Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2025-07-04 17:47:57

Sierra's POV

“May the authority of the Church bear witness as it affirms and blesses this union. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit. You may now kiss the bride,” anang pari. Hudyat na  tapos na ang misa.

Hindi man ito nakakakita ay nahawakan nito ang aking belo. Puno ng pag-iingat  nitong  hinawakan ang aking pisngi at unti-unting inilapat ang kanyang labi sa akin. That was my first kiss, so I kept my eyes wide open while our lips were pressed together ngunit tila nagpadala ang aking katawan sa kanyang mainit na halik kung kaya’t marahan kong naipikit ang aking mga mata. For the first time, my heart raced. Para akong sumabak sa isang karera dahil sa bilis ng pintig ng aking puso. I'm likely thinking about this as one of my rewards today because I listened to Dad.

Malakas na palakpakan at sipol ang aking narinig na nagpamulat sa aking mga mata kahit pa  kakaunti ang laman ng simbahan. Kita ko ang pagngiti ni Lucien na mas lalong nagpahurumentado ng aking puso. Mas lalo itong gumwapo sa aking paningin at para bang mas lalo akong nahulog dito. Ang lihim kong pagtingin dito na ang akala ko ay matagal ko ng nabaon sa limot sa pag-aakalang isa lamang iyon sa mga tinatawag na puppy love ay parang sumidhi.

 Inilibot ko ang aking tingin at nakita ko si Sienna malapit sa pinto ng simbahan na nakasuot ng black hooded jacket at nakasalamin. I saw her smile, and I smiled back at her bago siya tumalikod at lumabas ng simbahan. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Lucien sa aking kamay.

“Let’s go,” bulong nito sa akin na hindi na napaalis ang ngiti sa labi nito. 

Magkahawak ang  aming mga kamay habang pababa ng altar. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya dahil sa kuryenteng dulot ng simpleng paghawak nito sa aking kamay. Sinalubong  kami ng mga bisitang hindi ko kilala kasama ang kanyang mga magulang gayon din si Dad na napakalawak ng ngiti. Tila ba natunaw ang aking puso dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong nakangiti si Dad dahil sa aking ginawa.

Did I make it?

Kahit peke ang kasal na ito ay napasaya ko si Dad.

“Congratulations, anak,” bati sa akin ng ina ni Lucien.

“Thank you po, Tita.”

“Please, call me mommy. Your a part of our family now at asawa ka na rin ni Lucien,” malambing na sabi ng ginang.

Ang lahat ay nagtungo sa venue ng reception. 

Nakaramdam ako ng lungkot dahil ito na ang huling beses na muli kong makikita si Lucien. 

Sa ngayon ay susulitin ko na ang pagkakataon na makakasama ko siya dahil bukas, Sienna will be the one accompanying him while I continue with my life.

Pero may mga bagay talagang hindi naayon sa plano.

Habang masayang nagkakasayahan sa reception ay nagsalita ang ina ni Lucien na si Gng. Victoria.

“It's better to just have  their honeymoon at the resthouse on the island that we own. Kapag nakahanap na tayo ng donor ay saka na sila mag-proceed sa Europe Tour, right dear?” anito sa kanyang asawang si Miguel Alegria.

Ngumiti na lang ako sa kanilang naging usapan dahil alam ko naman na hindi ko na dapat isipin ang bagay  na iyon. Ang usapan namin ni Dad ay proxy lang ako sa kasal.

“Excuse me, balae. May I borrow my daughter for a while?” sabat  ni Dad 

“Sure, go ahead. Siguro hindi makakatulog ng maayos si Simon dahil hindi niya na kasamang uuwi ang kanyang  most beloved daughter,” tumatawang  sabi naman ng ama ni Lucien. Sumunod ako kay Dad sa isang bakanteng kwarto at mabilis nito iyong sinarado. 

“ You will continue pretending to be Sienna,” mabilis na sabi ni Dad.

Nabigla ako sa sinabi ni Dad. 

Hindi ba dapat ay dito na magtatapos ang lahat?

Ano ang ibig sabihin niya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 19

    SIERRA’S POVLabis ang galit na aking nararamdaman nang malaman ang ginawa ni Sienna sa aking anak subalit hindi ko iyon mailabas dahil sa lihim ang pagkatao ni Abi, isa pa ay si Lucien ang naghatid sa aking anak. Ang akala ko ay umalis na ito pagkatapos nitong ibalik sa akin si Abi pero nagulat ako nang humarang ito sa aking dinaraanan pagkalabas ko ng banyo. Napatitig ako sa kanyang mukha dahil sa labis na pagkagulat pero agad ko rin iniiwas ang aking tingin bago pa man ako tuluyang mahumaling sa kanyang muli. Kahit na anong taboy ko rito ay sunod pa rin ito ng sunod.“Sandali lang, have we met before? A party, gatherings or charity? Hindi ko kasi maalala pero pamilyar sa akin ang boses mo.”Napahinto ako dahil sa kanyang sinabi.Pamilyar? Ibig bang sabihin ay hindi niya naalala kung sino ako o sadyang nalilito lamang ito?Kung sa bagay, kahit na kambal kami ni Sienna ay magkaiba namin kami ng boses at personalidad.Aaminin ko na dahil saa sinabi nito ay umasa ang puso ko. Na kah

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 18

    LUCIEN’S POV“Salamat sa paghatid mo kay Abi,” sabi lang nito na agad nag-iwas ng tingin. Akmang aalis na kaagad ito ngunit mabilis kong hinawakan ang kanyang braso. Napatingin ito sa aking kamay na nakahawak dito habang ako naman ay natitigilan. Mabilis ko itong binitawan na para bang napaso. “Sorry, I- I just wanted to ask something,” nahihiya kong sabi subalit hindi ko talaga maibaling sa iba ang aking paningin. Titig na titig pa rin ako sa kanyang mukha.“Ano iyon? Pwede bang sabihin mo na kaagad dahil baka kung ano ang isipin ng asawa mo,” sabi nito.“Kaninong anak si Abi? Sorry for the question I'm about to ask nalilito kasi ako sa sinabi sa akin ng bata. She said that you are her Mommy, but sometimes you are her Tita, what does she mean?”“Ah, iyon ba? Anak siya ni Mama Olivia pero mas madalas niya akong tawaging Mommy kaysa Tita. Iyon lang ba ang itatanong mo?” sagot naman nito na hindi man lang ngumingiti at parang nagmamadali.“Yeah, iyon lang.” Wala na akong ibang ma

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 17

    LUCIEN’S POVHindi ko maintindihan kung bakit napakagaan ng loob ko sa batang si Abi. Sa edad na apat ay napakagaling na nitong magsalita, may mga pagkakataon na nabubulol ito dahil na lang sa sobrang kadaldalan. “Do you know that witch?” tanong nito sa akin habang nakakapit sa aking leeg. Binuhat ko na lang ito upang mabilis namin mahanap ang taong gusto niyang makita. Sa dami ng tao ay posibleng masaktan ito kaya napagdesisyunan kong buhatin na lang. “Abi, it's bad to call someone a witch,” saway ko rito sa mahinahon na boses. “But she looks like one. She was yelling at me. She is fierce, and she has large eyes even her nails are as long as a witch's. Not unlike my Mama and Mommy’s nail,” paliwanag pa nito. Hindi ko naman ito masisisi kung matakot ito kay Sienna, sa naabutan ko kanina ay alam kong nasaktan ang bata. Napapailing na lang ako dahil iniisip ko kung paano na lang kung nagkaroon kami ng sariling anak. Ganoon din kaya ang pakikitungo niya o magiging mas maalaga siya?

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 16

    LUCIEN'S POVWala sa seremonya ang aking atensyon kung hindi sa dalagang kamukha ng aking asawa. Magkamukhang magkamukha silang dalawa pero magkaiba sila ng personalidad. Parang may nakakabit ditong bato-balani dahil hindi ko maialis sa kanya ang aking atensyon kahit pa hanggang sa makarating kami sa reception. Buong pagmamalaki akong ipinakilala ni Sienna sa mga naroroon kahit pa marami na ang nakakakilala sa akin dahil sa dalas nila akong makita sa tv at internet. "Are you listening, love? Lucien! " may himig ng pagkainis sa boses nito habang kinakausap ako."Yeah, love. Are you sure that woman is not your sister?" tanong ko ulit dito dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi na hindi niya ito kapatid. " I already told you so many times,hindi nga. Kung gusto mo malaman, bakit hindi mo na lang siya tanungin. It's so annoying," padabog na sabi nito. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ito ng malapitan nang lumapit kami sa baging kasal. Saka ko lang napagtantong she's m

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 15

    SIERRA'S POVBiglang nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang lalaking apat na taon kong hindi nakita. Mas lalong kumalabog ang aking puso nang magtama ang aming mga tingin, parang doon pa lang ay sandaling nag- usap ang aming mga mata. Mabilis kong iniwas ang titig dito dahil alam ko na kahit makita niya ako ay hindi niya naman ako kilala. Sa panahon na kasama ko siya ay wala itong nakikita kaya malabong mangyari na mamukhaan niya ako."Tingin lang po sa camera, everybody smile," sabi ng photographer. Pilit ang ngiti at itinuon ang aking mata sa lente ng kamera."Nao, are you okay?" bulong na tanong sa akin ni Mama Olivia na tila naramdaman ang aking pagkabalisa. "Ma, ikaw na po muna ang bahala kay Abi. Huwag mo siya palalapitin sa akin. He's here, " makahulugan kong sabi. Nanlalamig ang aking mga kamay at hindi mapakali. Hinawakan ni Mama ang aking kamay at marahan iyong pinisil. Nagkaroon pa ng ilang beses na pictorial bago isa- isang lumabas ang mga tao sa simbahan upang ab

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 14

    SIERRA'S POVNang makarating kami sa simbahan ay agad kong inilibot ang aking tingin sa kabuuan pati na rin sa kumpulan ng mga dumalo. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi makita kahit isa man lang sa mga taong ayaw kong makita. Kasama ko sa bridal’s car si Mama Olivia at si Abi.Agad kong narinig ang wedding song pagkababa ko pa lang ng sasakyan at pinapila na ang mga abay. Buong seremonya ay naging kampante ako dahil alam kong wala sila rito, itunuon ko ang aking atensyon sa seremonya at ginampanan ko ang aking tungkulin bilang made of honor ni Mama Olivia habang nasa tabi ko naman si Abi. Nang matapos ang seremonya ay malakas na palakpakan ang aming narinig. Sa kabila ng malakas na sigawan at ingay ay narinig ko na may tumawag sa akin. "Nao, is that you?" Napalingon ako sa aking likod."Voughn! Kamusta?" Napangiti ako nang makita ang matalik kong kaibigan. He's my childhood friend. Malapit din siya sa aking kakambal pero dahil nasa iisang field kami ng pinagtatrabahuan ay ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status