Share

CHAPTER 5

“DAMN, wala akong magawa.  Saan ako kukuha ng 70 million pesos?” Parang wala sa sariling sabi ni Timothy habang nakatitig sa kawalan, tangan ang isang bote ng beer, “Pakiramdam ko, wala akong kwentang boyfriend!”

            Nilapitan ni Dela ang kaibigan, “Maiintindihan naman siguro ni Natalia ang sitwasyon mo, Tim.  Alam naman nya na wala kang ganun kalaking pera.”

            “Kung tutuusin, kapag ibenenta ko itong property ko, at humingi ako ng tulong kina Mommy, baka makabuo ako ng 70 million pesos.  Pero alam mo naming hindi gusto nina Mommy si Natalia.  Besides, parang ang hirap I-give up nitong bahay ko.  Alam mo naman kung anong paanong pagtratrabaho ang ginawa ko, maipatayo ko lang itong bahay na ito.”

            “Alam ko, saka ang estimation ko sa bahay na ito, nasa twenty million lang, hindi pa rin sapat.  At palagay mo, magpapautang ang parents mo saiyo?” May pait sa mga labing napangiti ito, “Hindi si Natalia ang pangarap nilang makatuluyan mo, Tim.” Halos paanas lang na sabi ni Dela habang titig na titig sa kanya, “Hindi ko naman sila masisisi kung bakit ayaw nila sa kanya.  K-kung tutuusin, simula nang maging girlfriend mo siya, nadadamay ka na sa mga problema nya.  Tim, may sarili ka ring buhay.  May sarili ka ring mga pangarap.”  Paalala nito sa kanya.

            Hindi makapaniwalang napatitig siya kay Dela, “Bestfriend mo si Natalia, bakit mo ‘yan sinasabi sakin?”

            “Dahil maski ako napapagod na rin!  Matagal ring panahon na sinikil koi tong nararamdaman ko para saiyo, Tim!  Hinayaan kong maging kayo dahil alam kong sa kanya ka magiging maligaya.  Kahit ang sakit-sakit para saking makita kayo.  But damn,  gusto ko ng maging selfish.  Gusto ko namang maging masaya lalo pa at alam kong puros problema lang naman ang dinadala ni Natalia sa buhay mo.”

            “Dela. . .”

            “Ako na lang, Tim.  Tutal, ako naman ang gusto ng parents mo para saiyo, hindi ba?” Nagsusumamong sabi nito sa kanya.

            Hindi niya alam ang isasagot.  Mga bata pa lamang sila ay magkakaibigan na sila nina Natalia.  Nakilala niya si Natalia dahil kay Dela.  Magka-kaklase kasi ang mga ito elementary to high school.  At ito ang itinuturing na bestfriend ni Natalia, samantalang siya naman ang itinuturing na bestfriend ni Dela.

            Galing sa may sinasabing pamilya si Dela.  May mga maliliit na negosyo ang mga magulang nito, at may malaking patahian ng mga damit sa Taytay Rizal.  Ito talaga ang gusto ng parents niya para sa kanya dahil bukod sa kaibigan ng mga magulang niya ang mga magulang ni Dela, alam ng mga itong lulong sa sugal ang tatay ni Natalia at ito lahat ang pumapasan ng mga dala nitong problema.

            Hindi siya nakakibo nang siilin siya ng halik ni Dela.  Hindi siya tumutol pero hindi rin niya alam kung nagugustuhan ba niya ang mga halik nito dahil nang mga sandaling iyon, si Natalia pa rin ang nasa isip niya.

ANG LAKAS NG KABOG ng dibdib ni Natalia habang nakatingin sa terrace ng kanyang inuukupahang silid.

            Binuksan niya iyon.  Tantiya niya ay mga limang kumot ang kakailanganin niyang pagdugtong-dugtungin para makababa siya duon.  Napasulyap siya sa mga kurtina, sa bed sheets at sa kumot na ginagamit niya.

            Kailangan kong makatakas.  Hindi ko hahayaang maging alipin ako ng bwisit na lalaking iyon.  Bahala na.  Siguro nga ay tama si Timothy.  Panahon na para isipin ko naman ang sarili ko.

            Napaiyak siya nang maalala ang kanyang mga kapatid.  Kaya ba niyang pabayaan ang mga ito?  Kaya ba niyang tikisin ang kanyang pamilya?

            Maya-maya ay narinig niyang may kumakatok sa kuwarto.  Mabilis niyang isinara ang pintuan sa terrace at kabadong binuksan ang pintuan. 

            “Pinalalabas ka na ng kuwarto ni Sir para mag-almusal,” sabi ng matabang babaeng mayordoma na napag-alaman niyang Aida ang pangalan, “Kaya lumabas ka na!” sabi nitong bahagya pa siyang inirapan bago talikuran.  Nuong una pa man ay halata na niyang inis ang matanda sa kanya at hindi niya alam kung bakit.

            “Pakisabi na lang po, hindi ako nagugutom!” Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang isinara ang pinto ng kanyang kuwarto at nagmamadaling tinanggan ang mga kurtina at pinagdugtong-dugtong iyon, pati na rin ang kumot niyang ginagamit.  Tiniyak niyang mahigpit ang pagkakatali ng mga iyon.  Nangangatal ang kanyang mga kamay habang ginagawa iyon, pero wala ng atrasan ito.  Kailangan niyang makawala ditto or else mabubulok na lamang siya habang buhay dito dahil alam niyang gustuhin man ng pamilya niya or ni Timothy, wala itong mapagkukuhanan ng 70 million pesos para ipamtubos sa kanya.

LUMAPIT kay Matt ang body guard niyang si Rigor, “Sir. . .” anitong ibinigay ang cellphone sa kanya.  Nag-iba ang anyo niya nang mula sa camera niyon na kontektado sa lahat ng cctv sa mansion ay nakikita niyang hirapang bumababa si Natalia sa terrace ng silid nito gamit ang pinagdugtong-dugtong na mga tela.

            Akmang raradyuhan na ni Rigor ang kanyang mga security guard ngunit ikinumpas niya ang kanyang isang kamay bilang senyales na huwag muna nitong bigyan ng authority ang mga itong pigilan sa pagtakas si Natalia.

            Nag-eenjoy pa siyang panuorin ang dalaga sa ginagawa nito.  Gusto kong matawa sa ginagawa mo.  Sa akala mo ba ay matatakasan mo ako?  Pinahihirapan mo lang ang sarili mo, Natalia. . .

            Dahan-dahan itong tumakbo at nagkubli sa matataas na mga halaman, as if walang ibang nakakakita dito.  Napangisi siya.  “Go ahead, ipadampot mo na siya sa mga tauhan!” Utos niya kay Rigor.

NAPATUNGO si Natalia nang dalhin siya ng mga tauhan ni Matt sa harapan nito.  “Iwan nyo na kami,” dinig pa niyang sabi nito sa mga ito saka isinara ang pinto ng library.  Napasinghap siya nang idikit nito ang mga labi sa kaliwang tenga niya, “Sa akala mo ba makakatakas ka? Bawat galaw mo, nakabantay ang mga tauhan ko kaya nagpapagod ka lang sa ginagawa mo!”

            Itinulak niya ito, “Hayup ka! Demonyo ka! Pakawalan mo na ko!” Galit na galit na sigaw niya, “Hayaan mo na akong makauwi sa amin.”

            “Ibalik mo ang 70 million pesos na inutang ng father mo, papakawalan kita!”

            Nilapitan niya ito at pinagpapalo sa dibdib Nagdidilim na ang buong paningin niya sa sobrang galit kaya nawala na ang takot niya ditto.  “Hayup ka, hayup ka!!!!”

            Ilang sandali lang itong nakatayo.  Mas napipikon siya dahil hindi ito kumikibo kaya dinuraan niya ito sa mukha, “Nakakasuka ka!” Sigaw niya rito.  Mukhang natrigger ito sa ginawa niya, marahas siya nitong hinawakan sa braso at hinila pahiga sa kama.  Ang lakas-lakas nito kaya parang balewala lang ditto lahat ng sipa  at hampas na ginagawa niya.

            Ramdam niya ang galit nang siilin siya nito ng halik sa kanyang mga labi habang ang kamay nito ay abala sa pagpunit ng kanyang kasuotan.  Sa umpisa ay mapusok ang mga halik nito, waring leon na gutom na gutom at nang makakita ng pagkain ay kaagad na sinagpang ngunit biglang naging malumanay nang malasap ang sarap niyon.

Tumutulo ang mga luha niya habang ginagawa nito iyon sa kanya. Pakiramdam niya ay nanunuot hanggang sa kanyang mga buto ang ginagawa nitong paghalik habang ang mga kamay nito ay marahas na dinadama ang kanyang h***d na katawan.

            Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong bumabalot sa kanya ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay unti-unti nitong pinapayapa ang katawan niya. Kakatwang waring unti-unti siyang tinatalaban ng ginagawa nitong pagromansa sa kanya.

            Ngunit nang maalalang isa itong kalaban ay kaagad na bumalik ang galit na nararamdaman niya.

            “Bitiwan mo kong hayup ka!” Sigaw niya nang bumaba ang mga labi nito patungo sa kanyang dibdib.  Bahagya pa siyang napasinghap nang maramdamang sinupsop nito ang kaliwang dibdib niya.  Pakiramdam niya ay nagtatalo ang sarap at galit sa kanyang damdamin kaya nagulat siya nang itigil nito ang ginagawa at bumangon.

            Matalim ang mga matang tiningnan siya nito saka nagmamadali nang lumabas ng kanyang kuwarto.

           

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status