Share

Chapter 2

Diana’s POV

“Goodbye, Ryan. I love you. Only you.”

Mula sa maliit na siwang ng kurtina, pinagmasdan ko si Ryan habang naglalakad itong papalayo sa apartment. Pilit kong inuukit sa aking isipan ang malungkot nitong pigura at agad akong nakaramdam ng labis na dalamhati.

Ang sakit. Parang pinipiga ang puso ko.

Hinayaan kong umagos ang aking luha. Akala ko ay naubos ko na ang luha ko kahapon, pero may natira pa pala ngayon. Ewan ko lang kung magagawa ko pang makabangon mula sa pighating nararamdaman.

Parang ang hirap. Parang imposible.

Kung nahihirapan ako, paano na lang si Ryan? Pumasok ako sa mapayapa nyang buhay at ginulo lamang ito. He doesn’t deserve all of this pain. Bakit kailangang mangyari ito sa aming dalawa? Pareho lang naman kaming nagmahal ah?

“Is he worth it?”

I didn’t need to look back to know it was Jade. Jade, my childhood friend. My ever-loyal friend.

“He is worth more than my everything.” I said under my breath.

Last year, nang sinabihan ako ng aking pamilya na ikakasal na ako sa susunod na taon ay tinanggap ko ang balita nang mahinahon. Pero, hindi ibig sabihin nito na gusto ko ito; I just couldn’t say no. In a rich family like ours, hindi pwede ang sumuway sa bawat sabihin ng mga nakatatanda.

My father has full control of my life. With my father’s instruction, my mother groomed me since birth to serve a single purpose- that is to get married into a rich household.

I learned arts, crafts, horseback-riding, ballet, and many more to increase my worth. I maintained good grades and was taught proper etiquette.

All of my parents’ investment on me paid off. The Compton family eventually asked my hand for marriage. I was deemed good enough.

The finalization of the arranged marriage was a joyous occasion for the family. Everyone was in high spirits, except me.

Because I don’t like Brandon Compton, my fiancé. He was arrogant, narcissistic, and cruel.

Yes, cruel. Nasa iisang high-school kami noon. Si Brandon ang pinaka-popular na estudyante at sa last year nito ay tumayong Student Council President pa.

May isa pa itong identity na kinatatakutan ng marami. Siya ang pinakamatinding bully sa school namin. Marami sa mga nakaalitan nito ang muntik na nitong lumpuhin sa gulpi. May iilang babae rin na dinaan nito sa dahas.

Nagbubulag-bulagan lang ang mga guro dahil nga isang Compton si Brandon. Ang mga Compton ang pinakamayaman sa aming siyudad. Hawak din nila sa leeg ang maraming politiko. Sa madaling sabi, napakalawak ng kanilang impluwensya sa larangan ng negosyo at pulitika.

Mas malawak pa sa impluwensyang hawak ng mga Miller, ang aking pamilya.

Dahil nakataga na sa bato ang aking kasal ay wala na akong magagawang kahit ano. Wala nang atrasan. Mabuti na lamang at may isang taon pa ako para sa aking sarili.

I was never rebellious. But just this one time, I demanded that I be allowed to choose where to go for college. Just a year, then I’d go back home to get married. Ito ang pangako ko sa aking ama at ina.

I chose a backward city and a third-rate university to enroll. It was the farthest place from home that I could find which my family had the least influence of. Of course, hindi pumayag ang pamilya ko sa hiling ko. They refused saying na hindi mabuti ito para sa imahe ng pamilya, but I was prepared. Sinabi ko na I’ll enrol myself using a fake name.

Hindi ko gagamitin ang tunay kong pangalan na Nadia Miller.

That settled most of my family’s concerns but they were still hesitant. It was Jade, my ever loyal friend, who eventually convinced them, albeit reluctantly.

“We’ll go together. I’ll watch over Nadia.” She assured my family.

I’ve known Jade since we were little. Our families have been friends for three generations. The Millers and The Adlers are tied to the hip.

Our great-grandfathers were comrades in the great war decades ago, and built together businesses that have grown big and successful today.

The day we arrived at Dumaran City, Palawan to start a year of wonderful college, I felt free for the first time.

Malayo na sa pressure ng pamilya, ang ganda pa ng mga tanawin.

“Thank you, Jade.” Hinawakan ko ang kamay nya at nagpasalamat.

“Isang taon, Nadia. Isang taon kitang sasamahan sa kabaliwan mo. Gawin natin lahat ang mga hindi pa natin nagawa noon.”

Hindi sumagi sa isipan ko nang mga oras na iyon na mararanasan ko ang maraming “una” sa buhay ko sa lugar na ito.

Higit sa lahat, dito ko naramdaman kung paano umibig. Dumating ito sa buhay ko nang hindi inaasahan- sa katauhan ni Ryan.

Guwapo, matangkad, at masayahing tao. Mabait din ito at magalang. Ang unang nakapukaw ng atensyon ko ay ang makinang nyang mga mata na punong-puno ng buhay at pag-asa.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng hirap na pinagdadaanan nya ay nagagawa pa rin niyang ngumiti nang tagos sa puso, yung walang pag-aalinlangan.

“Interesado ka ba sa kanya?” Si Jade ang unang nakapansin sa kakaibang ikinikilos ko kapag nandyan si Ryan. May isang subject kami na magkaklase kaming tatlo- ako, si Jade, at si Ryan. Palagi akong nahuhuli ni Jade na nakatitig kay Ryan.

“Maybe. I don’t know.” Maging ako ay hindi alam kung ano ang nararamdaman ko kay Ryan at that time.

“Go, girl. Remember, isang taon lang tayo to try new things. This time, subukan mo kung paano ma-in love nang totoo.”

Jade made it possible for Ryan to notice me. She became our matchmaker. Kaya lang, kahit gwapo ay may pagka-torpe si Ryan.

Ang dami nang pagkakataon na sinayang nito, mga pagkakataong sinadya ni Jade na kami lang sanang dalawa ang magkasama sa iisang lugar. Unfortunately, ang gwapong si Ryan ay hindi marunong dumiskarte.

Kaya naman nang sa wakas ay nagkaroon na ito ng sapat na lakas ng loob upang magtapat ay hindi ko na pinahirapan pa. Sinagot ko na agad.

Sa simula, wala akong masyadong expectations sa relasyon namin ni Ryan. Ano nga ba ang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon?

Hindi ko inaasahan na mahuhulog nang tuluyan ang loob ko sa kanya. Sa huli, ang hirap nang bumitaw. Ang hirap nang iwanan siya. Pero kailangan.

Makapangyarihan ang pamilya ko. At ang mga Compton, hindi nila matatanggap na may naging karelasyon akong iba. Ang mas kinatatakutan ko ay kung makaabot ang balitang ito kay Brandon. Malupit itong tao. Sigurado akong mapapahamak si Ryan kapag nagkataon.

Ayokong may masamang mangyari kay Ryan dahil mahal na mahal ko siya.

Kaya naman mas pinili kong makipaghiwalay sa kanya sa pinakamalupit na paraan. Ayokong bigyan pa siya ng katiting na pag-asa at baka ikapahamak lang nya ito.

Di bale nang masaktan siya sa ganitong paraan kaysa malagay sa peligro ang buhay nya nang dahil lang sa pagmamahal nya sa akin.

Tama. Tama lang itong ginawa ko.

Habang tanaw tanaw ko sa huling sandali si Ryan, narinig kong muli ang boses ni Jade.

“Naisip mo na ba kung paano mo haharapin si Brandon kapag kinasal kayo?”

“What do you mean?”

“My God Diana, binigay mo ang virginity mo kay Ryan! There’s no way that Brandon wouldn’t know about it on your first night. You were really crazy you know that? And I am even crazier for agreeing with your plan.”

Napabuntung-hininga ako. Brandon is a cruel man. At sa dami ng mga babaeng pinaglaruan niya, alam kong mahirap itong lokohin.

“I know, Jade. I’ll think of a way to fool him.”

Though hindi naman talaga ako siyento-porsiyentong sigurado, nagsisimula na rin akong kabahan.

Alam kong dahil sa ginawa ko ay maaaring mas maging komplikado ang sitwasyon ko pag-uwi ko sa amin. Pero wala nang dapat pagsisihan pa dahil nagawa ko na. At sa totoo lang, wala naman talagang dapat pagsisihan.

Ginusto ko ito. I wanted Ryan to be my first man, even though malabo na siya ang maging huling lalaki sa buhay ko.

Babaunin ko ang mga magagandang alaala at pakakaingatan ang sikretong ito sa nalalabing hibla ng buhay ko.

Kahapon, nang magdesisyon ako na putulin na ang ugnayan namin ni Ryan, sinadya kong magpasundo kay Troy na pinsan naman ni Jade.

Si Troy ay mas bata nang dalawang taon sa amin ni Jade, pero dahil malaking tao ito, ay madalas napagkakamalan itong nasa kolehiyo na. Nais ko na mapagkamalan ni Ryan si Troy na fiancé ko para naman mapagtanto nya ang tunay na agwat ng estado namin.

Lumipad si Troy at nakipagkita sa akin para bigyan ako ng babala na nakakaabot na sa aming pamilya ang bali-balita tungkol sa pagkakaroon ko ng karelasyon dito.

Bago pa ako mahuli ay pinayuhan nya ako na tapusin na ang lahat. Sa totoo lang ay hindi ako handa. Ang akala ko ay may ilang buwan pa akong natitira. I wanted to break the news to Ryan gently. Yun sana ang gusto ko, pero dahil sa wala na ngang panahon pa ay kinailangan kong maging marahas.

Seeing Ryan cry broke my heart. But I had to hold my tears off. Gusto ko siyang aluin at yakapin pero kapag ginawa ko iyon ay siguradong mawawalan na ako ng lakas ng loob na bumitaw pa sa kanya.

Pagkahatid ni Troy sa akin sa apartment ay doon ko naramdaman na parang pinagsakluban ako ng buong mundo. Ang sakit pala kapag wala kang magawa kung hindi ang magkunwaring hindi mo na mahal ang isang tao.

Panay ang iyak ko, lalo na kapag naiisip ko na iyon na ang huli naming pagkikita ni Ryan. Then sa gitna ng pagdadalamhati ko ay may biglang pumasok na ideya sa aking isipan. Isang mapangahas na ideya.

Tutal ay wala na akong magagawa pa dahil nakataga na sa bato ang pagpapakasal ko kay Brandon Compton, sa isang taong hindi ko mahal. Baka naman sa huling pagkakataon ay pwedeng ibigay ko ang aking buong sarili sa talagang karapat-dapat sa akin?

I asked Jade to help me with my plan. Of course, she refused and told me I was crazy. But I told my friend that I would die if I let go of this chance. Nagmakaawa ako sa kanya.

In the end, she was forced to agree to my unreasonable request.

So tinawagan nya si Ryan at pinapunta sa bahay. Ako naman ay nandoon lang sa loob ng kwarto ni Jade at nagtatago, habang dinig na dinig ko ang usapan nila habang nag-iinuman. Parang dinikdik ang puso ko nang pinong-pino sa bawat masasakit na salitang binibitawan ni Ryan.

I couldn’t blame him for feeling that way. Wala akong karapatang magtanim ni katiting na sama ng loob dahil totoo namang nasaktan ko siya ng sobra. Ginawa ko siyang parang tanga, pinaikot-ikot sa aking mga palad.

Naghintay ako na talagang malasing siya bago ako lumabas sa kwartong pinagtataguan ko. Mabuti na lang at mababa ang alcohol tolerance niya at ilang oras lang ay lango na ito sa alak.

Sa loob ng kwarto, binigay ko sa kanya ang buo kong pagkatao. Hindi ko alintana ang kirot na dulot ng pagkabasag ng aking pagkadalaga. Umindayog ako sa ibabaw nya at nagpakasasa sa nakaw na sandaling iyon.

Labis ang tuwa ko na sa gitna ng kalasingan nya ay namukhaan pa rin nya ako. Sinabi kong mahal na mahal ko siya, na siya ang buhay ko, na sa kanya ako nang buong gabi na iyon.

Wala akong pinagsisisihan. Kung meron man, ay kung bakit ngayon ko lang ito ginawa.

Tahimik na napailing na lang si Jade. Alam ko na alam nya kung ano ang iniisip ko “I know I should have done my best to stop you.”

“You did your best, Jade. And thank you.” I said simply.

“Para saan?”

“For going crazy with me.” I smiled.

“Sira.” Napatawa ito at lumapit sa akin.

Niyakap nya ako nang mahigpit. At doon na umagos nang tuluyan ang lahat ng luha ko. Hindi ko na pinigilan pa at inilabas ko na ang lahat ng sakit, sama ng loob, at pighati. Umaasa ako na ito na ang huli kong pag-iyak sa iyo, Ryan.

Hindi ako nagsisisi na binigay ko ang pagkababae ko sa iyo na ilang taon kong iningatan. Sana, makatagpo ka ng babaeng mamahalin ka ng tunay. Hindi katulad ko na nakatali na ang tadhana sa isang tao.

Today, I’m going back home. Iiwan ko na ang naging buhay ko dito sa Dumaran, Palawan. Iiwan ko rin ang buhay estudyante ko sa Northfield University.

At higit sa lahat, iiwan ko ang aking puso, ang aking una at huling pag-ibig.

Ryan, aking mahal… Paalam.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status