SIERRA’S POV
“M-Mama, hindi po ba pwedeng sa ibang kwarto na muna ako matulog. I mean, hindi pa po kasi ako handa sa pwedeng mangyari,” nahihiya kong sabi. Nagkatinginan ang mag-asawa saka sabay na tumawa nang marinig ang aking sinabi habang tila pinamumulahan naman ng mukha si Lucien.
“You're too naive, Sienna; that's why I think you would be a good match for my son. Kung okay lang sa asawa mo ay walang problema pero sanayin mo na ang sarili mo na kasama ang asawa mo sa iisang kwarto dahil simula sa araw na ito ay magkasama niyo nang haharapin ang bawat araw at pagsubok sa buhay,” sabi pa nito.
“No need to worry; I won't pressure you into doing anything you're uncomfortable with. Kaya kong maghintay, ang mahalaga ay kasal na tayo,” sabi naman ni Lucien nang marinig nito ang pagsarado ng pinto ng kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kanyang sinabi. Ang buong akala ko ay dito na mawawala ang aking iniingatan. Hindi lang ito gwapo dahil may konsiderasyon din ito at may taglay ding kabaitan. Magkaiba kami ng kwartong tinulugan ng gabing iyon pero kahit ganoon ay inaasikaso ko ito na parang isang tunay na asawa. Sa ikalawang araw ay dumating si Dad sa bahay ng mga Alegria.
“Balae, napadalaw ka?” tanong ni Mama Victoria nang makita si Dad.
“Nakakahiya man sabihin, balae pero miss ko na ang prinsesa ko. Alam mo naman na siya na lang ang kasama ko sa buhay matapos mawala ang asawa ko,” ani Dad. Gusto ko na sanang ngumiti dahil sa sinabi nito ngunit nang maalalang si Sienna nga pala ako ngayon ay nilukob ng lungkot ang aking puso.
“Gusto ko sanang hiramin ang anak ko, balae, kahit dalawang araw lang. Nakakahiya man pero makikiusap na ako para sana makasama ang anak ko sa huling pagkakataon,” dagdag pa ni Dad.
“Walang problema, balae. Hindi naman ito ang huling pagkakataon na makakasama mo si Sienna. You can still be with her and visit her,” sagot naman ni Mama Victoria.
Naririnig namin ni Lucien ang naging pag-uusap ng dalawa kaya ramdam ko ang paghigpit ng kapit nito sa aking kamay na para bang ayaw akong pakawalan.
“Are you going to leave me?” sabi ni Lucien. Mahina kong pinisil ang kanyang kamay.
“Babalilk din ako kaagad. May kailangan lang akong asikasuhin.”
“Ipangako mo na babalik ka. Will you get back to me?” puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
“Oo naman. Babalik ako, promise,” sabi ko. Kinapa nito ang aking mukha hanggang ang kanyang mga daliri ay dumako sa aking labi at unti-unti niyang inilapat ang kanyang mga labi. Para akong nabato-balani at bumilis ang tibok ng aking puso. May hatid na mahika ang bawat halik at pagdampi ng kanyang balat sa aking katawan na nagiging dahilan nang pagbilis ng tibok ng aking puso.
“Maghihintay ako,” mahinang sabi ni Lucien nang maghiwalay ang aming mga labi.
Siguro ay kailangan ko na rin magpa-comprehensive checkup, pakiramdam ko kasi ay may sakit na ako sa puso dahil sa tuwing lalapit sa akin si Lucien ay para akong kakapusin ng paghinga dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.
Kasama kong umalis ng mansyon ng mga Alegria si Dad.
“Do what is necessary, as we cannot predict how long you will remain by Lucien's side,” makahulugang sabi ni Dad. Inihatid niya ako sa bahay ni Tita Olivia kung saan ako nakatira. Habang nasa bahay ay inayos ko ang aking mga gamit at gumawa ako ng resignation letter sunod naman ay nagtungo ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho upang ibigay ang aking resignation letter. Kinagabihan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Voughn; kaibigan at kababata namin ni Sienna. Nagtatrabaho rin ito sa nasabing ospital bilang isang medtech.
“Nao, nagresign ka na raw? Bakit? Akala ko ba nag-sick leave ka lang?” sunod-sunod na tanong nito sa akin.
“Saka ko na lang sasabihin, Voughn. Ikaw na bahala sa mga pasyente ko ah, nakukwento ko naman sila palagi sa iyo.”
“Hay, wala akong magagawa kung ayaw mong magsalita basta kung magkaproblema ay sabihan mo ako kaagad,” sabi nito.
Mabigat sa aking loob ang magbitiw sa aking trabaho lalo na napamahal na ako sa ilan sa aking mga inaalagaang pasyente lalo na at sa pedia ward ako nakadestino. Wala naman akong magagawa dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako magpapanggap bilang aking kakambal na si Noemi Sienna Zaldivar.
SIENNA’S POV Nang makaalis sa lugar na iyon ay nagtungo ako sa bahay ni Flora sa isang pribadong subdibisyon. Here, hindi nila ako kilala bilang asawa ng isang Alegria kung hindi isa sa mga malalapit na kaibigan ni Flora kung kaya malaya akong nakakapasok at hindi na ako tinatanong pa ng gwardiya. Magkakalayo ang mga bahay na parang mahigit sampung metro ang layo sa isa’t isa. Kita ko na kaagad na may isang kotseng itim ang nakaparada sa harap ng kanyang bahay iba pa sa kanyang kulay pulang kotse na nasa garahe. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay maririnig mo na ang malakas na halinghing na nagmumula sa kanyang kwarto. Naiikot ko ang aking mga mata nang makarinig pa ng ung0l na mula sa dalawang lalaki. There’s nothing new. She’s doing it kahit pa tanghaling tapat. Nagtungo ako sa kusina na parang sa akin ang bahay na iyon, kumuha ako ng juice at pop corn bago humiga sa kanyang sofa at binuksan ang tv. Binalewala ko ang malaswang ingay na aking naririnig at patay malisyang nanood
SIENNA’S POVPagkatapos maligo ay muli kong isinuot ang aking fake pregnancy belly na kasing laki na ng tiyan ng isang tunay na buntis may lamang walo hanggang siyam na buwang gulang na bata. Nagsuot ako ng maternity shorts upang hindi nito malaman na peke ang aking tiyan at isa lamang iyong silicon. Naging maingat ang aking bawat kilos at hangga’t maaari ay hindi ko pinapahawakan.Walong buwan na akong nagpapanggap na buntis at dahil sa galing kong umakting na mukhang papasok bilang isang aktres ay walang isang nakahalata na hindi totoo ang aking ipinagbubuntis kahit pa ang mismo kong ama. Mas madalas akong nasa Condo dahil hindi ako makagalaw kapag nasa loob ako ng mansyon ng mga Alegria. Naging para akong isang babasaging plorera na iniingatan ng lahat. Isang prinsesa na pinagsisilbihan at ibinibigay ang lahat ng aking gusto ngunit hindi ako makakilos ng maayos at kinakailangan kong parating isuot ang peke kong tiyan. Nang makapagbihis ay saka ako nagmamadaling lumabas ngunit s
Payapa at napakasimpleng namuhay ang mag-inang Naomi at Abby sa probinsya ng Saskatchewan sa Canda kung saan ang bayan ay kilala bilang panglima sa pinakamalaking nagsusupply ng langis sa North America. Tinatawag din itong ‘Land of Living Skies’ dahil sa ganda at lawak ng mga palayan at kaparangan. Walong buwan na ang nakalipas buhat ng umalis siya sa Spire Valley Hospital upang maitago ang kanyang anak mula sa tunay na ama nito na si Lucien Maxwell Alegria; ang asawa ng kanyang kakambal na pinagsilbihan at inibig niya ng tunay habang ito ay hindi pa nakakakita . Nang huli silang magkausap ay ilang araw lamang nang makaalis sila upang magtago. Gusto niyang ipakilala si Abby kay Lucien bilang ama nito ngunit natatakot naman siya na baka kung ano ang gawin sa kanyang anak ni Sienna kapag nalaman nito na nagbunga ang panlolokong ginawa nila kay Lucien, maglilimang taon na ang nakalipas. “Mommy, I missed Mama and Papa. When are we going to visit them?” tanong ni Abby sa kanyang ina. “
LUCIEN'S POVHindi ako mapakali dahil sa balitang aking natanggap. That can't be. Hindi pwedeng mawala sila sa paningin ko lalo na ngayon na alam ko na anak ko si Abby. "Yan po ang dahilan Sir kung bakit ngayon lang ako tumawag. Ang akala ko ay nasa loob ng bahay lang ang mag-inang Naomi Sierra Villamor at Abigail Sierrenne Villamor kaya naghintay pa ako rito hanggang kahapon, Pero sa loob ng tatlong araw, tatlong tao lang ang nakita kong lumalabas ng bahay nila; Ang mag-asawang Alex at Olivia, at ang kaibigan ni Ms. Naomi na si Voughn Arciaga." "Teka, paanong nangyaring wala sila riyan? Sigurado ka ba?" "Nasa labas po ako ng Spire Valley Hospital kung saan nagtatrabaho si Ms. Naomi at ang sabi ng isa sa mga nurse na napagtanungan ko ay dalawang araw na raw po itong hindi pumapasok dahil lumipat na raw ito ng Ospital,” dagdag pa nito.“Lumipat? Si Abby? Naiwan ba ang bata?” sunod-sunod kong tanong.“Hindi na po pumapasok ang bata sa day care center kung saan ito nag-aaral. Pero k
LUCIEN'S POVUnang lumapit sa akin si Sienna dala ang maliit na kahit na hawak nito saka iyon binuksan.Isang pregnancy test at may dalawang guhit tanda na positibo ang resulta."Congratulations, Love. Magiging Daddy ka na," anito na maluha-luha saka ako niyakap. Kasunod nito ay si Papa Simon at ang aking mga magulang. "Congratulations, Lucien!""Congrats, anak," bati sa akin nina Mama at Papa Simon saka ako tinapik sa balikat. "Thank you," labas sa ilong na sagot ko. Imbis na saya ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Kung dati ay gustong gusto ko magkaanak, tipong ako pa ang namimilit kay Sienna ngayon ay kabaliktaran. Hindi ko magawang maipakita ang aking tunay na nararamdaman dahil sa daming nakasaksi ng pangyayaring ito, lahat ay pawang masaya dahil sa magandang balita. Tanging ako lang yata ang malungkot nang mga oras na iyon. "Are you not happy, anak? Sa wakas, magiging ama ka na," tanong
LUCIEN'S POVAng plano ko sana ay kapag umalis itong muli kasama ang kanyang mga kaibigan ay pupunta ako ng Canada upang makita man lang kahit sa malayo ang aking anak pati na rin si Naomi pero hindi iyon nangyari. Hindi na umaalis ng bahay o gumagala si Sienna kasama ang kanyang mga kaibigan. Mas madalas pa nga ito sa bahay, kasabay ko kumain sa umaga, inaayos ang aking damit sa tuwing papasok at hinihintay na niya maging ang aking pag-uwi. She becomes even sweeter and caring like imitating what we had in the island but it's totally different 'cause I already knew na hindi siya ang kasama ko roon.I already knew about everything. Si Naomi ang nakapalitan ko ng 'I do' at aking pinakasalan. Siya rin ang nakasama ko at nag-alaga sa akin sa Isla. Siya ang tunay kong minahal at nagmahal sa akin ng totoo. Hindi ko lang iyon maisatinig dahil hindi ko pa alam ang tunay na dahilan at paano nangyari ang bagay na iyon pero isa lang ang malinaw.Pinagsamantalahan nilang mag-ama ang aking kap