Eumerriah’s Point of View
“Jerome! Can we talk?” tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon, tumayo at tuluyang umalis. Sinundan ko naman siya. Nagpalinga-linga pa ako baka may makakita sa amin. Lumingon siya sa akin at lumapit. “Ipapahiya mo ba talaga ang sarili mo?” bulong niya sa akin.
Napatingin ako sa paligid at marami ngang tao, nandito nap ala kami sa lobby ng hotel. Tapos na nag movie namin, ito na ang huling araw namin sa taping. Bumuntong hininga ako at agad na tumalikod pabalik sa kwarto ko. May tatlong linggo na din simula ng suyuin ko siya. Kahit araw araw kaming magkasama ay civil lang kami, hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Inuunawa ko na lang dahil alam ko ang mali sa nagawa ko, ang gusto ko lang naman ay pakinggan niya ako. Kung mauunawaan niya edi okay, maayos namin ang aming relasyon. Kung hindi naman ay mauunawaan ko, ang gusto ko lang ay makapagpaliwanag pero kahit isang Segundo hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.
“Tumawag ang Daddy mo!” salubong sa akin ni Manager Kim. “Ang bilis talaga nila.” Tanging sagot ko at tuluyang naglakad papasok sa kwarto namin.
“Congrats, bestfriend. Isang movie na naman ang papatok ngayon buwan.” Bati sa akin ni Shaira. “Thank you, saan ka pala galing?” tanong ko dahil nakasuot siya ng costume ng isang sexy star at naka-wig na pula.
“Mayroon lang na costume party kagabi, tinanghali ng gising kaya dumiritso na agad ako dito.” Masayang kwento nito sa akin.
“Sana umuwi ka na lang at nagpahinga. Pauwi na din kami.” Singit ni Manager Kim.
“Huh? Bakit naman uuwi agad? Hindi ba may party mamaya? Hindi ka ba aattend?” paguusisa ni Shaira sa akin. “Paano mo naman nalaman na ngayon ang party?” nagaayos si Manager ng mga gamit pero ang tenga ay naka-focus sa usapan namin dalawa.
“Hindi ba ganoon naman talaga, laging may party tuwing lastday ng taping.” Nanghihinguko pa siya. “Palagi ka na lang nakaabang sa mga party pero wala ka naman makitang raket o ultimo stable role. Sinabi ko na sa iyo na hayaan mo akong maging manager mo, hindi ka mauubusan ng gagawin.” Matagal na kasing inaalok ni Manager na i-manage si Shara pero ayaw naman nito. Ayaw niya kasi ng pressure works kaya pa-extra extra lang ang nakukuha niya, hindi dahil hindi siya magaling kundi sadyang gusto niya lang magchill sa buhay. Happy go lucky kasi siyang tipo ng tao.
“Mauuna na kami sa iyo, mapapatay ako ng ama niya kung hindi ko siya maibabalik sa oras.” Agad kaming lumabas ng hotel, naghihintay na pala ang driver sa harap ng lobby.
Ilang oras din ang ginugol namin sa daan at agad kaming nakarating sa mansion. Takot si Manager sa magulang ko kaya hindi na ito pumasok.
“Hi Darling,Congrats sa last movie mo.” Bati ni Mommy ng makita akong pumasok sa main entrance.
“Magbihis ka na, may bisita tayong darating.” Walang emosyong sabi ni Dad sa akin. Lumapit ako kay mommy at nagbeso, pagkatapos ay nagbless ako kay Daddy.
Inasikaso ko ang sarili ko at agad na bumaba sa sala.
"Kailangan mong pakasalan ang lalaking napili namin para sa iyo, Eumerriah!" bulyaw sa akin ni Dad.
"Pe-pero dad!! Ni hindi ko pa nakikita yung taong sinasabi niyo! Sa-- saka-- may boy friend na ako." Tanggi ko dito.
"Marunong ka na talagang sumaway ngayon, hindi porket pinayagan ka namin ng Mommy mo na magartista ay hindi mo na susundin?"
"Hindi naman daddy.. kaya lang--"
"Wag ka na ngang tumanggi! Ayusin mo iyang suot mo at mamamanhikan na sila!"
Wala na akong nagawa, kundi ang sumunod sa aking ama. Pagsapit ng gabi, nagsidatingan sa harapan ng mansiyon namin, ang mga kulay itim na sasakyan at nagbabaan ang mga lalaking naka coat na animo mga kontrabida sa koreanovela.
Huling lumabas ang isang lalaki, na kilalang kilala ko, sa tindig at porma.. Si J-jerome?!
Nagulat din ito ng makita siya ng makita ako, saka matamis na ngumiti.
"Kumusta iho?" Sinalubong ito ng aking ama, "anak, halika dito, salubungin mo ang mapapangasawa mo," tawag sa akin ni Dad.
Nagmamadali akong lumapit. Subalit namutla siya, ng makita ang isa pang lalaki na naglalakad paakyat ng hagdan na nasa likuran ni Jerome.
Hindi niya maaaring makalimutan ang lalaking sumira sa relasyon nila ni Jerome.
"Iyan na ba ang mamanugangin ko?" Nakangiti ang isang matandnag lalaki na nakatingin sa kanya, "magandang bata ah.."
Hindi na siya nakagalaw, nanigas ang kanyang mga paa.
"Anak, nakakahiya, halika dito at magmano ka na sa magiging biyenan mo.." tawag sa kanya ng ama.
Nakita niya ang paglapit ni Jerome sa kanya, "okay ka lang ba, Yumi?" Nag aalala ang tinig nito.
"I--ikaw??"
“Oo iha, siya ang mapapangasawa mo. Ikaw ang dahilan kung bakit siya pumasok sa showbiz. Pumayag kami dahil gusto naming magkakilala kayo bago namin kayo ipakilala sa isa’t isa.” Singit ng matandang babae na sa wari ko’y kaniyang Ina. “Ito naman si Gabrielle, ang kapatid ni Jerome. Silang dalawa ang anak namin.”
Alanganin akong ngumiti sa kanila. “Tama, kaya hinayaan ka namin kasi alam namin na nandoon siya.” Nagugulat ako sa mga sinasabi nila pero bigla ko na lang naiisip na wala nga palang impossible sa pamilyang ito.
“Masaya ka bang makita siyang muli?” pabulong na tanong sa akin ni Jerome, ang tinutukoy niya ay si Gabrielle. Si Gabrielle ang lalaking dahilan kung bakit hanggang ngayon nagmamakaawa pa din ako kay Jerome.
Hindi ko naman siya pinansin, pakiramdam ko ay nabarahan ang lalamunan ko ng kung anong bagay. “Ang gagwapo ng mga anak mo ah. Halika na kayo, nakahanda na ang pagkain. Magsalo muna tayo, doon na din natin pagusapan ang mga importanteng bagay.” Lahat sila ay pumunta sa dining area.
Sa sobrang kaba ay hindi ko maigalaw ang mga tuhod ko. “Long time no see, kamusta ka?” bigla akong nakabalik sa ulirat ko at agad na lumakad palayo. Ayokong makapagusap kami, ayokong magkaroon ng connection sa kaniya. Si Jerome lang gusto kong makausap. Kung mapapalapit pa kami ng lalaking ito baka pati kasal ko ay tumagilid dahil sa kaniya.
Jerome and I Are going to be married soon….
15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung