登入Sobrang tagal na update 😭
Apolonia Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang mailang, dumadagdag pa roon ang ipinupukol na tingin ng mga taong nakakasalubong at nadadaanan namin, mahahalata kasi sa mukha ng mga ito ang paghanga kapag dumapo na ang tingin ng mga ito sa mukha ni Druskelle na talaga namang kahit na sino ay hindi mapipigilan na mapatingin sa direksyon nito, hindi lang sa mukha, maging sa tindig din nito at porma, 'yong iba nga ay napapa-second look pa at sinusundan ito ng tingin, pero kasunod din niyon ang pagtaas ng kilay ng mga babae at pagkadismaya 'pag napansin at napadako na ang tingin ng mga ito sa akin, lalo pa nga at tila magka-holding hands kami while walking dahil hindi pa rin nito inaalis ang pagkakahawak sa isang daliri ko. Panigurado, iniisip ng ilan sa mga ito na hindi kami bagay dahil sa halos perpekto na yatang hitsura nito, tapos ako heto na aminado namang hindi kagandahan pero lalong nagmumukhang yagit kapag nalapit at nadikit na rito, lalo pa nga at simpleng t-shirt lang ang
Apolonia "We'll take three of these and two bed frames as well," rinig kong turan ni Druskelle mula sa likuran ko. Natigil ako sa pagtingin sa foam na nasa harapan ko at kaagad na nilingon ito habang nakaturo pa ang daliri nito sa memory foam na naka-display at bed frame na kinapapatungan niyon. Automatic na tumuon ang tingin ko at nanlaki ang mata ko nang makita ang presyo ng nais nitong bilihin. Hala? Seryoso ba ito? Gusto ba nitong mamulubi ako? Magaan na hinila ko tuloy ang laylayan ng suot nitong t-shirt, binalingan naman ako nito kaagad. "What?" "Anong what ka riyan? Tatlo? Ba't tatlo? Ang dami naman no'n," mahinang sita ko. Narito kasi kami ngayon sa mall na pag-aari ng pamilya nito, paano nga ang naging bungad nito sa akin ay reklamo kaninang umaga, ang sakit daw ng katawan nito at hindi raw ito halos nakatulog nang maayos kagabi. Nagprisinta kasi ito na roon na lamang sa sala matutulog upang huwag na raw akong lumipat at makitulog kina Vi, ang nangyari tuloy ay ipina
ApoloniaPinigilan ko na maibuga rito ang kapeng nasa bibig ko.Luh? Ba't ako? Eh, nagbabakasyon din kaya ako!"Oo, mas mainam iyon, hijo. Hindi ka na maiinip dahil mag-isa ka lang at hindi ka rin mahihirapan sa paghahanap sa nais mong puntahan o maliligaw dahil may kasama ka na pamilyar talaga sa aming lugar," proud pang sulsol ni Popsy.Gusto kong tapukin ang sarili ko at magmuryot.Ba't kasi nagtanong pa ako, eh! 'Yan tuloy sa halip na nakapahinga lang ako, nagkaroon pa tuloy ako ng gagawin!Kainis! "Saan pala kayo tutuloy niyan, Druskelle? Nakapag-book na ba kayo ng hotel?" sunod na tanong ni Popsy."Actually, wala pa nga po," tugon nito.Napangiti ang tatay ko.Pero parang hindi ko gusto ang ngiti nito ngayon. I smell something kasi na hindi maganda sa susunod pa nitong sasabihin."Kung wala pa pala, bakit hindi na lang kayo rito tumuloy sa amin?" alok nito.Ayan nga, sinasabi ko na, eh!"Popsy! Saan sila matutulog dito?" pag-singit ko na sa usapan."Dadalaw po ako sa mga kamag-
ApoloniaTahimik lang ako habang kumakain at nakikinig sa masayang kuwentuhan ng aking ama, ni Druskelle at ni Kuya Macoy na siya palang tinutukoy ni Popsy na kasama raw ng amo ko."Hanggang kailan ba ang bakasyon mo, hijo?"Natigil ako sa pagnguya at napaangat ang tingin mula sa pagkain dahil sa narinig.Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Popsy at Druskelle.Bakasyon?"Hanggang sa sabado ho. Sa linggo ho ay babalik na kami sa Maynila," magalang na tugon naman nito.Pinakatitigan ko itong mabuti. Ang boss ko ba talaga ito? O may ibang espiritu na nakasapi rito?Sa pagkakatanda ko kasi base sa mga kuwento ni Draken ay wala sa bokabularyo ng pinsan nito ang magbakasyon o lumiban sa trabaho. Pero ano ang nangyari at magbabakasyon daw ito? At ang mas nakakagulat pa ay ang tagal, halos isang linggo itong mawawala sa opisina.Okay lang kaya ito? O baka naman may sakit ito at kinokumbulsyon?"Gano'n ba? Babalik na rin no'n itong si Apol sa Maynila, baka maaaring isabay ninyo na rin siya?"
ApoloniaNag-inat muna ako bago tuluyang bumangon at sinimulang lagpitin ang kumot at mga unan na ginamit ko.Nang matapos na ako ay binuksan ko naman ang bintana ng aking kuwarto, kaagad na gumuhit ang ngiti sa labi ko nang malanghap ang sariwang simoy ng hangin, huni ng mga ibon at ang ingay ng mga alagang manok ng kapitbahay na nagsisitilaukan.Nasa probinsiya na nga talaga ako at nakauwi na.Muli kong pinuno ng hangin ang dibdib ko."It feels good to be back home," pabulong na sabi ko habang nagmamasid sa bakuran namin. Ngunit nang maalala na kailangan ko nga palang maghanda ng umagahan para sa amin ni Popsy ay mabilis ang kilos na hinablot ko ang aking tuwalya at isinabit iyon sa balikat ko upang lumabas na ng kuwarto at makapaghilamos na muna.Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad at nagpupusod ng buhok papunta sa aming kusina.Medyo nagtaka man dahil hindi ko naabutan doon ang aking ama ay hindi ko na iyon masyadong pinansin pa, maaari kasing lumipat muna ito sa kabilang baha
ApoloniaMarahan na gumalaw ako bago hinatak ang mainit na bagay na hawak ko habang nakapikit at ipinatong doon ang kanan na pisngi ko, dahil sa init na nanggagaling doon at sa masarap na pakiramdam na ibinibigay niyon sa akin ay tila parang ihinehele at hinihila pa ako ng antok upang ipagpatuloy ang pagtulog.Ngunit kung kailan papaidlip na ako ay saka naman ako may narinig na mahinang ungol, kaagad naman na nangunot ang noo ko.Sino ba 'yon? May ibang tao ba sa kuwarto ko?Pero dahil inaantok pa talaga ako, sa halip na pansinin iyon at magdilat ng mga mata ay isiniksik ko ang pisngi ko sa mainit na bagay na hawak ko.Makalipas ang maikling sandali ay nagsimula ko na namang naramdaman ang init na ibinibigay niyon, unti-unti ay nagpalamon akong muli sa antok.Ngunit bago pa man ako tuluyang makatulog ay bigla namang gumalaw ang mainit na bagay na siyang kinapapatungan ng kanan na pisngi ko.Hindi ko na sana iyon papansinin pa at ipagpapatuloy na ulit ang naudlot na pagtulog ngunit hin
ApoloniaKaagad na dinampot ko ang telepono kong nasa mesa nang tumunog iyon at nang makita ang pangalan ng tumatawag ay pasimple akong tumingin sa pinto at bintana ng opisina ng boss ko na nakababa sa ngayon ang blinds. Dahil hindi naman ako nito nakikita at 'di ko rin ito nakikita ngayon ay mabil
ApoloniaUpang palubagin kahit papaano ang loob ko at upang makapag-concentrate ay isiniksik ko na lang sa isip ko na may pagkakataon pa naman ako mamaya, bukas o kaya ay sa mga susunod pang araw upang daldalin ito at tanungin, tutal naman ay nasa iisang kompanya kami at paniguradong mag
ApoloniaHindi ko mapigilang ma-distract sa mismong tao na nagtuturo at nag-e-explain sa akin sa mga dapat kong gawin lalo pa at ang lapit lang nito sa akin, amoy na amoy ko tuloy ang nanunuot sa ilong na nakakahalinang bango nito at natititigan ko ang mukha nitong kay sarap pagmasdan.Oh, Lord. Kun
Apolonia"Sure ka ba riyan, my loves? Hindi ba iyon scammer?" nag-aalalang tanong ni Vi sa akin nang sabihin ko ritong kinontak ko ang ginang na nangako kahapon na handa raw na tumulong sa akin at nakikipagkita ito sa akin ngayon."Hindi naman siguro...""Naku ka naman, my loves! Baka mapahamak ka







