Share

Chapter 2: P.1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-08-19 22:51:03

Humarap si Clarisse kay Alejandro at nagkunwaring nagbibirong nagpakita ng mukha, “Nagkamali na naman ng pagkaunawa si Andrea. Aayusin ko na ‘to, kakausapin ko siya agad!”

“Wala namang kailangang ipaliwanag. Sobrang sensitibo lang talaga siya,” sagot ni Alejandro malamig ang tinig.

Walang bahid ng emosyon ang mukha ng lalaki. Saglit siyang tumingin sa kalahating piraso ng birthday cake na iniwan ni Andrea, saka bahagyang kumunot ang noo.

Sa huling sandaling nagsalita si Alejandro, napabuntong-hininga ng ginhawa ang lahat ng nasa paligid niya.

Umalis si Andrea na galit na galit, at parang wala lang iyon sa kanila.

May mga sumang-ayon agad, “Nagtatampo lang si Ate Andrea. Balikan lang siya ni Alejandro at lambingin, ayos na ’yon.” wika ng isang bisita.

“Oo nga, hindi naman niya kayang makipaghiwalay kay Alejandro. Alam naman ng lahat na muntik na siyang mamatay nang isilang niya ang mga anak nito.” bulalas ng isa pa.

“Baka pagsisihan niya agad ’yan pagkalabas pa lang ng pinto!”

“Sige na, kain na tayo ng cake! Pag-uwi ni Alejandro, sigurado akong nakatayo na si Andrea sa may pintuan, hinihintay ang asawa niya!” may pag-aalalang wika ng isa.

Lumuwag ang pagkakunot ng noo ni Alejandro. Sa isip niya, tanaw na niya si Andrea na nakatayo sa may pintuan, tahimik, may kaba, at pilit siyang nilalambing.

Masaya namang kinakain ni Liam ang cake na inabot sa kanya ng kanyang Tita. Puno ng icing ang bibig niya, halos manhid na ang dila sa tamis, pero hindi siya nagreklamo.

Sa isip ng bata, ang sarap pala sa pakiramdam na parang hindi na siya iniintindi ng sarili niyang ina.

Pagkatapos ng birthday party, nakaupo si Alejandro sa loob ng sasakyan, nakapikit habang nagpapahinga. Ang liwanag mula sa bintana ay patlang-patlang na tumatama sa kanyang mukha.

“Daddy... Makati po ako...” bulong ni Liam, parang kuting na mahina ang tinig.

Binuksan ni Alejandro ang kanyang mga mata at agad na pinailawan ang ilaw sa ibabaw niya. Bumungad sa kanya ang namumulang mukha ni Liam, hindi ito mapakali, at patuloy sa pagkamot ng katawan habang hingal ang paghinga.

Agad niyang pinigilan ang kamay ng bata at nakita ang leeg nitong puno ng mapupulang pantal.

May alerhiya si Liam.

Nanatiling walang bahid ng emosyon ang mukha ni Alejandro. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Andrea.

Nag-ring ang tawag, at nang akmang magsasalita na siya, isang malamig na boses ang sumalubong mula sa kabilang linya:

"Ang numerong iyong tinatawagan ay pansamantalang nakapatay.”

May biglang umalimbukay na galit sa makitid na mga mata ng lalaki. May alerhiya ang bata at wala man lang pakialam siyang pakialam? Bulong nito sarili.

Mariin ang utos niya sa tagapag-maneho, "Bilisan mo. Bumalik tayo sa Villa!" aniya, nang may matigas na boses.

Pagkauwi nila, buhat-buhat pa rin niya si Liam.

Mabilis na tumingin si Alejandro sa may pintuan, tila ba umaasang nandoon si Andrea gaya ng nakasanayan, ngunit wala. Walang kahit aninong naghihintay sa kanya.

Agad na lumapit ang mayordoma at natarantang tinanong, "Anong nangyari sa bata boss?" 

"Inatake ng alerhiya" malamig at maikling tugon ni Alejandro habang inaalis ang kanyang sapatos.

"Bakit siya inatake ng allergy? Napakaingat ni Madam sa kinakain ng bata," tanong muli ng mayordoma, may halong pag-aalala.

"Nasaan si Andrea?" tanong ng lalaki, hindi man lang huminto sa paglalakad habang buhat si Liam papasok sa sala.

"Nasa bahay po ng mga magulang niya si Madam, kasama si Liana. Doon muna sila magpapalipas ng gabi." anito.

Lalong tumalim ang anyo ni Alejandro. Sa ganitong pagkakataon pa talaga naging makitid ang loob ni Andrea? Galit muli nitong pag-iisip.

Akala ba ni Andrea na kung wala siya sa pamilya Tolentino, mapipilitan ako na habulin siya at pakiusapan na bumalik? Mas lalong lumalim ang pag-iisip nito.

"Nasaan ang gamot sa allergy?" tanong niya sa mayordoma.

Bagaman walang gaanong emosyon sa boses ni Alejandro, dama ng mayordoma ang matinding bigat at awtoridad sa bawat salita niya.

"Hindi ko po alam," sagot ng mayordoma rito, bahagyang nanginginig sa tensyon.

Napabulalas ang mayordoma, at agad niyang nakuha ang malamig na tingin ni Alejandro.

Napaatras siya at bahagyang yumuko, saka mahinang paliwanag, "Ang Madam po ang namamahala sa kahon ng mga gamot." 

Dahil sa nangyari noon, na hindi naitago nang maayos ng mayordoma ang bote ng gamot at muntik ng mapahamak sina Liam at Liana matapos mapagkamalang kendi ang iniinom nilang bitamina, si Andrea na mismo ang nagkusang humawak sa kahon ng mga gamot.

Kayat simula noon, si Andrea na ang nag-ingat nito para maiwasan ang anumang aksidente. Kaya ngayong wala si Andrea sa bahay, wala ni isa ang nakakaalam kung nasaan ang gamot ni Liam.

Maging ang mayordoma ay walang alam sa lalagyanan nang mga gamot, kaya't ang tanging naisip na lamang nito ay tawagan si Andrea.

Dahil sa nangyari noon si Andrea pa ang napagalitan ng kanyang biyenan. Simula noon, mahigpit niyang ipinagbawal sa mayordoma huwag na muling hawakan ang kabinet ng gamot.

Makalipas ang isang oras, dumating ang pangunahing doktor ng kanilang pamilya at binigyan ng iniksyon si Liam. Unti-unting nawala ang mga pantal sa katawan ng bata.

Lupaypay na nakahiga si Liam sa kama ng mga bata, hawak-hawak ang kumot habang pilit itinatago ang mga luha sa kanyang mga mata.

Tahimik lamang siyang nakatingin sa kisame, takot na takot kahit hindi umiiyak.

Sa tabi niya, nakatayo si Alejandro, matikas, nakaakbay ang mga braso sa dibdib, at tila isang punong pino sa tigas ng tindig.

Malamig ang kanyang presensya, at ang bigat ng kanyang aura ay tila bumabalot sa buong silid. Napayakap nang mahigpit si Liam sa kanyang kumot, parang gusto niyang magtago roon, mailayo lang ang sarili sa katahimikang mas nakakatakot pa sa sigaw.

“Dad, huwag mong sabihin kay tita Clarisse na may allergy ako, at huwag mo siyang sisihin. Kasalanan ni Mommy 'to. Ayaw niya akong painumin ng gatas. Kung nakakainom lang ako ng mas maraming gatas, hindi na siguro ako matatakot sa allergy.”

Ang inosenteng tinig ni Liam ay bumaon sa katahimikan ng silid, ngunit hindi iyon sinagot ni Alejandro.

Matapos sabihing ligtas na ang kalagayan ng bata, tahimik na tumalikod si Alejandro at lumabas ng silid, ni hindi man lang lumingon.

Karaniwan, kapag may sakit si Liam may lagnat o sumasakit ang ulo, ang kanyang ina mismo ang nag-aalaga sa kanya.

Ngayon, kahit wala si Andrea may doktor naman ang pamilya Tolentino na madaling nakakapagpagaling sa karamdaman ng bata.

Kaya't bahagyang nakahinga nang maluwag si Alejandro at bumalik na sa kanyang silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.2

    Nakasulat sa malaking pulang karton ang “Mga Pinakamahusay na Gawa.”"Ano’ng ginagawa mo?!” singhal ng Guro. “Bawat likhang-kamay ng mga bata ay dapat munang pagbotohan at piliin ng mga kaklase bago malagyan ng tatak na ‘Mga Pinakamahusay na Gawa!"Hinawi ni Clarrise ang mahabang buhok na dumadampi sa kaniyang balikat, sabay taas ng baba na para bang siya ang may pinakamakapangyarihang tinig sa silid. Buo ang kumpiyansa habang isinambit niya,“Walang sinuman, walang gawa ninuman, ang maaaring pumantay sa proyekto ni Liam! Ito ang obra na higit sa lahat, at kung may karapat-dapat na tawaging pinakamahusay, ito iyon!” “Alam kong naroon na ang mga tauhan ng istasyon ng TV sa auditorium. Para mapanatili ang gulat at paghanga ng mga bata, hindi pwedeng buksan ang gawa ni Liam ngayon. Tanging sa entablado lamang, sa harap ng lahat, unang masisilayan ang kaniyang proyekto!” sumunod niyang bulalas.Mahigpit na niyakap ni Clarrise ang karton. Sabi niya kay Liam, “Akin munang iingatan ang proy

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.1

    Mariing tumutol si Liana, “Si Mommy nagpuyat buong gabi para lang gawin ang kuta sa kalawakan mo!”Pero agad na sumagot si Liam na may diin at pangmamaliit, “Bulok ang kuta ni Mommy, parang gawa sa sirang kahoy! Matagal na ’yong sira! Si Tita Clarrise ang gumawa ng bago, at iyon ang pinakamaganda sa lahat!” Lalong tumikas ang dibdib ng batang si Liam sa sobrang yabang, samantalang si Liana ay mariing pinisil ang kamao niya.Pareho nilang nasaksihan kung paano nagpupuyat ang kanilang ina gabi-gabi para lang matapos ang kanilang mga takdang-aralin. Kaya’t hindi niya matanggap na basta na lang binabalewala nang kambal niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanilang ina.Ayaw rin naman sanang mahirapan pa ni Andrea.Kaya’t binabayaran niya ang mga katulong para mag-overtime at sila na ang gumagawa ng takdang-aralin nina Liam at Liana. Pero sa halip na makagaan sa kanya, umangal ang mga ito at nagsumbong pa sa kanyang biyenan, dahilan para lalo siyang mapahiya at mabigatan.Biglang suma

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.2

    Napataas ang boses ni Liam, puno ng hinanakit, “Gusto mo bang dalhin ko sa paaralan ang mga pulang bulaklak na binili mo lang? Gusto mo ba akong pagtawanan ng ibang mga bata? Ang tunay na pulang bulaklak ay yung ibinibigay ng guro, ’yun lang ang totoo!” bulalas nito.Mariin niyang tinitigan si Clarrise, bago muling nagsalita, mas matalim ang tono, “Narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa bagong kasuotan ng emperador?”Suminghal si Liam, galit na galit. “Niloloko mo lang ang sarili mo!” aniya.Napahiya si Clarrise, ang mukha niya’y parang mas makulay pa kaysa paleta ng pintor matapos pagalitan ng isang walong taong gulang na bata.Napilitang ngumiti, napataas ang tono ng boses niya para magpanggap na kalmado. “Sige na, sige na! Tutulungan na lang kitang buuin ang kutang pagkalawakan.”Kung si Andrea nga ay kayang bumuo ng isang kutang pangkalawakan gamit lang ang mga plastik na dayami, paano pa kaya’t siya hindi makakagawa nang maayos? Bulong niya sa sarili.Pagkaraan ng sampung minuto

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.1

    Iniabot ni Andrea ang panulat sa kanya.Sa gilid naman, namulat nang malaki ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pananabik.At nang makita niyang nilagdaan nga ni Alejandro ang kasunduan sa diborsyo, lihim siyang nagdiwang sa kanyang isipan.“Andrea, napakapakipot mo naman! Kung ako ang may asawang gaya ni Alejandro, baka tuwing hatinggabi ay nagigising akong natatawa sa tuwa!” mapang-uyam na usal ni Clarrise.Sinulyapan ni Andrea si Clarrise na may kalahating ngiti sa labi. “Tingnan mo nga ang mukha mong sabik na sabik.” aniya.Inihagis ni Alejandro ang nilagdaang kasunduan ng diborsyo kay Andrea.“Pwede mo akong guluhin, pero bakit si Clarrise, ang pinupuntirya mo?” galit na bulalas ng lalaki.Ayaw na niyang pag-aksayahan pa ng oras si Andrea. Ibinaling niya ang boses at marahang sinabi sa anak niyang babae, “Kung gusto mong umuwi, lagi mong matatawagan si Daddy.”Tumingala si Liana kay Eduardo. Wala siyang binigkas na salita, subalit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.2

    Unti-unting lumamig ang boses ni Alejandro. Hawak-hawak ang kasunduan sa diborsyo, tinanong niya, "Ginagamit mo ba itong bagay na ’to para takutin ako, masaya ka ba?" aniya."Andrea, makikipaghiwalay ka ba kay Alejandro nang dahil lang sa’kin?" tanong ni Clarrise na kunwari’y naguguluhan.Kumawala ang isang mapang-uyam na ngiti mula sa labi ni Andrea, at mariin niyang sambit. "Mas mabuti pa, sabihin mo ’yan nang mas malakas para marinig ng buong pamilya Tolentino.Biglang nag-iba ang anyo ni Clarrise, at kapansin-pansing humina ang kanyang boses. "Andrea, bakit ka naging ganito ka-tapang? Hindi ka naman ganito dati!" Samantala, ang batang si Liam, nang makita na dehado si Clarrise, tumalon siya mula sa sofa at, parang isang munting sundalo, pumagitna para harangan ang kanyang Tita."Mommy, pwede bang huminahon ka muna?!" anito.Naka-krus ang mga braso ni Liam sa kanyang dibdib at sumunod nitong usal, “Si Daddy nagtatrabaho nang sobra, tapos pag-uwi niya kailangan pa niyang pagtiisan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.1

    Nanlumo si Andrea, tila baga sinalanta ng dambuhalang along dumagundong at bumasag sa katauhan niya, pinunit-punit ang laman at isinukloban ng nag-aalimpuyong galit at matinding pagkalupig.Ngunit sa kabila ng lahat, nanatiling malamig ang kanyang anyo. Marahan niyang iniunat ang kamay at dinampot ang kwintas.Samantala, nagningning ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pang-aalipustang hindi niya itinago.Si Alejandro nama’y nakasandal sa sofa, iniwas ang tingin. Para sa lalaki, si Andrea ay parang isang aso, minsan ay walang pakialam, pero sa isang tawag lang ay agad kumakawag ang buntot.Dahan-dahang gumuhit ang daliri ni Andrea sa kwintas na nakasukbit sa leeg ni Clarrise.Magkalapit niyang inilagay ang dalawang kwintas.“Clarrise, mas maganda ang kalidad ng ina ng perlas sa suot mo. Gusto ko sanang ipagpalit sa iyo… ano sa tingin mo?” ani Andrea.Kung diretsahan niyang sasabihin na peke iyon, siguradong maghahanap lang si Clarrise ng kung anu-anong palusot para umiwas sa panana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status