Sierra's POV
Habang marahang naglalakad sa gitna ng altar ay sandaling naipilig ko ang aking ulo at mahinang sinambit ang pangalan ng binatang matiyagang naghihintay sa akin sa harap ng altar.
Lucien Maxwell Alegria..
Bukod sa mayaman ay gwapo rin ito.
Sa kanyang tindig ay hindi mo ito mapagkakamalang bulag.
Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang braso nang makarating kami sa kanyang pwesto.
Marahan ang mga hakbang ay inalalayan ko itong makaakyat sa mismong altar.
“I'm sorry, I know this is not the wedding of your dreams,” balisang bulong nito.
“Okay lang. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo,” mabining sagot ko.
Kung si Sienna siguro ang naririto ay siguro ay taliwas ang sasabihin nito pero siguro ay hindi pa ito handang magpakasal sa lalaki. Gayunpaman, sa tingin ko ay mahal naman ng aking kambal si Lucien dahil sa sa tono ng pagsasalita nito sa tuwing magkukwento ito sa amin ni Voughn.
Labis ang aking kaba habang nasa gitna ng seremonya.
Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatingin sa lalaking aking katabi. Ito ang unang beses ko itong makikita at hindi ko inaasahan na siya pala ang lalaking pakakasalan ni Sienna.
Kaklase ito ni Sienna at nakilala ko ito noong panahong nagpapanggap ako bilang ang aking kambal para lang maipasa ang kanyang thesis. Third year college sa kursong business management, kahit na wala akong alam sa kursong iyon at iba sa aking kursong nursing ay pinilit kong aralin.
Ako ang nag-defend ng kanyang title para sa thesis. Kabilang ito sa mga kaklase ni Sienna na nag-umpisang lumapit sa akin noon, bakas sa mukha ng mga ito ang pagkagulat sa kung paano ko ipinaliwanag ang aking thesis.
“Magaling ka pala Zaldivar, akala ko puro lang pagpapaganda ang alam mo,eh.” Naalala ko pang puri sa akin ng isa sa mga kaklase nito. Kung sa bagay, hindi naman iyon ang unang beses na pinalitan ko ang kapatid ko sa klase niya dahil madalas ko iyong gawin noon lalo na kapag sinabi ni Dad. Kaya ang nagiging ending ay palaging nakakakuha ng mataas na marka si Sienna at nakakakuha ng pinamataas na karangalan.
Unang kita ko pa lang noon kay Lucien ay alam ko ng may kaya ito sa buhay bukod pa roon ay napakagaling nitong magsalita lalo na sa harap ng maraming tao. Mas ginanahan at sinipag ako noon magpunta sa ekswelahan ni Sienna, inaabangan ang bawat sandaling makikita ko si Lucien pero hindi ko inaasahan na lalapit ito sa akin akin pagkatapos ng final defense ng thesis. May saya subalit mas lamang ang lungkot dahil iyon na ang huling beses na makikita ko siya.
Saglit na katahimikan ang pumuno sa loob ng simbahan.
“Sienna, tinatanong ka ni Father,” bulong sa akin ni Lucien
“Ha? Sorry po,” hingi ko ng paumanhin. Hindi ko alam na ako na pala ang tinatanong ni Father dahil parang naglakbay ang aking diwa pabalik sa aming nakaraan.
“Noemi Sienna Zaldivar, do you accept Lucien Maxwell Alegria as your husband according to the law required by our Church?” muling tanong ng pari.
“Y-Yes, Father.” Rinig ko ang malakas na pagbuga ng hangin ng aking katabi na para bang nabunutan ito ng tinik sa dibdib dahil sa aking isinagot. Sa aking lalamunan naman ay may tila isang malaking piraso ng tinik ang nakabara habang sumasagot sa pari.
Nakakapanghinayang..
Kung sana ay naging totoo na lang ang lahat.
Hindi ko mapigilang mainggit kay Sienna habang tinititigan ang lalaking aking katabi.
Tama nga si Sienna.
He’s perfect. Nakakalungkot nga lang dahil nawalan ito ng paningin pero hindi naman iyon nakabawas sa kanyang kakisigan ng araw na ito.
He’s still too perfect for me at kung ako talaga ang napangasawa niya ay hinding-hindi ko siya iiwanan.
Pero hindi ako ang kanyang tunay na mapapangasawa kung hindi ang kakambal kong si Sienna at ang lahat ng ito ay isa lamang pagpapanggap.
SIENNA’S POV Nang makaalis sa lugar na iyon ay nagtungo ako sa bahay ni Flora sa isang pribadong subdibisyon. Here, hindi nila ako kilala bilang asawa ng isang Alegria kung hindi isa sa mga malalapit na kaibigan ni Flora kung kaya malaya akong nakakapasok at hindi na ako tinatanong pa ng gwardiya. Magkakalayo ang mga bahay na parang mahigit sampung metro ang layo sa isa’t isa. Kita ko na kaagad na may isang kotseng itim ang nakaparada sa harap ng kanyang bahay iba pa sa kanyang kulay pulang kotse na nasa garahe. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay maririnig mo na ang malakas na halinghing na nagmumula sa kanyang kwarto. Naiikot ko ang aking mga mata nang makarinig pa ng ung0l na mula sa dalawang lalaki. There’s nothing new. She’s doing it kahit pa tanghaling tapat. Nagtungo ako sa kusina na parang sa akin ang bahay na iyon, kumuha ako ng juice at pop corn bago humiga sa kanyang sofa at binuksan ang tv. Binalewala ko ang malaswang ingay na aking naririnig at patay malisyang nanood
SIENNA’S POVPagkatapos maligo ay muli kong isinuot ang aking fake pregnancy belly na kasing laki na ng tiyan ng isang tunay na buntis may lamang walo hanggang siyam na buwang gulang na bata. Nagsuot ako ng maternity shorts upang hindi nito malaman na peke ang aking tiyan at isa lamang iyong silicon. Naging maingat ang aking bawat kilos at hangga’t maaari ay hindi ko pinapahawakan.Walong buwan na akong nagpapanggap na buntis at dahil sa galing kong umakting na mukhang papasok bilang isang aktres ay walang isang nakahalata na hindi totoo ang aking ipinagbubuntis kahit pa ang mismo kong ama. Mas madalas akong nasa Condo dahil hindi ako makagalaw kapag nasa loob ako ng mansyon ng mga Alegria. Naging para akong isang babasaging plorera na iniingatan ng lahat. Isang prinsesa na pinagsisilbihan at ibinibigay ang lahat ng aking gusto ngunit hindi ako makakilos ng maayos at kinakailangan kong parating isuot ang peke kong tiyan. Nang makapagbihis ay saka ako nagmamadaling lumabas ngunit s
Payapa at napakasimpleng namuhay ang mag-inang Naomi at Abby sa probinsya ng Saskatchewan sa Canda kung saan ang bayan ay kilala bilang panglima sa pinakamalaking nagsusupply ng langis sa North America. Tinatawag din itong ‘Land of Living Skies’ dahil sa ganda at lawak ng mga palayan at kaparangan. Walong buwan na ang nakalipas buhat ng umalis siya sa Spire Valley Hospital upang maitago ang kanyang anak mula sa tunay na ama nito na si Lucien Maxwell Alegria; ang asawa ng kanyang kakambal na pinagsilbihan at inibig niya ng tunay habang ito ay hindi pa nakakakita . Nang huli silang magkausap ay ilang araw lamang nang makaalis sila upang magtago. Gusto niyang ipakilala si Abby kay Lucien bilang ama nito ngunit natatakot naman siya na baka kung ano ang gawin sa kanyang anak ni Sienna kapag nalaman nito na nagbunga ang panlolokong ginawa nila kay Lucien, maglilimang taon na ang nakalipas. “Mommy, I missed Mama and Papa. When are we going to visit them?” tanong ni Abby sa kanyang ina. “
LUCIEN'S POVHindi ako mapakali dahil sa balitang aking natanggap. That can't be. Hindi pwedeng mawala sila sa paningin ko lalo na ngayon na alam ko na anak ko si Abby. "Yan po ang dahilan Sir kung bakit ngayon lang ako tumawag. Ang akala ko ay nasa loob ng bahay lang ang mag-inang Naomi Sierra Villamor at Abigail Sierrenne Villamor kaya naghintay pa ako rito hanggang kahapon, Pero sa loob ng tatlong araw, tatlong tao lang ang nakita kong lumalabas ng bahay nila; Ang mag-asawang Alex at Olivia, at ang kaibigan ni Ms. Naomi na si Voughn Arciaga." "Teka, paanong nangyaring wala sila riyan? Sigurado ka ba?" "Nasa labas po ako ng Spire Valley Hospital kung saan nagtatrabaho si Ms. Naomi at ang sabi ng isa sa mga nurse na napagtanungan ko ay dalawang araw na raw po itong hindi pumapasok dahil lumipat na raw ito ng Ospital,” dagdag pa nito.“Lumipat? Si Abby? Naiwan ba ang bata?” sunod-sunod kong tanong.“Hindi na po pumapasok ang bata sa day care center kung saan ito nag-aaral. Pero k
LUCIEN'S POVUnang lumapit sa akin si Sienna dala ang maliit na kahit na hawak nito saka iyon binuksan.Isang pregnancy test at may dalawang guhit tanda na positibo ang resulta."Congratulations, Love. Magiging Daddy ka na," anito na maluha-luha saka ako niyakap. Kasunod nito ay si Papa Simon at ang aking mga magulang. "Congratulations, Lucien!""Congrats, anak," bati sa akin nina Mama at Papa Simon saka ako tinapik sa balikat. "Thank you," labas sa ilong na sagot ko. Imbis na saya ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Kung dati ay gustong gusto ko magkaanak, tipong ako pa ang namimilit kay Sienna ngayon ay kabaliktaran. Hindi ko magawang maipakita ang aking tunay na nararamdaman dahil sa daming nakasaksi ng pangyayaring ito, lahat ay pawang masaya dahil sa magandang balita. Tanging ako lang yata ang malungkot nang mga oras na iyon. "Are you not happy, anak? Sa wakas, magiging ama ka na," tanong
LUCIEN'S POVAng plano ko sana ay kapag umalis itong muli kasama ang kanyang mga kaibigan ay pupunta ako ng Canada upang makita man lang kahit sa malayo ang aking anak pati na rin si Naomi pero hindi iyon nangyari. Hindi na umaalis ng bahay o gumagala si Sienna kasama ang kanyang mga kaibigan. Mas madalas pa nga ito sa bahay, kasabay ko kumain sa umaga, inaayos ang aking damit sa tuwing papasok at hinihintay na niya maging ang aking pag-uwi. She becomes even sweeter and caring like imitating what we had in the island but it's totally different 'cause I already knew na hindi siya ang kasama ko roon.I already knew about everything. Si Naomi ang nakapalitan ko ng 'I do' at aking pinakasalan. Siya rin ang nakasama ko at nag-alaga sa akin sa Isla. Siya ang tunay kong minahal at nagmahal sa akin ng totoo. Hindi ko lang iyon maisatinig dahil hindi ko pa alam ang tunay na dahilan at paano nangyari ang bagay na iyon pero isa lang ang malinaw.Pinagsamantalahan nilang mag-ama ang aking kap