Share

Chapter 1: P.2

Penulis: Marifer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-19 21:23:40

Buong katahimikan, yakap-yakap ni Clarisse si Liam, tila ba tahimik na ipinapahayag ang karapatan niya rito.

Ibinaba naman ni Andrea ang kahon ng cake sa mesa, habang bakas pa rin sa kanyang mukha ang mga patak ng ulan.

Itinaas ni Liam ang ulo habang nakayakap pa rin kay Clarisse. Maayos ang itsura nito, walang bahid ang makeup, at malambot ang bagsak ng maitim niyang buhok, parang ni hindi siya nabasa ng ulan.

Pero nang mapatingin si Liam sa kanyang ina, biglang nasingkit ang kanyang mga mata. Basa pa ang mukha nito, at may bahid pa ng ulan ang kanyang buhok. Dahan-dahang tumikom ang munting bibig ng bata, kasabay ng paglitaw ng bahagyang tampo sa kanyang mukha, parang hindi niya gusto ang nakita.

Binuksan ni Andrea ang kahon ng cake. Sa ibabaw ng cake na siya mismo ang gumawa, makikita ang isang cartoon na guhit nina Liam at Liana, pinagtiyagaan niyang pintahan iyon ng buong hapon gamit ang kamay.

Nanginig pa ang mga kamay ni Andrea habang hinihiwa ang cake sa gitna, at dahan-dahan niyang itinulak ang kalahati ng cake sa harap ng bata.

"Liam, tinutupad ko na ang kahilingan mo," mahina niyang sabi. "Simula ngayon... hindi na ako ang mommy mo." mariing usal ni Andrea.

“Anong drama na naman ’yan?” malamig na sigaw ni Alejandro.

Tinitigan siya ni Andrea, wala nang bakas ng emosyon sa mga mata nito. Walang galit, walang lungkot. Pawang pagod.

“Mag-dibursyo na tayo,” mahinahon sabi ni Andrea. “Sa’yo na si Liam. Sa akin naman si Liana."

"Galit na naman ba si Mommy?" ani Liam.

Tahimik ngunit matalim ang tanong ni Liam, at sa mura niyang edad, ang tingin niya kay Andrea ay may malamig na pagkakahawig sa sariling ama.

"Mommy, pwede ba? Huwag ka nang makulit. Ayokong kasama ka tuwing birthday ko. Lagi mo na lang akong pinagsasabihan kung ano ang dapat kainin."

Ang bawat salitang binitiwan ng bata ay parang maliit ngunit matalim na kutsilyong tumarak sa dibdib ni Andrea, hindi galit, kundi panlalamig.

Tiningnan ni Liam ang cake na may cartoon na guhit ng mukha ng kambal niya, isang bagay na pinaghirapan ni Andrea buong hapon. Ngunit sa mata ng bata, isa lang itong pangit na cake.

“Tsaka ayaw ko na sa cake na gawa mo! Gusto ko ‘yung cake na binigay ni tita Clarisse ngayon!” bulalas ng bata.

Walang pakialam ang bata sa panginginig ng kamay ni Andrea, o sa mga patak ng ulan na natuyo pa lang sa pisngi niya. Sa puso ng ina, unti-unting lumalamig ang kaarawan na sana’y puno ng pagmamahal.

“Liam! Hindi ka basta-basta puwedeng kumain ng cake sa labas, baka ma-allergy ka!” sigaw ni Liana, puno ng pag-aalala.

“Hindi naman marami ang gatas sa cake!” giit naman ni Clarisse, ang boses niya'y may halong panunumbat. “Lalaki si Liam, huwag masyadong pinapalaki na parang salamin! Kaya siya allergic sa gatas kasi masyadong maingat si Andrea, ni hindi nga pinaiinom ng gatas si Liam!”

Sa harap ng mesa, habang ang cake ay tila simbolo ng lumalalim na sigalot, nanatiling tahimik si Andrea. Pero ang katahimikang iyon ay parang bagyong pilit pinipigil pumutok.

Yumuko si Clarisse at marahang tinanong ang batang karga niya, “Liam, maniniwala ka ba kay Tita? Dapat mas madalas kang kumain ng mga cake na may gatas para tumaas ang antibodies mo. Sa ganun, hindi ka na magiging allergic sa gatas!”

Tumingala si Liam, waring naguguluhan ang munting mukha niya ay nagpakita ng pag-aalinlangan habang nakatingin sa cake sa harap niya. Sa pagitan ng matatamis na alok at mga pagbabawal ng nakaraan, para bang kailangan niyang pumili ng panig.

Masiglang tumango si Liam. “Naniniwala po ako kay tita! Galing lang si Mommy sa probinsya kaya wala siyang alam!” sambit nito.

Naputol ang ngiti ni Andrea parang may humigpit sa dibdib niya. Sa bawat salitang binitiwan ng anak, parang may sumabog na kirot sa puso niya. Umalingasaw sa ilong niya ang amoy ng kalawang, mahapdi, mapait, at puno ng pait.

Sampung taon nang kasal si Andrea kay Alejandro, pero ni minsan, hindi niya nakuha ang init ng puso nito.

Walong taon niyang inalagaan si Liam ang anak na galing mismo sa kanyang sinapupunan. Ngunit sa huli, ang batang iyon ang naging punyal na paulit-ulit siyang sinasaktan, dumudurog sa kanya sa bawat salita, sa bawat tingin na may lamig at pagtanggi.

"Kung ayaw mo sa cake na ginawa ko, itapon mo na lang." ani Andrea. Para bang may matalim na patalim na dumaan sa lalamunan, isang lasa ng dugo at pait ang kumalat sa bibig niya.

“Liam, palagi kong ginawa ang lahat para matugunan ang gusto mo. Kung gusto mo talaga ng bagong ina, ibibigay ko na ang pwesto ko kay Clarisse,” sabi niya sa anak niya, habang pilit pinipigilan ang panginginig ng tinig. 

“Ito na ang huling beses na tatawagin mo akong Mommy. Maligayang kaarawan, anak.” sumunod niyang usal.

Hawak ang kamay ni Liana mahinahong sinabi ni Andrea, “Tara na.”

Hindi na niya gugustuhing panatilihin pa maging ang anak, at maging ang kanyang asawa.

“Andrea,” tawag ni Alejandro, malamig ang boses at puno ng yabang ang anyo, tila may nagyeyelong ulap sa kanyang mukha.

“Pati salita ng bata, tinototoo mo?" giit ng lalaki.

“Bakit hindi?!” Tahimik ngunit buo ang tinig ni Andrea ng sumagot. 

"Kita tayo bukas, alas-tres ng hapon, sa tanggapan ng mga ugnayang sibil. Huwag kang malalate.” sumunod na tugon ni Andrea.

Tinitigan niya si Alejandro ang lalaking minahal niya sa loob ng sampung taon, ngunit ang laman ng kanyang mga mata ngayon ay hindi na pagmamahal, kundi determinasyon.

Paglingon ni Andrea, nakita niya ang isang matangkad at matikas na lalaking nakatayo sa pintuan.

Tinamaan ng ilaw ang matatalas nitong mga tampok, at tinitigan siya nang diretso parang nanonood lamang ng isang palabas.

Nakilala siya agad ni Andrea, si Rey John Suarez, ang tinaguriang pinuno ng mga "prinsipe" sa lipunan ng Valencia.

Sa panlabas ay tila magkaibigan sila ni Alejandro, pero sa likod ng lahat, lihim ito na magkagalit.

Kaarawan nang dalawang kambal, at nagdaos ng engrandeng piging si Alejandro na dinaluhan ng mga kilalang personalidad. Hindi inaasahan na maging si Rey John, ang "maimpluwensyang tao" ay napaunlak ng imbitasyon.

Agad na ibinalik ni Clarisse si Liam sa upuang pambata. Tuwang-tuwa siyang kumaway at sumigaw,

"Mr. Suarez, dumating ka rin! Sabi ko na eh, isang tawag ko lang."

"Hindi ako dumalo rito para sa'yo," malamig na tugon ni Rey John, ni hindi man lang tiningnan si Clarisse.

Sandali niyang inilibot ang paningin, pero si Andrea ay nakaalis na. Mabahagyang ngumiti si Rey John at sa gilid ng kanyang labi ay lumitaw ang isang mapanuksong biloy.

Tinanong ni Rey John si Alejandro, "Kung gusto ka nang hiwalayan ni Andrea, ibig sabihin ba... kailangan ko nang baguhin ang aking pananaw?"

"Hindi siya makikipaghiwalay sa akin!" matigas na boses ang sagot ni Alejandro, puno ng kumpiyansa sa sarili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 86: P.2

    “Kung gusto mo ng laboratoryo, maibibigay ko sa’yo ang kahit anong laki ng research team!”Isang opisyal na nakakita ng kasiglahan ang nagsabi, “Mas mabilis ang manguna sa sariling team kaysa magtrabaho sa ilalim ni Academician Tolentino. Miss Andrea, ang hinaharap mo ay maliwanag, ang karangalan na makakamtan mo ay para sa’yo lamang, hindi ba’t mas mainam iyon?”Si Ayan Saberon naman ay nagbigay ng ilang pahiwatig kay Rey John, nais niyang hilingin na magsalita ito at tumulong na magsabi ng ilang salita.Noong una, plano niyang ipagkatiwala kay Mr. Danilo Suarez ang papel na maging tagapagsulong ni Andrea at hikayatin itong bumalik sa Unibersidad ng Valencia.Naniniwala si Ayan na sa kakayahan ni Andrea siya ay magiging kilalang mukha ng Unibersidad ng Valencia.Ngunit si Danilo ay sobrang mayabang at hindi matakaw sa sarili, kaya hindi niya maipalaganap ang ideolohiya kay Andrea.Umupo si Rey John sa tabi ni Andrea. Ang mukha niya ay parang jade, nakangiti, at matagal niyang pinagma

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 86: P.1

    Hindi na siya muling magpapalulong sa pag-ibig at pagnanasa. Noong kabataan niya, napadala siya sa bugso ng damdamin nalulong kay Andrea, at nang subukan niyang kumawala, parang pinupunit ang laman niya sa sakit.Hindi na niya hahawakan ang babaeng iyon kailanman.Ano ba ang pinagkaiba niyon sa lason?Sa ikalawang palapag, sa isang marangya at maluwang na silid-pulong:Binati ni Andrea ang bawat higante ng akademya at mataas na opisyal na naroon.Pagkaupo niya, agad na nag-unahan ang ilang bigating personalidad na ihain sa kanya ang kani-kanilang alok.Tumingin si Andrea kay Mr. Randy, bahagyang kumurba ang mahahaba niyang pilik-mata, at kumislap-kislap ito ng bahagya.“Ang pangarap ko ay makapasok sa Kompanyang Lakan,” mariin niyang wika.Sandaling natigilan ang lahat. Kita sa mukha ng bawat naroon na malinaw na malinaw ang direksiyon ni Andrea.Ngunit ang unang hakbang pa lang niya… ang hinamon na agad ay ang pinakamalaking BOSS sa silid.Lubhang interesado rin ang ilang akademikong

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter: 85

    Pagpasok ni Andrea sa loob, agad niyang napansin si Randy nakaupo sa pinakaunang upuan ng conference hall, tila isang obra sa gitna ng katahimikan.Maganda, elegante, at malamig na parang jade na may sariling liwanag.Bahagyang iniangat ng natanda ang mga mata. Isang mabilis, halos di-sinasadyang tingin lang iyon ngunit sapat para iparamdam na kanina pa niya hinihintay ang pagdating ni Andrea.Samantala, sa unang palapag ng banquet hall, nagkakagulo ang ilan sa mga shareholders ng Tolentino family.Nakapaligid sila kay Alejandro, halos sabay-sabay ang tanong:“Anong nangyayari?”“Bakit may mga big boss na bumaba mula sa second floor?”“May relasyon ba ‘yan sa babaeng tinatawag nilang Miss Samonte?”Si Alejandro, bagaman pinipilit manatiling kalmado, ay halatang nababahala.Ang panga niya ay mahigpit, at ang titig niya ay nakatutok sa direksyong dinaanan ni Andrea na parang gusto niya ring sumunod pero hindi makagalaw.Sa sandaling iyon, ramdam ng lahat na may malaking bagay na naganap

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter: 84

    Namula ang mukha ni Ginang Fellis, at ang mga bisitang nakatayo sa gilid ay napapangisi.Nakita nilang lahat kung paano pinahiya ng matanda si Andrea kanina.Hindi malaman kung sinasadya ba o hindi ni Chairman Julio na ipagserbe ng alak si Andrea ng matanda.Kinindatan ni Ginang Fellis ang waiter, umaasa na maiintindihan siya nito at kusang lalapit para kunin ang tray mula sa kanya.Sa isip niya, siya talaga magseserbi kay Andrea? Kailanman ay hindi!Sa sobrang pagkapahiya ng matanda, biglang umabot si Alejandro at kumuha ng dalawang baso mula sa tray na dala nito.Inilahad niya ang isang baso kay Andrea."Still, mommy mo pa rin ang aking ina, sa ganitong okasyon, dapat marunong kang umasta para hindi tayo pagtawanan." anito.Personal niyang inabutan ng alak si Andrea, ngunit nanatili ang kanyang pagmamataas. Ito ang unang beses na dumalo siya sa isang marangyang handaan, at hindi nasiyahan si Alejandro sa kanyang ipinakita.Tiningnan ni Andrea ang lalaki, nakangiti ang kanyang mukha,

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 83: P.2

    Ngumiti si Andrea, hindi masaya, kundi matalim at mahinahong binitawan ang mga salita na parang kutsilyo.“Kasalanan ko noon… inakala kitang tao. Dahil mahilig ka palang pinagsisilbihan, sana mula ngayon, may mag-subo sa’yo sa tuwing kakain ka… at may nagtutulak sa’yo bawat hakbang mo.”Tahimik, diretso, at walang awa.“Sinusumpa mo ako?!” halos sumabog ang boses ng matanda, parang palakang namimintog, nanlilisik ang mga matang handang manlapa.“Miss Andrea!”Sa mismong sandaling iyon, bumaba mula sa hagdan ang ilang matatandang lalaki, at halos sabay-sabay silang sumugod papalapit sa kanya, bakas ang sobrang pananabik sa kanilang mga mukha.Nang makita ng mga tao na nagbibigay-daan ang mga inimbitahang bisita, agad na nakuha ng pagdating ng mga matatandang lalaki ang atensyon ng buong bulwagan.Habang papalapit sila, halatang nagmamadali ang bawat isa, tila nag-uunahan kung sino ang unang makarating kay Andrea, para bang ang bawat segundo ay mahalaga at ang makalapit sa kaniya ay isa

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 83: P.1

    Sa tarangkahan ng InterContinental Hotel, dapat ay may brazier na nakahanda, pero habang siya’y naglalakad papasok, para bang isinasaayos ng tadhana ang daan para sa kanya.Kung hindi, sa bawat hakbang na kanyang tinatahak, makakasalubong niya ang lahat ng taong ayaw niyang makita."Andrea, hindi mo ba sinabi na ire-report mo ako sa state affairs mini program? Gusto mo pa ba akong mawalan ng dangal? Heh, sinabi sa akin ng Women's Federation na wala silang natanggap na anomang ulat!"Ang matanda’y puno ng tagumpay sa tinig.Akala niya dati, si Andrea ay nakalikom ng malalaking ebidensya laban sa pamilyang Tolentino sa loob ng sampung taon.Ngunit kahit anong hintay niya, ang mga nasa pamahalaan ay patuloy pa ring nagpaparaming papuri sa kanya.Alam ni Matandang Ginang Fellis na si Andrea ay nagbabalatkayo lamang!Isang babae mula sa probinsya, sampung taon nang itinataboy ng pamilyang Tolentino, at hindi nga makakaabot sa mga lihim ng pamilya karaniwan, hindi niya isinasama si Andrea k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status