Hindi makapaniwala si Hannah sa mga sinabi noong bata. Si Jared lang ang lalaking gusto niyang hawakan, hindi ang isang batang lalaking katulad niya. Si Jared nga, hindi niya mahawakan, ‘yong iba pa kaya? Napailing na lang si Hannah sa sobrang inis.
Bago pa man siya tanungin ay humindi na agad si Hannah.
“Hindi ko siya hinawakan sa kahit anong parte ng katawan niya. Nakasalubong ko lang siya at aksidenteng nasagi pero hindi ko intensyon iyon.”
“Lasing ka ba?” tanong noong pulis kay Hannah.
Sa mundong ito, kapag ang lalaki ay uminom ay ayos lang para sa iba, pero kapag ang babae na ang uminom ay maling-mali na iyon para sa kanila. Kahit konti pa iyon, basta uminom ang babae ay malaki na itong pagkakamali.
“Oo,” tumango si Hannah roon sa pulis.
“Gaano karami ba ang nainom mo?” tanong noong pulis kahit wala naman iyong kinalaman sa kung ano man ang nangyayari sa kanila.
“Isang bote ng beer,” sagot ni Hannah kahit na inis pa siya roon sa pulis.
Alam ni Hannah na hindi siya pinaniniwalaan noong pulis sa sinabi niya. Akala ni Hannah ay magiging testigo si Liane sa pangyayari pero nataon naman noong nasa ibabaw siya noong batang lalaki ay biglang nag-text si Liane na kailangan niyang bumalik sa ospital dahil may pasyente na raw ito, isang matandang babae.
Wala nang nagawa si Hannah kung hindi magpaliwanag na lang doon sa pulis.
“Hindi nga ako lasing, hindi ko pinagsamantalahan ang batang lalaki na iyan kahit alam kong lasing siya,” pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
Tumingin kay Erick ang pulis at tinanong itong maigi.
“Totoo bang hinawakan ka niya? Iho, ang lahat ng hindi nagsasabi ng totoo ay malalagot sa batas. Alam mo naman siguro iyan.”
“Oo naman, sigurado ako,” pagmamatigas ni Erick doon sa pulis.
Dahil sa inis ni Hannah ay hindi na siya nakapagtimpi. Tumayo na siya at akmang sasampalin si Erick, pero bago pa niya nagawa iyon ay biglang may dumating.
“Ate? Ate, nandito ka!” masayang sabi ni Erick.
Titingin pa lang sana si Hannah sa ate ni Erick at magpapaliwanag kung ano ang tunay na nangyari pero nagulat siya nang makita na may pamilyar na mukhang kasama ‘yong ate ni Erick. Nagandahan naman si Hannah ate ni Erick dahil isa itong kilalang model, si Jane. Kilala siya ni Hannah dahil iniidolo niya ito noon pa.
“Erick, ano bang nangyari sa’yo?’ tanong ni Jane sa kanyang kapatid.
Hindi sumagot si Erick, mas tinuon niya ang pansin kay Jared.
“Kuya Jared, ang aking bayaw! Nandito ka!”
Nanigas sa kanyang pagkakatayo si Jared dahil sa sinabi ni Erick sa kanya. Kita ang takot sa mga mata ni Jared pero lumamig ang mga tingin nito nang si Hannah na ang kausap niya.
“Hannah, sabihin mo nga. Ano ba talaga ang nangyari?”
“Bayaw, kilala mo ba siya? Loko-loko ‘yang babae na iyan eh. Kung saan-saan ako hinawakan!” sabi ni Erick kahit wala naman iyong katotohanan.
Dahil sa kanyang narinig mula kay Erick ay napatingin na lang si Hannah kay Jared. Ilang oras palang silang nagkahiwalay sa isa’t isa pero bayaw na agad siya ng ibang tao. Naisip ni Hannah na kaya pala bigla na lang siyang iniwan sa ere ni Jared ay para sa babaeng ito.
“Hannah, ako pala si Janw. Kapatid ako ni Erick,” nakangiting sabi noong babae, nagulat si Hannah dahil kilala siya noong babae.
E, sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa kanya? Matagal na siyang sunud-sunuran kay Jared kaya agad siyang makikilala ng mga taong nasa paligid ng lalaking pinakamamahal niya.
Pero, alam ni Hannah na kahit kailan ay hindi naman nag-krus ang landas nila. Ang huling nabalitaan niya kay Jane ay naaksidente ito kasama ang asawa niya. Akala nga ni Hannah e namatay si Jane dahil sa aksidente, hindi pala.
“Aksidente ko siyang nabangga kanina pero hindi ko naman ginawa ‘yong mga sinasabi niya kanina. Maniwala ka sa akin,” sabi ni Hannah.
“Alam ko, naniniwala ako sa’yo. Minsan talaga ay kung anu-anong ginagawa nitong kapatid ko,” sagot ni Jane kay Hannah.
Nagulat na lang si Hannah nang biglang lumapit si Jane kay Erick at sinampal ito, dalawang beses pa nga. Nagpaliwanag ito sa mga pulis at sinabi naman ng mga pulis na kailangan nila ng CCTV video para mapatunayan nila na hindi talaga nagsisinungaling si Hannah.
“Kung kilala niyo naman pala ang isa’t isa, maigi pa ay magkaroon tayo ng kasunduan dahil kung hindi ay makukulong ang batang ito rito dahil sa pagsisinungaling sa aming mga pulis,” sabi noong pulis.
Habang kinakausap sila ng pulis ay napansin ni Hannah na kakaiba ang mga hawak at tingin ni Jane kay Jared. Kilala ni Hannah si Jared, kahit kailan ay hindi ito payag sa kahit na sinong humawak sa kanya ng ganoon. Pero kay Jane, wala siyang reklamo. Doon pa lang ay alam na ni Hannah na may kakaibang namamagitan sa dalawa.
Magsasalita sana si Hannah pero agad siyang pinigilan ni Jared.
“Maliit na problema lang ito. Kalimutan mo na,” sabi ni Jared pagkatapos ay hinawakan si Hannahh sa kamay para umalis sila.
Grabe ang pagkakahawak ni Jared sa kanya, umabot na nga sa puntong sumasakit na ang kamay ni Hannah. Dahil sa mga ginawa ni Jared ay halatang-halata na nagseselos siya, pero hindi makapaniwala si Hannah. Bakit naman kasi niya pagseselosan ang isang bata?
“Hannah, dahil ba sa mga salita ko kaya ginagawa mo ito? Gumaganti ka ba sa akin, ha?” galit na sabi ni Jared.
“Ha? Hindi ko naman talaga ginawa-“ hindi na natapos ang sagot ni Hannah dahil sumagot agad si Jared sa kanya.
“Saan mo siya hinawakan? Hinawakan mo ba talaga siya?” kita na sa mga mata ni Jared ang galit na kanyang nararamdaman.
Dahil sa sinabi ni Jared, kahit paano ay natuwa si Hannah. Nalaman kasi niya na may paki pa rin pala si Jared kapag may hinahawakang iba si Hannah. Hindi naman kasi ito maaapektuhan nang ganoon kung wala lang ito sa kanya.
“No,” sagot ni Hannah.
Habang magkausap sina Jared at Hannah ay biglang lumabas si Erick. Tinawag niya si Hannah sa mayabang na paraan kaya nagulat ‘yong dalawa.
“Huy, babae! Bakit mo kinakausap ang bayaw ko?!” sigaw niya kay Hannah.
Napailing na lang si Hannah. Hindi naman kasi niya inaaway si Erick pero ‘yong batang lalaki na iyon ang away nang away sa kanya. Napatigil na lang sila nang maglakad na si Jane malapit sa kanila. Naalala na naman niya kung paano hinawakan ni Jane si Jared, dahil doon ay hinawakan ni Hannah si Jared sa braso pero ramdam niya na ayaw ni Jared ‘yon.
“Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo,” sabi ni Jane sa kapatid.
“Wala kang pakialam,” sagot naman ni Erick.
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka