로그인“Director Samantha, sandali lang.”
Napahinto si Samantha sa mismong pag-abot niya sa doorknob.
Pagkalabas ni Hannah, biglang naging tahimik ang buong opisina. Para bang pati hangin ay tumigil sa paggalaw. Kanina lang ay may ibang tao sa loob, pero ngayon, silang dalawa na lang ni YLucien ang natitira.
At iyon ang mas nakakapagpakaba.
Dahan-dahang lumingon si Lucien. Nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. Kalma ang mukha nito, pero may kakaibang intensity sa mga mata nito na matagal na niyang kilala.
“May kailangan pa ba, President Lucien?” pormal niyang tanong.
Bahagyang ngumiti si Hannah.
“President Lucien?” ulit nito. “Ganito na ba tayo ngayon?”
Hindi agad nakasagot si Samantha.
Limang taon.
Limang taon niyang pinilit kalimutan ang lalaking nasa harapan niya. Limang taon niyang pinaniwala ang sarili na kaya niyang mabuhay nang wala ito.
Pero sa bawat segundo na magkasama sila sa iisang silid, pakiramdam niya ay bumabalik lahat ng alaalang pilit niyang ibinaon sa nakaraan.
“Trabaho ito,” mahinahon niyang sagot. “Mas okay kung professional tayo.”
Bahagyang yumuko si Lucien at napatawa.
Hindi malakas.
Pero sapat para magpakaba lalo kay Samantha.
“Professional?” ulit niya.
Tumayo ang lalaki mula sa sofa at unti-unting lumapit.
Bawat hakbang nito ay parang tumatama sa dibdib ni Samantha.
Hanggang sa huminto ito ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
Hindi siya umatras.
Hindi dahil matapang siya.
Kundi dahil parang hindi na gumagalaw ang mga paa niya.
“Professional ka nga,” bulong ni Lucien. “Pero bakit parang ikaw lang ang nakalimot sa limang taon natin?”
Napakurap si Samantha. “Wala akong nakalimutan.”
“Talaga?”
Napasinghap siya nang bahagyang yumuko ang lalaki upang magtapat ang kanilang mga mata.
“Then tell me,” mahinang sabi nito, “bakit tumakbo ka ulit?”
Tumigas ang ekspresyon ni Samantha.
Ito na naman.
Palagi itong ganito.
Kapag may tanong siyang ayaw sagutin, babawiin siya nito gamit ang tanong na mas mahirap sagutin.
“Hindi ako tumakbo.”
“Really?”
Tumawa nang mahina si Lucien.
“Five years ka nawala.”
Diretsahan.
Walang paligoy-ligoy.
At iyon ang mas masakit pakinggan.
Napayuko si Samantha.
Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.
Hindi niya alam kung saan magsisimula.
At higit sa lahat, hindi niya alam kung kaya pa ba niyang buksan muli ang mga sugat na matagal na niyang pinilit paghilumin.
Tahimik silang dalawa nang ilang segundo.
Pero para kay Samantha, parang ilang minuto iyon.
Hanggang sa muli siyang magsalita.
“Past is past, Lucien.”
Ngumiti ang lalaki.
Pero hindi iyon masayang ngiti.
“Kung past na talaga,” sabi nito, “bakit nanginginig ka pa rin kapag kaharap mo ako?”
Biglang natigilan si Samantha.
Hindi niya namalayang nakakuyom na pala ang mga kamay niya.
Napansin iyon ni Lucien.
Palagi nitong napapansin.
Kahit noon pa.
Kahit gaano siya magtago, parang laging nababasa ng lalaki ang bawat emosyon niya.
At iyon ang kinatatakutan niya.
Hindi ang galit nito.
Hindi ang paghihiganti nito.
Kundi ang katotohanang kilalang-kilala pa rin siya nito.
Mas kilala pa kaysa sa gusto niyang aminin.
“Stop it,” mahinang sabi niya.
“Stop what?”
“Acting like nothing happened.”
Saglit na natahimik si Lucien.
Sa unang pagkakataon mula nang magkita silang muli, may dumaan na lungkot sa mga mata nito.
Napakabilis.
Pero nakita iyon ni Samantha.
“At ikaw?” tanong nito. “Hindi ba ikaw ang unang umakto na parang walang nangyari?”
Tumama ang mga salitang iyon diretso sa puso niya.
Hindi siya nakasagot.
Dahil alam niyang may katotohanan iyon.
Limang taon na ang lumipas.
Maraming bagay ang nagbago.
Mas mature na sila.
Mas matatag.
Mas sanay magtago ng nararamdaman.
Pero may mga bagay talagang hindi nabubura ng panahon.
At isa roon ang sakit.
Isa roon ang pagmamahal.
Nagtagpo ang mga mata nila.
At sa maikling sandaling iyon, parang bumalik silang dalawa sa nakaraan.
Wala ang opisina.
Wala ang trabaho.
Wala ang limang taong pagitan.
Sila lang.
Sila ulit.
Pero mabilis ding kumalas si Samantha sa tingin nito.
Hindi puwede.
Hindi dapat.
Matagal na niyang natutunan ang leksyong iyon.
Huminga siya nang malalim at inayos ang salamin.
“May iba pa ba kayong instructions para sa Department Two, President Lucien?”
Napailing si Lucien.
May halong amusement ang ekspresyon nito.
“Talagang ibabalik mo sa trabaho.”
“Of course.”
“Fine.”
Tumango ito.
Pero bago siya tuluyang makalayo, muli itong nagsalita.
“SAMANTHA.”
Nanigas siya.
Matagal na niyang hindi naririnig ang pangalan niya mula sa bibig nito.
Hindi bilang Director Aracosta.
Hindi bilang empleyado.
Kundi bilang Samantha.
Katulad noon.
“Hmm?”
Bahagyang ngumiti si Lucien.
“Welcome back.”
Simple lang ang mga salita.
Pero hindi maintindihan ni Samantha kung bakit parang may humigpit sa dibdib niya.
Hindi na siya sumagot.
Mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas ng opisina.
Hindi na siya lumingon.
Pero habang papalayo siya, hindi niya napigilang maramdaman ang tingin ng lalaki sa likod niya.
Katulad noon.
Katulad pa rin ngayon.
At masakit mang aminin, alam niyang iyon ang problema.
Pagkatapos ng limang taon, kaya pa rin siyang guluhin ni Lucien sa paraang walang ibang tao ang kayang gawin.
Parang may biglang pumindot ng pause button kay Lucien.
Nanigas siya sa kinatatayuan niya.
Sa isang iglap, parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Ang init na kanina'y bumabalot sa buong katawan niya ay mabilis na napalitan ng malamig at mabigat na pakiramdam.
Humigpit ang panga niya.
Mabigat pa rin ang paghinga niya, pero unti-unting naglaho ang lambot sa mga mata niya. Napalitan iyon ng malamig na galit na matagal na niyang hindi nararamdaman.
Dahan-dahan siyang umatras.
Hindi niya inalis ang tingin kay Samantha.
Ni isang segundo.
Parang natatakot siyang may makita.
O baka may marinig pa siyang mas ayaw niyang marinig.
"Samantha..."
Mababa ang boses niya.
Delikado.
Iyong tipong alam mong konting tulak na lang ay sasabog na.
"Sino ang tinawag mo?"
Hindi agad sumagot si Samantha.
Tahimik lang siyang nakatingin sa lalaki.
Pero sa loob niya, napangiti siya nang mapait.
Tama nga siya.
Kahit ilang taon na ang lumipas, may isang pangalan pa ring kayang guluhin si Lucien Reverio.
Jansen Zamora.
Parang tinik na hindi kailanman naalis sa dibdib nito.
Noon pa man.
Hanggang ngayon.
Alam niyang hindi dapat binabanggit ang pangalang iyon.
Pero alam din niyang iyon lang ang pinakamabilis na paraan para mapahinto si Lucien.
At tama siya, Kung hindi niya ginawa iyon, malamang ay hindi siya nito pakakawalan.
Napabuntong-hininga siya sa isip.
Sorry, Jansen.
Pangalan mo lang ang hiniram ko.
Babawi ako kapag nagkita tayo.
***
Samantala, si Lucien naman ay patuloy na nakatitig sa kanya.
Tahimik lang, Pero nakakatakot.
Mas nakakatakot pa kaysa kapag sumisigaw ito.
Dahan-dahan nitong hinawakan ang baba niya at pinaharap siya rito.
Hindi naman masakit, Pero sapat para maramdaman niyang seryoso ito.
"Look at me." Mas mababa na ngayon ang boses nito.
"Samantha. Sagutin mo ako." Nagtagpo ang mga mata nila.
Walang gustong umiwas.
Walang gustong magpatalo.
Pakiramdam ni Samantha, para silang nasa isang digmaan na silang dalawa lang ang nakakaintindi.
"Narinig mo naman."
Diretso ang sagot niya.
"Wala ka bang problema sa pandinig, President Reverio?" Bahagyang kumibot ang panga ni Lucien.
Hindi siya sumagot agad.
Kitang-kita ni Samantha kung paano nito pinipigilan ang sarili.
Tahimik lang si Samantha habang mabilis na naglalakad palabas ng building.Mahigpit ang hawak niya sa cellphone niya, halos mangalay na ang mga daliri niya sa sobrang higpit. Hindi niya alam kung bakit ganoon kabilis ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya may humahabol sa kanya.At sa totoo lang, meron nga.Hindi tao.Kundi ang mga alaala.Ang mga tingin.Ang mga salitang binitiwan ni Lucien kanina sa opisina.Hindi siya lumingon kahit isang beses.Ayaw niyang makita ulit ang mukha nito.Ayaw niyang maalala kung paano siya halos matunaw sa iisa
Parang may dalawang bahagi sa loob ni Lucien na naglalaban.Yung gustong yakapin si Samantha at sabihing wala na siyang pakialam sa lahat ng nangyari noon.At yung gustong alugin ito hanggang sa sabihin nito ang buong katotohanan."Si Jansen."Mabigat ang pangalan habang lumalabas sa bibig niya.Parang tinik na matagal nang nakabaon sa puso niya."Sino ba talaga siya para sa'yo?"Napakurap si Samantha.Hindi niya inaasahang iyon ang itatanong nito.Hindi sigaw.Hindi galit.
“Director Samantha, sandali lang.”Napahinto si Samantha sa mismong pag-abot niya sa doorknob.Pagkalabas ni Hannah, biglang naging tahimik ang buong opisina. Para bang pati hangin ay tumigil sa paggalaw. Kanina lang ay may ibang tao sa loob, pero ngayon, silang dalawa na lang ni YLucien ang natitira.At iyon ang mas nakakapagpakaba.Dahan-dahang lumingon si Lucien. Nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. Kalma ang mukha nito, pero may kakaibang intensity sa mga mata nito na matagal na niyang kilala.“May kailangan pa ba, President Lucien?” pormal niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Hannah.“P
Pagkatapos niyang magsalita, muling ibinalik ni Lucien ang tingin kay Samantha na parang hindi pa rin tapos ang pag-evaluate nito.Tahimik lang si Samantha pero sa loob niya, halos umikot na ang mata niya sa sobrang irita. Parang wala bang katapusan ‘to?Ilang beses na ba siyang tinititigan ng lalaki na para bang may nakadikit na label sa noo niya na kailangan i-analyze? Kung pwede lang talagang dukutin ang mata nito at ilagay sa display, kanina pa niya ginawa.Sa tabi nila, si Hannah naman ay halatang naguguluhan na. Paulit-ulit siyang kumukurap, parang hindi makapaniwala sa naririnig niya. “Hindi satisfied?” bulong niya sa sarili.Si Lucien pa na personal niyang pinili at inasikaso ang pag-hire—hindi basta-basta ‘to. Grad
"Sam? Ayos ka lang?" nag-aalalang sabi ni Hannah nang makitang tila nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Samantha. Sa isip niya'y baka bigla itong kinabahan nang marinig ang tungkol kay Lucien Reverio. "Huwag kang kabahan, ako ang magsasalita mamaya. Basta sa tabi lang kita at basahin mo ang mga iyan para kung sakaling may tanungin siya sa iyo ay may maisasagot ka."Tumango si Samantha at nagpakawala ng maikling ngiti.Kinakabahan siya? Oo. Pero hindi sa pagiging kilalang marahas na businessman ni Lucien, kundi baka makita nito ang laman ng puso't isipan niya. Lucien can see right through her. Sinubukan niyang aralin ang pagmamaskara ng sariling emosyon, pero hindi niya alam kung gagana iyon sa nag-iisang Lucien Reverio. Ayaw niyang mapalapit ito sa kanya at malaman ang lahat ng lihim niya.Palabas na si Hannah nang lumingon itong muli sa kanya."May chika pala ako sa'yo para hindi ka gaanong kabahan. Alam mo ba na may isyu iyan si Pres? Wala raw s*x life! Wala ring nali-link na babae s
Ngayon ang unang araw ni Samantha sa kanyang trabaho.Ang ARCN Studio ay isa sa mga pinakasikat na design company sa bansa at talagang masusing pinili niya ang kumpanyang pagtatrabahuhan niya. She applied to several prominent companies, but after careful consideration, ito ang pinakamaayos na kumpanya na nag-offer rin sa kanya ng mataas na sweldo.SInigurado ni Samantha na may trabaho siyang dadatnan sa Pilipinas. Mababait naman ang mga napagtanungan niya ng mga bagay-bagay sa trabaho. Binigyan na rin siya ng sarili niyang opisina, hindi man ganoon kalaki ay maayos naman iyon at may privacy siya kahit papaano.Maya-maya pa ay kumatok at pumasok ang director ng department 1 na si Hannah, may dala itong coffee para sa kanya at malaki ang ngiti sa labi."Good morning, Samantha, pupunta raw si President ngayon at mag-i-inspect. Samahan mo ako mamaya sa office niya."Medyo nagulat si Samantha roon dahil ang balita niya'y hindi naman nagpapakita ang President doon, sa mabibilang na mga oka







