Share

CHAPTER 4

“SIRA ULO talaga ang pinsan ko, magdadala ng napakagandang babae dito sa party pagkatapos, iiwan lang mag-isa?” Dinig ni Natalia na sabi ng lalaki nang lapitan siya nito saka ngumisi sa kanya, “By the way, I’m Dean. Matt’s cousin,” may pagkapreskong sabi nito sa kanya.  Kung idedescribe niya ang kilos at pananalita nito ay para itong batang version ni Robin Padilla.  Palagay niya ay nasa 30’s lang din ito, chinito, matangkad at guwapo ring gaya ni Matt.

            Tipid na ngiti lang ang isinukli niya dito, ni hindi niya ibinigay ang pangalan niya.  Bahagya pa siyang umisod palayo rito para iparamdam na hindi siya interesadong makipagkwentuhan dito.

            Umisod naman palapit sa kanya ang lakaki, “Bakit ba parang takot na takot ka, hindi naman ako sira ulo.  Kung merong dapat katakutan ditto pagdating sa pagiging babaero, si Matt iyon, hindi ako.” Nakangiting sabi nito sa kanya saka nilingon ang kinaroroonan ni Matt, “Tingnan mo oh, isinama ka dito pagkatapos, ibang babae ang kausap?”

            Napatingin siya sa kinaroroonan ni Matt.  Isang matangkad at magandang babae ang kausap nito.

            “That’s Elena,” mahinang sabi ni Dean sa kanya, “Patay na patay ‘yan sa pinsan ko, to the point na lahat ng babaeng nagiging girlfriend ng pinsan ko, inaaway nya.”

            “Hindi ko boyfriend si Matt.  Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa lugar na ito, wala akong ideya.”

            Kumunot ang nuo nito.

            Napahinga siya ng malalim.  Ayaw naman niyang idetalye pa rito ang tungkol sa pagkakautang ng Papang niya, “Mahabang kwento basta kung ako lang ang masusunod, gusto ko ng umuwi at magpahinga!”

            “Why? Ngayon pa lang nag-uumpisa ang gabi. By the way, hindi mo pa binibigay ang pangalan mo?”

            “Natalia,” matabang na sagot niya.  Ano ba talaga ang papel niya sa party na ito? Bakit sinamasama pa siya ng lalaking iyon ditto eh hindi naman pala nito kailangan ang presence niya? Palihim niyang sinipat ang babaeng kausap nito.  Chinese din at halatang mayaman.  Sabagay, wala naman yatang hindi mayaman dito.

            “Love your name. It suits you,” anitong waring may ibig ipakahulugan ang mga mata habang nakatingin sa kanya, bahagya pa nitong idinikit ang bibig sa tenga niya kaya naitulak niya itong palayo.

            Magwa-walk out na sana siya ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso niya, “Sa lahat ng ayoko, iyong napapahiya ako!” Inis na sabi nito, waring na-trigger sa ginawa niya.  Ipiniksi niya ang braso niyang hawak nito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

            Kaya ang laking gulat niya nang bigla na lang itong sinapak ni Matt.

            Nabitiwan siya ni Dean at natumba ito.  Biglang nabaling ang atensyon ng lahat sa kanila. 

            “God, ke bago bago mo lang dito, nagdala ka kaagad ng gulo?” Dinig niyang mataray na sabi sa kanya ng isang babae saka nilapitan nito si Dean, “Stop it Matt!  Kung hindi mo kayang bantayan iyong babae mo, ‘wag mong dalhin ditto!” Sigaw nito sa kanya.

            Madilim ang anyong hinila siya paalis ni Matt habang tinatawagan nito ang driver sa phone, “We’re leaving!” sabi nito saka isinilid na sa bulsa ang cellphone at tumingin sa kanya, “Iniwan lang kita sandali nag-entertain ka na kaagad ng ibang lalaki?” Sita nito.

            Nagpanting ang mga tenga niya.

            “Huwag mong gamitin sakin ang mga salitang ýan dahil hindi ako kagaya ng mga babaeng nakikilala mo. In the first place, bakit mo ba ako dinala dito?” Yamot na sagot niya.  Pumarada ang limousine sa tapat nila, pasalya siyang isinakay ni Matt sa loob ng sasakyan.  Ramdam niya ang galit nito.  Wala siyang kasalanan sa nangyari. Sadyang bastos lang ang pinsan nito.  Sabagay, ano pa ba ang aasahan niya sa angkan ng mga ito na sagana nga sa pera ngunit mukhang hindi naman pinalaki ng maayos ang pag-uugali.

SINO ANG BABAENG IYON?  Hindi na lamang selos ang nararamdaman ni Elena ng mga sandaling iyon.  Nababalot siya ng galit habang sinusundan niya papalayo si Matt kasama ng babaeng dinala nito.  Ewan kung bakit sa lahat ng nakita niyang kasama ni Matt ay sa babaeng iyon siya parang kinakabahan.

            Malakas ang pakiramdam niyang hindi lang iyon isa sa mga flavor of the month ni Matt.  Nakita niya kung paano nito tingnan ang babae.  Ibang-iba sa mga babaeng dinadala nito.  Ngayon rin lang siya nagselos ng ganito katindi.

            Besides, never pang nanapak si Matt ng dahil lang sa isang babae.  What’s with that woman?  Ano bang papel ng babaeng iyon sa buhay ni Matt?  Kailangang uliratin niya ang tungkol sa babaeng iyon.  Hindi pwedeng masira ang mga plano niya.

“HINDI MAGBIBIGAY NG MOTIBO SAIYO si Dean kung di ka nagpahiwatig!” Galit na sabi ni Matt sa kanya nang makarating na sila sa bahay.  “Nung umpisa pa lang na nilapitan ka nya, sana nilayuan mo na siya kaagad.  Sana nilapitan mo ko kaagad!”

            Hindi siya makapaniwala na siya ang sisihin nito sa kabastusan ng pinsan nito.

            “Pakiulit nga ng sinabi mo? Ako, magbibigay ng motibo sa kanya? Hah, hindi kami mayaman pero hindi ako kagaya ng mga babaeng dinadala mo. Saka kasalanan ko ba kung bastos ang pinsan mo? Saka tenga nga, magkalinawan nga tayo, bakit mo ba ako dinala dun in the first place eh mukang di mo naman kailangan!  Hindi ba, babae naman na ang lumalapit saiyo!”

            “Kung anuman ang motibo ko sa pagdadala saiyo dun, ako na lang ang nakakaalam,” anitong titig na titig sa kanya, “Gawin mo lang ang trabaho mo.  Wala kang karapatang kwestyunin kung ano ang mga dahilan ko!” Hinawakan nito ang isang braso niya, “Tandaan mo, hanggang di naibabalik ng tatay mo iyong inutang niyang 70 million, sa akin ka!” Anitong tiningnan siya mula ulo hangga paa, “Sa akin ang katawan mo, pati na rin ang kaluluwa mo!”

            Kinilabutan siya sa sinabi nito lalo na nang tingnan siya nito na parang binabalatan.  Nanginig ang kanyang mga kalamnan.  Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha.  “Napakasama mo.  Mas masahol ka pa sa demonyo!” sigaw niya rito.

            Hindi ito sumagot sa halip ay tinalikuran na siya nito.

            Tuluyan na siyang napaiyak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status