Nang umalis si Vivienne mula sa penthouse, hindi niya ininda ang lamig ng gabi. Hindi niya rin hinayaang manaig ang bigat ng emosyon sa dibdib niya.
Hindi ngayon. Hindi para kay Dominic.
Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag-type ng mensahe para sa kaibigan niyang lagi niyang kasama sa kalokohan, si Polly.
Vivienne: "Polly, let's go out. Now."
Ilang segundo lang ang lumipas bago nag-reply ang kaibigan niya.
Polly: "GURL. KANINA PA KITA HINIHINTAY MAG-REBELDE! WHERE BA?"
Vivienne: "Fantasy Bar Club. See you in an hour."
Polly: "YASSS, BITCH! Get ready to be the hottest woman in the room!"
Napangiti si Vivienne nang mapait at medyo napaisip.
Tama si Polly. Ngayong gabi, siya ang magiging pinaka-mapang-akit na babae sa lugar na ‘yon. Hindi siya ang misis na pinapabayaan at hindi pinapansin.
Pagdating sa isang high-end boutique, hindi siya nagdalawang-isip. Kinuha niya ang pinaka-sexy at daring na damit sa koleksyon—isang pulang silk slip dress na may high slit at open back.
Kasama ang black stilettos na mas lalong nagbigay-hugis sa kanyang legs, alam niyang hindi lang siya mapapansin. Mapapako ang tingin sa kanya.
"Do you accept cards? Heto lang kasi ang mayroon ako e," tanong ni Vivienne habang napangiti sa cashier na mukhang nagulat sa mga kinuhang damit.
"Yes, ma'am. Would you like to add some spice to your outfits? Like some head wears or some hot accessories?" The cashier smiles at her, alam na alam kung ano ang bagay sa customer na nasa harapan niya.
Vivienne smirked, and whispered, "Sige, bring me the best ones. Something na magmumukha akong maganda at kakaiba tonight."
+++++
Fantasy Bar Club
Mula sa pinto, ramdam ni Vivienne ang bass ng musika na dumadagundong sa loob. Mabilis niyang naispatan si Polly sa bar, nakasuot ng shimmery dress at may hawak nang cocktail. Nang makita siya nito, lumaki ang mga mata nito.
"Damn, girl! Sino ka at anong ginawa mo kay Vivienne?!" sigaw ni Polly, sabay halakhak.
Napangiti siya, pero ang ngiting iyon ay may kasamang kakaibang balak. "Tonight, I’m not the Vivienne you know."
"I love this version of you! Tara, shot na!"
Hindi na nag-atubili si Vivienne. Ininom niya ang unang baso ng tequila, kasunod ng isa pa. Maya-maya pa, sumayaw na silang dalawa sa dance floor, hinayaan ang sarili nilang malunod sa tugtog.
Habang sumasayaw, may naramdaman siyang titig. Nang lingunin niya, isang gwapong lalaki ang nakatayo malapit sa bar, nakatingin sa kanya na parang siya lang ang tao sa lugar na ‘to.
Lumapit ito at may kaswal na ngiti. "You dance like you own the place."
"Maybe I do," matapang na sagot niya.
Ngumiti ang lalaki. "Care for a dance?"
Wala siyang interes sa kanya, pero wala rin siyang balak umatras. "Why not?"
Sumabay siya sa kumpas ng tugtog, at habang lumilipas ang ilang minuto, nagiging mas malapit ito sa kanya. Masyado nang malapit.
Naramdaman niyang dumapo ang kamay nito sa kanyang baywang, bumaba nang bahagya. Napasinghap siya, agad na umatras.
"Easy, big guy," malamig niyang sabi, pero hindi ito umatras.
"Relax, sweetheart," bulong nito, muling lumapit.
Pero bago pa ito makalapit ulit at aakmang hahalikan si Vivienne, isang malakas na kamay ang biglang humatak sa kanya palayo.
Malamig. Matigas. Pamilyar.
Si Dominic.
At hindi lang basta si Dominic—ang itsura niya ngayon ay kakaibang klase. Suot nito ang isang itim na button-down, bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones, sapat para masilip ang matigas nitong dibdib.
Ang sleeves ay rolled up, highlighting his strong forearms. His fitted dark jeans completed the look—casual, pero mas lalong nagpatindi ng kanyang presence.
Nanigas si Vivienne sa gulat, lalo na nang humigpit ang hawak nito sa kanya.
"She’s with me," malamig na sabi ni Dominic, ang titig ay matalim sa lalaking nasa harapan nila.
Napaatras ang lalaki, pero bago pa ito makalayo, idinagdag ni Dominic ang isang bagay na mas lalong nagpatigil sa lahat ng tao sa paligid nila.
"At kung kaya niyang gawin ‘to, then so can I."
At bago pa siya makapagsalita, bago pa siya makapalag—
Hinalikan siya ni Dominic.
Sa harap ng lahat. Sa gitna ng bar.
Hindi ito basta halik—ito ay matindi, puno ng poot at pag-aangkin. His lips moved against hers, demanding, unapologetic. His grip on her waist tightened, pulling her closer, as if silently proving a point.
Nanlaki ang mga mata ni Vivienne, hindi makapaniwala sa nangyayari. Hindi niya alam kung dahil ba sa alak o sa init ng katawan ni Dominic, pero hindi niya agad nagawang itulak ito.
Ngunit nang magising siya sa realidad, agad niyang itinulak si Dominic, habol ang hininga.
"Ano bang problema mo?!" sigaw niya.
"Ano'ng problema ko?" malamig na tugon nito, titig na parang kaya siyang sunugin sa tingin pa lang. "Ikaw, Vivienne. Ikaw ang problema ko dahil you will keep on doing this and destroy my reputation."
Higit sa inis, may halo itong sakit.
"You don’t get to control me, Dominic!"
Tumikhim ito at tumingin sa kanya na parang siya ang pinaka-irrational na tao sa mundo. "You’re still my wife. And as long as you are, may karapatan akong—"
"Wala kang karapatan sa akin," putol niya, bago lumingon kay Polly. "I’m leaving."
Lumabas siya ng club, hindi alintana kung sinusundan siya ni Dominic. Habang naglalakad sa sidewalk, naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya. Napabuntong-hininga siya, inisip kung si Polly lang ito o kung nagtetext si Dominic para pagalitan siya.
Pero nang makita niya ang pangalan sa screen, nanlaki ang mga mata niya.
Jace.
Mabilis niyang sinagot. "Jace, okay ka lang ba? Kakagising mo lang ba?"
May halong antok at kaba ang boses ng kapatid niya. "Vie... kakatapos ko lang magising. Pero may kailangan kang malaman."
Nanlamig ang katawan niya. "Ano ‘yon?"
Sandaling katahimikan. Tila nag-aalangan si Jace.
"May naghanap sa’yo kanina. At kung tama ang hinala ko... hindi ‘yon si Dominic."
Napatingin si Vivienne sa paligid, biglang bumigat ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya.
Muli niyang hinigpitan ang hawak sa cellphone, ang kaba sa dibdib niya ay hindi na dahil kay Dominic.
"Vie... natatakot na ako. W-what if," napatigil saglit ang kaniyang kapatid at humihinga ng malalim. "What if yung Omega ito?"
Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas."Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso."Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"Wala pa ring sagot.Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"Bigla siyang lumapit at kinuro
Habang patuloy na kinakain ni Vivienne ang kanyang dessert, napabuntong-hininga siya at muling binalingan ang makapal na papel na ibinigay ni Dominic. Sa dami ng mga pangalang nakalista, tila ba mas gusto niyang lumamon na lang ng cake buong gabi kaysa isa-isahin ang mga ito."Ang dami naman nito! Ano 'to, phonebook?" reklamo niya, tinuturo ang listahan gamit ang tinidor niya.Hindi natinag si Dominic. Kinuha niya ang papel at binuklat ito. "Isa-isahin natin ngayon habang kumakain tayo. Mas mabuting alam mo kung sino ang mga dapat mong lapitan at kung sino ang dapat mong iwasan."Napangiwi si Vivienne. "Wala na ba akong choice?""Wala. Simulan na natin."Napabuntong-hininga si Vivienne at sumandal sa upuan. "Fine. Sino ang una?"Tumingin si Dominic sa papel at binasa ang unang pangalan. "Unang-una, si Mr. William Sterling. Siya ang chairman ng Sterling Group. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. Huwag kang basta-basta magsasalita sa harap niya kung hindi ka sigurado."Napataas ang kila
Habang patuloy na kumakain si Vivienne, biglang lumingon sa kanya si Dominic at nagsalita nang malamig at walang emosyon."Sumama ka sa akin bukas."Napakunot ang noo ni Vivienne at bahagyang tumigil sa pagnguya. "Ha? Saan?""Sa isang party," sagot nito, walang pagbabago sa tono.Dahil sa narinig, biglang nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Napatalon siya sa saya at halos matapon ang hawak niyang kutsara. "Party?! Oh my gosh, Dominic! Hindi ko inakalang mahilig ka rin pala sa party! Ano ‘to? Yung tipong may DJ? May ilaw na umiikot? Tapos may free drinks? Grabe, sigurado akong mag-eenjoy tayo n’yan!"Habang masayang-masaya si Vivienne at hindi mapakali sa excitement, nanatili lang na walang emosyon si Dominic at tinignan siya nang diretso. Maya-maya pa, malamig itong nagsalita."Hindi iyon ang party na iniisip mo."Biglang natigilan si Vivienne. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"Inayos ni Dominic ang pagkakaupo niya bago ipinaliwanag. "Ito ay isang business party ng pamilya Sterling. Isa i
Habang tahimik na kumakain si Vivienne, pakiramdam niya ay medyo bumibigat na ang kanyang tiyan. Masarap ang luto ni Dominic, kahit na ayaw niyang aminin nang harapan. Isa pa, hindi niya inaasahan na magiging ganito kaayos ang kusina matapos niyang makita itong magluto noong una. Sa pagkakataong ito, malinis ang paligid, at hindi magulo ang countertop.Katatapos niya lang ubusin ang laman ng kanyang plato nang biglang lagyan ulit ito ni Dominic ng mas maraming kare-kare at kanin. Napakunot ang kanyang noo at agad na tinignan ito."Hoy, hindi ko ‘yan hiningi, ah," reklamo niya, tinitigan ito nang masama.Ngunit hindi man lang natinag si Dominic, nanatiling malamig ang ekspresyon. "Alam kong gusto mo pa. Kumain ka na lang. Hindi mo kailangang magpanggap."Natahimik si Vivienne, alam niyang totoo ang sinabi nito. Mahilig siyang kumain, pero madalas niyang itinatago iyon. Hindi niya alam kung paano napansin ni Dominic, pero hindi rin siya ganoon kahirap basahin pagdating sa pagkain. Napal
Nagising si Vivienne nang maramdaman niyang malamig na ang paligid. Nang dumilat siya, napansin niyang madilim na sa labas. Agad siyang bumangon, bahagyang nag-panic nang makita niyang lubog na ang araw. "Ano ba ‘to? Ang tagal ko palang nakatulog!" Napakamot siya sa ulo habang iniinat ang kanyang katawan, pero napairap rin dahil ramdam pa rin niya ang panghihina.Sa pag-upo niya sa couch, naamoy niya ang malakas na aroma ng kare-kare na nagmumula sa kusina. Napaangat ang kanyang kilay. "Hala, ang bilis naman ni Polly! Nakaluto na agad siya?" Tumayo siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa kusina. "Polly? Ikaw na ba—"Naputol ang kanyang sasabihin nang makita kung sino talaga ang nasa harapan ng kalan.Si Dominic.Nakahawak ito sa isang sandok habang nakatingin sa kanyang phone, tila sinusundan ang isang recipe. Nakasuot ito ng itim na fitted shirt at dark sweatpants, at kahit na simple lang ang itsura, hindi pa rin maitatangging malakas ang dating nito.Napalunok si Vivienne, hin
Matapos nilang kumain at mag-usap, napabuntong-hininga si Vivienne habang nakasandal sa upuan. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang katawan, para bang naubos lahat ng lakas niya sa simpleng pagkain lang."Bes, halika na. Samahan mo ako sa supermarket, bibili tayo ng groceries," aya ni Vivienne kay Polly habang pilit na tinutukod ang sarili upang tumayo.Ngunit sa kanyang paggalaw, agad niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay parang bumagsak na ang kanyang buong sistema pabalik sa upuan."Aray!" reklamo niya, sabay hawak sa kanyang mga hita. "Polly, hindi ako makatayo…"Napatawa nang malakas si Polly habang nakatitig sa kanya. "Hala ka, bes! Mahina ka talaga! Naku, akala ko pa naman malakas ka! Mukhang may ginawa ka talagang matindi kagabi, ha?""Polly!" sigaw ni Vivienne, pinamulahan ng mukha. "Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan, saka baka may makarinig pa sa iyo. At hindi ako mahina!"Ngunit hindi siya makagalaw, at mas la