Share

The Billionaire’s Hidden Twins
The Billionaire’s Hidden Twins
Penulis: QuinnAnnStories

Chapter 1

Penulis: QuinnAnnStories
last update Tanggal publikasi: 2026-05-28 20:51:09

“Sam? Ayos ka lang?”

Nag-aalalang lumapit si Hannah kay Samantha nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina ay tahimik lang itong nagbabasa ng mga documents, pero ngayon ay tila biglang nanlamig at nawalan ng kulay ang mukha.

“Nag-aalala ka ba dahil kay President Reverio?” tanong muli ni Hannah habang inilalapag ang hawak nitong folder sa mesa. “Relax ka lang. Ako naman ang magsasalita mamaya. Basta samahan mo lang ako tapos basahin mo ‘yang mga files para kung may itanong siya, may maisagot ka.”

Piliting ngumiti si Samantha at bahagyang tumango.

Kinakabahan ba siya?

Oo.

Pero hindi dahil sa reputasyon ni Lucien Reverio bilang malamig at ruthless na businessman. Hindi siya natatakot sa talim ng dila nito o sa kayang gawin nitong pagpapatalsik ng empleyado sa isang iglap.

Ang totoong kinakatakutan niya ay baka mabasa nito ang nasa isip at puso niya.

Lucien had always been good at reading her. Kahit noon pa man, kahit pilitin niyang itago ang emosyon niya, parang isang tingin lang nito ay kaya na nitong hubarin lahat ng tinatago niya.

At iyon ang delikado.

Dahil hindi puwedeng malaman ni Lucien ang lahat.

Hindi puwedeng malaman nito kung bakit siya nawala noon.

Hindi puwedeng malaman nito ang mga lihim na pilit niyang ibinaon sa nakaraang limang taon.

Tumikhim si Samantha at muling ibinaba ang tingin sa mga documents para umiwas sa usapan.

Pero mukhang wala pang balak tumigil ni Hannah.

“May chika pala ako sa’yo,” bulong nito na parang excited. “Para hindi ka masyadong kabahan.”

Napatingin si Samantha rito.

“Alam mo bang may issue raw si Pres?” ngumisi si Hannah. “Sabi nila wala raw sex life ‘yon. Wala ring babaeng nali-link sa kanya.”

Halos mabitawan ni Samantha ang hawak niyang papel.

“What?”

Napatakip siya agad ng bibig nang mapagtantong halos mapalakas ang reaksyon niya.

Piliting pinigilan ni Samantha ang sariling tumawa pero hindi niya talaga kinaya. Pagkalabas ni Hannah ng office ay saka siya napahilig sa upuan habang mahina ngunit sunod-sunod ang tawa.

Walang sex life?

Si Lucien Reverio?

Imposible.

Kilalang-kilala niya ang lalaking iyon.

That man practically breathed lust and desire.

Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi. Kahit lasing siya noon, malinaw pa rin sa alaala niya ang paraan ng paghawak nito sa kanya, ang gaspang ng boses nito sa tenga niya, at kung paano siya nito halos baliwin buong gabi.

Walang practice?

Yeah right.

Kung sino man ang nagpakalat ng tsismis na iyon ay siguradong naloloko lang. O baka sadyang magaling lang magtago si Lucien.

Napabuntong-hininga si Samantha habang pinipilit alisin sa isip ang alaala ng gabing iyon. Ramdam pa rin niya ang init sa mukha niya sa tuwing naaalala kung gaano siya ka-out of control kagabi.

Hindi na dapat iyon maulit.

Kahit kailan.

Mabilis niyang inayos ang sarili bago muling tumayo. Wala na siyang atrasan. Nandito na siya at kailangan niyang harapin ang kahit anong mangyari.

***

Tahimik ang hallway sa executive floor ngunit ramdam na ramdam ni Hannah ang kaba habang papalapit sila sa opisina ni President Reverio.

Samantalang si Samantha ay tila kalmadong-kalmado lang sa tabi nito.

Hindi alam ni Hannah kung paano nagagawa iyon ng babae. Kahit siya na ilang taon nang nagtatrabaho sa kumpanya ay kinakabahan pa rin tuwing maririnig lang ang pangalan ni Lucien Reverio.

Huminto sila sa tapat ng malaking double door.

Agad silang sinalubong ni Assistant Jason.

“Miss Samantha. Director Hannah,” magalang nitong bati. “You may enter now. Hinihintay na kayo ni President.”

Hindi napansin ni Hannah na si Samantha ang unang tinawag ng assistant at hindi siya.

Pero napansin iyon ni Samantha.

At alam niyang sinadya iyon ni Jason.

Nagkatinginan silang dalawa sandali bago pareho umiwas ng tingin na parang walang alam.

Pagkapasok nila sa opisina ay agad bumungad ang malawak na glass walls at mamahaling interior ng buong silid. Malamig ang ambiance roon, pero mas malamig ang presensya ng lalaking nakaupo sa gitna ng opisina.

Lucien Reverio.

Nasa swivel chair ito habang may nilalarong ballpen sa kamay.

At sa isang iglap ay nanlamig ang buong katawan ni Samantha.

Kilala niya ang ballpen na iyon.

Siya mismo ang nagregalo noon kay Lucien.

Bahagyang kumunot ang noo niya.

May pinapahiwatig ba ito?

“Good day, President Reverio,” agad na bati ni Hannah. “I’m Hannah from Department One, and this is Samantha Aracosta, the new director of Department Two.”

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lucien.

At diretsong kay Samantha agad tumama ang mga mata nito.

“Good day, President,” kalmadong bati rin ni Samantha.

Bahagyang tumigil si Lucien sa paglalaro ng ballpen. Tumingin ito sa kabilang side at tila pinipigilang ngumiti bago muling bumalik ang seryosong mukha nito.

Pero hindi nakaligtas kay Samantha ang maliit na reaksyon na iyon.

Habang si Hannah naman ay halos hindi makatingin nang diretso sa lalaki.

Nakakatakot kasi talaga ang aura ni Lucien Reverio.

Napakalamig ng mga mata nito at parang kayang durugin ang isang tao sa simpleng tingin lang. Pero sa kabila no’n, hindi maikakaila na sobrang gwapo talaga nito.

Matalim ang features nito. Malinis ang jawline, makapal ang kilay, at napakalalim ng mga mata na parang kayang humila ng tao palubog.

No wonder maraming babae ang nahuhumaling rito.

Pero ang nakakailang ay ang paraan ng pagtitig nito kay Samantha.

Parang wala silang ibang kasama sa loob ng opisina.

Hindi inaalis ni Lucien ang tingin sa kanya na tila bawat galaw niya ay pinag-aaralan nito.

At mas lalong naging obvious iyon nang tumayo ang lalaki at lumipat sa single sofa.

Ibinaba nito ang ballpen saka tinanggal ang necktie niya.

Dahan-dahan iyong nilaro sa kamay nito.

At doon tuluyang natuyo ang lalamunan ni Samantha.

Tie.

That damn tie.

Nanigas siya sa kinatatayuan nang makilala iyon.

Iyon ang necktie na ginamit niya noon para itali si Lucien sa kama bago niya ito iniwan limang taon na ang nakalipas.

Nanlamig ang buo niyang katawan.

He’s doing this on purpose.

Habang si Hannah naman ay tila unti-unti nang kumakalma dahil mukhang hindi naman siya pinapansin ng Presidente.

Sa halip, kay Samantha lang talaga nakatutok ang atensyon nito.

Hindi rin naman niya masisi ang lalaki.

Samantha looked breathtaking.

Napakalinis tingnan ng babae sa suot nitong beige dress at salamin. Mukha itong inosente at elegante, kabaliktaran ng dangerous na tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Lucien.

Napataas lang ng kilay si Lucien habang nakatingin sa suot nitong salamin.

She never needed glasses before.

Parang gusto tuloy niyang tanggalin iyon mismo gamit ang sarili niyang kamay.

Kumuyom si Samantha nang mapansing panay ang lingon ni Hannah sa kanila. Halatang napapansin na rin nito ang kakaibang atmosphere sa loob.

Masama niyang tinignan si Lucien na tila pinapatigil ito sa ginagawa.

Pero sa halip na tumigil ay napailing lang ang lalaki saka marahang natawa.

“What a snob,” bulong nito.

“P-po?” naguguluhang tanong ni Hannah. “I’m sorry, President Reverio?”

Doon lang tuluyang inalis ni Lucien ang tingin kay Samantha.

Marahan itong sumandal sa sofa bago malamig na tumingin kay Hannah.

“Director Hannah,” mababa nitong sabi, “I’m not satisfied with your new hire for Department Two.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 44

    Sa loob ng dressing room, nagmamadaling kumuha ng damit si Samantha mula sa sabitan at isinuot ito habang nanginginig ang mga daliri nang marinig ang salitang "asawa ko."Sino ba ang asawa niya? Humingi ba siya ng permiso sa akin? Napakahilig niyang mag-assume at tawagin akong asawa sa harap ng ibang tao!Kung malalaman ng nanay ni Lucien na siya ang tinutukoy nitong asawa, baka magbayad pa ito ng milyong-milyon para lang palayasin siya sa buhay ng anak nito. Paano kung bawiin pa sa kaniya si Lucas at ang mga anak niya? Dahil sa takot, mas binilisan pa ni Samantha ang pagpoposisyon ng kaniyang damit.Natahimik naman nang ilang segundo si Mrs. Reverio sa labas ng pinto bago muling nagsalita, "Huwag mong sabihing si Azeneth ang nasa loob ng kwarto mo?" Talagang aya

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 43

    Natawa nang mahina si Lucien, "Baby, sigurado namang matutulog ako pabalik sa 'yo. Gabi-gabi kung gusto mo. Pero hindi mo pa nga nababayaran ang huling nangyari, tapos magsisimula ka na naman ng bago?" Ikinaway niya ang pantalon sa kaniyang kamay, na parang hawak niya ang pinakamahalagang alas. "Ngayong araw, kailangan mo akong bigyan ng pwesto sa buhay mo. Isang malinaw at walang kalokohang sagot.""Huwag mong isipin na basta mo na lang ako matatakasan ngayon!" dugtong pa ng lalaki. "Kung hindi, wala akong balak na papasukin ka sa trabaho sa buong linggong ito. Dito ka lang sa kama."Anong ibig sabihin ng hindi papasukin sa trabaho?"Oo, kung ano ang iniisip mo, 'yun nga. Magpapatuloy lang tayo rito sa kama hanggang sa maisip mo ang tamang sagot at bigyan mo ako ng maayos na label," bulong ni Lucien malapi

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 42

    "Wala... wala akong itinatago," mabilis na sagot ni Samantha habang ang kaniyang boses ay naging malambot at kabado siyang lumingon-lingon sa paligid.Iniisip niya sa kaniyang sarili na kailangan niya agad palitan ang password ng kaniyang cellphone pagkaalis dito. Bagamat hindi naman kailanman pinakialaman ni Lucien ang kaniyang mga chat history noon, paano kung bigla nitong makita ang mga mensahe isang araw? Siguradong tapos silang dalawa. "Kailangan ko talagang palitan 'yung password mamaya," bulong niya sa sarili.Sinubukan niyang kalman ang kaniyang sarili at nag-angat ng tingin. Doon niya lang malinaw na nakita na ang lalaki ay naka-suot ng isang itim na silk pajamas. Napatigil ang kaniyang paghinga; iyon ang kauna-unahang regalo na ibinigay niya rito noong bago pa lang silang magkasintahan. Mayroon pang maliit na burda sa may dulo ng manggas—L♡Y. Si

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 40

    Tinitigan niya ang pink na pajamas sa tabi nito, hinila ang kumot hanggang sa kaniyang kilikili, at medyo nahihiyang iniunat ang kaniyang kamay."Akin na nga 'yan, ako na ang magsuot sa sarili ko."Hindi nagsalita si Lucien, pero hindi rin huminto ang kaniyang mga kamay. Kinuha niya ang pang-itaas na damit at dahan-dahang ipinatong sa mga balikat ng babae.Ang malamig na dami ng silk ay nagpasingkit sa katawan ni Samantha, kaya ang tanging nagawa niya na lang ay sumunod sa pamamagitan ng pag-unat ng kaniyang braso papasok sa manggas.Sa buong proseso, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, at ang mga pisngi ni Samantha ay lalong nag-init.Yumuko si Lucien at isa-isang isinara ang mga butones ng kaniyang dami

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 39

    Bagamat labis niyang inayawan ang ganitong paraan ng pagpapainom at nakaramdam ng matinding hiya, sa sobrang uhaw ay wala na siyang pakialam at pasibo na lang na tinanggap ito.Gayunpaman, ang simpleng pagpapainom ng tubig ay dahan-dahang nagbago patungong isang kakaibang kapaligiran habang ang kanilang mga labi at dila ay muling nag-ugnay.Ang mga halik ng lalaki ay unti-unting nag-iba...Nang mapansin ni Samantha ang pagbabago, mabilis niyang itinaas ang kaniyang kamay para tapikin ang likod nito.Malugod namang humiwalay si Lucien, ang kaniyang mga labi ay nagniningning. Tinitigan niya ang babae nang may buong lambing at sinabi,"Baby, bakit parang napakalakas mo pa rin? Napakabilis naman yatang bumalik n

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 38

    Matapos sabihin iyon, sadyang iniwas niya ang kaniyang ulo pabalik para gumawa ng kaunting distansya sa pagitan nilang dalawa.Napasimangot naman si Samantha sa labis na kawalan ng kasiyahan, hinawakan ang mukha ng lalaki gamit ang kaniyang mga kamay, at sinubukang hilahin ito pabalik."Napakamahál ng alak na ito, gusto mo bang tikman din?""Paano mo naman gustong ipatikim sa akin?" tiningnan siya pababa ni Lucien, may nakatagong mapaglarong ngiti sa kaniyang mga mata."Ibabá mo ang ulo mo~" sumunod naman si Samantha, habang sinusubukang itaas ang kaniyang nahihilong maliit na ulo, ang mga mata ay malabo ngunit may pagmamadali,"Paano kita mapapakain kung iniiwas mo ang ulo mo pabalik?"

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 34

    Tinitigan ni Samantha ang mensahe sa kaniyang cellphone, at ang kaniyang mapuputing pisngi ay biglang nagbago patungong matingkad na pula.Saktong pagkatapos niyon, tahimik na itinulak ni Hannah ang pinto ng opisina nan

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 7

    “Director Samantha, sandali lang.”Napahinto si Samantha sa mismong pag-abot niya sa doorknob.Pagkalabas ni Hannah, biglang naging tahimik ang buong opisina. Pa

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 3

    Ilang taon na mula nang huling makatulog nang mahimbing si Lucien Reverio.Simula nang mawala si Samantha, parang tuluyan na ring nawala ang katahimikan ng gabi para sa kanya. Madalas ay madaling-araw na siya nakakatulog, at kadalasan ay dahil lang iyon sa tulong ng sleeping pills. Kahit gaano kala

  • The Billionaire’s Hidden Twins   Chapter 2

    Hinawakan at inalalayan ni Lucien Reverio ang baywang ni Samantha dahil muntik na itong matumba."Damn, Samantha, you're too drunk!"Ang magaspang at halos paos na boses na iyon ay dinig na dinig nila pareho. Tila napapaso si Lucien sa bawat parte ng katawan nilang magkadikit sa mga oras na iyon.G

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status