uno ni minsan walang nagtangka na umampon sa akin. Wala rin akong nakikitang pumupunta sa bahay ampunan para mamili ng batang a-ampunin. Basta ko na lang nalalaman na may kumukuha na sa mga batang kasama ko sa ampunan na magulang para ampunin.Kung tutuusin pwede na akong umalis dito para mamuhay ng mag-isa, dahil bukod sa nasa tamang edad na naman ako. Kaya ko namang maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Ngunit hindi pumayag si Mother Evette at si Sister Sandy sila lang naman ang pangunahing nangangalaga sa mga bata sa bahay ampunan. Pareho silang madre kaya napakabut
Rafael's POV Katatapos lang ng meeting ko with the investors nang magpasya akong bumalik sa office. Mas ginugol ko kasi ang oras ko sa pagtatrabaho kaysa kausapin si Lola. Sinabi niya sa akin na kailangan ko ng magpakasal. Nahanap na raw niya ang babae para sa akin at sa ayaw at sa gusto ko ay i-uuwi daw niya 'yon sa mansyon. Tumutol ako sa gusto niyang mangyari. Wala pa sa isip ko ang magpakasal at kung meron man si Lalaine ang gusto kong makasama habang buhay. She was my first love. We’ve been together for almost five years. I was happy being with her. She’s not just a girlfriend material but also a wife material. She’s perfect for me.Pero isang araw, bigla na lamang siyang nagbago. Nawala na ang kinang na nakikita ko sa kanyang mga mata. Then she break-up with me, without any reasons. Hindi ako pumayag, how can you break-up with someone just like that? I’ll fight for her because I love her very much. I’ll proposed to her that day she wanted to leave me. But she rejected
Angela's POV Bagsak ang balikat akong umupo sa tabi ng kama mula ng umalis siya. Hindi ko naman talaga balak na umalis gusto ko lang lumabas sa kwarto niya. Hindi ko akalain na ganun pala kasama ang ugali niya. Nag-aalala din ako para kay Lola. Gustuhin ko man na batayan siya sa ospital baka kung anong isipin ni Rafael. Alam ko hindi niya ako tangap pero hindi ko naman inasahan na wala pala siyang alam tungkol sa akin dahil wala naman sinabi si Lola sa akin. Pinahid ko ang nangingilid na luha ko. Harap-harapan niya akong tinangihan sa Lola niya, kaya wala akong choice kundi subukan na kausapin si Lola. Marami na akong pinagdaanang sakit lalo pa hindi ko pa rin mahanap ang mga taong nag-iwan sa akin sa bahay ampunan. Palagay ko ay kalahati ng buhay ko ang gusto kong buohin, pero kung mapipilitan akong pakasalan siya siguradong hindi rin ako magiging masaya.Dahil hindi naman kagaya ko ang magugustuhan niyang babae. Kung pasadahan nga ako ng tingin ay lalong nangliit ang tin
Angela’s POVNang umalis si Rafael ay isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Nagbihis ako ng panibagong pares ng t-shirt at pantalon. Kailangan kong maka-alis dito sa lalong madaling panahon. Natatakot ako kay Rafael. Nalilito ako sa pinapakita niya sa akin. Pero siguro dala na rin ng galit niya kaya nagawa niya yun.Pinuntahan ko si Lola sa kwarto. Nagbabaka-sakali na maka-usap ko siya at kumbinsihin na bumalik na lamang ako sa ampunan. Atleast duon tangap ako, may nag-mamahal sa akin. Gusto ko rin kausapin si Mathew ng personal. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Gusto kong magpaliwanag ng maayos. Dahil mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan naming dalawa.Buo na ang loob kong kumbinsihin si Lola, kaya lang pagpasok ko ng kwarto ay mahimbing itong natutulog. Sabi ng nurse kakainom lang daw niya ng gamot. Wala akong choice kundi bumalik sa kwarto.Inaantok ako kaya lang natatakot ako na baka pumasok ulit si Rafael. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw niya akong ilipat ng kw
Angela’s POVLimang minuto bago mag alas-otso ay tapos na rin akong magbihis. Kaya lang nailang ako nang makita ng suot ko sa harapan ng salamin. Sobrang haba kasi ng cut sa kanang binti ko kaya pag sinusubukan kong lumakad ay lumalabas ang legs ko. Hindi naman ako sobrang puti pero wala akong kahit isa mang peklat nakakapusyaw din ang kulay ng damit. Hindi ako makapaniwala sa naging itsura ko. Dahil sa suot ko hindi ko na makikilala ang sarili ko kahit pa siguro sila Sister Sandy at Mother Evette ay hindi nila ako makikila sa unang tingin lang. Medyo kita din ang ibabaw ng dibdib ko kaya tinataas ko din ng bahagya ang damit ko baka tuluyang bumaba ayoko namang makita ang cleavage ko. Hindi naman kasi kalakihan ang dibdib ko. Bukod doon pati sa likuran ay exposed din ang balat ko.“Wow!” Sabay-sabay na napanganga ang mga kasambahay namin kaya lalong namula ang pisngi ko nakaramdam ako ng hiya. Dahil hindi ako sanay na nakakakuha ng attensyon sa ibang tao.“Ang ganda niyo po!” Bulalas